Professional Documents
Culture Documents
Script Draft
Script Draft
Rustam
Sohrab
Hari ng Samangan
Tahmina
Narrator
Raksh???
SCENE 1: Paghahanap Kay Raksh
NARRATOR:
Isang araw, nagpasya si Rustam na mangaso sa kanyang paboritong pook sa
hangganan ng Iran at Turan. Pagod, natulog siya at iniwan si Raksh na libang sa
kanyang sarili. Nakita ng mga sundalo ng Hari ng Samangan ang isang magandang
kabayong naglalakbay, at sa hirap at ginhawa, nadala ng mga sundalo ang kabayo sa
kanilang kaharian, at naghahangad ng malaking gantimpala para sa pagkakapkap ng
ganoong magandang kabayo
Sa paggising ni Rustam, ay napagtanto niya na wala si Raksh. Nakakita siya ng mga
bakas ng laban patungo sa direksyon ng kaharian ng Samangan, nagpasya siyang
sundan ito.
RUSTAM:
(Hinahanp si raksh at hindi mapakali) Raksh? Raksh? Nasaan ka na?
RUSTAM:
Aking prinsesa, Ako si Rustam hari ng Zabulistan at isang mandirigma, hindi ko alam
kung saan napunta si Raksh ang aking magiting na kabayo. Kanina pa ako naglalakbay
sa kaharian mo, at nag-aalala ako.
TAHMINA:
Huwag mag-alala, Rustam. Tutulungan kita na hanapin si Raksh. Samahan mo muna
ako sa palasyo at ipagdiwang ang iyong pagdating.
NARRATOR:
Nagkaroon ng sagutan ang dalawang puso, at agad na napamahal si Rustam kay
Tahmina.
[Naglakbay ang dalawa]
Sa pagitan ng mga halaman, nag-uusap ang kanilang mga mata, nagpapalitan ng mga
lihim na ngiti na naglalarawan ng mas matimyas na pag-ibig.
NARRATOR:
Sa pangako ng kanyang tulong, pinaunlakan ng Hari ng Samangan si Rustam na
hanapin si Raksh. Gayundin, inanyayahan si Rustam na mamalagi sa kanyang kaharian
habang hinahanap nila ang nawawalang kabayo.
HARI NG SAMANGAN:
Rustam, kahit anong tulong ang kailangan mo, ibibigay ko. Magpahinga ka muna dito at
tangkilikin ang aming kagandahang-loob.
RUSTAM:
Salamat, Hari. Hahanapin ko si Raksh at babalik din agad ako sa aking kaharian
pagkatapos.
RUSTAM:
(Nabighani)
Prinsesa, bakit ako? Hindi ba't ako'y isang mandirigma, isang tagapagtanggol lamang?
TAHMINA:
(Hinahalikan ang pisngi ni Rustam.)
Oo, ngunit alam kong sa ilalim ng matigas mong balat, may pusong naglalagablab.
Rustam, mahal na mahal kita.
RUSTAM:
Mahal din kita prinsesa, Ang iyong mga mata ay parang bituin sa gabi, nagbibigay
liwanag sa madilim kong daan.
NARRATOR:
Sa malamlam na ilaw ng buwan, saksi ang mga bitwin sa pagmamahalan ng hari at ng
prinsesa.
RUSTAM:
Tahmina, Mabigat man sa aking dibdib itong sasabihin ko pero kailangan kong bumalik
at tuparin ang aking tungkulin.
TAHMINA:
Rustam, hindi ka na ba pwedeng magtagal pa dito, kasama ako? Akala ko’y mahal moa
ko?
RUSTAM:
(Luhang pumatak.)
Aking prinsesa, mahal kita ngunit mahal ko din ang aking kaharian. Ako’y may tungkulin
at kailangan ko itong gampanan.
[Hinubad ni Rustam ang purselas at sinuot kay Tahmina]
Itong purselas na ito ay ang magsisilbing ala-ala ng pagmamahal ko sa iyo, babalik ako
para magpakasal tayo. Mahal kita aking prinsesa.
[Hug]