You are on page 1of 1

"BAUAN: BAYANG WALANG MALIW"

Pambayang Awit ng Bayan ng Bauan


Titik ni: G. Eugenio "Kabisang Ulalio" C. Ingco
Musika ni: G. Felipe A. Aguirre

Sintang bayan namin, giliw naming Bauan,


Matamis na bunga ng pagmamahalan
Ng Lawa ng Bombon at Look-Batangan,
Pagpalain nawa, ikaw ng Maykapal!

Sa timog Batangas ika'y hiyas-dagat,


May kislap ng ngayon at sinag ng bukas,
Luha nami't pawis, layunin pangarap
Ay handog sa iyong, ganap na pag-unlad.

Ang kasaysayaan mo, giliw naming Bayan,


Kung baga sa saga'y may dalawang kulay,
Itim ang anino niyong Kamatayan
At pula ang sinag ng Muling Pagsilang.

Itim pulang tatak, niyong kagitingan,


Sa Kamatayan may ayaw pasasaklaw;
Ilan ka nang ulit na halos maparam,
Sa halip maglaho y lalo kang kuminang.

Sa balat ng lupay kapirasong langit,


Na aming minanang sangla ng pag-ibig:
Bayang walang maliw na aming daigdig.
maglingkod sa iyo'y anong pagkatamis!

You might also like