You are on page 1of 32

Katangiang

Pisikal ng Daigdig
Araling Panlipunan 8
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral
ay inaasahang:

•A. Natatalakay ang pitong kontinente at mga


karagatan sa daigdig
•B. Nabibigyang-diin ang kahalagahan ng
anyong tubig kabilang ang Ilog Pasig
•C. Nakalilikha ng isang Illustrated World Map
na magpapakita ng pitong kontinente at
limang karagatan sa daigdig.
PAUNANG PAGSUBOK
•Panuto: Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Anong kabundukan ang tinaguriang tahanan ng mga
pinakamatataas na bundok sa daigdig?

A. Kabundukan ng Andes
B. Kabundukan ng Himalayas
C. Kabundukan ng Sierra Madre
D. Kabundukan ng Ural
2. Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa
ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan. Alin sa mga sumusunod ang kontinente na
magkaugnay?
A. Africa at Australia
B. Europe at Africa
C. Europe at North America
D. North at South America
3. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong
karagatan na pumapalibot sa Antarctica. Anong
karagatan ito?
A. Arctic Ocean
B. Atlantic Ocean
C. Indian Ocean
D. Southern Ocean
4. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-
unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong sa
mga lambak-ilog. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa pinagsimulan ng mga kabihasnan
A. Amazon
B. Huang Ho
C. Nile
D. Tigris-Euphrates
5. Ang bundok Everest ang pinakamataas
na bundok sa Daigdig. Saang bansa
matatagpuan ang bundok Everest?

A. China at Pakistan
B. India at China
C. Nepal at China
D. Nepal at India
6. May malaking kinalaman sa likas na yaman at
pamumuhay ng mga tao ang pisikal na anyo ng lupa.
Kabilang dito ang mga bundok, ito ay matataas na pook
ang bundok na binubuo ng bato at lupa. Ano ang
pinakamataas na bundok sa daigdig?

A. Mount Aconcagua
B. Mount Apo
C. Mount Everest
D. Mount Kilimanjaro
7. Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa
ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng
katubigan. Alin sa mga sumusunod ang kontinente na
magkaugnay?

A. Asia at Europe
B. Europe at Africa
C. Africa at South America
D. South America at Antarctica
8. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga
karagatan sa mundo mula sa pinakamaliit
hanggang sa pinakamalaki.
A. Arctic, Southern, Indian, Atlantic at Pacific
B. Arctic, Southern, Indian, Pacific at Atlantic
C. Southern, Arctic, Indian, Atlantic at Pacific
D. Southern, Arctic, Indian, Pacific at Atlantic
9. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-
unahang kabihasnan ng daigdig ay nagsimula sa Tigris-
Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at Nile sa Africa. Ang
mga ito ay anong uri ng anyong lupa at anyong tubig?

A. Bundok at bulkan
B. Lambak-lawa
C. Lambak-ilog
D. Tangway at baybayin
10. Ang kabundukan ng Himalayas ang tahanan ng
pinakamatataas an bundok sa Daigdig. Alin sa mga
sumusunod ang MALI tungkol sa kabundukan ng
Himalayas?

A. Ang kabundukan ay nabuo dulot ng pag-umpugan


ng continental plate
B. Ang kabundukan ay matatagpuan sa hilagang
rehiyon ng Asya
C. Malamig ang klima sa kabunduka ng Himalayas
D. Sa kabundukang ito matatagpuan ang Mt. Everest
ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG SA
DAIGDIG
ANYONG LUPA
•Tinatawag na kontinente ang
pinakamalawak na masa ng lupa sa
ibabaw ng daigdig. May mga
kontinenteng magkakaugnay
samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.
May pitong kontinente ang daigdig

•Africa, Antarctica, Asia,


Europe, North America,
South America, at Australia
at Oceania.
•Ayon kay Alfred Wegener,
isang German na nagsulong
ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang
mga kontinente sa isang
super kontinente na Pangaea.
•Dahil sa paggalaw ng
continental plate o malaking
bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan,
nagkahiwa-hiwalay ang
Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.
•Tinatawag na topograpiya ang
pisikal na katangian ng isang
lugar o rehiyon.
•Sa pagdaan ng panahon, ang
mga tao ay natutong
makiangkop sa kanilang
kapaligiran.
•Sa kasaysayan ng sangkatauhan,
ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay
umusbong malapit sa mga lambak-
ilog. Kabilang dito ang mga lambak
ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho
sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa
Africa.
•Sa kasaysayan ng sangkatauhan,
ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay
umusbong malapit sa mga lambak-
ilog. Kabilang dito ang mga lambak
ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho
sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa
Africa.
Tigris-Euphrates River
Indus River
Huang Ho River
Nile River
Ang mga bulubunduking lugar ay
kadalasang nagtataglay lamang ng maliit
na populasyon. Kapansin-pansing ang
pinakamataas na bundok sa buong daigdig
ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest
(29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340
talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang
Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642
metro).
ANYONG TUBIG
Matagal ding panahong apat na karagatan
lamang ang kinilala sa daigdig:
Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000
lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang
panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na
umaabot hanggang 60 degree S latitude
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang
pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep
sa Mariana Trench na nasa kanlurang
bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim
na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic
Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at
Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Mariana Trench
Marami pang dagat na matatagpuan sa
daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain.
Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang
South China Sea, Philippine Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
PAGSASANAY

You might also like