You are on page 1of 5

I.

Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga kasarian ng pangangalan.

b. Nakalalahok ng masigla sa bawat gawain ng klase.

c. Nakasusulat o nakapagtatala ng mga salita ayon sa kasarian ng pangngalan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Kasarian ng Pangngalan


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 4 Wika at Pagbasa para sa Elementarya pp.
350-354; www.slideshare.net
C. Kagamitan: Tsart,cartolina,sobre,maliit na kahon

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (May isang pupunta sa harap upang
pangunahan ang panalangin)

2. Pagbati Magandang Hapon po.

3. Pangganyak

Ang buong klase ay hahatiin sa dalawang


grupo.
May tig-isang sobreng ibibigay sa bawat grupo (Sa kanan ang unang grupo sa kaliwa
na naglalaman ng walong (8) salita. Ang mga naman ang pangalawang grupo)
salitang ito ay inyong papangkatin sa apat na
hanay (hanay A, B, C, D).
Sa bawat hanay mayroong dalawang salitang
dapat mailagay.
Ang unang makakuha ng tamang sagot ang
siyang mananalo.

- Nanay, Tita, Tito Lolo,


aso,guro,lapis,bola

Unang Grupo

HANAY A HANAY B HANAY C HANAY D


Pangalawang Grupo

HANAY A HANAY B HANAY C HANAY D

B. Panimulang Gawain
1. Paglalahad
Ang pangngalan ay tumutukoy sa
Ang mga salitang ito ay halimbawa ng pangngalan. ngalan ng tao, bagay,
Ano nga ba ulit ang pangngalan? lugar, hayop at pangyayari.

Paano niyo nga ba pinangkat ang mga salitang ito? Pinangkat po namin ang

Magaling!

Mayroon na ba kayong ideya sa ating tatalakayin Opo.


ngayong araw? Ano sa tingin niyo ito? Kasarian ng Pangngalan
Magaling!

Ngayong araw ang pag-aaralan natin ay tungkol sa


Kasarian ng Pangngalan.

C. Pagtatalakay

Mayroong apat na kasarian ang pangngalan.


Babasahin ng estudyante nang
Basahin nga natin kung ano-ano ang mga ito. sabay sabay ang apat (4)
na kasarian ng pangngalan.

May apat na kasarian ang pangngalan.

Pambabae- pangngalang tumutukoy sa babae.

Halimbawa: nanay, tita, lola, ninang

Sino naman ang makapagbibigay ng iba pang  Ate, babae, binibini


halimbawa?
Panlalaki- pangngalang tumutukoy sa lalaki.

Halimbawa: tatay, tito, lolo, hari

Sino naman ang makapagbibigay ng iba pang  Ginoo, hari, kuya


halimbawa?

Di-tiyak-pangngalang maaaring tumutukoy sa babae o


lalaki.
Halimbawa: aso, guro, pinsan

 Bata, kaibigan, kalaro,


Sino naman ang makapagbibigay ng iba pang
kapatid
halimbawa?

Walang kasarian - pangngalang tumutukoy sa mga


bagay
na walang kasarian.

Halimbawa: lapis,bola, buwan

Sino naman ang makapagbibigay ng iba pang


 Aklat, baso, damit
halimbawa?

3. Paglalahat

Ano nga ba ulit ang mga kasarian ng pangngalan? Ang mga kasarian ng
pangngalan ay pambabae,
panlalaki, di-tiyak at walang
kasarian.
Mahusay!

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga ito?  Ate, babae, binibini


nanay, tita, lola

 Ginoo, hari, kuya


tatay, tito, lolo

 Bata, kaibigan, kalaro,


kapatid,
Magaling!
 lapis,bola, buwan

Sa tingin niyo bakit kailangan nating malaman ang


Kailangan po nating malaman
mga kasarian ng pangngalan?
ang kasarian ng pangngalan
upang makilala o matukoy
kung ano ano ang kasarian na
ating mga nakikita at
nahahawakan.
C. Paglalapat

 Bumuo ng apat(4) na grupo sa pamamagitan


ng pagbilang ng isa(1) hanggang apat (4).

 Magtala ng sampung(10) salita mula sa


mabubunot niyo ayon sa kasarian ng
pangngalan.

 Pagkatapos ay pipili kayo ng isang kinatawan


ng inyong grupo upang basahin nang malakas
ang inyong mga naitala.

IV. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang kasarian ng pangngalang


nakasalungguhit.

1. Labis na nasiyahan ang mga bata sa kanilang


bakasyon.
(Magbibigay ang guro ng
2. Dinala kasi nila ang kanilang nanay sa isang
sasagutang papel.)
kakaibang lugar.
3. Nakakita sila rito ng matataas na bundok.
4. Isa itong di malilimutang bakasyon.
5. Ginising sila ng pagtilaok ng mga tandang.
6. Nasubukan din nilang mamingwit ng isda sa lawa.
7. Itinabi nila ang ibinigay ng kanilang ninong.
8. Masaya silang pinagmasdan ng kanilang mahal na
lolo.
9. Sumakay kami sa bisikleta noong kami ay namasyal.
10. Magagaling ang mga guro sa paaralang ito.

V. Takdang Aralin
Ibigay ang kasalungat na kasarian ng mga sumusunod
na pangngalan.
1. Binibini
2. Ama
3. Reyna
4. Sastre
5. Tandang

Inihanda ni: Luz Clarita R. Carlit


Banghay
Aralin
sa
Filipino IV

Inihanda ni:

LUZ CLARITA R. CARLIT

You might also like