You are on page 1of 1

Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

Teorya ng Tulay na Lupa


Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito
na kabit-kabit dati ang mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-
hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang naging dahilan ang
paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.
Teorya ng Bulkanismo
Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas
ay sumulpot dahil sa malakas na puwersa at pag-galaw na naganap sa
kailaliman ng dagat may 200 milyong taon ang nakalipas.
Teorya ng Diyastropismo
Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na
nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang
mga magagang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sadagat.
Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift)
Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200
milyong taong nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang
Pangea. Malipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa dalawang
kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't
ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan

You might also like