You are on page 1of 26

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 8:
Pag-aalaga ng Hayop
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 8: Pag-aalaga ng Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON
Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Isidro V. Larida, Jr., Virgilio A. Valencia, Jr., Jeriel B. Caracol,
Myrna C. Cantor, Richiel E. Barrios, Joy Marimer L. Sumalinog,
Kristine F. Balongo, Fe B. Cargason, Jean G. Pagayon, Vaneza J.
Andone
Editor: Beverly B. Abad
Tagasuri: Lorna T. Padua, Lerma C. Aron, Jay Sheen A. Molina
Tagaguhit: Tracy Joy D. Palmares, Jobert C. Espino
Tagalapat: Arlene P. Norico
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay magagabayan sa


inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang matutunan mo ng lubos ang
tungkol sa pag-aalaga ng hayop.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’t-ibang
sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral ang wikang
ginamit dito para lubos mo itong mauunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo sa paksang
nangangailangan ng mataas na pang-unawa subalit pwede mong baguhin
ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa sa pagbabasa o pagsagot ng mga
gawain batay sa aklat na iyong ginagamit sa kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay binubuo ng limang mga aralin:
 Aralin 1: Mga Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop
 Aralin 2: Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Tahanan
 Aralin 3: Maayos na Pag-aalaga ng Hayop
 Aralin 4: Ligtas na Tirahan ng mga Alagang Hayop
 Aralin 5: Pagpapakain at Paglilinis ng Tirahan ng Alagang Hayop
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
1. Naiisa-isa ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop.
2. Nasusulat ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.
3. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan.
4. Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop.
5. Napahahalagahan ang mga bagay na dapat gawin sa pag-aalaga ng
hayop.
6. Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
7. Nakagagawa ng sariling hakbang para sa maayos na pag-aalaga ng
hayop.
8. Naiisa-isa ang mga katangian ng maayos na lugar o tirahan para sa
alagang hayop.
9. Nakaguguhit ng angkop na lugar o tirahan ng aalagaang hayop.
10. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng mga
alagang hayop.
11. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng mga
alagang hayop.
12. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng paglilinis ng tirahan ng mga
alagang hayop.
13. Nakagagawa ng talatakdaan sa pagpapakain at paglilinis ng tirahan
ng mga alagang hayop.
Subukin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong pagpapahalaga sa hayop?
a. Pagpapakain sa oras. c. Pabayaan na lamang sa bakuran.
b. Pag-aalaga nang maayos. d. Pagbibigay ng maayos na tirahan.
2. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung saan
maaari mong ibenta ang mga alagang hayop.
a. Libangan c. Napagkakakitaan
b. Napaglalaruan d. Nagbibigay pagkain
3. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa tahanan?
a. Tigre b. Leon c. Manok d. Elepante
4. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
a. Nagbibigay ito ng itlog. c. Nagbibigay ito ng karne.
b. Magaling humuli ng daga. d. Mainam na bantay sa bahay.
5. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa maayos na pag-aalaga ng
hayop, maliban sa:
a. Linisin nang mabuti ang tirahan o kulungan.
b. Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.
c. Ang bitamina at gamot ay hindi na kinakailangan ng alagang hayop.
d. Dapat ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote o sa
likod bahay.
6. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa hayop, maliban sa:
a. Pagkain at tubig c. Bitamina at gamot
b. Malinis na hangin d. Matibay ngunit maruming tirahan o kulungan.
7. Mainam na may puno sa tabi ng kulungan ng hayop upang may _______.
a. Sapat na suplay ng hangin. c. Panangga sa sobrang init at ulan.
b. Mapagkukunan ng panggatong. d. Mapagtatalian sa mga hayop.
8. Ang iyong tatay ay gagawa ng kulungan ng iyong alagang aso. Alin sa
mga sumusunod ang angkop na lugar para sa kanyang kulungan?
a. Walang kanal c. Malapit sa bahay
b. Nakaangat sa lupa d. Sa makitid na lugar
9. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pagpapakain sa mga alagang
hayop?
a. Malalaman ang kaukulang kita.
b. Matiyak ang paglaki ng mga alagang hayop.
c. Maipakita ang kagalingan sa pag-alaga ng hayop.
d. Maipahayag ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop.
10. Paano maiiwasan ang hawaan at kontaminasyon ng sakit ng mga
alagang hayop?
a. Paglilinis ng paligid ng bahay.
b. Ipagbibili ang may sakit na mga hayop.
c. Hindi paglilinis ng tirahan ng mga hayop.
d. Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop araw-araw.
Aralin
Mga Kabutihang Dulot ng
1 Pag-aalaga ng Hayop
Mga Layunin:
1. Naisa-isa ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop; at
2. Nasusulat ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop.

Balikan

Isang mapagpalang araw sa iyo aming minamahal na mag-


aaral. Ito ang unang Aralin sa Modyul na ito. Alam kong marami
kang natutunan sa nakaraang aralin hinggil sa paghahalaman.
Ano-ano bang mga halaman ang natalakay roon? Di mawawala
ang mga halamang ornamental na siyang karamihan sa ating
bahay makikita.
Hindi lang sa paghahalaman ang hatid namin sa iyo, dahil
sa modyul na ito pag-aaralan naman natin ang Pag-aalaga ng
Hayop. Sa aralin na ito ay matutunan mo ng mga kabutihang
maidudulot ng pag-aalaga ng hayop. Alam kong may mga
nakaimbak ka nang kaalam hinggil sa pag-aalaga ng hayop.
Handa ka na ba sa araling ito? Halina’t mag-aral at matuto
ng mga panibagong kaalaman. Ngumiti at maghanda pagka’t
ikaw ang bida sa araling ito.

Tuklasin

Panuto: Isulat sa nakalaang bakanteng kahon ang mga


kabutihang naidulot sa iyo at sa iyong pamilya ng pag-aalaga ng
hayop.

KABUTIHANG
DULOT NG PAG-
AALAGA NG HAYOP
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Nahirapan ka ba sa pagsagot? Bakit?
2. Ano-ano ang mga hayop na nakapagbibigay ng libangan,
pagkain, at kita sa iyong pamilya?
Maraming maidudulot na kabutihan ang pag-aalaga ng
hayop. Marami sa atin, lalong-lalo na sa probinsiya ay nag-
aalaga ng hayop sa iba’t-ibang dahilan.
Bahagi ng agrikultura ang pag-aalaga ng hayop. Ito ay isa
sa mga ginugugulan ng pansin ng mga tao. Karamihan sa mga
nag-aalaga ng hayop ay ang mga Pilipinong nakatira sa
probinsya sa kadahilanang malapad ang ispasyo at maraming
pagkukunan ng pagkain. Maaring ilagay mo lamang ang iyong
alagang hayop sa bakanteng lote katabi ng iyong bahay.
Malayang nakakaikot ang mga alagang hayop upang maghanap
ng makakain. Minsan naman ay ipinapastol ito sa mga
damuhang bahagi ng lupa. Halimbawa na lamang kung may
alaga kang itik o bibe at kailangan mo lamang magkaroon ng
bakanteng lugar na may tubig na umaagos. Ito ay
napakagandang lugar sa pag-aalaga at pagpapadami ng alagang
itik o bibe. Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga alagang
baka at kalabaw, kinakailangan lamang na maghanap ka ng
madamong lugar na pagpastulan.
Malaki ang tulong na ibinibigay sa atin ng pag-aalaga ng
hayop hindi lamang sa indibidwal na tao ngunit pati na rin sa
buong pamilya. Narito ang mga kabutihang maidudulot ng pag-
aalaga ng hayop.
1. LIBANGAN NG PAMILYA
Isa sa kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop ay ang
libangan ng pamilya. Marami tayong nasasayang na oras araw-
araw, wala tayong ginagawa kundi kumain at matulog lamang.
Ngunit kung ikaw ay may-alagang hayop, magdudulot ito sa iyo
ng kasiyahan at libangan.
2. NAGBIBIGAY PAGKAIN
Ang mga alaga nating hayop ay nagbibigay ng maraming
pagkain sa atin. Maari natin itong pagkunan ng pang-araw-araw
na ulam. Halimbawa na lamang kung may alaga tayong itik o
bibe, ito ay mga alagang hayop na nangingitlog. Ang mga itlog
nito ay maari nating gawing ulam katulad na lamang ng paborito
nating agahan na tortang itlog. Maari rin nating gawing pagkain
ang laman o karne ng alagang hayop katulad na lamang ng
manok, itik o bibe, kalabaw o maging ang alaga nating baka.
3. NAPAGKAKIKITAAN
Hindi lamang simpleng libangan ang pag-aalaga ng hayop.
Maari rin itong pagkakakitaan. Tandaan natin na pinagkukunan
ng pagkain ang hayop. Kung marami na ang inaalagaang hayop,
maari natin itong ibenta.

Pagyamanin

Gawain 1.1
Panuto: Itala sa inilaang ispasyo ang mga kahalagahan ng bawat
alagang hayop na iyong makikita sa ibaba.
Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Buuin ang maikling talata sa pamamagitan ng pagpupuno
sa mga patlang. Piliin ang wastong salita o mga salita sa loob ng
kahon.
agrikultura damuhang nakakaikot hayop
probinsiya tubig alagang pagpastulan
lote tulong

Bahagi ng 1. _______ ang pag-aalaga ng 2. ________. Ito ay


isa sa mga ginugulan ng pansin ng mga tao. Karamihan sa mga
nag-aalaga ng hayop ay ang mga Pilipinong nakatira sa 3.
________ sa kadahilang malapad ang ispasyo at maraming
pagkukukunan ng pagkain. Maaring ilagay mo lamang ang iyong
4. _________ hayop sa bakanteng 5. ________ katabi ng iyong
bahay. Malayang 6. ________ ang mga alagang hayop upang
maghanap ng makakain. Minsan naman ay ipinapastol ito sa
mga 7. _________ bahagi ng lupa. Halimbawa na lamang ay kung
may alaga kang itik o bibe at kailangan mo lamang magkaroon
ng bakanteng lugar na may 8. _________ na umaagos. Ito marahil
ay napakagandang lugar sa pag-aalaga at pagpapadami ng
alagang itik o bibe. Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga
alagang baka at kalabaw, kinakailangan lamang na maghanap
ka ng madamong lugar upang 9. ___________.
Malaki ang 10. _________ na ibinibigay sa atin ng pag-aalaga
ng hayop hindi lamang sa indibidwal na tao ngunit pati na rin sa
buong pamilya.

Isagawa

Gawain 1.3
Panuto: Ilahad kung paano pahahalagahan ang pag-aalaga ng
hayop. Ano-ano ba ang dapat gawin sa mga alagang hayop?
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa alagang hayop?
Aralin
Mga Hayop na Maaaring
2 Alagaan sa Tahanan
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan sa
tahanan;
2. Naiisa-isa ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng
hayop; at
3. Napahahalagahan ang mga bagay na dapat gawin sa pag-
aalaga ng hayop.

Balikan

Magandang araw! Binabati kita sa ipinakikita mong


kakayahan at kagalakan sa pamamagitan ng paggamit at
pagsagot sa lahat na pagsasanay sa Aralin 1, Kabutihang Dulot
ng Pag-aalaga ng Hayop, sa modyul na ito. Higit akong umaasa
na taglay mo na ang sapat na kaalaman na may kinalaman sa
mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop. Kabilang na dito
ang mga sumusunod: maraming pamilya ang nag-aalaga ng
hayop para sa pang-araw-araw na pangangailangan,
nakatutulong ang pag-aalaga ng hayop upang maiwasan ang
stress at ang pag-aalaga ng hayop ay isang kawili-wili at malusog
na libangan.
Sa pagkakataong ito, panibago na namang kasanayan ang
dapat mong alamin habang ginagamit mo ang modyul na ito.
Sa modyul na ito, “Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa
Tahanan”, ikaw ay mabibigyan ng sapat na kaalaman at
kasanayan na kinakailangan mo sa pang-araw-araw na
pamumuhay at hindi mo na kailangan pang hilingin ang lubos
na gabay ng iyong guro.
Basahin mong maigi ang mga nilalaman ng modyul na ito
upang makamit mo ang mga kasanayan na dapat ay taglayin mo.
Sa mga bahaging hindi mo maintindihan, maaaring sumangguni
sa iyong guro para ikaw ay magagabayan. Ikinagagalak palagi ng
iyong guro na ikaw ay matulungan.
Tuklasin

Panuto: Sa puzzle o palaisipang ito ay may walong nakatagong


mga salita na tumutukoy sa mga hayop na maaaring alagaan sa
tahanan. Hanapin at isulat ang mga ito sa sagutang papel. Ang
mga salitang ito ay naka-posisyon sa lahat na direksiyon,
maaaring nakasulat mula sa kanan-pakaliwa, kaliwa-pakanan,
pahalang, patayo at pahilis. Ngunit, lahat ng ito ay dapat nasa
tuwid na guhit.
A B F I Z K E H X S W X P
O T I A M V A I G Y A Z U
W U G B R B Q M C P K F S
P S O Y E A U O B D H L A
Q L S P Q K I W H I G T X
G U A Z C G R O V M N N R
W O Y O E V C M R U A G E
Z Y K A L A P A T I X N W
M Y B W I M G J X E T G U
A W G R D A L Z U A D S I
N H P U Y N G W N X E Y Q
O X G N S O S X R K A M H
K J C K U N E H O G C Q Z

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.
1. Gusto mo rin bang magkaroon ng mga alagang hayop sa
inyong tahanan? Bakit? Ibahagi ang iyong sagot.
2. Bilang mag-aaral, bakit kailangang mahikayat mo rin ang
iba lalo na ang mga kasama mo sa bahay para mag-alaga
rin ng hayop?
3. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pag-aalaga
ng hayop?
MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN SA TAHANAN
Ang hayop ay isang espesyal na organismo na nabubuhay
sa mundo kung saan malaya silang nakagagalaw. Maaaring sa
lupa o sa tubig nabubuhay ang mga ito. Ang mga hayop ay may
buhay din kagaya ng tao kaya kailangan din natin silang alagaan
at mahalin katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili at sa
ating kapwa.
Maraming uri ng hayop ang maaari nating alagaan sa
tahanan. Halimbawa ng mga ito ay ang aso, pusa, kambing, isda,
manok, bibe o pato, kuneho, at kalapati.
Aso - Nakakatulong ito sa paglalakad at maging bantay ng
ating mga tahanan.
Pusa - Ito ay magaling manghuli ng daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.
Kambing - Bukod sa kanilang gatas na ibinibigay, mainam din
ang kanilang karne, buhok at katad.
Isda - Nabubuhay ito sa tubig at tulad ng tao, kailangan din
nila ng sapat na oksiheno upang mabuhay.
Manok - Ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak
dahil nagbibigay ito ng itlog at karne.
Bibe o Pato - Ito ay mainam na pagkukunan ng itlog na balut
at penoy.
Kuneho - Nagbibigay ito ng masustansiyang karne at hindi
madaling dapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa
pagkain.
Kalapati - Gustong-gusto nilang tumira sa puno. Kailangang
mataas ang bahay ng alagang kalapati upang
ligtas sa daga at pusa.
Ang pag-aalaga ng mga piling hayop na ito ay hindi lamang
bilang pet o pansariling alaga bagkus maaari rin itong paramihin
at pagkakikitaan. Mahalaga ang pag-aalaga ng hayop sa
pamumuhay ng mag-anak at pamayanan. Maraming pamilya ang
nag-aalaga ng hayop para sa sariling pangangailangan.
Gayunpaman, kinakailangan ang ibayong pag-aalaga sa
mga hayop para matiyak na malusog, malinis at ligtas na kainin.
Pagyamanin

Gawain 2.1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hayop ang maaaring
alagaan batay sa larawan. Idugtong sa pamamagitan ng guhit
ang tinutukoy ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Mainam na pagkukunan
ng itlog na balut at penoy.
A
2. Nabubuhay ito sa tubig.
Kailangan din nila ng sapat
na oksiheno upang
mabuhay.
B

3. Nakakatulong ito sa
paglalakad at maging
bantay ng tahanan.

C
4. Nagbibigay ng karagdagang
kita sa mag-anak dahil
nagbibigay ito ng itlog at
karne.
D

5. Bukod sa ito’y taga-huli ng


daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.

E
Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Buuin ang maikling talata sa pamamagitan ng
pagpupuno sa mga patlang. Piliin ang wastong salita o mga salita
sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
hayop katangian bibe pamilya manok
aso pag-ingatan isda pag-aalaga pusa

Bawat alagang hayop ay may kanya-kanyang 1. _______ at


paraan ng pag-aalaga. Ang 2. ______ ay mainam na pagkukunan
ng itlog na balut at penoy. Nagbibigay naman ng karagdagang
kita ang mga alagang 3. _______ dahil sa itlog at karne nito.
Mainam din na alagaan ang 4. _______ dahil nakatutulong ito sa
paglalakad at magiting na bantay ng tahanan. Ang mga 5. ______
naman ay nabubuhay sa tubig at tulad ng tao, kailangan din nila
ng sapat na oksiheno upang mabuhay. Mahusay rin na alagaan
ang mga 6. _______ dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga, mabait
din itong kalaro ng mga bata.
Nakapagdudulot ng kasiyahan ang 7. _________ ng mga
piling hayop. Maraming 8. __________ ang nag-aalaga ng hayop
para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Gayunpaman, kailangan din nating 9. __________ ang mga
hayop na ating inaalagaan. Dapat na mabigyan natin sila ng
sapat na tubig, pagkain, liwanag, bentilasyon, at maging ang
kanilang mga tirahan.
Kailangan ang ibayong pag-aalaga sa mga 10. ________ para
matiyak na malusog, malinis at ligtas na kainin.

Isagawa

Gawain 2.3
Panuto: Ipakilala mo ang iyong alagang hayop o di kaya ay
pumiling mga aalagaang hayop at iguhit ito sa papel. Lagyan ito
ng pangalan at sabihin kung bakit mo ito napili o nagustuhan.
Binabati kita! Ikinagagalak ko ang kahandaan mo sa
susunod na aralin. Ang galing mo!
Aralin
Maayos na Pag-aalaga ng
3 Hayop
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng
hayop; at
2. Nakagagawa ng sariling hakbang para sa maayos na pag-
aalaga ng hayop.

Balikan

Magandang araw! Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan.


Batid kong nagawa mo nang maayos ang pagsagot sa nakaraang
aralin tungkol sa mga hayop na maaaring alagaan sa bahay. Sa
araw na ito, may panibagong aralin ka namang matututunan.
Ito ay may pamagat na “Wastong Pag-aalaga ng Hayop”.
Iyong matutunan kung ano ang mga hakbang sa maayos na pag-
aalaga ng mga hayop.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1 2 3

Suriin

Ano-ano ang iyong mga nalalaman tungkol sa pag-aalaga


ng hayop? Anong mga hakbang o pamamaraan ang iyong
ginagawa sa pag-aalaga ng hayop? Patuloy sa pagbabasa at
maging handa sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain.
Ang pag-aalaga ng hayop ay napakahalagang usapin. May
mga pamamaraan o hakbang sa maayos na pag-aalaga ng hayop.
Mga dapat tandaan sa maayos na pag-alaga ng hayop:
1. Ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote o sa
likod bahay.
2. Linisan nang mabuti ang tirahan o kulungan at lagyan ng
kanal ang paligid nito upang daluyan ng tubig.
3. Bigyan ng sapat na pagkain, bitamina at gamot upang sila ay
lumaki nang malusog at produktibo.
Mga bagay na dapat ibigay sa alagang hayop:
1. Tirahan o kulungan 2. Tubig at Pagkain 3.Malinis na hangin

Pagyamanin

Gawain 3.1
Panuto: Ibigay ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Mga dapat tandaan sa maayos na pag-alaga ng hayop.
2. Mga bagay na dapat ibigay sa alagang hayop.

Isaisip

Gawain 3.2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Paano mo masasabi na wasto ang pag-aalaga mo ng hayop?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga wastong hakbang sa
pag-aalaga ng hayop?

Isagawa

Gawain 3.3
Panuto: Itala ang iyong sariling pamamaraan o hakbang at
bagay na dapat ibigay sa hayop na makikita sa bawat larawan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Aralin
Ligtas na Tirahan ng mga
4 Alagang Hayop
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga katangian ng maayos na lugar o tirahan
para sa alagang hayop; at
2. Nakaguguhit ng angkop na lugar o tirahan ng aalagaang
hayop.

Balikan

Magandang araw mga bata! Kumusta?


Madali ba para sa iyo ang pagsagot sa mga gawain ng mga
naunang aralin? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa at pagtuklas
ng mga bagong kaalaman sa modyul na ito at tiyak na marami
kang matututunan.
Ibabahagi ko sa iyo ngayon ang tungkol sa, “Ligtas na
Tirahan ng mga Alagang Hayop,” Handa ka na ba? Tara na!
Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan ng panahon
at oras. Tulad nating mga tao, sila rin ay may mga
pangangailangan. Ano- ano ang mga ito? Ito ay ang tirahan,
pagkain, at nararapat na gamot para lumaki silang malusog.

Tuklasin

Sa susunod na gawain, makikita ang mga katangian ng


angkop na lugar o tirahan para sa mga alagang hayop.
Panuto: Pag-aralan ang bawat tirahan o lugar ng mga alagang
hayop na makikita sa ibaba at ilarawan ang bawat isa. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano- ano ang mga hakbang para mapanatiling malinis ang
kulungan ng mga alagang hayop?
2. Ano- ano ang mga katangian ng tirahan o kulungan ng mga
alagang hayop?
3. Ibigay ang kabutihang maidudulot sa hayop ng mga katangiang
ito?
Ngayong nakita mo na kung ano ang mga angkop na
tirahan para sa iyong alagang hayop, sigurado akong handa ka
ng matuto para sa susunod na bahagi ng araling ito.
Para matiyak ang kalusugan ng ating mga alagang hayop,
mainam na maibigay natin ang angkop na tirahan para sa
kanila.
1. Sa paghahanda ng tirahan dapat na ito ay nakaangat sa
lupa para sa maayos na paghiga o pagtulog ng iyong alaga.
2. Mayroong sapat at malinis na inuming tubig.
3. Lantad sa sikat ng araw para hindi lamigin ang alagang
hayop at para rin madaling matuyo ang paligid ng kulungan
sakaling ito ay mabasa ng ulan.
4. Maayos na daluyan ng tubig o kanal sa paligid ng kulungan
para hindi tumambay ang tubig sakaling umulan nang
malakas.
5. Ito ay dapat na may tamang layo sa bahay ng mga tao para
maiwasan ang kontaminasyon o anumang sakit dulot ng
hayop.
6. Mahalaga ring may puno sa tabi ng kulungan para may
panangga sa sobrang init at ulan.
7. Kailangan din ang malawak na lugar para sa malinis na
simoy ng hangin.
Sa ganitong mga katangian ng tirahan o kulungan ng ating
mga alagang hayop, tiyak na magiging maaliwalas ang kanilang
kapaligiran na hahantong sa mabilis na paglaki, malusog na
pangangatawan, hindi sakitin, at nagbabadya ng malaking kita o
produksiyon.
Tulad nating mga tao, ang mga hayop ay may karapatan
ding mamuhay ng kaaya- aya at matiwasay para maranasan din
nila kung gaano kasaya ang mabuhay sa mundong ibabaw.
Pagyamanin

Gawain 4.1
Batay sa naitalang mga katangian ng tirahan ng mga alagang
hayop, pagtugmain ang mga katangian sa angkop na larawan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B

1. May maayos na kanal o daluyan


ng tubig
A.

2. Tama ang layo sa bahay


B.

3. Nasisikatan ng araw
C.

4. May sapat at malinis na tubig.

D.
5. Nakaangat sa lupa

6. May malinis na simoy ng hangin E.

7. May lilim na panangga sa sobrang


F.
init at ulan

G.
Isaisip

Gawain 4.2
Panuto: Buuin ang parirala sa pamamagitan ng pagpuno sa
patlang ng mga angkop na salita mula sa kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

maayos lilim makapagbigay silang nakaangat

Ang hayop ay tulad din ng tao na may pangangailangan.


Dapat 1. _______ bigyan ng maayos na tirahan para matiyak ang
kanilang kaligtasan at tuloy 2. ________ nang mataas na
produksiyon.
Sa paghahanda ng tirahan ng mga alagang hayop, dapat
itong 3. ________ sa lupa, may sapat at malinis na tubig,
nasisikatan ng araw, may 4. ________ na daanan ng tubig o
kanal, tama ang layo sa bahay, may 5. ______ na panangga sa
sobrang init at ulan, at may malinis na simoy ng hangin.

Isagawa

Gawain 4.3
Panuto: Pagsama-samahin ang mga katangian ng lugar o tirahan
ng alagang hayop at ipakita ang iyong ideya o konsepto sa
pamamagitan ng isang ilustrasyon. Gumamit ng isang buong
papel.

Magaling! Handang- handa ka na nga sa susunod na aralin.


Aralin
Pagpapakain at Paglilinis ng
5 Tirahan ng Alagang Hayop
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga paraan ng wastong pagpapakain ng
mga alagang hayop;
2. Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng paglilinis ng tirahan
ng mga alagang hayop; at
3. Nakagagawa ng talatakdaan sa pagpapakain at paglilinis
ng tirahan ng mga alagang hayop.

Balikan

Magandang araw! Kumusta mga bata?


Magkakaroon tayo ng panibagong aralin tungkol na tiyak na
makapaglilinang sa inyong kaalaman.
Batid kong malawak na ang iyong matututunan sa pag-
aaral at paggamit ng modyul na ito.
Ang araling ito ay magtatalakay ng mga kaalaman tungkol
sa wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.
Halina, basahin at gawin nang matuto at maging isang
mabuting tagapag-alaga ng hayop.

Tuklasin

Maraming pakinabang ang maidudulot ng pag-aalaga ng


hayop. Kaakibat nito ang pagbibigay ng wastong pagkain at
malinis na tirahan.
Sa mga sumusunod na larawan, ipinapakita ang mga hayop
na malulusog ang pangangatawan at hayop na payat o sakitin.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) sa ibabaw ng mga larawang nagpapakita
ng pagiging malusog ng mga alagang hayop at ekis (x) naman kung
hindi.
1 2 3 4 5
. . . . .
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano matutukoy kung malusog ang alaga mong hayop?
2. Paano mapapananatili ang kalusugan ng mga alagang
hayop?
3. Ano-ano ang mga kabutihang maidudulot ng pagbibigay ng
wastong pagkain at malinis na tirahan sa mga alagang
hayop?

Kaakibat ng pag-aalaga ng hayop ay mga tungkulin na


dapat isaalang- alang. Ito ay ang mga sumusunod:
Pagpapakain sa alagang hayop. Tiyaking wasto ang
ibinibigay na pagkain sa mga hayop dahil ito ay maaaring
makaaapekto sa kanilang kalusugan. Ang pagbibigay ng pagkain
ay nakabatay sa uri ng hayop at uri ng kanilang kinakain,
gayundin ang mga sumusunod:
1. Alamin ang kabuuang pangangailangan ng mga alagang
hayop.
2. Suriin ang pagkain ng mga hayop ayon sa kanilang edad.
3. Suriin ang kondisyon at kalidad ng pagkaing ibibigay.
4. Siguraduhing malinis ang paglalagyan ng pagkain.
5. Panatilihing mayroong malinis na inuming tubig.
6. Tiyakin na may talatakdaan sa pagpapakain.
7. Kumunsulta sa isang propesyonal tungkol sa epektibong
kaalaman sa pagpapakain.
Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop. Panatilihing
malinis ang tirahan ng mga alagang hayop dahil ang maruming
kapaligiran ay maaaring makapagdulot ng sakit sa mga ito. Ang
kahalagahan ng kalinisan ay makapagbibigay ng mga
sumusunod:
1. Maiiwasan ang anumang sakuna na maaaring maging
dahilan ng pagkamatay ng mga alagang hayop.
2. Maiiwasan ang hawaan o kontaminasyon ng sakit.
3. Malinis ang kapaligiran.
4. Mabilis ang paglaki.
5. Hindi makapagdudulot ng sakit sa tao.
Pagyamanin

Gawain 5.1
Panuto: Magtala ng limang (5) kanais- nais na katangian ng
isang tagapag-alaga ng hayop. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Isaisip

Gawain 5.2
Panuto: Magbigay ng tatlong pariralang nagpapahayag ng
kaisipan tungkol sa wastong pagpapakain at paglilinis ng tirahan
ng mga alagang hayop. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Gawain 5.3
Panuto: Pumili ng aalagang hayop at gumawa ng isang linggong
talatakdaan ng pagpapakain nito at paglilinis ng kanilang
tirahan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang galing-galing mo naman! Binabati kita sa iyong


matagumpay na pag-aaral at pagsagot sa mga gawain sa Modyul
8. Tiyak na handang-handa ka na sa pagsagot sa mga
katanungang makikita sa pangkalahatang pagtataya ng Modyul
na ito. Panatilihin ang sikhay sa pag-aaral at laging tandaan:
Mahal kita, aking mag-aaral!
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na hayop ang maaaring alagaan sa tahanan?
a. Leon b. Tigre c. Manok d. Elepante
2. Ang ____________ ay isang dulot ng pag-aalaga ng hayop na kung saan
maaari mong ibenta ang mga alagang hayop.
a. Libangan c. Napagkakakitaan
b. Napaglalaruan d. Nagbibigay pagkain
3. Ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng aso?
a. Nagbibigay ito ng itlog. c. Magaling humuli ng daga.
b. Nagbibigay ito ng karne. d. Mainam na bantay sa bahay
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang pagpapahalaga sa alagang
hayop?
a. Pagpapakain sa oras. c. Pabayaan na lamang sa bakuran.
b. Pag-aalaga nang maayos. d. Pagbibigay ng maayos na tirahan.
5. Ang sumusunod ay mga bagay na dapat ibigay sa hayop, maliban sa:
a. Pagkain at tubig c. Bitamina at gamot
b. Malinis na hangin d. Matibay ngunit maruming tirahan.
6. Ang sumusunod ay mga dapat tandaan sa maayos na pag-aalaga ng hayop,
maliban sa:
a. Linisin nang mabuti ang tirahan o kulungan.
b. Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig.
c. Ang bitamina at gamot ay hindi na kinakailangan ng alagang hayop.
d. Dapat ang tirahan o kulungan ay nakatayo sa bakanteng lote o sa
likod bahay.
7. Ano ang angkop na tirahan kung aso ang alaga mong hayop?
a. Walang kanal c. Nakaangat sa lupa
b. Malapit sa bahay d. Sa makitid na lugar
8. Mainam na may puno sa tabi ng kulungan ng hayop upang __.
a. Sapat na suplay ng hangin. c. Panangga sa sobrang init at ulan.
b. Mapagkukunan ng panggatong. d. Mapagtatalian sa mga hayop.
9. Paano maiiwasan ang hawaan at kontaminasyon ng sakit ng mga alagang
hayop?
a. Paglilinis ng paligid ng bahay.
b. Ipagbibili ang may sakit na mga hayop.
c. Hindi paglilinis ng tirahan ng mga hayop.
d. Paglilinis ng tirahan ng mga alagang hayop araw-araw
10. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng wastong pagpapakain sa mga
alagang hayop?
a. Malalaman ang kaukulang kita.
b. Matiyak ang paglaki ng mga alagang hayop.
c. Maipakita ang kagalingan sa pag-alaga ng hayop.
d. Maipahayag ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop
Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV. Vibal Group, Inc
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J. 2015.
Sanggunian
TAYAHIN
Pangwakas na Pagtataya
1. c 2. c 3. d 4. c 5. d 6. c 7. c 8. c 9. d 10. b
GAWAIN 4.2
1. silang 2. makapagbigay 3. nakaangat 4. maayos 5. lilim
GAWAIN 4.1
1. d 2. g 3. c 4. b 5. a 6. f 7. e
GAWAIN 2.2
1. katangian 2. bibe 3. manok 4. aso 5. isda
6. pusa 7. pag-aalaga 8. pamilya 9. pag-ingatan 10. hayop
GAWAIN 2.1
1. b 2. d 3. e 4. c 5. a
GAWAIN 1.2
1. agrikultura 2. hayop 3. probinsiya 4. alagang 5. lote
6. nakakaikot 7. damuhang 8. tulong 9. pagpastulan 10. tulong
SUBUKIN
Paunang Pagtataya
1. c 2. c 3. c 4. d 5. c 6. d 7. c 8. b 9. b 10. d
Susi sa Pagwawasto
tungkol sa iyong karanasan sa pag-aalaga ng mga hayop.
Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang sanaysay
Karagdagang Gawain
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN
Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning
Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax
No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like