You are on page 1of 53

Easter

Vigil 2019
Si Jesukristo’y
nabuhay,
S’ya’y ating
kaliwanagan
Salamat po Poong
Banal sa ilaw na Iyong
bigay upang kami ay
tanglawan. Si
Hesukristo’y nabuhay,
Sya’y ating
kaliwanagan.
Magalak kayong lahat sa
kalangitan, Kayong mga
Anghel, ay ma-ngag
awitan! Magalak kayong
lahat na mapapalad na
nilikha na, nakapaligid sa
luklukang dakila.
I. Si Kristo na ating Hari ay
nabuhay na mag-uli! Hirap
natin ang tambuli nitong
ating kaligtasan! Magalak,
o sanlibutan, sa
maningning nating ilaw! Si
Kristo na walang maliw
ang pumaram sa dilim!
Magalak na lubos ang buong
Sambayanan! Sa
kaluwalhatian, lahat tayo’y
magdiwang! Sa ningning ni
Jesukristo, sumagip sa
sansinukob siya’y muling
nabuhay, tunay na
manunubos!
II. Itaas sa kalangitan ating
puso at isipan! D’yos Ama’y
ating pasalamatan sa Anak
niyang nabuhay. Sapagkat
tapa’t s’yang tunay sa
kanyang pananagutan para sa
kinabilangan niya na
sambayanan!
Magalak kayong lahat sa
kalangitan, Kayong mga
Anghel, ay ma-ngag
awitan! Magalak kayong
lahat na mapapalad na
nilikha na, nakapaligid sa
luklukang dakila.
III. Ngayon nga ang
kapistahan ni Jesukristong
nag-alay ng kanyang sariling
buhay, nagtiis ng kamatayan.
Ang minanang kasalanan, ang
dating kaalipina’y sa tubig
pawang naparam, kalayaa’y
nakamtan!
Magalak na lubos ang buong
Sambayanan! Sa
kaluwalhatian, lahat tayo’y
magdiwang! Sa ningning ni
Jesukristo, sumagip sa
sansinukob siya’y muling
nabuhay, tunay na
manunubos!
IV. Ngayon nga ang
pagdiriwang ng ating muling
pagsilang sa tubig ng kaligtasan
na batis ng kabanalan, pagka’t
mula sa libingan bumangon na
matagumpay Mesiyas ng
sanlibutan- si Jesus naming
mahal!
Magalak kayong lahat sa
kalangitan, Kayong mga
Anghel, ay ma-ngag
awitan! Magalak kayong
lahat na mapapalad na
nilikha na, nakapaligid sa
luklukang dakila.
V. D’yos Ama ng sanlibutan,
tunay na walang kapantay
pag-ibig mo’t katapatan para
sa mga hinirang. Handog mo’t
kapatawaran sa lahat ng
kasalanan. Higit sa lahat
mong alay- si Hesus naming
mahal!
Magalak na lubos ang buong
Sambayanan! Sa
kaluwalhatian, lahat tayo’y
magdiwang! Sa ningning ni
Jesukristo, sumagip sa
sansinukob S’ya’y muling
nabuhay, tunay na
Manunubos!
VI. Dahil sa kaligayahang sa
ami’y naguumapaw hain
naming itong ilaw, sagisag ng
Pagkabuhay. Tunay na
kaliwanagang hatid ni Jesus na
Tanglaw, ang dilim ng
kamatayan ay napawi’t
naparam!
Magalak kayong lahat sa
kalangitan, Kayong mga
Anghel, ay ma-ngag
awitan! Magalak kayong
lahat na mapapalad na
nilikha na, nakapaligid sa
luklukang dakila.
VII. Ang araw ng kaligtasan, si
Jesus, bukang-liwayway,
walang maliw na patnubay sa
landas ng kaligtasan, hatid
n’ya’y kapayapaan, lakas mo
at pagmamahal upang aming
magampanan aming
pananagutan!
Magalak kayong lahat sa
kalangitan, Kayong mga
Anghel, ay ma-ngag
awitan! Magalak kayong
lahat na mapapalad na
nilikha na, nakapaligid sa
luklukang dakila.
Magalak na lubos ang buong
Sambayanan! Sa
kaluwalhatian, lahat tayo’y
magdiwang! Sa ningning ni
Jesukristo, sumagip sa
sansinukob S’ya’y muling
nabuhay, tunay na
Manunubos!
Salmong Tugunan I.
Espiritu mo’y
suguin Poon,
Tana’y ‘Yong
baguhin
Salmong Tugunan II.
D’yos ko ang
aking dalangi’y
Ako’y Iyong
tangkilikin.
Salmong Tugunan III.
Poon ay ating
awitan sa
kinamtan N’yang
tagumpay.
Papuri sa Diyos,
Papuri sa Diyos.
Sa Kaitaasan,
Papuri sa Diyos.
At sa lupa'y kapayapaan,
Sa mga taong
kinalulugdan Niya.
Pinupuri ka namin,
dirangal ka namin
Sinasamba Ka namin,
Ipinagbubunyi Ka namin.
Pinasasalamatan Ka Namin,
sa Yong dakila’t angking
kapurihan. Panginoong Diyos
Hari ng Langit,
Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo,
bugtong na Anak.
Panginoong Diyos, Kordero
ng Diyos, Anak ng Ama.
Papuri sa Diyos,
Papuri sa Diyos.
Sa Kaitaasan,
Papuri sa Diyos.
Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin,
Maawa Ka.
Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan
Ng mundo.
Tanggapin mo ang aming
kahilingan
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama.
Sapagkat ikaw lamang ang
banal at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang o Hesukristo,
Ang Panginoon. Kasama ng
Espiritu Santo sa
kadakilaan
Ng Diyos Ama, Amen.
Papuri sa Diyos,
Papuri sa Diyos.
Sa Kaitaasan,
Papuri sa Diyos.
Kaisa ng mga bukal
Ng tubig sa sanlibutan
Batis, ilog, karagatan
Aming pinapupurihan
Pag-ibig mong walang
hanggan.
Isang
pananampalataya,
Isang pagbibinyag
Isang panginoon,
Angkinin nating lahat
Habilin ni Hesus
noong Siya’y
lumisan
Kayo ay magkatipon
sa pagmamahalan.
Isang
pananampalataya,
Isang pagbibinyag
Isang panginoon,
Angkinin nating lahat
Ama pakinggan mo
ang aming
panalangin dalisay
na pag-ibig sa
ami’y lumapit.
Isang
pananampalataya,
Isang pagbibinyag
Isang panginoon,
Angkinin nating lahat
Handog Namin sa Iyo Ama
Ang tinapay at alak na ito,
Handog ng bayang
umaasa,
Sumasamba’t
nagmamahal Sayo.
Naway dalhin ng ‘yong
anghel ang aming
panalangin Sa’yong
dambana,
Katulad ng halimuyak ng
insensong,
Umaakyat sa kalangitan
Handog Namin sa Iyo
Ama
Ang tinapay at alak na ito,
Handog ng bayang
umaasa,
Sumasamba’t
nagmamahal Sayo.
Naway ang aming kaloob
maging si Hesukristong
aming Panginoon
Ang sinumang tumanggap
at makisalo
Ay mabubuhay
kailanpaman
Handog Namin sa Iyo
Ama
Ang tinapay at alak na ito,
Handog ng bayang
umaasa,
Sumasamba’t
nagmamahal Sayo.
Paghahanda ng Alay
Ay Narito Poon
Ang Alak at tinapay
Dala sa altar Mo
Anyo’y magiging tunay
Dugo Mo’t Katawan
Aming tatanggapin Ngayon
Magbibigay Buhay.
We bring unto Your table
With humble hearts, O, Lord
The bread and wine the fruits of
the land and of the vine
Transformed beneath the hands
of Your chosen priest behold,
We shall receive with open
hearts, eternal life bestowed
Paghahanda ng Alay
Ngayon ay sisimlan
Ang Alak at tinapay
Ay bebendisyunan
Anyo’y magiging tunay
Dugo Mo’t Katawan
Ito’y aming tatanggapin
Sa pakikinabang.
Hallelujah
Chorus!
Ito ang bagong araw,ito’y
araw ng tagumpay;
Anak ng tao’y
nabuhay,Siya’y ating
parangalan.
Si Hesus muling nabuhay,sa
kamataya’y nagtagumpay.
Magalak,h’wag nang
lumuha,hinango ang tao sa
sala,
Kristo Hesus,tunay Kang
Hari,kami sa ‘Yo’y nagpupuri.
Sa krus,Ika’y namatay,ngunit
muli Kang nabuhay.
Aleluya,Aleluya!
Christ is risen From
the grave
Alleluia Alleluia!
(2X)
Celebrate, Jesus
celebrate!
Celebrate, Jesus
celebrate!
He is risen, He is risen
And He lives forevermore
He is risen, He is risen
Come on and celebrate
(Come on and celebrate)
The resurrection of our
Lord
Celebrate, Jesus
celebrate!
Celebrate, Jesus
celebrate!
He is risen, He is risen
And He lives forever more
He is risen, He is risen
Come on and celebrate
(Come on and
celebrate)(3x)
The resurrection of our
Lord!
Happy
Easter!

You might also like