You are on page 1of 17

Pagguhit ng mga Disenyo

ng mga Pamayanang
Kultural
PANAGINIP LANG PALA
Si Ram ay isang batang nag-aaral sa ikaapat na
baitang. Paborito niya ang subject na Agham kaya palagi
niyang sinasaliksik sa internet ang mga bagay na nasa
kalawakan tulad ng bituin at araw. Gabi-gabi ay
naupuyat siya sa pagtingin nito hanggang sa sawayin na
siya ng kaniyang ina at sinabihang matulog na, At dahil
antok na antok na siya, napilitan na siyang matulog. Sa
kalaliman ng kaniyang tulog, nanaginip siya ng tao na
nakakausap ang araw at bituin.
Tao: Kaibigang Araw, ilang araw nang maulan,
maaari bang maging maganda ang sikat mo para
lumusog ang aming mga pananim? Sumagot naman ang
araw at binigyan ang tao nang sapat na sikat ng araw
na mabuti sa mga pananim.
Sa gabi naman ay kinausap ng tao ang bituin.
Tao: Kaibigang Bituin, maaari mo ba kaming bigyan
din ng liwanag sa gabing madilim? Ilang gabi ka nang
natatakpan ng mga ulap, kasiyahan naming na makita
ang iyong kislap at kutitap. Sumagot naman ang bituin
at lumitaw ang makikislap na tala.
Nagising si Ram nang nakangiti. Dahil sa kaniyang
panaginip, iginuhit niya ang tao, araw at bituin.
Ang mga disensyong etniko ay gawa ng mga pangkat-etniko sa
mga kulutural na pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at
kasanayan sa paglikha ay naipakikita nila sa paggawa ng mga
kagamitang pantahanan gaya ng palayok, mangkok at banga.
Ito rin ay naipakita sa mga hinabing tela, kumot at banig.
KALINGA IFUGAO MARANAO BAGOBO BUKIDNON

BAGOBO MARANAO BAGOBO IFUGAO BONTOK


5. t-shirt- disenyong bituin ng Agta
Isulat kung Tama o Mali.

tama
______1. Bawat pangkat-etniko ay may mga likhang sining na
nagpapakita ng kanilang pagkakakilanlan.
tama
______2. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglilikha ay
naipapakita mila sa paggawa ng ng mga kagamitan
pantahanan, palamuti sa katawan, kasuotan at iba pa.
tama
______3. Dapat pahalagahan at igalang ang mga disenyong
pangkat-etniko.
mali
______4. Ang mga disenyo ng mga pangkat-etniko ay pare-
pareho
mali
______ 5. Hindi dapat ipagmalaki ang mga disenyo ng mga
pangkat etniko.

You might also like