You are on page 1of 1

Mga Gabay upang Pumasa sa Accountancy, Business, and Management (ABM)

Paano mo nga ba matagumpay na maipapasa ang starnd na ABM? Sa tuwing


naririnig ng iba ang strand na ABM ang mga salitang pumapasok agad sa isip nila ay ang mga
salitang “mahirap”, “maraming problem solving”, at “puro matematika. Ngunit sa mga gabay na
aking ibibigay ay garantisado ang iyong pagiging pasado.
Una: Laging makinig sa itinuturo ng guro. Hindi lamang sa ABM magagamit ito kung hindi sa
ibang strand na rin. Kinakailangan na lagi kang makinig upang maunawaan mo ang itinuturo ng
guro mo lalo na’t sa ABM ay maraming problem solving.
Pangalawa: Magbalik aral dalawa (2) o isang (1) lingo bago ang pagsusulit. Base saaking
karanasan ay mas mainam kung mas maaga kang magbabalik aral dahil sa dami ng iyong aaralin
ay hindi sasapat ang dalawa (2) hanggang apat (4) na araw.
Pangatlo: Kung sa tingin mo ay malaki ang tsansa na mababa ang makuha mong marka sa
pagsusulit ay mas mabuting bumawi ka sa recitation. Ang pamamaraan na ito ay ginagawa
ko na mula noong ako’y nasa ika-sampung baitang hanggang ngayong ikalabing-isang baitang at
dahil dito ay nagkamit ako ng mga karangalan.
Pang-apat: Hindi masamang magkamali. May mga mag-aaral na kapag nagkamali sila sa
pagsagot sa recitation ay natatakot na muling sumubok o ayaw sumubok dahil takot magkamali.
Kailangan nating baguhin ang kaisipang ito. Para sa akin ay hindi ka matututo kung hindi ka
magkakamali, “Learn from your mistakes”.
Panlima: Hanapin ang tamang mga kaibigan. Hindi importante kung marami o kakaunti ang
iyong kaibigan, ang importante ay hindi ka nila hinihila sa maling daan. Maaari mo rin silang
hingian ng tulong o mapagtanungan kung sakaling nalilito ka sa isang partikular na paksa.
Pang-anim: Magtanong. Magtanong sa guro o kaklase kung nalilito ka sa isang bagay o paksa.
Walang masama sa pagtatanong, mas mabuti nga kung ikaw ay magtatanong upang mas
lumawak ang kaalaman mo sa partikular na paksa.
Panghuli: Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Mag-enjoy ka lang sa bawat ginagawa mo.
Hindi naman kinakailangan na perpekto ang bawat gawaing iyong ipapasa, ang mahalaga ay
nakikita ng mga guro mo na sinusubukan mo at nagsisikap ka.

You might also like