You are on page 1of 18

Romeo and Juliet

Script

Scene 01

Away sa Kalye

[Habang binubuksan ang Kurtina]

Person 1: Bahag buntot!!

Person 2: isa kang matandang uugod ugod

[nabuksan na ang kurtina]

Lord Montague: SInasadya niyo bang insultuhin ang Montague!?[pasigaw at tsaka ituturo
ang daliri kay Lord Capulet]
Lord capulet: ginoong montague,tila’y ikaw nagkakamali,[tinignan ng masama si lord
montague].Kayo ang unang uminsulto sa aming angkan! Sa tingin mo ba ay isa akong
mangmang? Nasilayan ko ang isa sa iyong angkan na inaaway ang isa saamin!

Lady Capulet: [Pumunta sa harap ni Lord Capulet upang pakalmahin ang asawa.] Magsitigil
nga kayong dalawa! Kung umasta kayo’y mga bata! Nakakahiya naman para sa ibang tao,
ika’y kumalma, aking mahal.

[may mga taong nakikita at nanood ng kanilang alitan]

Lady Montague: Tigilan na ninyo ang away ninyo. Aking asawa, tayo’y umuwi na, na sa
kung gayon ay walang alitang magaganap ngayon. Nakakahiya n a sa mga mamamayan,
tayo’y kanilang paguusapan muli.

Tybalt: Ilugar ninyo ang kayabangan ninyo mga Montague.

Lord Montague: Maanghang ang dila mo bata, ikaw ay musmos pa lamang!


[Inilabas ni Lord Montague ang kaniyang espada at itinuro sa harap ni Lord Capulet. Nang
Makita ito ni Tybalt, pumunta siya sa harap ni Lord Capulet sabay na inilabas ang kanyang
espada.]

Benvolio: Isa kang buwayang lubog, Tybalt, isa kang kahihiyan sa inyong angkan!

Tybalt: Pagpaging alimasag ata ang iyong ulo Benvolio.

[Naghandang maglabanan ang dalawang pamilya ngunit biglang dumating ang mga kawal.]

Kawal 1: MAgsitigil kayo!

[Dumating ang dalawa pang kawal at sa gitna ay si prinsipe Escalus na mukhang galit na
galit]

Kawal: Magbigay daan sa prinsipe!!!

[Lalakad si Prinsipe Escalus, with grace, authority and proper manner. Titigil ang mga
Montague at Capulet sa kanilang away at haharap sa prinsipe saka yuyuko sa kanya.]

Lahat: Mga pagpapala, pagpupuri at kaluwalhatian sa butuin ng Verona.

Prinsipe Escalus: [Titignan ang dalawang pamilya.] Anong kaganapan ang nangyayari dito?!
Mga hadlang sa kapayapaan ng ating kaharian, kahiya-hiya ang inyong mga ginagawa!
Pinagtatalunan ang maliit na bagay sa harap ng maraming tao, di man lng kayo nahiya sa
inyong mga sarili!

[Tumingin ng marahas sina Lady Capulet at Montague sa kanilang mga asawa at lumapit at
yumuko sila sa prinsipe.]
Lady Capulet at Montague: Sana po ay patawarin ninyo kami, mahal na prinsipe. Aming
aayusin ang problemang ito sa aming mga tahanan upang hindi na lumaki ang kaguluhang
ito.

Prinsipe: Mabuti kung gayon, Lady Capulet at Lady Montague. Kayo’y magsiuwian na at
kalimutan ang nangyari sa araw na ito. Pag itong kaguluhan na ito ay maulit muli, wala na
akong ibang magagawa kundi ihatol sa inyo ang parusa ng kamatayan.

[Curtains Close]

Wakas ng Unang Eksena

[Sa pagpasok ng mga mamamayan sa eksena]

[Nagbubulongan sila habang nakaupo]

Residente 1: Grabe mag talo ang mga pamilyang ito, dito pa sila sa bayan nagtatalo.

Residente 2: Sang-ayon ako sa iyong sinabi, ano nga ba ang kanilang pinagtatalunan?

Residente 3: Matagal na ang alitan ng dalawang pamilyang iyan ngunit hindi parin alam ang
pulo’t dulo ng kanilang pinagtatalunan. [sighs]

Residente 2: [gasps] Teka! Anjan na ang mga kawal. Tayo’y magsiuwian na.

Scene 2: Paanyaya at ang Sayawan

Lord Capulet: Nais kong maipakasal si Juliet sa matikas na lalaki upang maipagpatuloy nila
ang karangalan at karangyaan ng ating pamilya.

Lady Capulet: Maaari nga aking asawa, ngunit saan tayo hahanap ng lalaking
mapapangasawa ng ating Juliet?
Lord Capulet: Sa pagtitipon [pasigaw], oo, sa sayawan!! Maaari tayong magimbita ng mga
maharlikang pamilya upang makihalok sa sayawan at iimbitahan ko rin si Konde Paris
upang dumalo sa sayawan.

Tybalt : Ngunit ito lang po ang payo ko sa inyo tiyo, hayaan po ninyo si Juliet ang mamili ng
kanyang mapapangasawa upang siya ay lumigaya.

[Lumakad palayo si Tybalt sa tiyo at tiya niya ngunit bago niya isara ang pintuan, siya ay
lumingo.]

Tybalt: Ngunit naiintindihan at rinerespeto ko naman po ang iyong desisyon, tiyo. Ako na
po ay pupunta sa aking silid, magandang gabi po sa inyo.

[curtain close]

[open curtain on the other side]

[Si Lord Capulet ay gumawa ng imbitasyon para sa mga mamamayan]

Lord Capulet: Iho, halika rito at may ipapagawa ako sa iyo.

Mensahero: Anon po iyon, Lord Capulet?

Lord Capulet: Nais kong iparating mo itong imbitasyon sa iba’t ibang pamilyang mahalrika
sa ating kaharian. Ito ay imbitasyon para sa isang kasiyahan na nagaganap sa mansion ng
mga Capulet. Kung maaari ay hindi mo ipaabot ang imbitasyon na ito o kahit mang anong
impormasyong ito sa mga Montague.

Mensahero: Masusunod po, Lord Capulet.

[umalis ang mensahero]

Romeo Scene

[Si Mercutio ay patakbo kina Romeo]


Mercutio: Kamusta na aking kaibigan!

Benvolio: Mabuti naman!

[nahahalata ni mercutio na mukhang nalulumbay si Romeo]

Mercutio: Nasa isipan mo parin ba si Rosaline, Romeo?

[Tumango lamang si Romeo na nakatitig sa sahig]

Mercutio: Aking matalik na kaibigan, ang pag-ibig ang siyang pinakamagandang emosyon
sa mundo, kung ito’y nag papalungkot lamang sa iyo at nagpapasakit ng iyong damdamin,
sinasabi na sayo ito ng tadhana na oras na uapang pakawalan mo na si Rosaline.

[Dumating ang mensahero]

Mensahero: Ginoo! Ginoo! Maari ba ninyong basahin ang mensaheng ito? Sapagkat hindi ko
alam ang bumasa.

Romeo: Maaari kitang matulungan, kaibigan, akin na ang sulat na iyong binangit.

(binasa ang sulat)

Romeo: Livia, Lucio, Tybalt, Paris , Rosaline, ano ang listahang ito?

Messenger: Listahan ng imbitado sa kasiyahan na magaganap sa bahay ng pamilyang


Capulet, kung hindi kayo mula sa pamilyang Montague, imbitado rin kayo.

(lumisan ang messenger)

Mercutio: Kailangan natin dumalo sa sayawan.


Benvolio: madali sabihin para saiyo, dahil hindi ka isang montague,Hindi ako dadalo sa
sayawan na iyon.

[umalis muna si Romeo upang pagisipan kung siya nga ba ay aalis o hindi]

Mercutio: Ngunit kailangan natin pumunta para kay romeo, upang masilayan niya si
rosaline, tutal naman magsusuot tayo ng maskara diba?

Benvolio: sige, nang sumaya si romeo. Sa totoo lng, masakit sa aking damdamin na hindi
makita na ngumingiti ang aking pinsan. Ako’y lubos na nagaalala para sa kanya.

[dumating muli si romeo]

Romeo: kung gayon paman ay sige, ngunit tayo’y lilisan kaagad at hindi gagawa ng gulo

(masayang sumigaw ng magaling sina mercutio at benvolio)

curtain closed.

(curtain open)

SCENE 3: SAYAWAN AT SA BALKONAHE

(habang nagsasayawan ang lahat)

Paris: binibini ang iyong ganda ay nakakasilaw, Ikaw lamang ang babaeng may
kagandahang ganitong taglay, nais ko sanang hingiin ang kamay mo upang sumayaw.

(sinabi niya kay juliet)

(ibinigay ni juliet ang kanyang kamay bilang pahiwatig na siyang tumugon at sila ay nag
sayaw)

(naganap ang sayawan)

nurse: hinahanap kana ng iyong ina,ehem ehem. Juliet hinahanap kana ni lady capulet (at
nag paalam na c juliet kay romeo)

nalaman ni romeo na isang capulet si juliet at sabay bigkas ng

(nakita ni tybalt sina romeo kaya’t siyay tumayo ngunit pinigilan siya ni lord capulet)
Romeo: juliet! Napakagandang pangalan ngunit umiibig ako sa isang capulet(nagtakot na

pagbigkas)

agad na umalis sa sayawan ang tatlo

(inutusan ni juliet ang kanyang nurse na alamin kung sino ang lalaking iyon.)

juliet:alamin mo kung sino ang lalaking iyon

nurse: Napag alam ni tybalt na inyo pong pinsan ang ngalan ng binata, siya po si Romeo
Ngunit binibining juliet, nakakalungkot man pong banggitin pero Isa syang Montague.

juliet: hindi! Ang aking minamahal ay isa palang kaaway (at siya ay nalungkot)[dahan
dahan nag sara ang kurtina]

(side curtain slightly open)

(pumunta sa balconahe si juliet)

(bumalik si romeo sa tahanan ng capulet)

nasilayan niya si juliet sa balkonahe ng kanilang tahanan

romeo: juliet! Ako’y bumalik

juliet:anong ginagawa mo dito,papano ka nakapunta dito, umalis ka dahil papatayin ka nila

romeo:hindi! Hindi na mahala kung mabuhay pa ako, nais ko lng masilayan kang muli

juliet: isa lamang mangmang ang hindi matatakot mamatay dahil lang sa pag ibig

(may kumatok)

juliet: kailangan ko ng umalis

romeo: hindi ako aalis kung hindi ko pa nakukuha ang iyong pag ibig

juliet: akin na itong naibigay, kung ang pagibig mo saakin ay marangal akoy alukin mo ng
kasal at habang buhay kitang iibigin sabihin mo lang kung saan at kung kelan ito gaganapin
at doon..ako’y darating

romeo: ika syam ng umaga bukas sa silid ni padre lawrence

juliet: ngayon ay umalis kana at baka mahulika.

Romeo: aasahan kita bukas


SCENE 04: KASALANAN

(Ipinaalam ni romeo kay padre na gusto niya siyang ikasal siya kay juliet)

padre: ano? Gusto mong ikasal sa isang capulet. laro ba ang tingin mo dito romeo,malaking
peligro itong pinapasok mo

romeo: nais kong maramdaman ang walanghanggang pag ibig ni juliet para saakin, ang
kanyang bigkas ay “pakasalan ko siya at habang buhay niya akong iibigin.

Romeo: kung hindi mo kami ikakasal ay hahanap ako ng iba pang paraan upang maging
akin siya, kahit anong mangyari, magkasama lng kami

padre: nadala ka na nga nang pag ibig mo, osiya kung ano man iyong desisyon, ganapin
natin mamayang hapon ang kasalan.

(ginanap sa hapon ang kasalan)

….......

SCENE 5: PATAYAN

(nakatanggap c benvolio ng mensahe mula kay tybalt)

benvolio: mercutio! tignan mo ito, nagpadala ng sulat si tybalt kay romeo

mercutio: ano ang sulat na iyan

benvolio:hinahamon niya si romeo sa isang duwelo

mercutio: ngunit hindi magaling si romeo sa labanan ng espada samanlang ang kalaban
niya ay si tybalt. Siya ay prinsipe ng mga pusa, kaya niyang makapatay sa isang hampas
lamang.

Benvolio: paano na ito.

(dumating si tybalt kila romeo)

tybalt: romeo lumabas ka diyan at harapin mo ako, sa tingin mo ba’y makakapasok ka


saamin ng hindi namin nalalaman

mercutio: syempre hindi, ang bagay lang na nasagi ng capulet ay ang pamangkin nila at ang
dignidad nila
tybalt: mercutio hindi ako nandito para saiyo kaya umalis ka diyan

mercutio: bakit? Natatakot ka matalo? Halika tayo ang mag duwelo! lalaki sa lalaki

tybalt: sumosobra ka na!( at sumugod kay mercutio)

(nagduduwelo ang dalawa at dumating si romeo)

romeo: tumigil na kayo! Tandaan ninyo ang sinabi ng prinsipe, kayo ay paparusahan ng
pagkamatay kaya itigil niyo na iyan!

(pinigian ni romeo si mercutio)

romeo:pakiusap mercutio, tigil na

(at na saksak ni tybalt si mercutio)

romeo: hindi!!!

(tumakas si tybalt at habang siya ay papalayo ay nagbigkas siya ng katagang)

tybalt: hindi pa tayo tapos romeo babalikan pa kita!

(hinabol ni romeo si tybalt)

romeo: tybalt tumigil ka

(at sila ay nag duwelo at napatay ni romeo si tybalt).

SCENE 6: PAGPAPALAYAS KAY ROMEO SA KANILANG BAYAN

(nalaman ng prinsipe ang nangyari)

prinsipe: ano ang nangyari, sino ang naka saksi sa nangyari

Benvolio: ako mahal na prinsipe

prinsipe: isalaysay mo ang nagyari, maging detalyado ka.

Benvolio: hinanap ni tybalt si romeo,galit na galit ito. Doon ay naka duwelo niya si mercutio
at dumating si romeo, sisnubukan niyang pigilin ang pag duduwelo ng dalawa ngunit
pinatay ni tybalt si mercutio gamit ang kanyang espada, matalik na kaibigan ni romeo si
mercutio at hindi niya matanggap ang sinapit ng kaniyang kaibigan kaya’t sinugod niya si
tybalt at kanya itong napatay
prinsipe: napatay ni tybalt si mercutio,at pinatay ni romeo si tybalt.

(katahimikan ng saglit)

prinsipe: dahil naulit ang pag aalitan ng dalawang pamilya, Romeo Montague, ikaw ay
hahatulan ko ng kamatayan. Ngunit dahil ay si Tybalt naman ang totoong pasimuno ng
gulong ito, ang iyong parusa ay mababawasan. Ikaw ay mapapalayas lamang sa Verona at
ikaw hindi pwedeng bumalik muli.

{Resident 1: ngunit

{resident 2: papalayasin?

Prinsipe: wala ng tututol, ngayon mismo ay kailangan mo ng lumisan ng Verona, romeo,


kapag ikaw ay nasilayan ko pa sa Verona ay hahatulan na kita ng kamatayan.

[nagsi alisan ang mga tao sa korte]

( pumunta si Romeo sa pari at nurse upang ipag paalam ang nangyari)

pari: bukas ng umaga pumunta ka ng matua,aayusin ko matutuluyan mo’t makukuha mo


ang gusto mo, papadalhan kita ng mensahe ukol kay julieta at sa verona, magiging maayos
din ang lahat romeo.

Nurse: magpakita ka sa asawa mo bago ka umalis

(at siya’y pumunta kay juliet)

romeo: juliet, ako ay pinapa alis sa ating bayan bilang aking parusa

juliet: oh hindi

romeo: bukas ng umaga ang aking paglisan

(nagyakapan ang dalawa)

PAUMAGA NA.

Juliet: nawa’y tayo ay mag muli romeo

Romeo: magkikita ulit tayo, pangakoko iyan sa iyo, minamahal kong Juliet

SCENE 7:PAGPAPAKASAL KAY JULIET AT PARIS


Lord Capulet: Paris! May maganda akong balita.Dahil sa pagkamatay ng kanyang pinsan,
Ang aking munting dalaga ay nalungkot dahil sa nangyari. Nais kong sumaya siya muli
kaya’t nakapagdesisyon akong ikasal kayomng dalawa sa huwebes.

Paris: Matagal ko itong hinihintay.Mahal kos juliet ngunit nais niy b akong pakasalan.

Lord Capulet: Hindi ko siya tatanungin ukol roon, binibigyan na kita ng basbas upang
pakasalan si juliet.

Paris: Mabuti kung gayon!

(pumunta si lord capulet sa silid ni juliet)

Lord Capulet: Nais kong pakasalan mo si paris upang bumalik ang iyong saya bagkus ito’y
nawala noong namatay ang iyong pinsan na si tybalt

juliet: hindi! Ayoko siyang pakasalan.

Lord Capulet: Sa bawat hapunan, at bawat pagtitipon, araw araw gabi gabi, isa lang ang
hinahangad ko. Na makahanap ka ng mapapangasaaw mo. At ngayong nakahanap ako ng
maari mong makapangasawa, ngayon kapa tatangi,Ako’y nakapag desisyon na at hindi ka
na maaring tumutol, sa huwebes ng hapon ay gaganapin ang inyong kasal. At sakaling ikaw
ay tumangi ay itatakwil kita at isaka nalamang patay saakin.

(dahan dahang umalis sina lord at lady capulet)

juliet: ama hindi! Ayoko! Ina tulungan mo ako pakiusap.

Juliet: nurse! Ako'y kasal na, anong gagawin ko. Hindi na ako maaring ikasal muli

nurse: Kung ano ang binabangit ng iyong puso ay ito iyong sundin.

Juliet: tama ka. Pumunta ka ngayon sa aking ama at sabihin mong ako’y tumututol
sakaniya, pupunta ako ngayon kay padre upang mangumpisal.

SCENE 08:PAGPAPAKUMPISAL

Friar: juliet iha, huwag kang mag alala. Ako'y nag handa ng plano upang maiwasan ang
inyong pag iisang dibdib.

Binigay ng Pari ang gayuma na mag papatulog sa mang gagamot at Isa pang gayuma na
pansamantalang mag papahinto sa tibok ng puso ng dalaga sa loob ng 48 hrs
Friar: Itong pampatulog na gayuma ay iyong ilagay sa inumin ng mangagamot mamayang
gabi, at Ikaw naman ay dapat inumin ang gayumang ito upang huminto ang tibok ng puso
mo sa loob ng 48 hrs. Pagkatapos nito, magpapadala ako ng liham sa iyong sinisintang
Romeo na nag sasabing magkikita tayo sa isang tiyak na lugar para sa inyong muling
pagkikita. huwag kang mag alala, pagkatapos ng 48 hrs ang iyong katawan at babalik sa
paggana at ikaw ay makakabawi sa kamalayan sa oras na tayo'y makarating sa eksaktong
lugar.Pagkatapos mong mainom ang gayuma ito, sa oras mismo ng iyong kasal, aakalain
nilang ikaw ay wala ng buhay at aking aakuin ang responsibilidad na alagaan at ayusan ang
iyong labi para sa lamay ngunit hindi iyon ang aking plano sapagkat ikaw ay dadalhin ko sa
lugar kung saan ating kikitain si Romeo.

Juliet: Batid kong hindi sapat ang aking pasasalamat sa iyong tulong,Ginoo!

*kanyang sabi sabay kuha ng gayuma upang magawa ang planong nasabi

On night time:

*ibinigay ni Juliet ang gayuma sa manggagamot

*tinanggap ang ibinigay at Itoy ininum ng manggagamot

Also the nurse: nakaramdam ng kaunting pagkaduwal at nagdilim ang kanyang paningin
sunod nito'y ang kanyang pagkatulog o pagbagsak sa sahig.

Juliet: Gumana ito ng ganon lamang kadali?

*namangha at tinignan ang bote ng gayuma

*kinuha ang dalawang paa ng mangaggamot at dinala ito sakanyang silid at itoy kinumutan
pagkatapos siyay dumiretsyo sa kanyang silid upang inumin ang gayuma, wala pang
sandali sya ay nawalan ng Malay.

Next Day Wedding Day

Nurse : Juliet, Ikaw ay handa na ba?

*binuksan ang pinto ngunit natagpuan ang walang Malay na katawan ni juliet, bcs of this
tinignan nya ang kanyang pulso ngunit sa kasamaang palad, wala itong mahanap

Nurse :Juliet!?, gumising ka oh Juliet!, hindi ito maaari!!


Follow up action, Side characters were carrying a coffin where juliet was inside

SCENE 9

‘Pumunta si benvolio sa tahanan ni romeo’

ROMEO: Oh Benvolio, maligayang pagdating! Ano ang balita sa Verona?

BENVOLIO: Pinsang Romeo, Tama ka mayroon akong dalang balita .

ROMEO: Sabihin mo kung ano ito.

BENVOLIO: SI Juliet ay kasalukuyang nasa himlayan na ng mga capulet.

ROMEO: Ano ang ibig mo bang sabihin ay patay na ang aking binibini?

BENVOLIO:Oo Romeo, tama ang iyong narinig.

ROMEO: Alam mo ba talaga ang pinagsasabi mo Benvolio o narinig mo lang sa iba?

BENVOLIO: Nakita ko ang bangkay niya kanina at agad agad akong nag tungo rito, patawad
Romeo.

ROMEO: Kung gayon ay kailangan kong magmadali.

BENVOLIO: Huminahon ka Romeo alam ko masakit ang aking dinalang balita ngunit....

‘TUMAKBO SI ROMEO AT NAGTUNGO SIYA SA PABILIHAN NG LASON’

TNDERO: Bili na kayo ng lason, mabisa ito pamuksa ng mga pesteng daga sa iyong tahanan.

ROMEO : Itong lason ba ay kasing bisa ng iyong sinasabi.

Tindero : Oo, mas higit pa ito.

ROMEO: Kong gayun bigyan moko ng isang bote.


‘AT AGAD AGAD NA PUMUNTA SI ROMEO SA VERONA’

Scene 10

[Naglalagay ng bulaklak sa puntod ni Juliet]

Paris: Aking mahal, bakit? Bakit ako’y iniwan mo sa malaimpiernong mundo ito na wala ka?
Paano pa kaya ako mabubuhay na wala ka?

Page: Konde, may paparating po dito, halika na po at tayo’y umalis.

[paparating na si romeo sa puntod]

Romeo: Kaibigan, sana naman ay maiparating ang sulat na iyo sa aking ama. Ika’y umalis
na dito, batid kong hindi na ako makakabalik sa aking tahanan.

[papasok si romeo sa puntod at nakita si paris]

Romeo: JULI-huh? At sino ka naman?

Paris: Hindi na mahalaga kung sino ako! IKAW! IKAW MONTAGUE ang siyang pumatay kay
Tybalt! Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasan na ito! Ikaw ang dahilan kung bakit
namatay sa lungkot ang aking sinta!

Romeo: Kaibigan, ayaw ko ng gulo ngayon. Ika’y umalis na hayaan akong makapiling ang
aking sinta. Ayokong makapatay at madagdagan ang aking kasalanang nagawa bago
samahan siya sa kabilang buhay.

Paris: Hindi ako papayag, lapastangan! Ngayon, magbabayad ka iyong mga kasalanan!
[naglabanan sina Romeo at Paris gamit ang kanilang mga espada. Ngunit sa huli, ang nanaig
ay si Romeo at napatay niya si Paris]

Paris: [coughs] Bago ako’y mamatay, hilig ko sana na [coughs] ang aking bangkay ay
mapunta sa [coughs] tabi ng aking sinisinta. [dies]

Romeo: Mukhang naalala ko na ang lalaking ito. Konde Paris, ang siyang dapat papakasalan
ni Juliet. Aking tutuparin ang iyong hiling Konde, ako sana’y patawarin ninyo, mas lalo ka
na, Kaibigang Mercutio, sapagkat aking napatay ang isa sa iyong mga kamag-anak.

[ipinunta ni Romeo ang katawan ni Paris sa tabi ng puntod ni Juliet. Bumalik Si Romeo sa
puntod ni Juliet at magisa lamang siya doon]

Scene 10.2: pag kita ni Romeo kay juliet at ang kanilang permanenteng pagkamatay

Pagbukas ng curtains

*papasok sa scene kung saan nakahiga si Juliet

*nag mamadali ang pag lapit ni Romeo

*yumuko at kinalong ang ulo ni Juliet

Romeo : oh aking sinisintang Juliet! Ano ang nangyari sayo!

Romeo : Kinuha ka na ng kamatayan ngunit ang iyong ganda ay namumukod tangi pa din,
Huwag kang mag alala aking minamahal sapagkat ikaw ay aking makakapiling sa aking
gagawin.

*Kiss sa cheek

*kinuha ang potion sa bulsa ng damit


Romeo : Ako na ata ang pinaka maligayang ginoo na iinom ng lason na ito sapagkat ito ang
dahilan ng ating muling pag silay sa isa't isa.

* saby inom at unti unting nahihilo

*pagkamulat nito ang mata ni juliet

Juliet : Romeo?

*nagulat sa anyo ni Romeo na kung saan sya ay gumegewang ng bahagya at papikit pikit
ang mata

*pag kaupo ni Juliet sa kanyang pagkakahiga

Juliet : Aking Romeo, ano ang iyong ginawa upang ika'y mag kaganto!

Romeo :ako'y nasa Paraiso na ba? Sana'y una palang ay aking ininom na ang lason , o
nakakapangsisi!

Juliet: Ano?, lason? Hindii maaari!

*sabay na bumagsak si Romeo

Romeo :Juliet.... ma-mahal n-a ma-hal kita..

*pagkapikit na ni Romeo

Juliet : Romeo oh aking Romeo! , anong nangyari bakit kailangan humantong tayo dito!

[pumasok na si padre Lawrence at nakita ang patay na si romeo]

Lawrence: Juliet, iha… Mukhang patay na talaga si Romeo pati na rin si Konde paris. Halika
ka na at parating na ang mga kawal. Kailangang mailayo kita mula sa Verona kundi tayong
lahat ay mamamatay rin. Ipapapunta kita sa isang seminaryo para ika’y maging madre para
na rin sa iyong kaligtasan.

Juliet: HINDI! Hindi ako aalis sa tabi ng aking asawa. Iwan mo na ako padre Lawrence.
[umalis si padre Lawrence na umiiyak sa trahedyang mangyayari]

Lawrence: Aking Panginoon, sana naman po pag nagsama na Juliet at Romeo, gabayan po
ninyo sila at bigyan sila ng kapayapaan.

*nakita ni Juliet ang bote ng lason

Juliet: hindi ka manlang nagtira ng kahit isang patak ng lason

*umiyak

Juliet: Ako'y sasama sa pamamagitan ng halik na ito

*Kiss in the cheek

*walang nangyari

Juliet: oh batid kong hindi sapat ang lason na ito!

*kinuha ang Espadang ginamit ni Romeo

Juliet: Mahal ko, ako’y hintayin mo sa kabilang buhay. Aking Ina, Aking Ama, huwag kayong
magmadali, tayo’y magkikita muli sa kabilang buhay.

*sinaksak nag sarili at unti unting natumba, ito na ang permanenteng pagkamatay ni juliet

Close the curtains*

Scene 11 : ending

Opening curtains

*lahat ay nasa bayan

*may umiiyak sa gilid


Prinsipe Escalus: Anong nangyari dito?

Kawal: nahanap po naming ang patay na katawan ni Romeo Montague, ang katawan ni
Konde Paris at ang katawan ni Juliet Capulet na mukhang kamamatay lamang. Nahanap rin
ang umiiyak na padreng ito sa labas ng simbahan.

Prinsipe Escalus: Hindi ko po maintinidhan ang nangyari dito, padre. Pakiusap, sabihin po
ninyo saakin ang nangyari.

[sinabi ni padre Lawrence kasama ang mensahero ni romeo at ang servant ni paris ang
nangyari]

Capulet's fam: Kami'y humihingi ng kapatawaran sa lahat ng aming kasalanan sa inyo


sapagkat Labis na kaming natuto, o juliet aming anak! Sya pa talaga ang nag pa mukha
samin na walang maiidududlot na tama ang pag aaway.

Montague's Fam: oh mga Capulet, kami din ang ay nag dadamdam sa pagkawala ng aming
pinaka dakilang anak na si Romeo, kami dun ay nag kasala sapagkat sarado ang aming
isipan, Ating tuparin ang hiling ng ating mga anak sapagkat kahit dito manlang sila ay
masunod natin, simula ngayon kayo'y itinututuring naming kaibigan.

Prinsipe Escalus: Ngayong umaga ay kakaiba ang kapayapaan sa Verona, Ito'y nababalot ng
kalungkutan dahil dalawang kaluluwa ang lumisan ngayon, sila'y nagpakumbaba sa buong
bayan sa kadalisaan at inosente nilang pagmamahalan, ngayong gabi ang buwan at
nahihiyang mag pakita, ngayong gabi ang mga bituin ay hindi na mag niningning, wla ng
mas malungkot na wakas kaysa dito dahil walang makakapantay sa kwento nila Romeo at
Juliet.

*Haharap sa lahat ang mga nanonood (caplets muna)

Capulet : Salamat sa lahat ng inyong oras manonoood

*after that sila Montague ang Haharap

Montague : Ang aming dula dulaan ay dito na nagtatapos

You might also like