You are on page 1of 7

LESSON PLAN

By: LAYJAM JUMLA BASAD

4TH- A

I. Layunin (Objective)
: Sa pagtatapus ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a) Nalalaman Kung ano ang kasarian ng mga pangngalan.
b) Nakakagawa ng talaan ng ibat-ibang uri ng kasarian ng mga pangngalan.
c) Naibibigay ang kasarian ng ibat-ibang pangngalan.

II. Paksang Aralin (Subject matter)

: Kasarian ng mga pangngalan.

III. Pamantayan (Reference)

:Bagong Filipino sa Salita at gawa.

Ikatlong baitang

Kagamitan: Cartolina, letrato, marker, construction paper

Estratehiy: Cooperative Learning Approach.

IV. Pamamaraan (Procedure)

A. Pagsasanay 1 ( primarily activities)

Aawit ang mga mag- aaral ng Nanay at Tatay. Magtatanong sa mga bata kung ano at

Sinu ang mga nabanggit sa kanta.

"Awit ng Nanay at Tatay"

Nanay,Tatay! Gusto kong tinapay!.


Ate, Kuya! Gusto kong kape!.

Lahat ng gusto ko ay susundin ninyu.

Tanong:

Sino-sino ang nabanggit sa kanta?

Ano-ano ang nabanggit sa kanta?

B. Developmental activities

Presentation

Guro: ang pag-aaralan natin ngayon ay ang mga sumusunod.

Kasarian ng mga pangngalan

> Ang pangngalan ng tao, bagay, hayop at pook ay may kasarian.

> Ang kasarian ng mga pangngalan ay nagsasaad kung ito ay pambabae, panlalaki, di-tiyak, at
walang kasarian.

* Ang pambabae ay tumutukoy sa isang babae gaya ng Lola, ate, nanay.

* Ang panlalaki ay tumutukoy sa isang lalaki gaya ng tiyo, tatay, lolo.

* Ang di-tiyak ay maaring panlalaki 0 pambabae ang tinutukoy gaya ng kapatid, kaibigan 0

Kamag-aral

* Ang walang kasarian ay para sa mga bagay na walang buhay gaya ng aklat at iba pang

Mga bagay na walang buhay.

C. Pagganyak ( Motivation)

* Magpapakita ng mga letrato na may ibat-ibang pangngalan at kasarian.

* Ipaliwanag sa mga bata kung ano-ano ang kasarian ng mga nasa letrato.

* Sabihin sa mga bata na magbuo ng 4 grupo na mayroong limang membro.

* Sabihin sa mga mag-aaral na may gagawing pagsasanay. At bibigyan sila ng isang Alamat
Ng Batangas. At sa Alamat ay hahanapin at itatala nila ang mga kasarian ng mga

Pangngalan na nabanggit sa Alamat ng Batangas, at isusulat ito sa ibinigay na sulatang

papel.

" Ang Alamat ng Batangas"

Pinatutulog ni Lola Charing ang kaniyang mga apong sina Nikul at Denden .

" Lola, kuwentuhan muna ninyu kami,"sabi ni Nikol.

"Ano ang gusto ninyung kuwento?"tanung ng kanilang lola.

"Kahit po ano ,"sagot ni Denden.

"O sige, ikukuwento ko sa inyo ang alamat ng Batangas,ang ating lalawigan," sabi ni lola Charing.

"Isang kagubatan noon ang Batangas. Napaka rami at malaki ang mga punongkahoy rito.pinuputol at
ginagawang troso ang malalaking punongkahoy. Tinatawag ng mga taga rito na"batang" ang mga
troso.

"Isang araw,nakita ng isang piping batang lalaki ang isang imahen ng santo Niño na nakasakay sa
batang. Kinawayan ng santo Niño ang bata sa pamamagitan ng kanyang baston.

Tinawag naman ng bata ang kanyang mga kalaro may ilang matatandang nakakita sa mga bata.
Nagulat sila ng makita sila nang makita nila ang santo Niño. Dinala nila ito sa bagaong simbahan.
Ibanalita ng pari ang nawawalang santo Niño ng Cebu ay nasa simbahan. Nang dumating ang mga
taga- Cebu, iniuwih nila ito sa Cebu. Pagkaraan ng ilang araw, nakitang muli ng batang pipi ang santo
Niño na nag-iisang nka sakay sa batang. Tatlong beses na kinuha ng mga taga Cebu ang santo Niño.
Iniuwih nila ito sa Cebu ngunit palaging bumabalik, kaya hinayaan na lang na manatili ito sa kinakitaan
sa kaniya.

"Dahil sa ang santo Niñu ay nakitang nakasakay sa batang, tinawag ng mga tagarito ang lugar na ito ng
batangan. Nang lumaon ito ai naging Batangas".

"Maganda po pala ang alamat ng Batangas", ang sabi ni Nikol. "Salamat po sa kuwento ninyu.
Matutulog na po kami, lola", sabay sabi ng dalawang bata.

Instruction:
* Hanapin ninyu sa alamat ang pangngalan ng pambabae, panlalaki, di-tiyak, at walang

kasarian. At itala ito sa kanya-kanyang kasarian, isulat sa ibinigay na sulatang papel.

D. Pagtalakay (Discussion )

* Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano-anong kasarian ang makukuha sa alamat.

* Ang kasarian na makukuha sa alamat ay ang Pambabae, Panglalaki, di-tiyak, at walang

Kasarian. Ang pangngalang pambabae makukuha sa alamat ay tukad ng Lola Charing.

Pangngalan panlalaki ay gaya ng Denden. ang di-tiyak ay ang KAPATID, at ang walang

kasarian ay ang TROSO.

E. Modeling

Magpakita ng letrato na may kasarian at pangngalan, At sasabihin sa mga bata kung anong

Pangngalan at kasarian ang bawat letrato. Magpapakita ng aklat para sa

Halimbawa ng walang kasarian. Ipapakilala ang sarili bilang pambabae gaya ng

Ng Nanay. Sasabihin sa mga mag-aaral na ang halimbawa ng di-tiyak ay ang kaibigan, 0 ang

Gaya Nila na mag-aaral.

F. Guided Practices
Magbibigay ng stickers na may sulat na mga pangngalan at may kanya-kanyang kasarian, at
ipapadikit ito sa unahan Kung ito ba ay Pambabae, Panglalaki, di-tiyak, at walang kasarian.

Tatawag ng mga mag-aaral kung sino ang mag didikit ng stickers sa unahan.

Gabayan ang mga bata sa kanila pagdidikit ng mga stickers at titingnan kung tama ba ang paglalagay
ng mga bata.

G. Independent Practice

Sasabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ulit ng grupong aktibidad.

Sabihin sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin nila sa kanilang aktibidad.

Gumawa kayo ng apat na pangungusap gamit ang mga kasarian ng mga pangngalan, at isulat sa
ibinigay na sulatang papel.

V. Evaluation

Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagsusulit.

Kumuha ng malinis na papel at magkakaroon tayo ng pagsusulit.

Instructions:

Magtala ng limang pangalan ng pambabae, panglalaki, di-tiyak, at walang kasarian.


Bibigyan ko kayo ng 10 minuto para sagotan ang ating pagsusulit.

VI. Assignment

Sabihin sa mga mag-aaral na mayroon silang asignatura na kailangan kopyahin at ipapasa sa


susunud na linggo.

Kopyahin ang inyo asignatura.

Narito ang ilang salita sa kuwentong binasa. Pansinin kung alin-aling salita ang nagsisimula sa
malaking titik? Bakit?

1. Lola Charing 6. Santo Niño

2. Batangas 7. Nikol

3. Denden 8. Bata

4. simbahan 9. cebu

5. araw 10. Kaniya

VII. Reflection

Sa ating napag aralan, ano-ano ang inyong mga natutunan o nakuhang aral?

You might also like