You are on page 1of 2

Ang Paruparo at ang Tipaklong

(The Butterfly and The Grasshopper)

Sa kuwentong "Ang paruparo at ang Tipaklong", makikita ang masaya at pagkakaisa ng mga maliliit na
maga nilalang. Ipinakikita ng kuwento ang mga likas na katangian ng mga ito upang mapanatili ang buhay
at makatulong sa iba na mabuhay. Ang mga tauhan ay ang sumusunod:

Paruparo

Tipaklong

Langgam

Ang kanilang Mundo

May tipaklong at paruparo sa isang hardin. Naninirahan sila dito nang masaya't payapa. Ang tipaklong ay
kulay berde samantalang ang paruparo ay dilaw at kahel. Kumakain ng insekto ang tipaklong at ang
paruparo naman ay nabubusog sa nektar ng mga bulaklak.

Ang Aksidente

Isang araw, naaksidente sa paglipad ang tipaklong at ito'y bumagsak. Nawalan ang tipaklong ng malay
kaya't agad siyang tinulungan ng paruparo nang makita siya.

Ang mga langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna at hari. Ang isa sa mga
sundalong langgam ay tumawag sa kanilang kolonya ng doktor. Nang nakita ng doktor na langgam si
tipaklong at sinabing: "Malubha ang kanyang kalagayan. Sana'y gumaling siya sa ibibigay kong lunas".

Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik. Hinintay niyang magising ang nawalan
ng malay niyang kaibigang tipaklong. Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat siyang makita
ang paruparo sa kanyang tabi, nagbabantay.

Kinuwento ng paruparo ang lahat ng nangyari sa tipaklong at nagpasalamat si tipaklong. Tumanaw ito ng
utang na loob lalo't nagawa pa nitong tumawag ng maggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa't
nagpaalam sa isa't isa. Nangako ang dalawa na magkikitang muli.
Ang Pagtanaw ng Utang-na-loob

Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi
ng langgam na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya. At dahil naramdaman ng paruparo na
dapat matulungan niya ang langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa
hapagkainan.

Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang lalagyan ng mga naipong nektar noong
tag-araw. Kaya ang mga ito ay masasarap. Ibinigay niya ang lalagyan na ito sa langgam.

Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang tsiminea para agad nang maluto ang
nektar sa lalagyan at maging asukal. Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang
langgam para may katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang kaharian.

Nang makarating ang mga ito, pinainom pa ng paruparo ang mga langgam na silang uhaw na uhaw sa
pagmartsa. Ang lahat ng langgam ay nagpasalamat nang buong puso kay paruparo.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/586465#readmore

You might also like