You are on page 1of 6

Unang Pagsusulit sa FILIPINO 7

Ikalawang Markahan
S.Y.2020-2021

Name: ____________________________________________ Grade: _____

A. Panuto: Tukuyin at bilugan ang titik ng konotatibong kahulugan ng mga salitang nakasulat ng mariin kaugnay ng
nakaugalian ng mga Pilipino.

1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:

A. pagluluksa at kalungkutan C. paghihirap at gutom
B. pag-ibig at pagkabigo D. giyera at kaguluhan
2. Ang oyayi ay kaugnay ng:
A. Bangka, pamingwit, at isda C. ina, hele at sanggol
B.Walis, bunot at basahan D. rosas, gitara at pag-ibig
3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Pangangaso B. Paggawa ng mga gawaing bahay
C. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig D. Pagiging matampuhin
4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
A.Pagiging malungkutin C. pagiging masayahin
B.Pagiging masipag D. pagiging matampuhin
5. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. Materyal na kayamanan ng isang bayan C. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
B. Pagdurusang dinanas ng isang bayan D. Politika sa isang bayan

B. Panuto: Ilang salitang Bisaya na nakasalungguhit ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas nitong salita
sa Filipino. Piliin at bilugan ang tamang sagot mula sa pagpipilian.

6. Si Mang Juan ay namasol sa karagatan dala ang kaniyang lambat habang nakasakay sa kaniyang bangka.
A. lumangoy B. naligo C. nangisda D. nawala
7. Hindi nakalilimutan na magbigay ni Aling Maring ng balon sa kaniyang anak araw- araw.
A. regalo B. baon C. saging D. payo
8. Ang mga prutas ay guibaligya nila sa palengke.
A. ipinagbili B. ipinamigay C. ipinadala D. iniwan
9. Gustong-gusto niya ang sabaw ng sinigang na aslom.
A. init B. asim C. pait D. alat
10. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang gihigugma ay…
A. minamahal B. hinihintay C. binabantayan D. iniisip

C. Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

11. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang
matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
A. Karaniwan C. Balbal
B. Kolokyal D. Pampanitikan
12. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong balbal?
A. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas minsan nasa baba.
B. Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life.
C. Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.
D. Wala sa nabangit

3-15: Tukuyin ang antas ng wikang binabanggit sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik at isulat
ang tamang sagot sa patlang bago ang numero.
a. Balbal c. Lalawiganin e. Pampanitikan
b. Kolokyal d. Pambansa

____13. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso ang mga iba’t ibang uri ng sakit.
____14. Dinedma si Ruel ng kaniyang kasintahan dahil sa naging away nila kagabi.
____15. Wapakels siya kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may sariling diskarte sa buhay.

D. Panuto: Basahin ang alamat ng Cadiz at sagutin ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
ANG ALAMAT NG CADIZ

Noong unang panahon, sa isang lugar na tinatawag na lupain ng kapayapaan at kalayaan, may nakatirang isang napakagandang
diwata na ang pangalan niya ay Carmela. Habang siya ay naglalakad sa napakagandang dalampasigan, Nakita niya ang isang mala Adonis na
lalaking nagngangalang Dizon. Naakit siya sa napakaperpektong mukha nito at kahit sinong babae ay mabibighani rito. Lumakad siya patungo
sa lalaki at binati niya ito ng magandang umaga at pagkatapos ay sinagot din siya nito ng magandang umaga rin naman.
Mula noon nag-usap sila at araw-araw ay lagi na silang nagkikita sa may dalampasigan hanggang sa maramdaman nila na nahuhulog
na pala ang loob nila sa isa’t isa at kapwa nakaramdam sila ng matinding pag-ibig. Kaya binalak nilang itali na ang bawat isa at sila ay mamuhay
ng maligaya. Pero kailangang ipagtapat ni Carmela ang tungkol sa tunay niyang pagkatao, na siya ay isang diwata samantala si Dizon ay isang
totoong tao. “Mahal meron akong nais na ipagtapat sa iyo, ang wika ni Carmela” Ano iyon mahal? Ang tanong ni Dizon, “Ikinalulungkot ko
mahal hindi tayo puwedeng magpakasal” ang wika ni Carmela at siya ay biglang napahagulgol. “Bakit?” ang gulat na tanong ni Dizon.
Dahil ako ay isang diwata, ang malungkot na wika ni Carmela habang patuloy na nalalaglag ang kaniyang mga luha sa kaniyang
malaporselanang pisngi. Ngunit handa kitang pakasalan kahit anong mangyari, ang nakangiting wika ni Dizon. “Mahal kita, pero kailangan mo
ring maging katulad namin, para tayo ay pahintulutang makapagpakasal”, ang sagot ni Carmela. “Kung ganoon handa akong maging kagaya
ninyo”, ang sagot ni Dizon ng walang anumang pag-aalinlangan. Pagkatapos mag-usap nina Carmela at Dizon ay pumunta sila sa isang
mahiwagang lupain kung saan naninirahan si Carmela at sila ay nagpakasal.
Samantala naglaho ang kanilang maliligayang araw bilang mag-asawa dahil biglang may lumusob sa kanilang lupain ang mga angkan
ng kadiliman na kung tawagin ay Lagablab. Ang mga Lagablab ay mga nilalang na may matutulis na pangil, mapupulang mata na parang apoy,
mabalahibo at may matutulis na mga kuko na kung ikaw ay dambain ay mawawarak ang iyong katawan. Ito ay maihahalintulad mo sa isang
mabangis na lobo. Sila ay nagmula sa kaharian ng Liyab na naghahangad na guluhin at sirain ang kapayapaan at kalayaan ng lahat.
Pinangunahan ng mag-asawang Carmela at Dizon ang pakikipaglaban nila sa mga Lagablab. Hindi sila sumuko upang ipagtanggol ang kanilang
lupain at sa wakas nadaig rin ng mag-asawa ang mga Lagablab ngunit sa kasamaang palad dahil sa malalalim na sugat nila dulot ng matutulis at
matatalim na kuko ng mga Lagablab sila ay namatay.
Pagkatapos ng matinding labanan, binigyan ang mag-asawa ng marangal na libing ng mga taga lupain. Bilang pagkilala sa ipinakitang
katapangan at matibay na pag -iibigan nina Carmela at Dizon pinagkaisahan ng mga tagalupain na pangalanan ang lupaing ito hango sa
pangalan nina Carmela at Dizon at dito nabuo ang pangalang CADIZ.

16. Siya ay isang napakagandang diwata na nakatira sa isang lugar na tinatawag na lupain ng kapayapaan at kalayaan,
sino
ito?
A. Carmela B. Maria C. Carmileta D. Rosa
17. Ito ay may matutulis na pangil, mapupulang mata na parang apoy, mabalahibo at may matutulis na mga kuko, ayon
sa
kuwento anong tawag sa mga nilalang na ito?
A.Leon B. Tigre C.. Lagablab D. Oso
18. “Ikinalulungkot ko mahal hindi tayo puwedeng magpakasal” ang wika ng diwata at siya ay biglang napahagulgol.
Bakit?
A. Dahil sila ay magkaiba ng relihiyon C. Dahil sila ay kapwa nagsawa na
B. Dahil sila ay magkaiba sa isa’t isa D. Dahil sila ay malayo sa isa’t isa
19. Ang mga angkan ng kadiliman ay nagmula sa kaharian ng;
A.Liyab B. Alab C.Iyab D. Talab
20. Bilang pagkilala sa ipinakitang katapangan at matibay na pag -iibigan nina Carmela at Dizon pinagkaisahan ng mga
tagalupain na pangalanan ang lupaing ito ng;
A. Capiz B. .Cadiz C. Calatrava D. Cebu

Answer key
1. a
2. c
3. c
4. c
5. b
6. c
7. b
8. a
9. b
10. a
11. d
12. b
13. d
14. a
15. c
16. a
17. c
18. b
19. a
20. b
Gawaing Pagganap (Performance task)

Panuto: Gumawa ng alamat ng inyong lugar na naaayon sa bawat Sitio.

Halimbawa: Kung kayo ay nakatira sa sitio Aligamot, sumulat ng Alamat kung bakit tinawag na
Aligamot ang inyong lugar.

Rubriks sa paggawa ng Alamat

15 10 5
Pagkakasulat Malinis at wasto ang Di- gaanong malinis at Marumi at hindi
pagkakasulat. wasto ang wasto ang
pagkakasulat. pagkakasulat.
Nilalaman Malinaw ang Di- gaanong malinaw Hindi malinaw ang
pagsasalaysay ng ang pagsasalaysay ng pagkasalaysay ng
sinulat na Alamat. sinulat na Alamat. sinulat na Alamat.
Name: _____________________________________________ Grade: ____

_____________________________

____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like