You are on page 1of 1

KAPATIRAN NEW YEAR’S EVE COUNTDOWN

Countdown Video

Sir BJ: Tunay nga pong naharap sa napakadaming pagsubok ang ating probinsya at ang ating bansa.

Enero pa lang ng taong 2020 ay sinubok na tayo ng pagsabog ng Bulkang Taal dito sa ating probinsya

Nasundan pa ito ng paglaganap ng sakit na COVID-19 na kumitil sa napakaraming buhay.

Naransan din natin ang mga paglindol at ang mga mapaminsalang bagyo.

At ngayong pumasok na muli tayo sa panibagong taon, wala ng pagsubok ang hindi natin kakayanin. Ang
2021 ay panibagong taon na punong puno ng Pag-asa. At upang magbigay ng inspirasyon, narito po ang
Himig Kapatiran Band sa kanilang awitin na Bagong Umaga

HK Band Video

Froilan: Sana ang Bagong Taon ay maging matagumpay. Umasa tayo na may mabuting mangyayari para
sa ating lahat!

Pagkalooban tayo ng Diyos ng isang bagong taon na puno ng kasiyahan, madaming mapagpalang biyaya,
at kapatawaran sa lahat ng mga kamaliang nagawa sa kapwa.

Huwag nating kalimutang pasalamatan ang ating Panginoong Diyos sapagkat Siya ang nagregalo sa atin
ng Bagong Taon na may hatid na pag-asa at bagong buhay para sa ating lahat!

Nawa, sa tulong ng Maykapal ay maging maayos na ang ating daidig at maging normal na ang buhay ng
mga tao dala ang responsibilidad at tungkuling pangalagaan ang ating mundo.

Narito po si Coneile Joloe Pasaol para sa kanyang awiting What A wonderful World!

What A wonderful World Video – Joloe

Last Scene:

Sir BJ: Manumbalik tayo sa dakilang pagmamahal ng ating Panginoong Hesus. Ang bawat Bagong Taon
ay tanda ng Kanyang pagbibigay sa atin ng panibagong buhay at pagkakataon upang itama ang ating mga
maling gawi. Kami po dito sa Kapatiran ng Mahal na Poong Sta. Krus ay naghahangad na ang bawat isa
ay magkaroon ng masaganang biyaya ngayong 2021.

Froilan: Kakaibang sigla ang dulot ng Bagong Taon dahil sa dala nitong panibagong buhay at pag-asa
para sa iyo, sa akin at sa ating lahat. Alam nating hindi biro ang mga pinagdaanan natin nitong taong
2020. Tunay na dakila ang ating Panginoon dahil Siya ang may gawa ng araw na ito na ating
ipinagdiriwang. Manigong Bagong Taon po!

Sir BJ and Froilan: Muli po, Manigong Bagong Taon sa inyo! Happy 2021!

You might also like