You are on page 1of 1

Si Rustam at Si Sohrab

Mula sa Epikong Shahnameh


Buod ng isang Epikong Persiyano

Ang Pagkikita nina Rustam at Prinsesa Tahmina

Isang araw sa lugar na malapit sa Turan sa bayan ng Samangan, maghapong nangaso si


Rustam. Nang makahuli siya ay iniluto niya ito at kinain. Sa knayang kabusugan ay nakatulog siya.
Habang ang kanyang kabayong si Rakhsh ay nanginginain ng damo, may dumaang isang pangkat na
mga sundalong Turanian at napagkasunduan nilang hulihin ang kabayo. Nanlaban si Rakhsh,
napatay niya ang isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit nabigo siyang ipagtanggol ang sarili.
Tinangay siya ng isang sundalong Turanian.

Laking gulat ni Rustam nang sa kanyang paggising ay hindi niya mahagilap ang kanyang
kabayo. Galit at tuliro, pinasok ni Rustam ang bayan ng Samangan upang humingi ng tulong sa
paghahanap sa kanyang kabayo. Buong-puso naman siyang tinanggap ng hari ng Samangan at
sinigurong tutulugan siya sa paghahanap sa nawawalang kabayo.

Hinimok pa siyang magpalipas ng gabi sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap sa


pagbukang-liwayway. Hatinggabi nang namalayan na lamang ni Rustam na bumukas ang pinto ng
silid na tinutuluyan niya. Kapagdaka’y pumasok ang dalawang babae, ang una ay isang tagasilbi at
sumunod ang isang magandang dilag. Nagpakilala ang magandang dilag na siya ay si Prinsesa
Tahmina, ang kaisa-isang anak na babae ng hari ng Samangan. Isinaad ni Tahmina na kilala niya ang
binatang si Rustam, hindi lingid sa kanya ang kagitingan, kahusayan, at katapangan ng binate.
Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa.

Kinabukasan ay natanggap ni Rustam ang mabuting balita na natagpuan na ang kanyang


kabayo. Masakit man sa kanilang dalawa ng prinsesa ay kailangan niyang lisanin ang lugar. Naging
mapait at tigib ng luha ang kanilang paghihiwalay. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si
Prinsesa Tahmina. Lumipas na ang maraming buwan ay hindi pa rin nagkita sina Rustam at
Prinsesa Tahmina. Hindi naglao’y nagsilang ng isang batang lalaki ang prinsesa. Tinawag niya itong
Sohrab. Lumaki ang batang si Sohrab na isa ring magiting na mandirigma, kagaya ng kanyang
amang si Rustam.

Ang Trahedya ni Sohrab

Hindi nalaman ni Rustam na nagbunga ang kanilang pag-iibigan ni Prinsesa Tahmina.


Hanggang isang araw na nagkaharap sa isang digmaan ang mag-amang si Rustam at si Sohrab. Sa
umpisa ay hindi man lang naghinala si Rustam na maaaring si Sohrab ay kanyang anak, habang si
Sohrab ay kinutubang maaaring si Rustam ang kanyang ama.

Nagtuos ang dalawang magiting na mandirigma. Naigupo ni Rustam si Sohrab at nasaksak


hanggang ito ay mag-agaw buhay. Habang siya ay nakahandusay ay nagbalik sa kanyang alaala na
ang nagtulak sa kanya upang mapadpad sa lugar na iyon ay ang pagmamahal sa kanyang amang si
Rustam. Sa pagtitig ni Rustam sa nag-aagaw-buhay na katunggali ay napadako ang kanyang
paningin sa pulseras na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Ito ang pulseras na ibinigay niya kay
Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas. Hindi siya puwedeng magkamali. Maaaring ito
ay ibinigay ng prinsesa sa kanyang katunggali dahil ito ay ang kanyang anak. Nayanig ang buong
pagkatao ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang lahat. Wala nang
buhay si Sohrab.

Isang mapait na kamatayan dahil namatay siya sa kamay ng taong dapat sana’y kakalinga at
magtatanggol sa kanya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito ninais na
mangyari, ngunit naging malupit ang tadhana.

You might also like