You are on page 1of 2

Nuestra Señora De Las Flores Parish

Virgen Delas Flores, Baliuag, Bulacan


Music Ministry

Mga napagkasunduan:

I. Ang lahat ng ating gagawin, paplanuhin, at sasabihin ay para sa ikabubuti, at


ikaaayos ng Simbahan at Music Ministry, upang tayo’y makapaglingkod ng
lubos, bukal sa ating kalooban at naaayon sa kalooban ng Diyos.

II. Ang buwanang pagpupulong ay gaganapin tuwing unang linggo ng buwan,


sa ganap na ika-10 ng umaga.

III. Napagkasunduan na mag-aambag ang bawat koro na naglilingkod sa


parokya, ng halagang isang daang piso (P100.00) kada buwan.

(A) Ang koro na naglilingkod sa simbahan na hindi makakapag-bigay ng


kanilang ambag o “monthly dues” ay hindi maaaring gumamit ng mga
kagamitang pagmamay-ari ng Music Ministry.

IV. Laging ipabatid sa pamunuan ang alinmang pagbabago sa “slot”, isang linggo
bago ang nakalaang araw para sakanila.

(A) Ang koro na nais lumiban ang siyang may responsibilidad na


humanap ng kanilang kahalili para sa “slot” na iyon, bilang tulong sa
Simbahan at Music Ministry.

V. Lahat ng imbita o pakiusap ng hermano at imbitadong pari, na may


kaugnayan o kinalaman, sa koro at sa regular na “slot” ng mga ito ay dapat
ipabatid at ipagbigay alam sa pamunuan ng MUSIC MINISTRY ng mas
maaga(na hindi bababa sa dalawang linggo).

VI. Ang koro na ipinagwalang-bahala o hindi ipinabatid ng mas maaga ang


kanilang pagliban sa araw ng kanilang paglilingkod na naaayon sa napag-
usapang palugit, ay may kaukulang aksyong pandisiplina;
(A) Ang unang paglabag ay may kaukulang multa na nagkakahalaga ng
limangdaang piso(P500.00).

(B) Sa ikalawang paglabag ay “1 slot suspension” na may multang


nagkakahalaga ng isang libong piso(P1000.00).

(K) Sa ikatlong paglabag ay magbubunga ng pagkakatanggal sa kanilang


regular na “slot”.

VII. Tamang pananamit sa loob ng bahay dalanginan.

(A) Para sa kalalakihan: Bawal ang pagsusuot ng “shorts”, sando, at


tsinelas”.

(B) Para sa mga kababaihan: Bawal ang pagsusuot ng “shorts”, tsinelas,


sleeveless, mini skirt, at anumang uri ng damit na litaw ang pusod”.

VIII. Tamang kagawian sa loob ng bahay dalanginan, habang isinasagawa ang


banal na Misa.

(A) Iwasan ang pag-gamit ng anumang “gadgets”.

(B) Iwasan ang pag ”re-retouch” ng sarili.

(K) Iwasan ang malakas na pakikipag-usap na maaaring pumukaw ng


atensyon ng mga mananampalataya.

(C) Patayin o “i-silent mode” ang telepono.

Ipinagtibay: Marso 4, 2018| 11:10 ng umaga. Ipinagtibay: Abril 8, 2018| 12:08 ng tanghali

Pangulo: Aldwin Manuel Pangulo: Aldwin Manuel


Pangalawang-pangulo: Roberto Reyes Pangalawang-pangulo: Roberto Reyes
Kalihim: Cecilia Jose Kalihim: Cecilia Jose
Ingat-Yaman: Eunice Torres Lei Andrea Sumalabe
Tagasuri: Lawrence Sumalabe Ingat-Yaman: Eunice Torres
Coordinator: Maricar Cedro

You might also like