You are on page 1of 2

Santo Rosaryo

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.

Namumuno: Aba Ginong Maria пapupunot ka ng grasya ang Panginoong ay sumainyo.

Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si
Hesus.

N:Panginom buksan mo ang aking mga labi


L: At purihin ka ng aking bibig.
N: Diyos ko tulungan mo ako.
L: Panginom magmadali ka sa pagsaklolo sa akin
N. Lualhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
L: kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan
Amen.

SUMASAMPALATAYA
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,na may gawa ng
langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng
Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak
ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,ipanako sa krus, namatay
inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na
mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa
kasamahan ng mga santo,sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli
ng mga namatay na tao. At sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN SA FATIMA
O Hesus ko patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng
impiyerno. Dalhin Mo lahat ang mga kaluluwa sa langit, lalung lalo na yaong higit na
nangangailangan ng Iyong awa.

ABA PO SANTA MARIANG REYNA


Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin,
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin,


ang mga mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
N: Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.
L: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

MANALANGIN TAYO.
O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay,
pagkamatay, at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay
na walang hanggan, ipagkaloob mo, isinasamo namin na sa pagninilay-nilay nitong mga
misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Pinagpalang Birhen Maria, matularan namin
ang kanilang nilalaman , at makamtan namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang
kay Kristong aming Panginoon. Amen.

N: Sumaatin nawa ang banal na pagtulong.


L: Amen.
N: Sumaatin nawa ang mga kaluluwa ng mga Yuma o sa awa ng Diyos.
L: Amen.
N: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santot.
Lumukob nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.
L: Amen.

MGA MISTERYO NG TUWA (Lunes at Sabado)


I: Ang Pagbati ng Anghel kay Birheng Maria.
II: Ang Pagdalaw ng Birheng Maria kay Sta. Isabel
III: Ang Pagsilang sa Daigdig ng Panginoong Jesukristo
IV: Ang Paghahain kay Jesus sa Templo.
V: Ang Pagkakita kay Jesus sa loob ng Templo.

MGA MISTERYO NG LIWANAG (Hurwebes)


I: Ang Pagbibinyag kay Kristo
II: Ang paghihimala ni Hesus sa Kasalan sa Cana
III: Ang Pagpapahayag ng Paghahari ng Diyos
IV: Ang Pagbabagong Anyo ni Kristo
V: Ang Pagtatatag ng Eukaristiya

MGA MISTERYO NG HAPIS (Martes at Biyernes)


I: Ang Paghihirap ng Panginoon sa Halamanan ng Getsemane
II: Ang Paghampas kay Jesus na Nagagapos sa Haliging Bato
III: Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Jesus
IV: Ang Pagpasan ng Krus
V: Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Jesus sa Krus

MGA MISTERYO NG LUWALHATI (Miyerkules at Linggo)


I: Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo
II: Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Jesukristo
III: Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol
IV: Ang Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen
V: Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen

You might also like