You are on page 1of 6

Fili 12: Panitikan ng Pilipinas

Mga Kaisipan sa Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas


Ikalawang Semestre, T.A. 2019-2020 | TTh 2:00-3:30 n.h / 5:00 – 6:30 n.g.
Martina M. Herras [mherras@ateneo.edu]

Paglalarawan ng Kurso | Ang kurso ay isang pag-aaral sa kalipunan ng Panitikang Filipino mula sa
panahong prekolonyal hanggang sa panitikan ng ating panahon, sa pasalita hanggang sa akdang nasusulat
sa Pilipinas. Mula sa mga akdang representasyon ng bawat panahon, susuriin ang dinamismo ng panitikan
at kasaysayan kaalinsabay ng pamamayani ng iba-ibang uri ng pananaw naumiral sa bawat panahon.
Kakasangkapanin sa pagsusuri ang piling kaisipan sa karanasang Filipino na tinatawid ang iba-ibang
panahon, bilang paraan ng pagpapatuklas sa kabuluhan ng kasaysayang pampanitikan sa kasalukuyang
mga kamalayan.

Mga Layunin | 1. Nakakikilala ng pagyuyugto ng kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas.


2. Nakatutukoy ng tradisyon at impluwensiya ng mga panandang-bato sa kasaysayang
pampanitikan ng Pilipinas. 3. Naisasakonteksto sa kontemporanyong karanasan ang kasaysayang
pampanitikan ng Pilipinas. 4. Nakapagtatawid ng mga kontemporanyong karanasan sa kasaysayang
pangkultura. 5. Nakalilikha ng alternatibong pananaw sa pagsasakasaysayan ng karanasang Filipino mula
sa kontemporanyo.

Daloy ng Kurso at mga Gawain

Enero
23-28 Schola Brevis at Paglalatag ng mga Rekisito sa Klase
Introduksiyon:
• What is Literature? Mula sa Norton Anthology of Literary Theory and Criticism

30 Introduksiyon: Pagbasa at Pagsuri sa Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas


• The History in the Text ni Resil Mojares
• Literature as Shelter ni Arundhati Roy
Maikling Pagsusulit 1

Pebrero
4-6 Pambungad na Lektura: Panitikan noong Unang Panahon
Mga Bugtong at Salawikain, Tanaga at Awit

11-13 Mga Epiko


• Sipi mula sa Epiko ni Lam-Ang

18-20 Mga Mito at Kuwentong Bayan

25 People Power Anniversary


27 Maikling Pagsusulit 2
Marso
3-5 Pambungad na Lektura: Kolonyalismong Kastila sa Pilipinas
• Panitikan ng Pagsampalataya, Virgilio Almario
• May Bagyo Ma’t May Rilim, Una Persona Tagala

10-17 Panahon ng mga Kastila


• Mahal na Pasyon ni Jesu Christong Panginoon… ni Gaspar Aquino de Belen
• Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at Feliza ni Presbitero Modesto
de Castro
• ilang sipi mula sa Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa Cahariang Albania
ni Francisco Baltazar

19-24 Rebolusyon
• Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto
• Sampung Aral ni Apolinario Mabini
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

26 Ang Noli me Tangere


• Kabanata X

31 Unang Mahabang Pagsusulit

Abril
2 Pambungad na Lektura: Modernong Panahon

7-9 Holy Week


14-24 Lektura: Panitikan sa Panahon ng Pag-usisa ng Pambansang Identidad
• Ako ang Daigdig: Modernismo at Malayang Taludturan, Rolando Tolentino
• Ako ang Daigdig, Alejandro Abadilla
• Ang Tren, Jose Corazon de Jesus
• Tren, Manuel Principe Bautista
• Erotika 4, Alejandro Abadilla
• Greta Garbo, Deogracias A. Rosario

28 Ang Babae sa Larangan ng Panitikan: Pagbasa sa Dead Stars, ni Paz Marquez Benitez
Maikling Pagsusulit 3

Mayo
5-14 Huling Lektura: Kontemporanyong Panahon
• Desaparesidos ni Lualhati Bautista
• Kinukumutan Ka ng Aking Titig ni Ruth Elynia Mabanglo
• Gahasa ni Joi Barrios
• Dead Balagtas Tomo 1, Emiliana Kampilan

23 Ikalawang Mahabang Pagsusulit: Sanaysay


PAALALA: Maaari pang magbigay ng iba pang babasahin ang Guro habang umuusad ang klase.
Gayundin, maaaring magkaroon ng pagbabawas sa mga ito sang-ayon sa magiging kahingian ng
sitwasyon. Inaasahang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga indibidwal na pagsangguni sa
mga aklat tungkol sa Panitikan sa Aklatang Rizal.

Batayang Aklat at Ilang Karagdagang Sanggunian


A. Batayang Aklat
Devilles, Gary C., pat. Pasakalye: Isang Paglalayag sa Kasaysayan ng Panitikang Filipino. Ikalawang
ed. Lungsod Quezon: BlueBooks, 2017.

B. Mga Karagdagang Sanggunian


Almario,Virgilio S. Ang Tungkulin ng Kritisismo sa Filipinas. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila
University Press, 2014.

Baquiran, Romulo P. Jr. Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular. Maynila: University of
Sto. Tomas Publishing House, 2014.

Cruz, Isagani R., at Soledad S. Reyes, pat. Ang Ating Panitikan. Maynila: Goodwill Trading Co.,
Inc., 1984.

Eagleton, Terry. Literary Theory: An Introduction. Minneapolis: University of Minnesota Press, 1983.

Evasco, Eugene et al., pat. Ideya at Estilo sa Sanaysay. Lungsod Quezon: Rex Publishing
House, Inc., 2001.

Garcia, J. Neil C., pat. The Likhaan Book of Philippine Criticism (1992-1997). Lungsod Quezon:
University of the Philippines Press, 2000.

Leitch, Vincent B., pat. The Norton Anthology of Theory and Criticism. New York: Norton, 2001.

Lumbera, Bienvenido, at Cynthia Nograles Lumbera, pat. Philippine Literature: A History &
Anthology. Lungsod Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1997.

Mojares, Resil B. House of Memory: Essays. Lungsod Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1997.

----------. Waiting for Mariang Makiling: Essays in Philippine Cultural History. Lungsod Quezon: Ateneo
de Manila University Press, 2002.

Reyes, Soledad. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila
University Press, 1997.

Santos, Benilda S., pat. Hulagpos: Panitikan para sa mga Pag-aaral na Multidisciplinaryo. Edisyong
eksperimental. Lungsod Quezon: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila
University, 2003.

Sugbo, Victor, pat. Tinuha: History in Philippine Literary Texts. Maynila: National Commission for
Culture and the Arts, 2003.
Tolentino, Rolando. Gitnang Uring Fantasya at Material na Kahirapan sa Neoliberalismo: Politikal na
Kritisismo ng Kulturang Popular. Maynila: UST Publishing House, 2010.

----------. Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng Panitikan.


Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2007.

Torres-Yu, Rosario, pat. Kilates: Panunuring pampanitikan ng Pilipinas. Lungsod Quezon: University
of the Philippines Press, 2006.

White, Hayden. Tropics of Discourse: Essays in Cultural Criticism. Baltimore: The John Hopkins
University Press, 1997.

Mga Kahingian ng Kurso at Batayan na Marka

Gawain Bahagdan
Maikling Pagsusulit 20 %
Unang Mahabang Pagsusulit 30%
Ikalawang Mahabang Pagsusulit 30%
Group Report 20%

Marka
A 4.00
B+ 3.50
B 3.00
C+ 2.50
C 2.00
D 1.00
F 0.00

Ilang mga Tala Hinggil sa mga Kahingian

1. Maikling Pagsusulit | Obhetibo ang mga ibibigay na maiikling pagsusulit, kung kaya’t inaasahan
ang klase na basahin ang nakatakdang babasahin. Rekisito sa pagkuha ng maikling pagsusulit
ang pagdala ng Blue Book, na ibibigay sa Guro sa unang linggo ng klase. Walang Blue Book,
walang pagsusulit.

2. Mahabang Pagsusulit | Sanaysay ang Mahabang Pagsusulit. Hindi ito bababa sa limang pahina,
at hindi hihigit sa 7 na pahina. Putting papel na A4 ang gagamitin (iminumungkahi ang paggamit
ng mga gamit nang papel), may 1 pulgadong palugit sa margin, laktawan (double spaced),
Garamond, 11.5. Hindi kasama sa bilang ng mga pahina ang talasanggunian. Sa unang
pahina, isulat ang susunod sa itaas ng papel:

Apelyido, Unang Pangalan Petsa, Buwan, Taon


Fili 12- Seksiyon Bb. Herras
[Pamagat ng Sanaysay]
3. Group Report | Ang Guro ang magbibigay ng mga grupo sa unang linggo ng klase. Hindi hihigit
at hindi bababa sa 25 na minute ang lekturang ibibigay ng grupo. Inaasahan na magbibigay ng
peer evaluation ang mga miyembro ng grupo bago magsimula ang report.

Mga Karagdagang Tala ukol sa Klase

1. Google Classroom | Inaasahan na makasali ang lahat sa Google Classroom para sa mga abiso
ukol sa klase, at iba pang mga paalala. Ibibigay ng Guro ang code sa unang araw ng klase.

2. Pagpapaliban | Mayroon lamang anim (6) na pagliban (cut) na mapahihintulutan (magkasamang


mayroon at walang pahintulot), kung kaya tiyaking mapamamahalaan nang maayos ang mga
paglibang gagawin. Ituturing na isang pagliban ang pagpasok sa klase sampung (10) minuto
matapos ang itinakdang oras ng pagsisimula nito. Samantala, ituturing naman na isang pagliban
ang dalawang (2) ulit na pagpasok sa klase sa pagitan ng itinakdang oras ng pagsisimula nito at
ng nasabing sampung minutong palugit. Hindi bibigyan ng anumang karagdagang gawain ang
mag-aaral na may makaliligtaang pagsusulit o takdang oras ng pagpapasa ng mga gawain bunga
ng kanyang pagliban, maliban na lamang sa mga pagkakataong may makatwiran at malubhang
kadahilanan.

3. Mahigpit na ipatutupad sa klase ang mga patakaran ng pamantasan hinggil sa plagiarism,


pangongopya at pandaraya--at lalo na sa mga kaso ng panunupil ng kapwa sa kahit anong
mang anyo.

4. Inaasahan ang masusi at maingat na pagbabasa at pag-unawa sa teksto bago ang klase; ang
pagdadala ng teksto at pakikilahok sa talakayan habang nagkaklase, at ang pagbabalik-aral
pagkatapos ng klase.

5. May bawas na isang letter grade sa bawat araw na late ang isang rekisitong ipinapapapasa
ng Guro. May bawas ang lahat ng mga papel na hindi sumusunod sa binigay na format.

6. Inaasahan ang maayos na pakikibagay ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan; kabilang sa mga
inaasahan ang hindi panggugulo at pag-iingay sa klase, hindi paggamit ng mga kagamitang
elektroniko, hindi paggawa ng iba pang mga gawaing walang kinalaman sa kurso, hindi pagtulog,
at hindi paglabas-masok ng silid-aralan. Inaasahan din sa mga mag-aaral ang pagsunod sa mga
itinakdang palugit para sa mga gawain at pagkakaroon ng kopya ng mga itinakdang babasahin.
Sakaling lumabag ang mag-aaral sa mga naunang inaasahang pagkilos sa silid-aralan, o kaya’y
nakaligtaang dalhin ang mga nakatakdang babasahin o kagamitan para sa klase, maaaring
palabasin ng guro ang nasabing mag-aaral. Bibilangin ito bilang isang (1) pagliban.

7. Maaaring magdala ng pagkain sa klase, pero inaasahan ng Guro na iiwanan ng mga estudyante na
malinis ang kanilang paligid bago lisanin ang silid-aralan.

8. Hindi nagbibigay ng bonus sa klase ang Guro. Hindi rin nadadala ang Guro sa pagmamakaawa
na magkaroon ng bonus. Magbasa kayo.
9. Hindi sasagutin ng guro ang kahit anong tanong ukol sa klase na ipapadala ng mga mag-aaral sa
mga social media account.

10. Maaari lamang ipasa ang mga itinakdang gawain sa loob ng klase; samakatwid, hindi tatanggapin
ang mga mahuhuling gawain sa pigeonhole o sa email, maliban na lamang kung pahihintulutan
ng guro.

Panahon ng Konsultasyon
TTh – 11 am-1:30 pm
3:30 – 5:00 pm

Ugaling magpadala muna ng email isang araw bago ang ibinabalak na konsultasyon sakaling
magpapakonsulta, nang matiyak na magtatagpo sa kagawaran. Sakaling hindi naman magtutugma ang
mga nakasaad na panahon sa inyong iskedyul, maaaring magpadala ng email pang mapagkasunduan ang
isang alternatibong pagkakataon. Maaari ding kumonsulta sa pamamagitan ng email, bagaman tiyaking
hindi lamang ito para sa pagtatanong hinggil sa mga nakaligtaang bagay na tinalakay na sa klase, tulad ng
panuto para sa mga gawain.

You might also like