You are on page 1of 2

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: __________

Baitang: __________ Iskor: ___________

A. Tukuyin sa kahon ang uri ng pangngalan at pambalanang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
kung PANTANGI, PAMBALANA, TAHAS, BASAL, HANGO, LANSAK AT
PATALINGHAGA.

1. Masarap magluto ng pansit bihon si Tiya Azon.

2. Napakalakas ng ulan kagabi.

3. Ang pagmamahal ni Ron sa kanyang mga magulang ay wagas.

4. Isang kawan ng baka ang alaga ng magkakapatid.

5. Hindi dapat sinisira ang tiwala ng kapwa.

6. Pumitas si Marites ng isang kumpol ng ubas.

7. Paborito ni Bb. Cruz ang pritong manok.

8. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

9. May puso ang pagbibigay payo ng kaibigan kay Sol.

10. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa.

B. Tukuyin ang kasarian ng mga pangngalan sa ibaba. Ilagay ito sa tamang hanay.

tela guro araw pinsan

tandang walis bayani relo

dalaga inahin bisita puno

ninang lolo tiya ate

kalaro ninong bayani aso

Pambabae Panlalaki Di-Tiyak Walang Kasarian

C. Kumpletuhin ang tsart ng mga kailanan ng pangngalan.

ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN


Halimbawa:

kapitbahay magkapitbahay magkakapitbahay

1. kaibigan ___________________ magkakaibigan

2. ______________ magkapatid magkakapatid

3. – 4. pinsan __________________ ___________________

5. ina _________________ mag-iina

D. Piliin at bilugan ang titik ng kayarian ng pangngalang may salungguhit.

1. Masayang ipinakita ni Raul ang kanyang dala-dalang basket nap uno ng kumpol-kumpol na

itlog.

A. PAYAK B. MAYLAPI C. TAMBALAN D. INUULIT

2. Nakahiligan ng kambal na sina Pat at Mat na pagmasdan ang bulang-liwayway sa kanilang

bintana.

A. PAYAK B. MAYLAPI C. TAMBALAN D. INUULIT

3. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa bukid.

A. PAYAK B. MAYLAPI C. TAMBALAN D. INUULIT

4. Suot-suot pa rin ni nanay ang singsing na binigay ng aking yumaong ama.

A. PAYAK B. MAYLAPI C. TAMBALAN D. INUULIT

5. Kaarawan ni Zeus ngayong Sabado, nais ko sana siyang puntahan kahit na ito ay bawal.

A. PAYAK B. MAYLAPI C. TAMBALAN D. INUULIT

You might also like