You are on page 1of 26

Proyekto

Sa
Filipino
Ipinasa ni: Ruth M.Lantao
Ipapasa kay: Bb.Ofelia Marie R.Infante
MGA
PABULA
Mga pusa laban sa mga
daga
Matagal nang magkaaway ang mga Pusa at ang mga Daga. Lagi
at laging nananalo sa labanan ang mga Pusa. Una, malalaking di
hamak ang mga Pusa. Pangalawa, nakuha raw nila ang husay sa
pakikidigma ng mga Tigreng kalahi nila.
Nagpulung-pulong ang mga Daga.
Wala sa laki yan, sabi ng mga Dagang Siyudad.
Nasa tapang at bilis yan, giit ng mga Dagang Lalawigan.
Nasa istratehiya ng pakikidigma ang susi, diin ng mga Dagang
Kosta.
Tama. Tama. Kailangan ang preparasyon sa labanan! dugtong
ng mga Bubuwit.
Maghanda! Maghanda! sigaw ng lahat sa Dagalandia.
Naghanda nga ang mga Daga. Napagkaisahan nilang pumili ng
apat na heneral na mangunguna sa pakikidigma. Naniniwala ang
mga Daga na dapat unahin ang mga kasuotang pandigma upang
mapaganda ang porma ng mga lalaban. Kaunting panahon lang
ang ginawa nila upang mapabuti ang sistema ng pagsalakay sa
mga kaaway. Binuo nila ang loob upang magtagumpay.

Ang apat na heneral ay binigyan ng sapat na awtoridad upang


pamunuan ang apat na batalyong Daga. Tiniyak ng mga Daga na
ang mga heneral ay nabihisan ng kagalang-galang na kasuotan
na napapalamutian ng nagkikinangang medaiyong pandigmaan.
Pinagsikapan din ng mga Dagang masuotan ang mga heneral ng
mga sumbrerong panlaban na may plumahe at makikinang na
adornong kaakit-akit sa nagliliwanag na putukan.
Nang magsimula ang pagsalakay ay nawalan ng panimbang ang
mga sundalo ng Dagalandia. Malaking problema sa apat na
heneral ang sumbrero nila na sa taas ng plumahe at kinang ng
mga adornong nagliliwanag sa putukan ay inaasinta ng mga
kalaban.
Naging problema rin ng mga heneral ang mga medalyong
pandigmaang nakakabit sa kanilang mga kasuotan. Ang
malalapad na medalyon ay sumasabit sa mga kamay ng mga
heneral. Problema ang mga medalyon kapag itinuturo na kung
sinu-sino ang dapat paputukan at kung kailan dapat pasabugin
ang kanyon sa mga kalaban.
Tulad ng dapat asahan, maraming mga Daga ang naging talunan.
Ang apat na heneral na maganda ang porma sa
pakikipagdigmaan ay nasawi sa kakulangan sa sistema ng
pakikipaglaban.
Ilan lamang ang nakabalik sa kani-kanilang lunggang
pinagtataguan. Mabuti na lamang at hindi sila inabutan ng mga
Pusang handa ring pumatay.
Ang uwak naghari-harian
Lagi nang nag-aaway-away ang mga ibon sa kagubatan.
Naglalaban sila kung sino ang may pinakamagandang tindig.
Nag-iiringan sila kung sino ang may pinakamakintab na tuka.
Nagpaparunggitan sila kung sino ang
may pinakamahabang buntot. Ayaw patalo ng lahat. Iginigiit
nilang panalo sila. Kabilang sa iba pang pinaglalabanan ang
pinakamakulay na pakpak, ang pinakamataginting na huni at ang
pinakamatipunong pangangatawan. Ayaw padaig ng lahat. Dapat
lang daw silang manalo. Wala raw sa guni-guni nila ang
pagkatalo. Ang bawat isa ay nagyayabang na siya ang
pinakamataas lumipad, na siya ang pinakamahigpit kumapit, na
siya ang pinakamalakas kumampay.
Kapag ayaw patalo ang sinuman, maingay na maingay na
hunihan nang hunihan ang lahat. Ang dating matatamis na huni
kapag pinamamayanan ng inggit at yabang ay nakatutulig sa
buong kagubatan. Nang matulig na ang nimpa ng kalikasan ay
nagpakita ito sa lahat ng mga ibon.
Hindi ko gusto ang awayan ninyo sa kagubatan. Kailangang
pumili kayo ng mamumuno sa inyo. Isang Puno ng mga Ibon ang
dapat ninyong iluklok. Ang Puno ay kailangan ninyong sundin.
Dapat na maging matapat sa layunin ang mapipili niyong Puno.
Kailangang mapasunod kayo upang maging mapayapa ang
daigdig ng mga ibon.
Iniisip ng bawat ibong dapat lang na husgahan sila ayon sa ganda
ng kanilang balahibo at pakpak. Balahibo at pakpak ang una raw
nakikita sa mga ibon sa malayuan at malapitan. Ang ibong may
magagandang balahibo at pakpak ang may maganda rin daw na
kalooban. Ang ibong may pinakamagandang kalooban ay
katangian ng isang mabuting puno.
Upang mapiling pinuno nakaisip ang bawat ibong hubarin ang
kanilang balahibo at pakpak sa mga kugon. Kabilang sa
naghubad ng balahibo at pakpak sina Kalapati, Agila, Maya at
Loro. Sumunod din sina Kilyawan, Gansa, Tikling at Pabo.
Habang nasa tubig ang lahat ay walang paalam na pinuntahan ng
puting Uwak ang mga iniwang balahibo at pakpak. Ibat iba ang
hugis at kulay ng mga ito. Nakaisip ng magandang ideya ang
umaawit na Uwak. Kumuha siya ng malagkit na dagta ng isang
halaman. Matapos ipahid sa buong katawan ay mabilis na idinikit
ang pinulot na naggagandahang balahibo at pakpak.
Hindi siya makapaniwala nang masalamin niya sa kristal na tubig
ang buong kaanyuan. Magandang-maganda ang balahibo at
pakpak niya. Hindi na siya puting-puti sa kabuuan. Kulay
bahaghari siya na makulay na makulay. Natitiyak niyang pipiliin
siyang maging Puno ng mga kasama.
Dumating ang araw na ipinatawag ng nimpa ng kalikasan ang
lahat ng mga ibon sa kagubatan. Nang iparada na ng bawat isa
ang mga balahibo at pakpak nila ay gulat na gulat sila sa Uwak.
Ibat iba kasi ang hugis at kulay ng kasuotan nito. Kahit
nagdududa kung sino nga ba at kung saang kagubatan galing
ang napakagandang ibon, malakas pa rin nila itong pinalakpakan.
Tinanghal nila itong may pinakamaganda at pinakamakulay na
mga balahibo at pakpak na kasuotan.
Sumang-ayon ang nimpa ng kalikasan sa mainit na pagtanggap
ng mga ibon sa lider na mamumuno sa kanila. Bilang pagbibinyag
sa bagong puno ay pinaambunan ng nimpa ng kalikasan ang
kalangitan.
Nagliparan ang mga ibong panghimpapawid at iwinasiwas naman
ng mga ibong panlupa ang kanilang mga pakpak. Nagtataka ang
lahat kung bakit ayaw ng bagong puno nila na lumipad sa
kalawakan o magkampay kaya ng pakpak sa kalupaan. Bakit nga
ba?
Pinalakas ng nimpa ang ambon na nauwi sa ulan.
Nagtawanan ang lahat nang isa-isang matanggal ang makukulay
na balahibo at pakpak ng Uwak.
Sa galit ng nimpa na manlolokong Uwak pala ang nahalal na
Puno ng mga Ibon, isinumpa itong magkaroon ng itim na balahibo
at pakpak sa habang panahon. Binawi rin ng nimpa ang
magandang huni ng Uwak. Kabuntot ng sumpa, obligado ang
Uwak na hanapin sa bundok man o kagubatan ang anumang
hayop na namatay. Sa kasaysayan, totoo nga namang Uwak ang
tagapaghanap ng inuod na bangkay ng hayop at tao man.
Mga
Epiko
Si Tuwaang at ang Dalaga
ng Buhong ng Langit
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nag-
ngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kanyang kapatid
na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang
magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang
na may dalang mensahe ang hanginna pinapapunta siya
sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may
dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya
nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag
ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si
Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni
Tuwaang; kinakabahan si Bai sa mga mangyayaring
masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa
sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at
isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kanyang
sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa
lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng
Pangavukad. Sinamahan siya ng Binata ng Pangavukad
sa kanyang paglalakbay.
Silay nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si
Tuwaang sa tabi ng dalagang binalita sa kanya at kaagad
na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni
Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala
na nila ang isat-isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na
Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na
abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata,
ngunit tinanggi niya ang alok. Nagalit ang binata at
sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga
saanman siya mapadpad, at sinunog niya ang mga bayan
ng pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap siya ng
pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkwento ang dalaga kay Tuwaang,
dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng
apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni
Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon
gamit ng kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas
silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata.
Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung,
isang mahabang bakal. Itoy kanyang binato at pumulupot
kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang
kanyang kanang bisig, at namatay ang apoy. Tina
Matapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay gamit ng
kanyanglaway. Dinala niya ang dalaga sa kanyang bayan sakay
ng kidlat. Si Tuwaang ay nagpahinga ng limang araw.

Kinailangan niya muling lumaban matapos ang limang


araw, dahil may isang dayuhan na pumapatay sa kanyang
mga tauhan. Naglaban sila at natalo niya ang dayuhan.
Binuhay niya muli ang kanyang mga tauhan at
nagpahinga siya ng limang araw.
Pagkalipas ng limang araw, tinipon ni Tuwaang ang
kanyang mga tauhan, at dinala ang mga ito sa kalupaan
ng Katuusan. Sumakay sila sa sinalimba(airboat), at
pumunta sa Katuusan, kung saan ay walang kamatayan.
Si Tuwaang ay Dumalo sa isang Kasal
Matapos magtrabaho si Tuwaang, kanyang tinawag ang
kanyang tiyahin. Sinabi niyang nakarinig siya ng balita
mula sa hangin ukol sa kasal ng Dalaga ng
Monawon. Hindi pumayag ang tiya dahil masama ang
kutob niya sa maaaring mangyari kay Tuwaang kapag
siyay pumunta. Pero hindi pinakinggan ni Tuwaang ang
kanyang tiyahin dahil nangako siya na siyay dadalo.
Naghanda si Tuwaang sa kanyang paglalakbay. Sinuot
niya ang kanyangkasuotan na gawa ng mga diyosa, ang
kanyang palamuti sa ulo, at nagdala ng mga sandata.
Sumakay siya sa kidlat, at nakarating siya
sa Kawkawangan.
Nagpahinga siya, at nakarinig ng ibon na nag-iingay. Inisip
niyang hulihin ito, ngunit nakita niya ito ay
ang Gungutan na may dalang sibat. Kinuwento ng
Gungutan na nakita niya sa kanyang panginip na darating
si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang
ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap
naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa
kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo
sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, angBinata
ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna,
ang ikakasal na lalaki, at kanyang 100 pang
tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin
ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang
bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na
may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal.
Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga
bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na
pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking
ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang
dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng
Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha
ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay,
at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa
pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang
ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita.
Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin
ngnganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang
Binata ng Sakadna.
Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang
Gungutan, samantala, ay nakapatay na ng mga kasama
ng binata hanggang sa anim nalang ang natira.
Nagkipaglaban ang dalawang magkaibigan sa anim na
kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at
ang Binata ng Sakadna.
Binato ni Tuwaang nang napakalas ang binata na
lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa
mga tagapag-bantay ng mundong
ilalim (underworld). Bumalik agad sa mundo ang binata at
itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan
nakita ang tagapag-bantay nito. Nalaman ni Tuwaang ang
kahinaan ng binata, at pagkalabas niya doon, kinuha
ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata.
Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa
mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang
ang plawta at ang binata ay namatay. Inuwi ni Tuwaang
ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari
habambuhay.
. Indarapatra at Sulayman
Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong dooy namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na datiy payapa. Apat na halimaw ang dooy nana lot.
Unay si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagkat sa pagkain kahit limang taoy kanyang nauubos.
Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw
na may mukhang tao na nakatatakot kung itoy mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuliy agad nilalapang,
at ang laman nitoy kanyang kinakain na walang anuman.
Ang ikatloy si Pah na ibong malaki. Pag itoy lumipad
ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng taoy sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.
Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.
Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw
ay nagdulot ng lungkot sa maraming bayat mga kaharian;
Si Indarapatra na haring mabait, dakilat marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.
Prinsipe Sulayman, akoy sumasamo na iyong iligtas
ang maraming taong nangangailangan ng tulong mot habag.
O mahal na hari na aking kapatid, ngayon diy lilipad
at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.
Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid
upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;
ang halamang itoy siyang magsasabi ng iyong nasapit.
Nang siyay dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian
nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan
ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;
Ikawy magbabayad, mabangis na hayop! yaong kanyang sigaw.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok
at biglang lumbas itong si Kuritang sa pusoy may poot;
sila ay nagbaka at hindi tumigil hanggat malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.
Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay
kayat sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal
na mga tanawin: Ngayon diy lumabas nang ikawy mamatay.
Noon diy nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,
at ilang saglit pay nagkakaharap na silang pusoy nagpupuyos.
Yaong si Sulaymay may hawak na tabak na pinag-uulos;
ang kay Tarabusaw sa sandata namay sangang panghambalos.
At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang
Ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
Ang takdang oras mo ngayoy dumating na, sigaw ni Sulayman
At saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.
Noon diy nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;
siyay nanlumo pagkat ang tahanan sa taoy ulila;
Ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa
at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.
Siyay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,
datapwat siya rin ang sinamang-palad sa bagsakan niyon;
sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon
kayat si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.
Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari
pagkat ang halaman noon diy nalantat sangay nangalabi;
Siya ay patay na! ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
Ang kamatayan moy ipaghihiganti buhay may masawi.
Nang siyay dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha
ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas
Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.
Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,
at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay.
Sil ay nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,
saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap
ang ibong sa taoy nagbibigay-lagim at nagpapahirap;
dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas
subalit ang kalis ni Indarapatray nagwagi sa wakas.
Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,
Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang.
Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayoy mabubuhay.
At kanyang namalas ang maraming taong nooy nagdiriwang.
Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya
kayat sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa
na silay ikasal. Noon diy binuklod ng isang adhika
ang kanilang puso. Mabuhay ang hari! ang sigaw ng madla.
Ang tubig ng dagatay tila hinigop sa kailaliman;
at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawing kapatagan,
Si Indarapatray hindi na bumalik sa sariling bayan,
at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.
Mga
kwentong
bayan
Nilubid na abo
Sa isang kaharian ay bantog ang katalinuhan ng isang binatilyo.
Siya si Catalino, na nakagawian nang tawagin ng kanyang mga
kanayon na Talino. Iyon ang kanyang palayaw at waring akmang-
akma naman sa kanyang angking katalinuhan.
Palabasa si Catalino. Silang mag-anak ay mahirap lamang at ang
tanging yamang itinuturing ni Catalino ay ang ubod ng dami
niyang mga aklat at ibat ibang babasahin. Wala siyang libangan
kundi ang magbasa pagkatapos ng kanyang mga gawain.
Nakatutulong nang malaki si Catalino sa kanyang mga kanayon.
Dahil sa marami siyang kaalaman na nakukuha niya sa
pagbabasa, maraming mabubuti at matatalinong mga payo ang
naibibigay niya sa kanila. Nabibigyan niya ng payo ang mga
kanayon tungkol sa pagsasaka, pagtatanim at paghahalaman,
pag-aalaga ng mga hayop, pagpapagawa ng bahay,
pagpapahukay ng balon at mga poso, paglilipat ng bahay, pati
ang panggagamot sa mga di-kabigatang karamdaman. Kaya
naman mahal na mahal siya ng kanyang mga kanayon. Maging
ang mga taga-ibang nayon, malapit man o malayo, ay nakikilala
na si Catalino at alam na ng marami ang kanyang katalinuhan.
Ang lahat ng mga balita tungkol sa matalinong binatilyo ay
nakararating sa kabatiran ng hari. Higit na sikat pa raw si Catalino
kaysa sa hari. Ayaw ng hari ng ganitong nangyayari. Baka
dumating ang araw na makuha ni Catalino sa hari ang pamumuno
sa kanyang kaharian. Nabahala ang hari.
Maaari nga pong mangyari ang kinatatakutan ninyo, Mahal na
Hari, ang sabi pa ng isang taga-payo.
Ang lalong mabuti ay ipakulong natin siya, anang isang
tagapayo naman.
Ngunit hindi natin maaaring ipakulong nang basta-basta ang
isang taong wala namang ginagawang pagkakasala, sagot ng isa
pang tagapayo. Marami pang mga usapan hanggang sa ang
nabuong balak ay pagawain si Catalino ng isang bagay na tiyak
na hindi niya magagawa. At ito ay ipagagawa sa plasa sa harap
ng maraming tao at kanyang mga tagahanga. Kapag hindi
nagawa ni Catalino ang ipagagawa sa kanya, pagtatawanan siya
ng mga tao.
Ipinatawag si Catalino sa palasyo. Sa harap ng mga tagapayo ay
kinausap siya ng hari.
Nabalitaan ko ang iyong maraming kaalaman. Ikaw raw ay
matalino. Nakagagawa ka ng maraming matatalinong bagay.
Nabibigyan mo raw ng matalinong payo ang mga tao. Totoo ba
ito? ang tanong ng hari.
Ang mga tao po ang nagsasabi niyan. Hindi po ako, sagot ni
Catalino. At ang ibinibigay ko po sa kanilang payo ay hindi sa
sarili ko galing. Nakukuha ko po ito sa aking mga pagbabasa.
Saan mo nakukuha ang mga karunungang iyan? ulit ng hari.
Sa mga aklat po at sa paaralan ng buhay, sagot ni Catalino.
Nag-ungulan ang mga tagapayo.
Waring pati ang hari ay napapaniwala na ni Catalino. Bumulong
ang punong tagapayo sa hari.
Catalino! ang malakas na sabi ng hari. Akoy may ipagagawa
sa iyo. Huwag mo akong bibiguin. Masama akong hindi sundin,
sabi pa ng hari. Naiintindihan mo ba?
Opo, Mahal na Hari, sagot ni Catalino. Sa abot po ng kaunti
kong kaalaman ay sisikapin kong masunod ang inyong utos.
Hinintay ni Catalino ang ipag-uutos ng hari. Binasa ng isang
alagad ng hari ang kautusan.
Bukas ng umaga, magdala ka rito ng nilubid na abo. Kapag hindi
mo ito nagawa, nangangahulugang hindi ka pala sadyang
matalino at niloloko mo lamang ang mga tao.
Nagkasala ka sa bayan kaya kailangang pugutan ka ng ulo,
anang tagabasa.
Umuwi si Catalino sa kanilang nayon. Kanyang pinag-isipan ang
ipinagagawa ng hari. Alalang-alala ang kanyang amat ina. Labis
na nag-aalala rin ang kanyang mga kanayon. Wala naman silang
maitulong kay Catalino. Ipinagdasal nila na sana ay magawa nito
kung anuman ang ipinagagawa ng hari.
Kinabukasan, maagang nagising ang mga tao. Pumunta ang
marami sa plasa. Doon ibibigay ni Catalino sa hari ang nilubid na
abo. Maingat na dinala ni Catalino ang natatakpang kahon.
Marahang inilapag sa harap ng hari ang bandehadong malapad.
Naroon ang nilubid na abo.
Nagulat ang hari. Hindi akalain ng hari at ng kanyang mga
tagapayo na magagawa ni Catalino ang nilubid na abo.
Nilubid na abo! ang wika ng lahat.
Magalang na yumukod sa hari si Catalino. Wala itong
pagmamalaki o anumang bahid ng yabang. Ang narooy
kababaang-loob. Nilubid pala ni Catalino ang abaka at saka niya
marahang sinunog hanggang sa maging abo na hindi natatanggal
ang pagkakalubid.
Lalong humanga ang mga tao kay Catalino. Pati na ang hari ay
humanga rin hindi lamang sa talino kundi sa kabaitan at
kababaang-loob ni Catalino.
Dahil dito, kinuha siya ng hari bilang tagapayo sa palasyo.
Nabigyan ni Catalino ng mabubuting payo ang hari tungkol sa
pamamalakad kayat naging maunlad ang kaharian.
Si wigan at si ma-i
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan
ng Banaue at Mayaoyao. Itinu-turing noon na isang karangalan
ang makapatay ng kalaban. Sa panahong ito nabuhay si Wigan,
anak ng hari ng Banaue na si Ampual.
Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya
sa isang talon upang magpahinga, nakakita siya ng isang
dalagang naliligo. Naakit siya sa kagandahan nito ngunit
napansin niyang ito ay isang dayuhan at walang karapatang
maligo sa lupain ng Banaue.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang
ahas. Nakilala niya na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng
kalangitan.
Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan
ang dalaga pauwi.
Nalaman niyang ang pangaian nito ay Ma-i, anak ng hari ng
Mayaoyao na si Liddum. Sa kanilang mahabang paglalakbay,
nabuo ang kanilang pag-iibigan.
Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan.
Siya na ngayon ang dayuhan sa lupain ni Ma-i.
Nakiusap si Ma-i sa kanyang ama. Isinalaysay niya ang
pangyayari.
Maaaring pinaslang niya ako nang mahuli niya akong naliligo sa
kanyang lupain ngunit siya ay nahabag. Sa halip, sinamahan pa
niya ako pauwi nang ligtas sa anumang kapahamakan.
Mahabag ka sa kanya. Ama, tulad ng pagkahabag niya sa akin,
nagmamakaawang sabi ng dalaga.
Nag-isip si Liddum. Ang kahilingan ng kanyang anak ay taliwas sa
nais ng mga mamamayan ng Mayaoyao.
Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang
kanyang sarili, pahayag ng hari. Mga mamamayan ng
Mayaoyao, piliin ninyo ang pinakamahusay nating mandirigma
upang makatunggali ng binatang mula sa Banaue. Ang
magwawagi sa labanan ang siyang magiging asawa ng aking
anak.
Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang
pinakamagiting nilang mandirigma upang makalaban ni Wigan.
Nagsimula na ang paghaharap ng dalawa.
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma
na naghahanap sa anak ng kanilang hari. Nakita nila si Wigan na
nakikipaglaban. Humanda silang maipaghiganti ito kung sakaling
magagapi ito.
Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sanay
madugong pagtutuos ng mga maiidirigma ng Banaue at
Mayaoyao.
Isang canao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa
sayaw ng kasalan. Tuluy-tuloy ang pagtunog ng gansa. Umabot
ang kasayahan sa loob ng siyam na araw.
Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandirigma ng Banaue, ay
naglakbay pabalik sa Banaue. Habang naglalakbay, naisip ni
Wigan ang kanyang ama. Matanda na ito at marahil ay
naghihintay na rin itong magkaapo. Ngunit nag-asawa siya nang
walang pahintulot ng ama. Sasang-ayon kaya ito sa kanyang
ginawa?
Sa hagdan-hagdang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual.
Hinanda na ng binata ang kanyang sarili.
Sa simula ng paggawa ng ikawalong baitang ng palayan, iyon
ang magiging taon ng aking pag-aasawa. Ama, narito na si Ma-i,
anak ng hari ng Mayaoyao. Ang kanyang amang si Liddum at
mga mamamayan nito ay naging mabait sa pagtanggap sa akin.
Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni
Wigan na naunawaan siya ng ang ama. Habang naglalakad ay
nag-iisip si Ampual ng sasabihin niya sa mga nasasakupan.
Masayang sumalubong naman ang lahat. Nagwika ang hari sa
mga taga-Banaue.
Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin
ang ating mga ninuno. Bago ito mangyari ay nais kong makita
ang aking anak na mag-asawa at handa nang pumalit sa akin.
Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga dalaga ng Banaue,
piliin ninyo kung sino sa inyo ang pinakamaganda na maaari
nating itapat sa pana-uhing padala ni Lumawig. Mula sa dalawa,
pipiliin namin ng aking anak kung sino ang higit na maganda.
Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak, at ang hindi ay
mamamatay. Bilang gantimpala sa magwawagi, ang kanyang
karanasan ay magiging alamat sa ating mga anak.
Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila
kay Ma-i. Nang sila ay makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na
nga ang pinakamaganda sa mga taga-Banaue.
Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan
ang mga kagandahang nasa harap ni Wigan ngayon.
Nagtanong si Ampual.
Ano na nga ba ang pangalan ng dayuhan?
Ma-i, tugon ni Wigan.
Sumasang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?
Opo, sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.
Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa
kasiyahang ito, nagwika si Ma-i.
May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue.
Hayaan niyong ang dalagang aking nakatapat ay manatiling
buhay nang walang kahihiyan. Itoy upang ang kanyang
karanasan ay magsilbing alamat ng ating mga anak.
Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na
ang ikawalong baitang ng hagdan-hagdang palayan at naganap
muli ang kasalan nina Ma-i at Wigan. Ito ang naging simula ng
kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao na umabot
hanggang sa kasalukuyan.

You might also like