You are on page 1of 5

FILI 11: Malayuning Komunikasyon  

Pagsulat at pagbigkas sa Filipino tungo sa iba't ibang layon  


Unang Semestre, 2019-2020 
Kagawaran ng Filipino  
Paaralan ng Humanidades  
Pamantasang Ateneo de Manila 
Martina M.Herras​ (​martina.herras09@gmail.com​)  
 
Paglalarawan sa Kurso  
Tinatalakay sa kurso ang mga salik at proseso ng komunikasyon nang may diin sa layuning maipahayag ng 
mag-aaral ang kanyang pag-iisip, pag-unawa, pagdanas at pagdama, na bunga ng kanyang mga karanasan 
bilang indibidwal at bahagi ng komunidad. Binibigyang-diin sa kurso ang papel ng mag-aaral bilang palaisip at 
propesyunal na pinag-iisa ang kaalaman, kultura at pamumuhay ng mga lokalidad na kanyang kinalalagyan at 
ng higit na malawak na daigdig na kanyang kinabibilangan. 
 
Mga Bunga ng Pagkatuto  
1. Nakagagamit ng mga kasangkapan at aspektong pangkomunikasyon sa anyong pasulat at pabigkas sa 
pagpapahayag ng isa o magkakaugnay na kaisipan;  
2. Nakasusulat at nakabibigkas ng mga pagmumuni-muni sa wikang Filipino ukol sa sariling mga 
karanasan patungo sa higit na masasaklaw na realidad; 
3. Nakasusulat ng papel-pananaliksik tungkol sa isang suliranin, kaisipan o paksaing intrinsiko sa sariling 
pamayanan at naitatanghal ang resulta ng pag-aaral nito sa isang presentasyon;  
4. Nailulugar ang sariling mga karanasan sa mga kalakarang lokal at ugnayang pandaigdig kaugnay ng 
usapin ng wika, kultura at identidad;  
5. Nakapagbibigay-halaga sa papel ng wikang Filipino sa pagsusulong ng mapaglimi at kritikal na 
pagtugon sa mga pangyayari at hamon ng panahon. 
 
Daloy at Balangkas ng Kurso  
Buwan Gawain 
Agosto Schola Brevis 
Pagtatalakay at paglilinaw sa Kulturang Popular 
at sa Papel Pampananaliksik 
 
Setyembre Mga Kasangkapang Panretorika 
Mga Sanaysay na Naglalarawan at Nagsasalaysay  
Pagtatakda ng Gawaing Pangkatan  
 
Oktubre Pagpasa ng Abstrak, Balangkas, at Talasanggunian  
Kurasyon ng Sarili  
Mga Sanaysay na Nag-uulat at Nangangatwiran  
 
 
Nobyembre Pagpasa ng Borador  
Konsultasyon  
 
Disyembre Pagpasa ng Papel-pananaliksik 
 
Batayang Aklat  
 
Yapan, Alvin ed.​ Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino.​ Q.C.: Ateneo de Manila University Press, 2017. 
________. ​Borador: Isang Pagkilala sa Layunin ng Komunikasyon sa Kolehiyo​. Q.C.: Ateneo de Manila University  
Press, 2018. 
 
Manggagaling ang karamihan ng mga ipapabasa sa klase mula sa ​Borador​. Ipapadala ng guro ang mga 
karadagang babasahin sa ​beadle​ (na siyang responsable sa pagbabahagi nito sa klase).  
 
Karagdagang Sanggunian 

Anderson, Benedict. ​Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread of Nationalism. ​Rebisadong edisyon. 
Lungsod ng Pasig: Anvil Publishing, Inc., 2003. Limbag. 
 
Baquiran, Romulo P. Jr. ​Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular.​ Maynila: University of Sto. Tomas  
Publishing House, 2014. 
 
Cixous, Hélène. "The Laugh of the Medusa." ​Feminisms Redux: An Anthology of Literary Theory and  
Criticism​ (1975): 416-431. 
 
Cruz​-​Lucero, Rosario. "Judas and his Phallus: The Carnivalesque Narratives of Holy Week in Catholic  
Philippines." ​History and Anthropology​ 17, no. 1 (2006): 39-56. 
 
Foucault, Michel. ​Power/Knowledge: Selected Interviews and Other Writings 1972-1977​. New York: Pantheon Books, 
1980. 
 
Garcia, J. Neil C., pat.​ The Likhaan Book of Philippine Criticism (1992-1997)​. Lungsod Quezon: University of the 
Philippines Press, 2000 
 
hooks, bell. ​Feminist theory: From margin to center.​ Pluto Press, 2000. 
 
Hornedo, Florentino H. ​Pagmamahal and Pagmumura: Essays​. Office, 1997. 
 
Marx, Karl. ​A Contribution to the Critique of Political Economy​. International Publishers Company, 1970. Print. 
 
Montiel, Cristina Jayme at Mira Alexis Ofreneo. "Positioning Theory as a Discursive Approach to 
Understanding Same-sex Intimate Violence." ​Asian Journal of Social Psychology 13​ (2010): 247-259. 
 
Santos, Benilda S., pat. ​Hulagpos: Panitikan para sa mga Pag-aaral na Multidisciplinaryo. Edisyong eksperimental.​   
Lungsod Quezon: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University, 2003. 
 
Said, Edward W. ​Culture and Imperialism.​ New York: Vintage Books, 1994. 
 
Tolentino, Rolando. Introduksiyon. ​Gitnang Uring Fantasya at Material na Kahirapan sa Neoliberalismo: Politikal na 
Kritisismo ng Kulturang Popular.​ Ni Tolentino. Lungsod Quezon: UST Publishing House, 2010. 
viii-xxxix. Limbag. 
_______________. ​Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha'y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto at 
Pagtatanghal ng Kulturang Popular.​ Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2001. Limbag. 

_______________. ​Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi, Kaliluha'y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto at 
Pagtatanghal ng Kulturang Popular.​ Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2001. Limbag. 

 
Batayan at Sistema ng Pagmamarka    
   
Pananaliksik    A  92-100  
Abstrak, Balangkas, Talasanggunian  20  B+ 87-91 
Borador  15  B  83-86  
Papel-pananaliksik 30  C+  78-82  
Mga gawain sa klase  C  75-77 
Gawaing Pangkatan   10  D  70-74  
Mga Maikling Sulatin 15  F  0-69 
Pakikilahok sa Klase 10   
 
 
Tala Hinggil sa mga Kahingian  
 
1. Gawaing pansarili ang Papel-pananaliksik at ang lahat ng bahaging bumubuo dito.​ ​Inaasahan ang 
mag-aaral na ipasa ang mga kahingian sa itinakdang panahon ng pagpasa. ​May bawas ng isang 
punto mula sa orihinal na ​letter grade ​ang bawat araw na ipagpaliban ng mag-aaral na ipasa 
ang kanyang papel.  
 
2. ​Magbibigay ang guro ng maiikling sulatin sa bawat modyul na tatalakayin sa klase.  
 
3. Gawaing pangkatan. Mabubuo ang mga pangkat ayon sa mga ipinasang abstrak (hal., isang grupo 
para sa mga nagsulat ukol sa lugar, isang grupo para sa mga nagsulat ukol sa pelikula, etc.). Uusisahin 
ng bawat grupo ang pagkakapare-pareho sa kanilang mga napiling paksa, at mula doon ay bubuo ng 
papel na may kahabaang hindi bababa sa pitong (7) pahina, at hindi hihigit sa sampung (10) pahina.   
 
4. Sa pagsulat ng kahingian, ang sumusunod ang nararapat na anyo: puting papel na A4 (iminumungkahi 
ang paggamit ng mga gamít nang papel), 1 pulgadang palugit, laktawan (double-spaced), Garamond, 
12. Hindi kasama sa hinihinging bilang ng mga pahina ang talasanggunian. Sa unang pahina, isulat 
lamang ang mga sumusunod:  
  
Apelyido, Unang Pangalan  Petsa, Buwan, Taon  
FILI 11 – Seksiyon  Bb. Herras 
  
[Pamagat ng Sanaysay]  
 
 
 
 
 
 
Mga Patakaran at Tuntunin sa Klase  
 
1. Kinakailangang magbigay ng isang 3x5 na ​index card ​ na naglalaman ng sumusunod na impormasyon:  
 
 
Pangalan 1x1 ID Picture 
Palayaw 
ID Number  
Taon at Kurso  
Contact Information (Email, Phone number)  
Emergency Contact Person (Pangalan, Email, Number, relasyon sa mag-aaral)  
Zodiac Sign 
Tatlong paboritong libro  
Ano ang pagkakaiba ng Ng at Nang?  
 
[Sa Likod] Class Schedule para sa Unang Semestre  
 
Hanggang ika-28 ng Agosto 23, 2019 lamang ang palugit ng pagpapasa. Ang sinumang magpapasa 
ng ​index card​ nang lampas sa petsang ito ay babawasan ng limang (5) puntos sa bawat araw na  
mahuhuli. Ibabawas ang puntos sa mga puntos na malilikom sa pakikilahok sa klase.  
1.  
2. Mayroon lamang anim (6) na pagliban (cut) na mapahihintulutan (magkasamang mayroon at walang 
pahintulot), kung kaya tiyaking mapamamahalaan nang maayos ang mga paglibang gagawin. Ituturing 
na isang pagliban ang pagpasok sa klase sampung (10) minuto matapos ang itinakdang oras ng 
pagsisimula nito. Samantala, ituturing naman na isang pagliban ang dalawang (2) ulit na pagpasok sa 
klase sa pagitan ng itinakdang oras ng pagsisimula nito at ng nasabing sampung minutong palugit. 
Hindi bibigyan ng anumang karagdagang gawain ang mag-aaral na may makaliligtaang pagsusulit o 
takdang oras ng pagpapasa ng mga gawain bunga ng kanyang pagliban, maliban na lamang sa mga 
pagkakataong may makatwiran at malubhang kadahilanan. 
 
3. Mahigpit na ipatutupad sa klase ang mga patakaran ng pamantasan hinggil sa plagiarism, 
pangongopya at pandaraya--at lalo na sa mga kaso ng panunupil ng kapwa sa kahit anong mang anyo.  
 
4. Inaasahan ang masusi at maingat na pagbabasa at pag-unawa sa teksto bago ang klase; ang pagdadala 
ng teksto at pakikilahok sa talakayan habang nagkaklase, at ang pagbabalik-aral pagkatapos ng klase. 
 
5. Naiintindihan ng guro na alanganin ang oras na itinakda para sa klase, kung kaya’t pinapayagan ang 
pagkain sa loob ng silid-aralan. Gayunpaman, ​ipinagbabawal ang pagdala ng pagkaing 
maaamoy, tulad ng (pero hindi limitado sa) Paksiw, Adobo, Binagoongan, at Sinigang. 
Inaasahan rin na uugaliin ng mag-aaral na iwanang malinis at maayos ang kanyang paligid bago 
tumungo sa susunod na klase.  
 
6. Inaasahan ang maayos na pakikibagay ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan; kabilang sa mga 
inaasahan ang hindi panggugulo at pag-iingay sa klase, hindi paggamit ng mga kagamitang 
elektroniko, hindi paggawa ng iba pang mga gawaing walang kinalaman sa kurso, hindi pagtulog, at 
hindi paglabas-masok ng silid-aralan. Inaasahan din sa mga mag-aaral ang pagsunod sa mga 
itinakdang palugit para sa mga gawain at pagkakaroon ng kopya ng mga itinakdang babasahin. 
Sakaling lumabag ang mag-aaral sa mga naunang inaasahang pagkilos sa silid-aralan, o kaya’y 
nakaligtaang dalhin ang mga nakatakdang babasahin o kagamitan para sa klase, maaaring palabasin ng 
guro ang nasabing mag-aaral. Bibilangin ito bilang isang (1) pagliban.  
 
7. Hindi sasagutin ng guro ang kahit anong tanong na ipapadala ng mga mag-aaral sa mga ​social media 
​ ala ring balak ang guro na ​i-follow ​kayo sa Twitter, Instagram, atbp. habang dumadaloy ang 
account. W
taong akademiko. Lahat ng mga katanungan ay maaari lamang ipadala sa nakatakdang email ng guro, 
o pagkatapos ng klase mismo.  
 
8. Ugaliin ang pagtatala ng mga sangguniang hihiraman ng anumang sipi o kaisipan. Para sa klase, 
pagbatayan ang ​Bagay: Gabay sa pagsulat sa Wikang Filipino ni Alvin B. Yapan p ​ ara sa naangkop na 
pamamaraan ng pagsangguni. Maaari lamang ipasa ang mga itinakdang gawain sa loob ng klase; 
samakatwid, hindi tatanggapin ang mga mahuhuling gawain sa pigeonhole o sa email, maliban na 
lamang kung pahihintulutan ng guro.  
 
 
 
Panahon ng Konsultasyon 
 
10.00 - 11.30, 4.00-5.00 Martes at Huwebes  
2.00 - 3.00, 3.00- 4.00 Miyerkules at Biyernes  
Kagawaran ng Filipino, 3F Bulwagang De la Costa  
 
Ugaling magpadala muna ng email ​isang araw bago ang ibinabalak na konsultasyon ​sakaling 
magpapakonsulta, nang matiyak na magtatagpo sa kagawaran. Sakaling hindi naman magtutugma ang mga 
nakasaad na panahon sa inyong iskedyul, maaaring magpadala ng email pang mapagkasunduan ang isang 
alternatibong pagkakataon. Maaari ding kumonsulta sa pamamagitan ng email, bagaman tiyaking hindi lamang 
ito para sa pagtatanong hinggil sa mga nakaligtaang bagay na tinalakay na sa klase, tulad ng panuto para sa 
mga gawain.  

You might also like