You are on page 1of 3

APRIL 7, 2019

Sa MABUTING BALITA, sa hindi pagpaparusa sa babaeng makasalanan,


ipinadamani Jesus na hindi mahalaga sa Kanya ang nakaraan. Ang
mahalaga sa Kanya ay ang gagawin pagkaraan, sa Kanyang pagbibilin:
“Humayo ka, at huwag nang magkasala.”

Noong panahong iyon, si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo.


Kinaumagaha'y nagbalik Siya sa templo. Lumapit sa Kanya ang lahat, kaya't
umupo Siya at sila'y tinuruan. Noo'y dinala sa Kanya ng mga Eskriba at ng
mga Pariseo ang isang babaing nahuli sa pakikiapid. Pinatayo ito sa harapan
nila, at sinabi kay Jesus, ”Guro, ang babaing ito'y nahuli sa pakikiapid. Ayon
sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga gaya
niya. Ano ang masasabi Mo?” Itinanong nila ito upang subukin Siya, nang
may maisumbong sila laban sa Kanya. Nguni't yumuko si Jesus at sumulat
sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Ayaw nilang tigilan nang katatanong si
Jesus, kaya't sila'y tiningnan Niya at sinabi ang ganito, “Sinuman sa inyo na
walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli Siyang
yumuko at sumulat sa lupa. Nang marinig nila ito, sila'y isa-isang umalis,
simula sa pinakamatanda. Walang naiwan kundi si Jesus at ang babaing
naroon pa rin sa harapan Niya. Tiningnan siya ni Jesus at tinanong:”Nasaan
sila? Wala bang nagparusa sa iyo?”, "Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.
Sinabi ni Jesus: “Hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang
magkasala.”

APRIL 14, 2019 – PALM SUNDAY


Nagpauna si Jesus patungong Jerusalem. Nang malapit na Siya sa Betfage
at Betania, sa bundok na kung tawagi'y Bundok ng mga Olibo, inauna Niya
ang dalawang alagad. Sinabi Niya sa kanila, "Pumunta kayo sa susunod na
nayon. Sa pagpasok doo'y matatagpuan ninyo ang isang bisirong asnong
nakatali; hindi pa ito nasasakyan ninuman. Kalagin ninyo at dalhin dito,
Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag, sabihin ninyong
kailangan ng Panginoon." Kaya't lumakad ang mga inutusan at natagpuan
nga nila ang asno, ayon sa sinabi sa kanila ni Jesus.

Samantalang kinakalag nila ito, tinanong sila ng mga may-ari," Bakit ninyo
kinakalag iyan?" "Kailangan ito ng Panginoon," tugon nila. Dinala nila kay
Jesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal,
Siya'y pinasakay nila. Nagpatuloy si Jesus sa Kanyang paglalakbay, at sa
Kanyang daraanan nama'y inilalatag ng mga tao ang kanilang mga balabal.
Nang malapit na Siya -- palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo --
nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng mga alagad at malakas na
nagpuri sa Diyos dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila. Ang wika
nila, "Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan
sa langit! Purihin ang Diyos!" Sinabi sa Kanya ng ilang Pariseong kasama
ng karamihan, "Guro, sawayin Mo nga ang Iyong mga alagad." Sumagot
Siya, "Sinasabi Ko sa inyo: kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang
sisigaw."

APRIL 21, 2019 – EASTER SUNDAY

APRIL 28, 2019 – DIVINE MERCY SUNDAY

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon.


Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot
nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang
kapayapaan!" sabi Niya. Pagkasabi nito, ipinakita Niya ang Kanyang mga
kamay at ang Kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita
ang Panginoon. Sinabi na naman ni Jesus, "Sumainyo ang kapayapaan!
Kung paanong sinugo Ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo Ko kayo."
Pagkatapos, sila'y hiningahan Niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu
Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na
nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad." Nguni't si Tomas na
tinaguriang kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si
Jesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang
Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't di ko
nakikita ang butas ng mga pako sa Kanyang mga kamay, at naisusuot dito
ang aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa
Kanyang tagiliran."

Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga
alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, nguni't pumasok si
Jesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi Niya, Sumainyo ang Kapayapaan!"
Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang Aking mga kamay at ilapit dito ang
iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa Aking tagiliran. Huwag ka nang
mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at
Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba sapagka't nakita
mo Ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila Ako nakita." Marami
pang kababalaghang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga alagad, nguni't
hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito'y sinulat upang
sumampalataya kayong si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa
gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan Niya.

You might also like