You are on page 1of 12

Bahagi Ng

Sanaysay
PANIMULA
Ang pinakamahalagang bahagi ng isang
sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan ng mga mambabasa, dapat
nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
KATAWAN
Sa bahaging ito ang sanaysay makikita
ang pagtalakay sa mahahalagang
puntos ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay, dapat ipaliwanag nang
mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito ng maigi ng
mambabasa.
WAKAS
Nagsasara sa talakayang naganap sa
katawan ng sanaysay. Sa bahaging
ito nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan ang
mga tinalakay ng sanaysay.
ELEMENTO NG
SANAYSAY
Tema at Nilalaman  -  anuman
ang nilalaman ng isang sanaysay ay
itinuturing na paksa dahil sa layunin
sapagkakasulat nito at kaisipang
ibinahagi.
Anyo at Istruktura  -  ang anyo at
istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto
ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa,
ang maayos na pagkakasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas
ng wika at istilo ng pagkakagamit
nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higt
na mabuting gumamit ng simple,
natural at matapat na mga pahayag.
Mga Uri ng Sanaysay Batay sa Layon ng
Pagpapahayag

Sanaysay na Naglalarawan o Deskripto


Sanaysay na Nagsasalaysay o Naratibo
Sanaysay na Naglalahad o Eksposisyon
Sanaysay na Nangangatwiran o
Argumentatibo

You might also like