You are on page 1of 26

GLAIZA R.

BRANZUELA
Teacher III
Magandang araw! Kumusta na kayo?
Madalas ay nauutusan ka ng iyong magulang o mga
kasama mo sa inyong bahay. Nagbibigay sila ng mga
malinaw na panuto sa mga gagawin mo. Inuulit-ulit pa
nga nila ito para mas madali mong maunawaan. Minsan
hindi mo nasusunod ang mga ito dahil hindi mo
pinakikinggan at inuunawaang mabuti. Tiyak na
napagsasabihan o nakaririnig ka ng hindi gaanong
kanais-nais na salita sa mga pagkakataong hindi ka
makasunod sa mga hakbang na ibinigay nila.
Makatutulong sa maayos, mabilis at wastong
pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa panuto. Ang
batang sumusunod sa panuto ay tanda ng pagiging
matalino at masunurin.
Panuto: Basahin ang isang tampok sa isang pahayagan. Itala sa
grapikong pantulong ang mga pangyayaring nakapaloob dito. Gawin
ito sa sagutang papel.
Martial Law
Halaw sa Pilipino Star Ngayon
Pinutol ni Pangulong Duterte ang pagbisita sa Russia at agad na
bumalik sa bansa kahapon dakong alas singko ng hapon. Sa
kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA),
sinabi niyang dineklara niya ang Martial Law para mapigilan ang
paglawak ng kaguluhan sa Mindanao dulot ng terorista. Kailangang
mapangalagaan ang seguridad ng bansa. Maaring umabot pa sa
Visayas ang Martial Law. May posibilidad din umano na baka
ideklara sa buong bansa ang Martial Law. Sinabi ng pangulo na
magiging malupit siya
sa pagkakataong ito. Sinabi rin niya na kailangang
mapanatili ang kapayapaan sa bansa kaya siya nagdeklara
ng Martial Law.
Pagtatalakay sa Paksa
Ang Utos ni Nanay
ni Edelle R. Agustin, Angel C. Manglicmot
Memorial ES
Isang araw ay inutusan ni Aling Tonet ang anak niyang
si Amy na bumili sa panaderya ni Lola Gemma ng
tinapay na memeryendahin ng mga kasama niyang
nagtatanim ng kamote sa bukid. Gumawa siya ng
talaan ng mga hakbang na susundin ng kaniyang anak
upang makarating siya sa kaniyang paroroonan.
Gumuhit din siya ng mapa para sa karagdagang
kaalaman.
Ito ang isinulat sa papel ni Nanay Tonet:
Nagmadaling umalis si Amy.Hindi na niya binasang
mabuti ang mga nakasulat sa papel. Hindi na rin niya
pinag-aralan ang mapa.
Nang napadpad siya sa isang lugar ay mayroon siyang narinig
na sumisigaw. Hindi niya alam na may mga naglalarong bata
doon. Natakot siya at biglang tumakbo.
Laking gulat ni Aling Tonet nang biglang bumalik si Amy na
hingal na hingal at takot na takot.
“Bakit anak anong nangyari?” tanong ni Nanay.
Saan ka ba nanggaling at takot na takot ka?” dagdag na tanong
ni Nanay.
“May multo sa sementeryo, Nay!” takot na sabi ni Amy.
“Ha? Anong multo? Anong sementeryo? Bakit ka napunta
doon?” sunod-sunod na tanong ni Nanay.
“Hindi naman kita inutusan doon anak. Hay, naku! Hindi mo
nasundan ang sinabi ko sa iyo,” naiinis na dagdag ng Nanay.
“Huwag ka nang matakot. Walang multo anak. Mga batang
naglalaro lang ang mga iyon,” pagpapakalma ni Nanay sa anak.
“Pasensiya na po, inay hindi ko po nasunod ang mga
ibinigay ninyong mga panuto,” pagdadahilan ni Amy.
Ipinaliwanag ni Aling Tonet sa kaniyang anak kung
gaano kahalaga ang pagsunod nang wasto sa mga
panuto.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1.Ano ang iniutos ni Nanay kay Amy?
2.Isa-isahin ang mga panutong ibinigay ni Nanay Tonet.
3.Ano-ano ang mga lugar na makikita sa mapa?
4.Saan napadpad si Amy? Bakit siya napunta roon?
5.Bakit mahalagang sumunod sa mga ibinigay na
panuto?
Pagpapakilala sa Aralin

Ang mga panuto ay mga tagubilin sa mga


pagsasagawa ng inuutos na gawain.
Maaaring pabigkas o pasulat ang mga ito.
Nakatutulong upang maging maayos, mabilis at
wasto ang pagsasagawa ng gawain kung may
hakbang o panutong sinusunod.
Maaari ring gamitin ang mga pangunahin at
pangalawang direksiyon sa pagbibigay ng
panuto.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY

You might also like