You are on page 1of 1

Tinig Ng Buhay Chorale

Virgen Delas Flores, Baliwag, Bulacan

Ika- 12 ng Disyembre 2018

Minamahal na Kapatid,
G. at Kgg. James at Carol Dellosa

Kami, na mga miyembro ng Tinig ng Buhay Chorale, na kasalukuyang naglilingkod sa


misa tuwing ika-3 linggo at sabado ng buwan, at sa iba pang mga gawaing pansimbahan, ay
dumudulog sa inyong mapagbigay na puso para sa isang makabuluhang proyekto. Ang layunin
nito ay makalikom ng pondo para sa aming dakilang adhikain na makapaglingkod sa Diyos at sa
pamayanan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang araw-araw na pangangailangan tulad ng
pagkain, “toiletries”, kagamitang pang-paunang lunas, atbp. para sa ating mga mahal na lolo at
lola ng Emmaus House of Apostolate Malolos, Bulacan, sa ika-16 ng Disyembre taon 2018.

Tunay nga na ang diwa ng Pasko ay ang pagmamahalan at pagbibigayan. Ang anuman
pong inyong maipagkakaloob ay lubos naming ikagagalak at ipagpapasalamat. Pauna po ang
aming pagbati sa inyo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

Maraming Salamat po at sumainyo lagi ang pagpapala at pagmamahal ng Diyos!

_______________________ _________________________
Rowena Dela Cruz Lei Andrea Sumalabe
Kalihim Ingat-Yaman

_____________________________
Sis. Eunice Torres
Pangulo
2 Corinto 9:7-8
7
Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan
sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. 8 Magagawa ng Diyos na pasaganain sa inyo ang bawat biyaya
upang sa lahat ng paraan ay magkaroon kayo ng kasapatan at sumagana kayo sa bawat mabuting gawa.

You might also like