You are on page 1of 4

O Sambahin ang Pangalan 2

Seventh-day Adventist Hymnal 6

O sambahin amg pangalan ng Panginoon sa kagandahan ng kabanalan


Kayo’y magsiluhod sa Kanyang yamungmong
Siya ang Diyos ng kalwahatian

Lahat ninyong hirap at mga hilahil sa paanan Niya ay ilagay


Kayo’y buong puso na aandukhain
Papatnubayan ang inyong hakbang

H’wag matakot na sa Kanya ay ilapit ang inyong mga pahat na hain


Buong kagandahan ng inyong pagibig
Ang sa Kanya’y siya ninyong dalhin

Mga handog natin imbi at aba man


Buong lugod Niyang tatanggapin
Mga lungkot natin at kapighatian ay hahalinhan ng tuwa’t aliw.

Ang Panginoon sa Siyon 4


Seventh-day Adventist Hymnal 7

Ang Panginoon sa Siyon ay naghahari na;


Buong lupa ay magsaya’t
Lumapit sa Kanya; At doon aalingawngaw
Kapurihan Niya, sa Kanya ang mga hari
L’walhati ang dala.

Ang Panginoon sa Siyon Naghaharing ganap,


Lalim ng lupa at dagat Siya ang may hawak;
Ngalan Niya’y parangalan, Bandila’y itaas,
Hanggang malalayong pulo sa Kanya’y maligtas.

Ang Panginoon sa Siyon ay naghahari ngayon;


Pasukin ang kanyang templo’t galak na magtipon;
Sa lalim ng badila N’ya, lahat ay paampon,
Sa Hari ng lupa’t langit, igawad ang putong.

Tayo’y Nagtitipon 6
Seventh-day Adventist Hymnal 8

Tayo’y nagtitipon upang ating hingin;


Pagpapala ng Panginoon nati;
Masama’y hindi na humahapis sa’tin
Papuri sa Pangalan Niya’y awitin.

Ang ating Diyos tayo’y pinapatnubayan, pinatatatag N’ya ang kaharian;


Kaya nagwawagi sa pakikilaban
Ikaw, O Panginoon ay kaakbay.

Lahat kami, sa’Yo Jesus, nagpupuri, naway maging sanggalang Kang parati.
H’wag Mong tulutan bayan Mo’y maduhagi;
Papuri sa Pangalan Niya’y awitin.

Lumalang Ko’t Hari 8


Seventh-day Adventist Hymnal 15

Lumalang ko’t Hari, Sa’Yong lahat utang;


Mga pagpapala’y buhat sa’Yong kayamanan;
Mga pagpapala’y buhat sa’Yong kayamanan.

Ang Iyong nilalang, Sa’Yo nabubuhay;


Sa kabutihan Mo’y kulang sa papari kong bigay
Sa kabutihan Mo’y kulang sa papari kong bigay

Anong ibibigay ko, Pangino’ng Jesus?


Pagibig Mo’y humihingi ng handog na taos;
Ngunit itong nakayanan ay dukhang kaloob!

Biyaya Mo sana ako’y palakasin;


Salita’t nais, araw ko ay Iyong angkinin.
Salita’t nais, araw ko ay Iyong angkinin.

Kayong Malilinis, Matuwa at Umawit 10


Seventh-day Adventist Hymnal 27

Kayong malilinis matuwa at umawit;


Krus ni Cristo’y iwagayway sa rurok ng langit.

Matuwa matuwa matuwa at umawit.

Bata’t matatanda, lalaki’t babae;


Ilakas ang pagbubunyi, sa Diyos na papuri

Matuwa matuwa matuwa at umawit.


Kasama ang mga anghel, mga banal,
Inyong ilakas ang awit ng kaligayahan.

Matuwa matuwa matuwa at umawit.

Kayo’y umawit din sa lahat na landas ng buhay;


Sa tuwa’t kapighatian, Sa gabi at araw.

Matuwa matuwa matuwa at umawit.

Patuloy nga kayong matuwa at umawit


Krus ni Cristo’y iwagayway sa rurok ng langit.

Matuwa matuwa matuwa at umawit.

Umawit sa Kagalakan 12
Seventh-day Adventist Hymnal 34

Umawit sa kagalakan; magdiwang sa awitan


Pawiin ang kalungkutan, Pagpupuri’y isigaw.
Ibunyi Siyang sa ati’y naglapit sa kaibigan,
At S’yang naghatid sa ating, kay Jesus na paanan.

Awitin awitin ang awit ng katuwaan


Awitin ang awit nitong pagdiriwang

Ating batiing may awitan araw ng pagdiriwang


Ang masasayang hosana’y ating ipagsigawan
Kal’walhatian ni Jesus ating papupurihan\
“Ang matatandang salaysayin” ay ating isasaysay

Awitin awitin ang awit ng katuwaan


Awitin ang awit nitong pagdiriwang

Salamat sa’Yo, Amang banal, sa mga kahabagan;


Ang lahat nawa ng narito Ikaw’y pasalamatan
Salamat sa’Yo, O Jesus, sa dugong katubusan.
O Banal na Espiritu kami’y iyong hingahan

Awitin awitin ang awit ng katuwaan


Awitin ang awit nitong pagdiriwang
Ang Pangalang Anong Tamis 14
Church Hymnal 643

Ang pangalang anong tamis nakakaalis ng hapis


Nagpapasaya sa isip ay ang ngalan ni Jesus!

“Jesus,” oh anong tamis! “Jesus,” kaibigibig!


Lagi tayong umawit sa pangalan ni Jesus!

Yamang tangi ko sa buhay! natuwina’y kailangan


At labis kong minamahal ay ngalan ni Jesus!

“Jesus,” oh anong tamis! “Jesus,” kaibigibig!


Lagi tayong umawit sa pangalan ni Jesus!

Kung ako ay naninimdim at buhay ko’y may lagim


Wala akong tanging aliw, kundi ang ngalang Jesus!

“Jesus,” oh anong tamis! “Jesus,” kaibigibig!


Lagi tayong umawit sa pangalan ni Jesus!

Ang matamis na pangalang sa puso ko’y minamahal


Aawitin ko sa buhay, ay ang ngalan ni Jesus!

“Jesus,” oh anong tamis! “Jesus,” kaibigibig!


Lagi tayong umawit sa pangalan ni Jesus!

You might also like