You are on page 1of 2

Ang mga kwentong mitolohiya sa mundo ay sadyang nakakatuwa at nakakaaliw

basahin. Bawat kultura at tradisyon ng mga bansa naisasaad dito. Katulad


nalamang ng kwentong Si Pluto at Proserpina ng bansang griyego. Syempre nandito
rin ang Maria Makiling ng ating bansa. Sadyang nakakatuwang basahin ang
dalawang kwentong ito na nag bibigay saatin ng aral at kaalaman narin sa kultura
ng
bansa.
Ang kwentong si Pluto at si Proserpina ay isang mitolohiyang griyego tungkol sa
paghahanap ni Demeter sa kanyang nawawalang anak na si Proserpina. Makikita
dito ang tiyaga at paghihirap ni Demeter sa kanyang paghahanap sa kanyang anak.

Si Demeter ay ang diyosa ng lupa. Siya ang namamahala ng buongkalupaan sa


mundo. Tinatawag din siyang inang lupa. Meron siyang napakagandang anak na si
Proserpina. Katulong niya ito sa kanyang pangagalaga sa kanyang mga halamanan.
Kung minsan ay namimitas silang mag ina ng mga bunga o dikaya naman ay
minsay ay nakikipagsayaw si Proserpina sa mga kapwa niya mga babae. Nang
mga panahong iyon naman ay nalulungkot si Pluto dahil nag iisa lamang siya sa
kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Gusto narin niya mag karoon ng kabiak o reyna
sa kanyang kaharian. Marami na siyang babaeng inalayan ng kaniyang
pagmamahal ngunit wala sinuman ang sumama sa kanyang kaharian. Isang araw
nagtungo si Pluto sa ibabaw ng lupa. Nakasakay siya sakanyang karosa na hinihili
ng mga kabayong hindi namamatay. Nagkataong nandoon sa kanilang parang si
Proserpina kasama ang isang kaibigan. Nakita ni Pluto si Proserpina at agad niya
itong kinuha. Humingi ng tulong si Proserpina sa kanyang amang si Zeus ngunit
hindi siya naririnig nito. Sigaw siya ng sigaw ngunit walang nakakarinig sakanya.
Hindi siya tumigil sa kanyang pagsigaw at narinig ng mahiwagang Dyosang si
Hekate. Sa kanyang pag sigaw ng pag sigaw narinig din ito ng kanyang inang si
Demeter. Dali-dali siyang umuwi at hinanap si Proserpina ngunit wala siya sa
kanilang pook. Dahil sa kalungkutan ni Demeter ay tumamlaw ang mga lupa. Halos
nawawalan na ng ani ang mga tao sa mundo. Hinanap siya ng hinanap ni Demeter
ngunit hindi parin niya ito masumpungan. Dumating sa kanya si Hetake nang
ikasampung araw. Hindi na naaasikaso ni Demeter ang trabaho niya sa kalupaan
kaya namamatay na ang mga halaman at iba pa. Sahuli ay lumapit siya kay zeus.
Hiniling niya na kung ibabalik niya si Proserpina ay magiging masagana ulit ang ani
salupa. Naawa sa kanya si Zeus kaya naawa siya. Binalik siya ni Zeus kay Demeter.
Ngunit kahit gayoon ay natuwa parin si Pluto dahil napakain na si Proserpina ng
anim na pomegranada. Dahil sa pagkakain niyang yaon ay dapat manirahan si
Proserpina ng anim na buwan sa piling ni Pluto. Kaya sa isang taon merong anim na
buwan si Proserpina kasama ang kanyang inang si Demeter at isa pang anim na
buwan kasama si Pluto.

Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mga bundok. Isang
araw, isang magsasaka ang pumunta sa bundok. Mangangahoy siya at manghuhuli
ng usa upang may makain ang kaniyang pamilya.Tuwang-tuwa ang magsasaka.
Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa.
Ngunit mabilis na nakatakbo ang usa. Sinundan ito ng magsasaka.Naligaw
siya at hindi na niya malaman ang daang pabalik sa kanila. Nagpatuloy sa
paghahanap ng daan ang magsasaka. Isang kubo ang natanaw niya sa gitna ng
gubat. At siya ay humanga sa kanyang nakita. Bumukas ang pinto at isang
napakagandang babae ang nakita ng magsasaka. Nagpakilala ang babae sa
magsasaka, dahil pagod na pagod ang magsasaka pinaupo niya ito at binigyan ng
ma-iinom at pagkain. At binigyan niya ito ng isang basket na punong-puno ng gulay
at prutas para sa pamilya ngmagsasaka. Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa
kanyang asawa. At laking gulat niya, na ang isang basket ng prutas at gulay ay
naging ginto.Ganito din raw nangyari sa kanilang kanayon na binigyan din ni Maria
Makiling ng tulong.
Lumipas ang ilang taon. Isang araw, nabalitaan nila na may dalawang
masamang taong nagnakaw sa kubo sa gitna ng gubat. Nagalit si Maria.
Mula noon, hindi na siya nagpakita sa tao. Gayunman, hindi nila malimot ang
kabutihang ginawa ni Maria sa kanila.
Tinawag nilang bundok ng Maria Makiling ang bundok na tirahan ni Maria
bilang alaala sa minamahal nilang magandang babae.

You might also like