You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MUSIKA 4 GAMIT ANG 4As

I. Layunin

Sa pagtatapos ng 40 minutong aralin sa Musika, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang iba’t ibang uri ng mga note at rest;


b. nababasa ang mga simbolo at konsepto sa Musika; at
c. naiguguhit ang iba’t ibang uri ng mga note at rest.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika


Sanggunian: Music Time, pp. 38, 208
Kagamitan: pitch pipe, mga flashcards ng mga note at rest, videos

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang umaga, mga bata!
Magandang umaga rin po.
Manatili muna kayong nakatayo at simulan
natin ang ating araw sa pamamagitan ng
pagdadasal.
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang pagdadasal)
(Pagdadasal)
Bago magsiupo ang lahat, pakiayos ng
hanay ng inyong mga upuan.
(Aayusin ng mga mag-aaral ang hanay ng
kanilang upan at magsisiupo.)
Alamin naman natin ngayon kung sino-
sino ang liban ngayong araw kung meron.
(Titingnan at bibilangin ng guro kung ilan
ang liban sa araw na ito.)

Pagbabalik-aral:

Ating balikan ang naging talakayan natin


kahapon. Ano nga muli ang pinagkaiba ng
tunog at pahinga sa musika?
Ang tunog o sound po ay kahit anong
tunog na ating naririnig. Ginagamit po natin
ang ating mga tenga para marinig ang mga
ito samantalang ang pahinga naman po ay
ang kawalan ng tunog. Ito po yung mga
paghinto sa isang musika o tunog. Wala po
tayong naririnig na kahit anong tunog sa
pahinga.
Magaling!
Ngayong nauunawaan na ninyo ang
pinagkaiba ng tunog at pahinga, mayroon
akong ipaparinig na musika sa inyo.
ACTIVITY

Pakinggan itong mabuti at sasagutin natin


ang mga tanong pagkatapos ng musika.
Nauunawaan ba mga bata?
Opo!
(Patutugtugin ng guro ang Baby Seeds ni
C. Trinidad at ipapaskil sa pisara ang awitin)

(Pakikinggan ng mga mag-aaral ang


tugtog na Baby Seeds.)
Pinakinggan niyo bang mabuti ang tugtog
na Baby Seeds?
Opo!
Base sa awitin na inyong narinig, aling
salita ang may pinakamahabang tunog?
(Tatawag ang guro ng mag-aaral na
sasagot sa tanong.)
Iyong wind po na parte ng awitin ang may
pinakamahabang tunog.
Mahusay!
Alin naming bahagi ng tugtog ang may
pinakamaikling tunog?
Madami pong bahagi ng awitin ang may
mga maikling tunog. Ang isa po sa mga ito ay
yung bahaging simula na In a little.
Tama!
Ngayon, alin namang bahagi ng awitin ang
walang tunog?
Ang bahagi po ng awitin na walang tunog
ay yung mga pagitan ng bawat linya.
Magaling!

ANALYSIS

Sa inyong palagay mga bata, bakit


nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog
ang isang awitin?
(Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
bata)
Ang isang awit po ay nagkakaroon ng
maikli at mahabang tunog dahil s uri ng mga
note na ginamit.
Mahusay!
Nagkakaroon ng maikli at mahabang
tunog ang isang awit dahil sa mga notes.
Nauunawaan ba mga bata?
Opo!
Ilang uri ng mga note ang makikita natin
sa awiting Baby Seeds?
Mayroon pong tatlong uri ng mga note ang
makikita sa awitin.
Magaling!
May 3 uri ng mga note ang makikita natin
sa awitin.
Bukod sa mga note, ano pang simbolo sa
musika ang inyong nakikita?
Mayroon din pong rest.
Tama!
Mayroon ding rest tayong makikita sa
awtin.
Ngayon naman, ipapakita ko sa inyo ang
iba’t ibang uri ng mga note at rest. Nais kong
pangalanan ninyo ang mga ito batay sa
simbolo nito. Nauunawaan ba ako mga bata?
Opo!
(Ipapaskil ng guro sa mga simbolo ng note
at rest sa pisara at papangalanan ito ng mga
bata kasabay ng paglalagay ng bilang ng
kumpas.)

Bilang ng
Simbolo Uri ng Note
Kumpas
Whole Note 4

Half Note 2
Quarter
1
Note
Eight Note ½

Bilang ng
Simbolo Uri ng Rest
Kumpas
Whole Rest 4

Half Rest 2

Quarter Rest 1

Eight Rest ½

(Sasagutan ng mga mag-aaral ang


pangalan ng mga note at rest kasabay ng
paglalagay ng bilang ng kumpas.)
Mahusay mga bata!
Nauunawaan na ninyo ang mga note at
rest.

ABSTRACTION

Tandaan mga bata, na ang bawat note ay


may katumbas o katapat na rest. Ang bilang
ng kumpas na tinatanggap ng note ay siya
ring bilang ng kumpas na tinatanggap ng rest.
Nauunawaan mga bata?
Opo!
Ngayon naman ay gawin natin itong
gawain na ito. Pagtapat-tapatin. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang ayon sa
hinihingi ng Hanay A mula sa Hanay B.

A B
___ 1. a. whole note
___ 2. b. half note
___ 3. c. quarter note
___ 4. d. eight note
___ 5. e. whole rest
___ 6. f. half rest
___ 7. g. quarter rest
___ 8. h. eight rest

A B
a 1.
___ a. whole note
___
c 2. b. half note
f 3.
___ c. quarter note
___
d 4. d. eight note
___
h 5. e. whole rest
g 6.
___ f. half rest
e 7.
___ g. quarter rest
b
___ 8. h. eight rest
Magaling mga bata!
Atin naman ngayong sagutan ang susunod
na gawain.

APPLICATION

Igugrupo ko ang klase sa anim.


(Sisimulan na ng guro na igrupo ang
klase.)
(Pupunta ang mga mag-aaral sa kanya-
kanyang grupo.)
Para sa ating gawain, bibilangin at
kikilalanin ng bawat grupo ang mga note at
rest na nakapaloob sa awiting Will You Dance
With Me? Isusulat ninyo ang sagot sa
sagutang ibibigay ko sa inyo. Maglalaan
lamang tayo ng tatlong minuto para tapusin
ang gawain. Matapos ninyong mabilang at
kilalanin ang mga note at rest, ipapaskil ng
bawat grupo ang kanilang gawa sa pisara.
(Ipamamahagi ng gusto ang mga sagutan
sa bawat grupo at ipapaskil ng guro sa pisara
ang awiting Will You Dance With Me? ni Mel
Santos at T. Martinez)

(Gagawin ng bawat grupo ang gawain at


ipapaskil sa pisara ang sagot.)
Tapos na ang tatlong minuto, ipaskil na
ninyo sa pisara ang inyong mga gawa.
(Ipapaskil ng mga mag-aaral sa pisara
ang kanilang mga gawa.)
(Susuriin ng guro ang mga sagot at
itatama kung may mali.)
Magaling mga bata!
Tunay ngang nakikilala at nababasa na
ninyo ang mga note at rest.

IV. Pagtataya

Sa isang buong papel, iguhit ang sumusunod na mga note at rest at ilagay ang katumbas na
kumpas nito.

a. Whole Note

b. Quarter Note

c. Half Note

d. Eight Note

e. Quarter Rest

f. Whole Rest

g. Eight Rest

h. Half Rest
V. Takdang Aralin

Sa inyong kwaderno, sagutin ang sumusunod na katanungan:

Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Inihanda ni:

DON KIRBY M. ALVAREZ

You might also like