You are on page 1of 10

ANG ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at
ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si
Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran
ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang
kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil
sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa
kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang
beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di
makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kayat
nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng
bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang
sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya
ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya
ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri
ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni
Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata
para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang
kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa
bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

ALAMAT NG KALABAW AT BAKA


Noon pa man ay matalik ng magkaibigan si baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng
mga magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski
anong hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang
isang araw sila ay tinamad na magtrabaho.
Noong unang panahon ang pinakaunang baka at kalabaw ay itinalaga ni Bathala na
tumulong sa magsasaka sa gawaing bukid. Tulad ng kanilang amo, masipag si baka at
kalabaw. Hindi nila inaanlintala ang bigat ng araro at init ng araw sa trabaho sa bukid. Arawaraw na ganito ang ginagawa ng magkaibigang hayop. Sa gabi lamang sila
nakakapagpahinga.
Isang gabi pagkatapos ng trabaho sa bukid ay nagsama-sama ang mga alagang hayop ng
magsasaka. Nagkuwentuhan sila sa kanilang ginawa sa buong maghapon.
Napansin ng dalawa mula na rin sa kuwento ng mga ibang hayop na sila lamang ang pagod
na pagod na buong maghapong nagtratrabaho sa bukid. Samantala ang mga ibang hayop
ay walang ginawa kundi maglaro o di kayay kumain lamang. Tulad na lamang ni manok na
buong maghapon daw na palakad-lakad lamang na naghahanap ng uod na makakain, o di
kayay si pato na palangoy-langoy lang daw sa ilog at si kambing na walang ring ginawa
kundi kumain ng kumain ng damo.
Kinabukasan, dahil sa mga narinig mula sa ibang hayop ay napagkasunduan ng dalawa na
magpahinga sa araw na iyon. Sa halip na magtrabaho ay magpupunta sila sa katabing ilog
upang maligo. Inantay nilang makatulog ang magsasaka at saka tahimik na inalis ang mga
suot na araro at nagtungo sa may ilog.
Tinanggal ng dalawa ang kanilang mga balat at sinampay ito sa may puno saka tumalon sa
ilog. Ngunit biglang nagising ang magsasaka at nakita na nawawala ang dalawa. Hinanap
niya ang mga ito at natanaw niya sila sa may ilog na masayang naliligo.
Kinuha ng magsasaka ang kanyang pamalo at lumapit sa dalawang magkaibigan. Nagulat
si baka at kalabaw ng makitang papalapit sa kanila ang magsasaka. Dali-daling tumayo ang
dalawa at isinuot ang kanilang balat na nakasampay sa puno. Ngunit dahil sa pagmamadali
at sa takot, nagkapalit ng nakuhang balat ang dalawa. Dahil mas mataba si kalabaw
masikip sa kanya ang balat ni baka. Samantalang maluwag naman kay baka ang balat ni
kalabaw kayat nakalawit sa may leeg ang balat.

Nagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawa sa magsasaka. Pinatawad niya ang mga
ito ngunit bilang parusa sa ginawa ng dalawa ay hindi na pinagpalit ng magsasaka ang mga
balat nila. Ito na rin ang magpapaalala sa dalawa na huwag maging tamad at gawin ang
iniatas na trabaho.

ALAMAT NG PANIKI

Noong unang panahon, noong bata pa ang mundo ay nagkaroon ng malaking hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon. Pinagtatalunan
nila kung sino ang mas may karapatang manirahan sa malago at mayamang kagubatan.
Parehas na ayaw magbigayan ang dalawang pangkat at pinipilit na sila ang mas nararapat
kaysa sa isa. Dahil dito nag-away-away ang mga mababangis na hayop at mga ibon.
Naglabanan sila upang makita kung sino ang tatagal at mananaig.
Patuloy ang labanan buong araw. Tumitigil lamang ito sa gabi upang makapagpahinga ang
mga hayop upang sa susunod na araw ang may lakas sila upang ipatuloy ang
pakikipaglaban.
Ngunit may isang hayop ang hindi niya malaman kung saan siya papanig. Ito ay si Paniki.
Palibhasa hindi niya kasi malaman kung mahahanay ba siya na isang mabangis na hayop o
di kayay ibon. Ayaw niyang kumampi sa matatalo kung kayat ang ginawa niya ay
nagmasid-masid muna ito sa di kalayuan at pinanood ang nagaganap na labanan. Nang
sumapit ang hapon at nakita niya na lumalamang ang mga ibon laban sa mga mababangis
na hayop ay dali-dali itong lumapit sa kampo ng mga ibon at nakihalubilo.
Nakita ng mga ibon si Paniki at tinanong siya kung bakit siya asa kanilang kampo
samantalang isa naman daw siyang mabangis na hayop. Mabilis na pinabulaan ni Paniki na
siya as isang mabangis na hayop; siya raw ay isang ibon. Hindi nga bat meron din daw
siyang mga pakpak tulad nila. Nakumbinsi niya ang mga ibon at siya ay isinama sa kanilang
pagdiriwang.
Kinabukasan ay ganoon ulit ang ginawa ni Paniki. Nanatili siya sa isang mataas na puno at
nagmasid-masid ulit muna ito at inantay kung sino ang mukhang nananalo. Dahil lumamang
naman sa pagkakataong iyon ang mga mababangis na hayop, sa kanila lumapit si Paniki.
Masayang nakihalubilo si Paniki sa mga mababangis na hayop. Ngunit tulad din ng mga
ibon, tinanong nila kung bakit siya nasa kanilang kampo samantalang isa siya sa mga
kaaway. Pinabulaanang muli ito ni Paniki. Isa daw siyang mabangis na hayop dahil tulad
nila meron din siyang matatalim na mga pangil. Ang mga ibon ay wala nga namang mga
pangil tulad nila kaya isinama din nila ito sa pagdiriwang.
Araw-araw ay ganoon nga ang ginawa ng tusong si Paniki. Natutuwa siya sa husay ng
kanyang naisip. Hayaan na lang daw na mapagod ang mga mababangis na hayop at ibon

sa pakikipaglaban basta sa kampo ng panalo siya sasama; hagikgik nito. Nanonood nga
muna ito at saka lang bumaba sa nananalong grupo.
Isang araw, napagod na ang mga diwata sa away ng mga mababangis na hayop at mga
ibon. Ipinatawag nila ang mga ito at pinagkasundo. Nagtalaga sila ng mga dibisyon kung
saan maninirahan ang bawat hayop. Sa wakas ay natapos din ang matagal na labanan.
Nagsisipag-uwian na ang mga mababangis na hayop at ibon sa kanikanilang itinalagang
mga lugar nang makita nila si Paniki. Dahil sa nakita nila at nalaman ang ginawa nitong
pagpapalit-palit ng panig sa nananalong kampo, wala sa mga ito ang may gustong kasama
siya sa kanilang pangkat. Pinagtabuyan ng mga mababangis na hayop at ng mga ibon ang
kawawang si Paniki.
Simula noon ay hindi na nga nakikihalubilo si Paniki sa kahit anong hayop. Dahil sa hiya,
tuwing gabi na lamang ito mag-isang lumilipad upang humanap ng kanyang makakain.

Gobernador-Heneral
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang Gobernador-Heneral ay ang gobernador na pangkalahatan na may mataas na ranggo, o


prinsipal na gobernador na mas mataas ang ranggo kaysa "ordinaryong" gobernador. Siya ang
pinuno ng mga tauhang nasa ilalim niya o pinuno ng mga gobernador na deputado. [1]

Mga tungkulin[baguhin]
Kabilang sa mga tungkulin ng isang gobernador-heneral ang mga sumusunod:

tagapatupad ng mga dekreto at batas ng hari mula sa Espanya

tagahirang at tagatanggal ng mga opisyal at kawani maliban sa mga hinirang ng mga hari

tagapangasiwa ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan at sa pangongolekta ng buwis

tagapagdeklara ng pakikidigma o pakikipagkasundo sa iba pang bansa sa Silangan.

tagahirang at tagatanggap ng mga embahador mula sa iba't ibang bansa sa Silangan.

tagapamahala ng mga pulo sa Pasipiko na bahagi noon ng Pilipinas.

punong komandante ng hukbong sandataan.

MGA KAPANGYARIHAN at TUNGKULIN ng mga PINUNO ng


PAMAHALAANG
MGA KAPANGYARIHAN at TUNGKULIN ng mga PINUNO ng PAMAHALAANG
KOLONYAL
Gobernador-Heneral
1.Punong tagapagpaganap sa buong bansa
2.Nagpapatpad ng mga batas o dekrito mula sa espanya
Alcade Mayor
1.kinakatawanng gobernadorheneral at punong tagapaganap sa mga lalawigan
corregidor
1.Pangunahing tungkulin ng isang coreigidor ang pagpapayapa sa pook na
nasakupan.
2.Ginagampananang tungkulin ng alcade mayor at punong tagapagpaganap ng
lalawigan.

Dalawang Alcade Orinarios


Regidores O konsehal
1.tungkulin niya ay pamunuanat pangasiwaan ang mga lungsod o ayuntamiento.
2.Ang mga regidores naman ay tumutulong sa pagpapatupad ng batas.

Gobernadorcillo
1.ang tungkulin nya aynamamahala sa pamahalaang pambayan.
2.Naghahanda ng listahan ng mga dapat magbayad ng buwis at magtabaho ng
polo.
Cabeza de barangay
1.Ang pinakamahalagang tungkulin nya ay mangolekta ng buwis sa barangay.
2.nagsasaayos ng manggagawa sa ilalim ng polo.
binubuo ito ng gobernador-Heneral bilang pangulo , tatlong oidores o mahistrado at
isang pisikal.
Royal Audiencia
Nilikha ang Royal Audiencia noong mayo 5 , 1583. binubuo it ng gobernador-heneral
bilang pangulo, tatlong oideres o mahistrado at isang pisikal .
Residencia
Isang lupong tagapagsiyasat sa mga nagawa na ng pag-papaalis na gobernadorheneral at ang tungkulin ng residencia. Pinagasiwaan ito ng papalit na gobernadorheneral at tumatagal ito ng anim na buwan.
Visitador
ito ang ''Mata ng Hari" sa mga kolonyal. ito ay isang opisyal na galing sa espanya na
lihim na nagsisiyasat samga gawain ng mga matataas na pinuno sa koonyal .

All Of Me Lyrics
from Love in the Future
"All Of Me" is track #6 on the album Love in the Future. It was written by Gad, Toby / Legend, John.
See "All of Me" John's own handwriting, and be sure to check out our feature on the top ten littleknown facts about the singer-songwriter's massive single.

[Verse]
What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down
What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright
[Bridge]
My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
[Chorus]
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh
[Verse]
How many times do I have to tell you
Even when you're crying you're beautiful too

The world is beating you down, I'm around through every mood
You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues
I can't stop singing, it's ringing in my head for you
[Bridge]
My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind
[Chorus]
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh
Give me all of you, oh oh
[Bridge]
Cards on the table, we're both showing hearts
Risking it all though it's hard
[Chorus]
Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning

Cause I give you all of me


And you give me all of you
I give you all of me
And you give me all, of you, oh oh oh

You might also like