You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Paaralan Aplaya National High School Baitang Ikapito


BANGHAY ARALIN Glenda P. Bautista
Guro Antas
SA AP 7
Petsa at Oras Ika-2 ng Mayo 2024 Markahan Ikalawang Markahan

I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN


A. Mga
Pamantayang Naipapamalas ang pang-unawa at pag-unawaat pagpapahalaga sa
Pangnilalaman naging tugon at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
(Content
Standards)
B. Mga .
Pamantayan sa Nakabubuo ng proyekto nan a nagbibigay impormasyon sa mga naging
Pagganap tugon sa kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog- Silangang
Asya

C. Mga Naipaliliwanag ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo


Kasanayan at
Layuning APQ1LC3 Mahalagang maunawaan na ang pababagong pananaw ng
Pampagkatuto pamamahala at pagkamamamayan ay bunga ng mga pangyayaring
panlipunan ,pampulitikal at pangkabuhayan

D. Layuning 1. Natutukoy ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo


Pampagkatuto 2. Naiisa-isa ang mga katangian ng kolonyalismo at imperyalismo
3. Natatalakay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa kolonyalismo at
imperyalismo
E. Nilalaman Kolonyalismo at Imperyalismo ng Timog-Silangang Asya
A. Kahulugan ng kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog- Silangang
Asya
i. Kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo
ii. Katangian ng kolonyalismo at imperyalismo
iii. Halaga ng pagyayaring nagbigay daan sa kolonyalismo at
imperyalismo .

F. Integrasyon Information /Media Technology Skills (Informational and Media Literacy)


Communication Skills (Team Work/Collaboration)

II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO

LeaP AP7 Week 1

III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


A. Pagkuha ng
Dating Gawain 1. Mathinik!
Kaalaman Sa bahaging ito ay magkakaroon ng pagpapangkat ang mga magaaral
Activating Prior kung saan ay aatasan ng guro na sagutin ng mga mag-aaral ang mga
Knowledge
ekwasyon kung saan ay tutukuyin ang salita na hinihingin ng guro.
(Mind and
Mood)
EKWASYON
1. (20-10)+6= __________
2. 1x1= __________
3. (49/7)+7 __________
4. 10-9= __________
5. (5-3)+12 __________
6. 3-2= __________
7. (11+2)-2= __________
8. (5x2)+5 = __________
9. 4x4= __________

Sagot: PANANAKOP

B. Paglalahad ng
Layunin Matapos ang isakatuparan ang gawain, papasagutan ng guro ang mga
Establishing sumusunod na pamprosesong tanong.
Lesson Purpose
(Aims)
1. Magbigay ng halimbawa na pangyayari sa ating bansa kung
saan maari na maiugnay sa salitang panakop?
2. Ano- Ano ang mga bansa na alam mo na nanakop sa Pilipinas?
3. Ano-ano ang uri ng pananakop ang inilunsad nito?
4. Ano-ano ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pananakop sa
Timog- Silangang Asya?

Mula sa magiging kasagutan ng mga mag-aaral sisikapin ng guro na


maiugnay ito sa ilulunsad na aralin

C. Paglinang at Unang Bahagi: Larawang-Suri


Pagpapalalim
Developing and Suriin ang ipinapahayag ng mga larawan. Sagutin ang pamprosesong
Deepening tanong batay sa larawan sa ibaba.
Understanding
(Tasks and
Thoughts

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga lararawan?


2. Ano ang pamamaraan ng pananakop na ginawa ng mga
Europeo ?
3. Paano nagkatulad at nagkaiba ang dalawang larawan?
4. Sa inyong palagay ano- ano ang ma pangyayaring ngbigay daan
sa pananakop na imperyalismo at kolonyalismo?

Ikalawang Bahagi

Gawain 2: Bid-U-Suri

Pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa katangian ng


pananakop na Europeo sa Timog- Silangan Asya sa pamamagitan ng
panonood ng maikling video at malayang talakayan ,at pagbabahagian
ng mga kaisipan ng guro at mag-aaral, mag-aaral sa kapwa mag-aaral
gamit ang inihandang kagamitan na makakatulong sa pagkatuto.

KOLONYALISMO IMPERYALISMO

Ag mga mag-aaral ay inasahang matutukoy ang mga katangian at


kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo gamit ang meta card.

Matapos ang isinagawang obserbasyon ay papasagutan ng guro ang


mga inihandang pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng kolonyalismo at imperyalismo?
2. Ano ang mga pangunahing katangian, anyo ng pananakop na
kolonyalismo at imperyalismo ?
D. Paglalahat Gawain 3.Pangkatang Gawain:
Making Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat, bawat pangkat ay
Generalizations sasagutin sa ibat- ibang pamamaraan ang katanungan. Maaring sagutin
(Abstractions) ito ng patula, paggamit ng poster, o pagbibigay ng hashtag(#).
Bibigyan lamang ng tag 5 minuto ang pagsagot ng bawat pangkat at
ipepresenta ang sagot sa loob ng dalawang minuto bawat pangkat.
Ang bawat pangkat y bibigyan ng puntos gamit ang rubriks ng
pagmamarka na inihanda ng guro.

Pangkat isa- (Tula)


Tukuyin ang kaisipan ng pananakop na kolonyalismo at imperyalismo
Pangkat dalawa-(hashtag)#______
Ano-ano ang mga katangian ng kolonyalismo at imperyalismo
Pangkat Tatlo-Digital poster/poster
Ano-ano ang mga pangyayaring nagbigay daan sa kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog Silangang Asya?

Rubriks ng Pagmamarka
** Tingnan ang nakasiping papel para sa pagmamarka sa paggawa ng
awit,poster making, slogan.

E. Pagtataya Sa bahaging ito pormal na tatayahin ng guro ang naging pag-unawa ng


Evaluating mga mag-aaral hinggil sa nilalaman na aralin at aalamin kung
Learning (Tools magagawa na nitong maipamalas ang inaasahang kasanayan.
for
Assessment)
MULTIPLE CHOICE: Basahin at unawain ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-
estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan?
A. Kolonyalismo C. Protectorate
B. Imperyalismo D. Extraterritoriality

2.Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-


Silangang Asya?
A. Spain at Portugal C. England at Netherlands
B. Portugal at Netherlands D. Portugal at England

3. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na dahilan ng paglaganap


ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?
A. Nasyonalismo
B. Pagkukunan ng hilaw na materyales
C.Pagpapalawak ng kapangyarihan
D. Panibagong ruta ng kalakalan

4.Ano ang tawag sa direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng


imperyalistang
bansa ang kaniyang sakop?
A. Colony C. Isolationism
B. Sphere of influence D. Protectorate

5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng mga


imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain?
A. Pakikipagkaibigan C. Paggamit ng kasunduan
B. Paggamit ng puwersa D. Pagbili ng lupain sa mga pinuno ng
bansa

F. Pagbuo ng
Anotasyon Mga Naobserbahan Epektibong Problemang
(Annotations) sa pagtuturo sa Pamamaraan Naranasan at iba
alinman sa mga pang Usapin
sumusunod na
bahagi.

Estratehiya

Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral

Iba pang
obserbasyon

G. Pagninilay
(Gaps and Sa araw na ito mula sa pinakamababang marka na 1 at 5 bilang
Gains) pinakamataas, ang aking marka para sa aking pagtuturo ay _________
dahil
__________________________________________________________

Subalit ito ay pwede ko pang pataasin sa pamamagitan ng


__________________________________________________________

Gagawin ko ito hindi para lang sa aking sarili kundi para rin sa
__________________________________________ dahil naniniwala
ako na ang pagtuturo ay
__________________________________________________________

Sa kabuuan ang pinal na resulta ay makikita sa mga mag-aaral na


__________________________________________________________

Inihanda ni:

Glenda Papagayo Bautista


Master Teacher I

You might also like