You are on page 1of 3

Teorya ng Pag-anod ng Lupalop

Ito ay bunga ng pag-aaral ng isang dalubhasa na si Alfred Wegener.


Nagsimulang mabuo ang teorya ng paggalaw ng mga kontinente noong 1912
nang kaniyang masuri ang pagkakatugma ng hugis ng mga baybay-dagat sa Atlantiko
at matanto niyang magkarugtong noon ang bansang Brazil at ang kontinente ng
Aprika. Naisip niya na maaarin iisa lamang ang lupain noon sa daigdig. Ayon sa
kaniyang teorya, may isang napakalaking kontinente noon na tinatawag na Pangea.
Patuloy na gumagalaw ang mga lupa dahil sa mga nararanasang paglindol at pagputok ng
mga bulkan. Inanod ang napakalaking kontinente hanggang sa ito ay nahati sa dalawa.
Tinawag ang mga kontinente na Gondwanaland at Laurasia. Sa paglipas ng maraming
panahon, nagpatuloy ang paggalaw ng lupa, kung kaya muling nahati ang mga ito hanggang
sa maging pitong kontinente ang Pilipinas na ngayon ay matatagpuan sa isa sa mga pitong
bahagi nito, ang Asya.

Permian Triassic Jurassic

Cretaceous Kasalukuyan

You might also like