You are on page 1of 11

Fili 11: Malayuning Komunikasyon

(Pagsulat at Pagbigkas sa Filipino Tungo sa Iba’t ibang Layon)


Semestre:1 2021-2022
Carlota B. Francisco, MPhil
cfrancisco@ateneo.edu
A. Paglalarawan ng Kurso
Tinatalakay sa kurso ang mga salik at proseso ng komunikasyon nang may diin sa layuning maipahayag ng
mag-aaral ang kanyang pag-iisip, pag-unawa, pagdanas at pagdama, na bunga ng kanyang mga karanasan
bilang indibidwal at bahagi ng komunidad. Binibigyang-diin sa kurso ang papel ng mag-aaral bilang palaisip
at propesyunal na pinag-iisa ang kaalaman, kultura at pamumuhay ng mga lokalidad na kanyang kinalalagyan
at ng higit na malawak na daigdig na kanyang kinabibilangan.

B. Mga Layunin
1. Nakagagamit ng mga kasangkapan at aspektong pangkomunikasyon sa anyong pasulat at pabigkas sa
pagpapahayag ng isa o magkakaugnay na kaisipan;
2. Nakasusulat at nakabibigkas ng mga pagmumuni-muni sa wikang Filipino ukol sa sariling mga
karanasan patungo sa higit na masasaklaw na realidad;
3. Nakasusulat ng papel-pananaliksik tungkol sa isang suliranin, kaisipan o paksaing intrinsiko sa
sariling pamayanan at naitatanghal ang resulta ng pag-aaral nito sa isang presentasyon;
4. Nailulugar ang sariling mga karanasan sa mga kalakarang lokal at ugnayang pandaigdig kaugnay ng
usapin ng wika, kultura at identidad;
5. Nakapagbibigay-halaga sa papel ng wikang Filipino sa pagsusulong ng mapaglimi at kritikal na
pagtugon sa mga pangyayari at hamon ng panahon.

C. Balangkas at Daloy ng Kurso

Tinaayang oras
Modyul
Petsa ng Pagkatuto
27
Agosto Modyul 0: Schola Brevis 3
Modyul 1: Mga Paghahandang Teknikal at Pangkamalayan
Paghahanda sa Pagsusulat ng Sanaysay Pananaliksik
Mga ehersisyong pangwika at retorika
1-17 Wika ng Kultura, Kultura ng Wika
Batayang basahin: “Ang Filipino sa Pamantasan”, Rolando Tiniot 10
Setyembre
Ang Layon ng Malayuning Komunikasyon
Panoorin: Ang Kasaysayan ng Malayuning Komunikasyon
Mga batayang babasahin:
“Ang ‘Malayunin’ sa Malayuning Komunikasyon”, J. Salazar

C. B. Francisco 1 FILI 11/Sem121


“Pambungad” Burador, A. Yapan (x-xvi)
Pagsusulit
Modyul 2: Ang Pulitka ng Kaalaman –Tungo sa Higit na Kritikal
na Pakikisangkot
Panoorin:
20 Subhetibidad
Setyembre
-1 Gitnang Uri
8
Oktubre Ang Kasaysayan ng Sanaysay
Basahin: “Mga Tala Tungkol sa Sanaysay”, J. Salazar
Pagsusulit
Modyul 3: Mga Sanaysay Pananaliksik
Panoorin:
Malling, Subcontracting, at Serbisyong Ekonomiya sa SM
Ang “Malayang Kalakalan”, at ang Epekto sa mga Kababaihang
Mangagawa
4-15 Basahin:
Oktubre “Malling, Subcontracting at Serbisyong Ekonomiya sa SM”, R. 8
Tolentino
“Ang “Malayang Kalakalan, ” at ang Epekto sa mga Kababaihang
Manggagawa”, J. T aguiwalo
Mga Pagsusulit
Modyul 4: Pananaliksik
Panoorin:
Mga Pamamaraan at Mga Paraan
Basahin:
18-29
Oktubre “Pananaliksik at Kaalamang Filipino”, J. Salazar
8
“Mga Paraan at Mga Pamamaraan,” J. Salazar
Pagsusulit
Panukalang Papel Pananaliksik: ika 25 ng Oktubre
Modyul 5: Presentasyong Birtuwal
(Pangkatang ulat sa mga piling sanaysay-pananaliksik)
Mga Presentasyong birtuwal: 10-19 Nobyembre
3-26 (Pagpapaskil online: ika-10 ng Nobyembre)
Nobyembre 15
Panahon para sa pananaliksik at paghahanda: ika-3 – 5 ng Nobyembre
*Makisangkot sa di baba sa tatlong birtuwal na presentasyon
Konsultasyon at panahon ng pananaliksik: ika-22 – 26 Nobyembre
Modyul 6: Sintesis
1-18 Panoorin: Walang Rape sa Bontoc, C. Ocampo and L Valle 6
Disyembre Pagsusumite ng pangwakas na proyekto: ika-10 ng Disyembre
Kabuuang Bilang ng Oras ng Pagkatuto 58

C. B. Francisco 2 FILI 11/Sem121


D. Mga Pagtatasa

Mga Pagtatasa Takdang


Petsa ng Bahagi
Pagpapasa
Maiikiling Pagsusulit Buong
semestre 25%
Partisipasyon sa Klase
Bubuin ito ng mga gawaing pangkatan at pang-indibiduwal na nakadisenyo Buong
upang matiyak ang aktibong pakikilahok ng bawat mag-aaral sa klase. Kasama semestre 20%
na dito ang pagpapahayag ng mapanuring kaisipan hinggil sa mga birtuwal na
talakayan at dinisenyong gawain na birtuwal at pantahanan.
Pangkatang Ulat (2-3 miyembro)
Random na itatakda sa bawat pangkat ang mga piling sanaysay-pananaliksik na Ika-10 – 19
ng 20%
susuriin at iuulat nito gamit ang podcast o vlog (15-20 minuto). Inaasahan na
Nobyembre
makakitaan ang naturang presentasyon ng aplikasyon ng kaalaman hango sa
mga nakaraang talakayan at matugunan ang mga nailatag na gabay katanungan.
Panukalang Papel (2-3 miyembro)
Kapapalooban ito ng 3-4 na pahina ng talakayan (800-1000 salita/di kasama Ika-25 ng 10%
ang talasanggunian, laktawan) hinggil sa obhetong nais gawan ng pag-aaral. Oktubre
Pangwakas na Papel (2-3 miyembro)
Bilang ng salita: 2,000-4,500 (7-15 pahina, laktawan); font 12; formal font; A4 Ika-10 ng 25%
Kapapalooban ang pangwakas na papel na ito ng malikhain at mapanuring Disyembre
pananaliksik sa materyal na kultura ng tahanan.
Kabuuan 100%

Pamantayan sa Pagmamarka/Rubrik:
Ang mga sumusunod ang gagamiting batayan sa pagmamarka ng mga pagtatasa (partisipasyon sa klase,
pangkatang ulat, panukalang papel, at pangwakas na proyekto):
Kailangang Hindi
Nata- Napaka- Mahu Maka- paghusayin naka-
Tangi Husay -say papasa pa Tugon
Lohika 10 9 8 7 6 0
L Aplikasyon ng
A
M mga konsepto at 10 9 8 7 6 0
A teorya
N 10 9 8 7 6 0
Kabuluhan
40%
Talakayan 10 9 8 7 6 0

C. B. Francisco 3 FILI 11/Sem121


Or Struktura 10 9 8 7 6 0
gani
10 9 8 7 6 0
sas Daloy
yon
30% Linaw 10 9 8 7 6 0
Pre Wika 10 9 8 7 6 0
Sen
tas Sanggunian 10 9 8 7 6 0
yon:
30% Format 10 9 8 7 6 0

E. Sanggunian:
Kahingiang Babasahin: Makakukuha ng kopya sa e-reserve section ng Rizal Library sa ilalim ng username:
cfrancisco na may password: francisco_c
Mula sa: Salazar, Joseph at Mark Benedict Lim. mga pat. Babasahin sa Kultural na Malayuning Komunikasyon.
Maynila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2017.
• Asenjo, Genevieve L, Ang Bug-at Kang Lamigas Kug Bugas (Ang Bigat ng Lamigas at Bigas).
• Gomez, Edgardo jr. A. Bayanihan o Kaniya-kaniyang Lutas? Pag-unawa o Pagplano sa Bakas ng Bagyong
Yolanda sa Tacloban.
• Guieb, Eulalio III R. Peryodismong Tagalog sa Renacimiento Filipino (1910-1913): Pagbibinhi ng
Makabayang Sanaysay sa Panitikan ng Filipinas.
• ______________. Muling Paggigiit ng mga Katutubong Lunan sa Tekstong Tagbanwa: Isang Halimbawa
ng Dagat Ninuno sa Filipinas
• Henson, Erlinda Nicdao. Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon.
• Ofreneo, Mira Alexis P. at Cristina Jayme Montiel. Ang Teorya ng Pagpoposisyon Bilang Diskursibong
Lapit sa Pag-unawa sa Intemeyt na Karahasan sa Relasyon ng may Magkatulad na Kasarian.
• Pamintuan, Jema. Ang Degla sa Huweteng: Isang Ekonometrikong Pagsusuri sa Pagtataya ng mga Residente
sa Lubao Pampanga.
• Pante, Michael. Mga Modernong Manggagawa ng Transportasyong Panlunsod ng Maynila.
• Petra, Jayson D. Ang Pagsasakatutubo Mula sa Loob /Kultural na Pagpapatibay ng mga Salitang
Pandamdaming Tumtutukoy sa “Saya”: Isang Semantikal na Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Larangan
ng Sikolohiya.
• Taguiwalo, Judy. Ang “Malayang Kalakalan” at Epekto ng Paggawa sa Kababaihang Manggagawa.
• Tolentino, Rolando. Malling, Subcontracting, at Serbisyong Ekonomiya sa SM.

Mungkahing Babasahin: Makatutulong sa pagsasagawa ng pangwakas na papel


Brewer, John D. Ethnography. Buckingham: Open University Press, 2000.
Browne, Kath and Catherine J. Nash, mga pat. pat. and Social Science Research. Surrey: Queer Methods and
Methodologies: Intersecting Queer Theories. Ashgate, 2010
Comaroff, John and Jean Comeroff. “On Personhood: An Anthropological Perspective from Africa.” Social
Identities, 7-2 (2001): 267-283.

C. B. Francisco 4 FILI 11/Sem121


Cornnerton, Paul. How Societies Remember. Cambridge: Cambridge University Press, 1989. De Guia, Katrin.
Kapwa: The Self in the Other. Anvil Publishing, Inc., 2005.
Denshire, Sally. “Autoethnography.” Sociopedia.isa. 2013:1-12. Sally Denshire, 2013. DOI: 10.1177
/205684601351
Denzin, Norman K., and Yvonna S. Lincoln. eds. The Landscape of Qualitative Research: Theories and Issues.
Thousand Oaks: Sage Publications, 1998.
Dörnyei, Zoltán. Research Methods in Applied Linguistics. Oxford: Oxford University Press, 2007. Edwards,
Tim. pat. Cultural Theory. Los Angeles: Sage Publications, 2007.
Eglin, Peter and Stephen Hester. The Montreal Massacre: A Story of Membership Categorization Analysis.
Ontario: Wilfrid Laurier University Press, 2003.
Enriquez, Virgilio G. From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience. Quezon City:
University of the Philippine Press, 1992.
Flick, Uwe. Designing Qualitative Research. Los Angeles: Sage Publications, 2007.
Flor , Alexander G . Ethnovideography: Video-based Indigenous Knowledge Systems. Los Baň os, Laguna:
SEAMEO SEARCA, 2002.
Francisco, Carlota B. “Sa Pagtatagpo ng Bata at Lansangan sa Sangandaan: Etnograpiyang Biswal
sa Mundo ng Batang Crossing.” Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipino. 2 (2017), 1-33. nakuha, Setyembre 7, 2020 sa
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/issue/view/245
_____________. "Behind Images and Spaces of Childhood: An Ethnographer's Tale on the Challenges of
Doing Research on the Street Children in India”. Social Science Information, 38-39 (2010-2011): 4-7.
Nakuha, Setyembre 7, 2020 sa https://issuu.com/pssc/docs/ssi_2011_final/28
Harvey, Penny. “Anthropological Approaches to Contemporary Material Worlds.” The Oxford Handbook of
the Archeology of the Contemporary World. 2013:1-12 DOI: 10.1093/oxfordhb/
9780199602001.013.006
Lele, Veerendrah P. “Material Habits, Identity, Semiotic.” Journal of Social Archeology. 2013: 48-70 DOI:
10.1177/1469605306060561.
Mills, C. Wright. “The Promise.” The Sociological Imagination. New York: Oxford University Press, 1959.
Pe-Pua, Rogelia. Sikolohiyang Filipino: T eorya, Metodo at Gamit. Quezon City: Surian ng Sikolohiyang
Filipino, 1982.
Portus, Lourdes M., Erniel B. Barrios, Ma. Cecilia G. Conaco, at Stella P. Go. Doing Social Science
Research: A Guidebook. Quezon City: Philippine Social Science Council, 2018.
Preda, Alex. “The Turn to Things: Argument for a Sociological Theory of Things.” The Sociological Quarterly.
40-2(1999):347-366.
Rutten, Kris, An van. “Revisiting the Ethnographic Rurn in Contemporary Art.” Critical Arts: South- North
Cultural and Media Studies, 27:5, 459-473, DOI: 10.1080/02560046.2013.855513
Skelton, Tracey and Gil Valentine. mga pat. Cool Places: Geographies of Youth Cultures. London: Routledge,
1998.
Stokes, Jane. How to Do Media and Cultural Studies. London: Sage Publications, 2003.

C. B. Francisco 5 FILI 11/Sem121


Tolentino, Rolando B. Sa Loob at Labas ng Mall Kong Sawi Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari: Ang Pagkatuto
at Pagtatanghal ng Kulturang Popular. Quezon City: University of the Philippines Press, 2001.
Geopolitics of the Visible: Essays on Philippine Film Cultures. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2000.
Wall, Sarah. “An Autoethnography on Learning About Autoethnography.” International Journal of
Qualitative Methods. 5-2 (Hunyo 2006):1-12.
Yapan, Alvin B., pat. Burador. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2010.
_______________. pat. Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikan Filipino. Quezon City: BlueBooks, 2017.
_______________. pat. Borador: Isang Pagkilala sa Layunin ng Komunikasyon sa Kolehiyo. Quezon City:
BlueBooks, 2018.
Zafra, Galileo S., et. al. Gabay sa Editing sa Wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino –
Diliman, Unibersidad ng Pilipinas, 2004.

F. Sistema ng Pagmamarka

Letter Grade A B+ B C+ C D F

Numerical Equivalent (92 - above) (87 - 91) (83 - 86) (79 - 82) (75 - 78) (70 - 74) (69 - 0)

Scale 1-4 4.0 3.5 3.0 2.5 2.0 1.0 >0

G. Mga Patakarang Pangklase

1. Opisyal na Sistema ng Pangangasiwa sa Pagkatuto (SPP) at iba pang Aplikasyon


Canvas ang magiging opisyal na sistema ng pangangasiwa sa pagkatuto (SPP) ng Pamantasang Ateneo de
Manila kasama na ang klaseng ito. Siguraduhing nakarehistro kayo sa tamang kurso sa inyong profile sa SPP.
Bilang isang platapormang online, posibleng nasa magkaibang timezone ang mga miyembro nito (guro at
mag-aaral). Siguraduhin ang inyong mga sistema ay nakalagay sa Philippine Standard Time (+8 GMT)
upang maiwasan ang mga pagkakamali tulad ng pagkakamali sa mga oras at araw ng palugit (deadline).
Gayundin, gagamitin ng klase natin ang Zoom para sa mga sesyong sinkroniko na gaganapin tuwing
Lunes (oras ng ating klase), maliban na lamang kung itinakda ito bilang panahon ng pananliksik (research
break). Siguraduhing may akses kayo sa software at app na ito. Ngunit sa pangkalahata'y magiging
asinkroniko ang kurso na may mga learning module, materyales, at gawain na inihanda na para sa sariling
pag-aaral at inidibiduwal na konsultasyon. Ibinibigay lamang sa mga rehistradong mag-aaral ang akses sa
mga materyales, aktibidad, atbp.
Ano mang grado na nasa LMS ay HINDI ang tunay na grado ng mag-aaral. Ipapaskil sa AISIS ang
opisyal na grado ng mag-aaral sa katapusan ng klase.

C. B. Francisco 6 FILI 11/Sem121


2. Akses sa mga Materyales sa Pag-aaral at mga Serbisyong Pangmag-aaral.
Para sa mga teknikal at virtual na pangangailangan, lalo na sa mga suliranin sa akses sa internet, maaaring
lapitan ang LS ONE (https://sites.google.com/ateneo.edu/ls-one). Maaari ding lapitan ang Department
of Information Systems and Computer Science at info.discs@ateneo.edu para sa mga suliranin partikular sa
LMS. Para sa mga mag-aaral na magkakaroon ng mga pagkakataon na mahirapan na maakses ang mga
panayam, module, at iba pang materyales ng klase sa modang online, maaaring humiling ng low-bandwidth
o bersiyong offline sa inyong guro upang magawan ito ng paraan sa pinakamaagang paraan.
Nagbibigay din ang Loyola Schools Office of Guidance and Counseling (LSOGC) ng mga
programa't serbisyo para sa mga mag-aaral upang makapagbigay ng ginhawang sikolohiko at iba pang mga
pangangailangan. Maaaring malapitan ang LSOBC sa guidance.ls@ateneo.edu o sa kanilang Facebook page
na https://www.facebook.com/LSOGC
Para naman sa ating mga takdang babasahahin (required readings), makukuha ninyo ito sa nilikhang
espasyo/birtuwal na aklatan sa loob ng Canvas sa loob ng Module 0, at sa mismong pahina ng birtuwal na
talakayan (discussion board/page).
Para sa agarang pangangailangan, maaaring magamit ang sumusunod na mga numero:
Office for Student Services (OSS) Helpline - 0920-914-2372
Campus Security / Ambulance - 426-6001 local 4911
0999-992-5715 (SMART)
0917-562-8641 (GLOBE)
3. Pagtatala ng Pagdalo at mga Sesyong Sinkroniko
Walang opisyal na pagtatala ng mga pagliban o pagkahuli ang itatakda para sa mga klaseng online. Ang mga
sesyong sinkroniko'y idodokumento o irerekord para sa mga hindi makakadalo sa mga klase at nais nilang
makasabay sa mga talakayan.
Bagaman walang opisyal na pagtatala ng mga pagliban at pagkahuli, inaasahan pa rin ang mga mag-
aaral na walang suliranin sa akses sa internet na dumalo nang regular sa mga sesyong sinkroniko at sa tamang
oras. Gayundin, inaasahang makadadalo ang mag-aaral sa kabuuan ng sesyon. Inaasahan ang aktibong
pakikilahok at pakikinig sa mga mag-aaral sa mga sesyong sinkroniko.
4. Komunikasyon at Konsultasyon
Padadaluyin ang lahat ng opisyal na komunikasyon sa LMS o sa opisyal na email na ibinigay ng Pamantasan.
Gagamitin ng mga mag-aaral ang kanilang mga opisyal na OBF account para sa mga opisyal na
komunikasyon. Huwag lalapitan ang mga guro sa pamamagitan ng social media o personal na mga
pamamaraan tungkol sa mga gawain sa klase, liban na lamang kung pinapayagan ito ng guro. Tulad ng
pagrehistro sa Canvas (o kahit na anong opisyal na LMS o sistemang online na ginagamit sa loob ng mga
Paaralang Loyola), mga mag-aaral lang na may OBF na account ang bibigyan ng akses sa lahat ng mga opisyal
na plataporma. Sakaling may problema kayo sa inyong mga OBF account at email, maaaring makipag-
ugnayan sa office of Management Information Systems sa omis.ls@ateneo.edu.
Mahalagang bahagi ng pagkatuto sa online na klase ang mga discussion board sa ating LMS (kapalit
nito ang mga recitation at talakayang ginagawa sa klase sa loob ng silid-aralan). Siguraduhing gamitin ang
apat na panuntunan (4P) ng Paghahanda, Pakikilahok, Pangangatwiran, at Paggalang.

C. B. Francisco 7 FILI 11/Sem121


Paghahanda. Paghandaan ang iyong ipapaskil sa LMS upang makapagbigya ng isang organisado at
malinaw na sagot sa talakayan. Sundin ang lahat ng tuntunin bilang kabahagi ng mga forum.
Pakikilahok. Makilahok nang madalas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kaklase, pagsagot
sa mga komento, at pakikipagpalitan ng mga ideya't kaisipan pagkatapos ninyong ipaskil ang inyong
mga sagot.
Pangangatwiran. Mangatwiran gamit ang mga naunanang mga batis. Lagi't laging tangkaing iugat
sa mga naunang kaalaman sa pagtatangkang buuin ang sariling mga argumento.
Paggalang. Galangin ang pananaw at damdamin ng isa't isa at panatilihin ang hinahon sa paghahayag
ng inyong mga nagtatagisang mga pananaw.
Sa isang kaligirang online, higit na lumalabo ang mga hanggahan sa pagitan ng paaralan/pag-aaral at ng
personal na panahon. Upang mapanatili ang mga hanggahan, asahan na magaganap ang mga sagot at pormal
na interaksiyon sa mga oras ng [9:00 n.u. – 5:00/17:00 n.h./Lunes, Miyerkules, Biyernes ].
Asahang masasagot ang mga tanong na ipinadala sa Canvas o sa iba pang mga opisyal na plataporma
[48 oras, maliban kung Sabado, Linggo at pista opisya], mula nang ipadala ang mensahe. Maaaring
magpadala ang mga mag-aaral ng email sa guro para sa mga agarang suliranin at asahang masasagot ito
kinabukasan mula [9:00 n.u. – 5:00/17:00 n.h.; Lunes – Biyernes maliban sa mga piyesta opisyal].
Maaaring gawin ang mga konsultasyong indibidwal o pangkatan sa oras ng klase kung walang
nakatakdang sesyong sinkroniko o katulad na mga gawain sa oras na iyon. Maaaring humiling ng
konsultasyon ang mga mag-aaral sa araw ng kanilang klase at asahan ang isang mabilis na sagot.
Dapat hilingin ang mga konsultasyon sa labas ng oras ng klase nang may dalawang araw na palugit.
Maghintay ng sagot mula sa guro kung matutuloy ang konsultasyon. Kailangan ng email ang lahat ng mga
biglaang konsultasyon, lalo na ang mga gaganapin sa Sabado at Linggo, at hintayin ang sagot ng guro.
Sakaling hindi magaganap ang hiniling na konsultasyon, gaganapin ito sa pinakamadali at pinakamaluwag na
panahon.
5. Takdang Araw ng Pagpapasa at mga Pagsusulit
Hindi tatanggapin ang mga kahilingan o gawain ng kurso kung hindi ito ipapasa sa loob ng Canvas. Kung
sakaling magkaroon ng problema sa pagpapasa sa loob ng Canvas, ipaalam kaagad sa guro.
Dinisenyo upang maging formatibo ang mga gawain sa loob ng kurso ayon sa pagkakasunod-sunod
ng mga module. Inaasahan na magagawa ang mga gawain sa takdang mga panahon at hindi lalagpas sa araw
ng palugit. Sakali’t may matinding dahilan ang paglampas sa panahon ng palugit at makapagbibigay ng
angkop na katibayan, maaaring tanggapin ang gawain nang may isang bahagdang kabawasan sa dapat sana’y
matatanggap na mark nito.
Itinakda ang mga araw ng palugit ng mga kahilingan ng kurso para mabigyan ang mag-aaral ng
pinakamalawig na panahon para makompleto ang mga ito nang isinasaalang-alang ang mabuting pagkatuto.
Ngunit kung kakailanganin, maaaring mapag-usapan ang mga palugit na ito para sa indibidwal o sa klase kung
may maibibigay na dahilan kaugnay ng kaligtasan at akses sa internet. Ipaalam agad sa guro kung may
ganitong mga problema.
Upang hindi makaligtaan ang kahit na anong palugit o kahilingan ng kurso, mainam na ayusin ang
inyong notification preferences sa inyong Notifications tab sa inyong Canvas account page.

C. B. Francisco 8 FILI 11/Sem121


6. Privacy at Confidentiality, Karapatang-ari at Karapatang Intelektuwal
Lumilikha ng mga suliranin sa privacy at confidentiality ang isang kaligirang online. Mahalaga na siguraduhin
ng lahat na protektahan natin ang sarili nating mga gawa at ang gawa ng ating mga kasama. Sa ganito'y
kailangang isaloob at sundin ang panutong kung ano man ang mangyayari sa mga espasyo o
platapormang ginagamit ng klase'y mananatili sa loob ng mga espasyo't platapormang ito.
Ibig sabihin, hindi maaaring i-share o ipaskil ang mga nilalaman na nasa LMS o sa iba pang mga espasyo't
platapormang ginagamit ng klase (tulad ng Google Drive ng klase na nilikha ng guro) sa iba pang mga
plataporma nang walang nakasulat na pahintulot ng guro at ng iba pang mga taong nag-ambag sa paggawa ng
nilalaman na iyon. Hindi maaaring i-copy-paste o di kaya'y i-screenshot o screen record ang nilalaman ng
kurso. Kapag sinabing "nilalaman," tinutukoy nito ang sumusunod: teksto ng mga pahina ng LMS, mga
paskil ng guro at ng mga kaklase sa discussion board, at ang mga ipinasang mga pagtatasa't takdang-aralin ng
mga kaklase.
Malaking kasalanan ang pangongopya (plagiarism) at pandaraya (cheating) sa kolehiyo kaya F ang
markang makukuha sa kurso ng sinumang magpapasa ng akdang hindi nagbigay ng karampatang pagkilala sa
pinagsanggunian. Asahan na makararating sa OADSF ang mga kaso ng pangongopya.
7. Kilos at Asal sa Klase
Isang lugar ang silid-aralan, ano man ang maging anyo nito, para matuto ang mga mag-aaral at mga guro
mula sa isa't isa. Hindi katanggap-tanggap ang mga kilos o asal na maaaring makagambala sa pagkatuto't
pagtuturo, sa isang offline na klase man ito o sa online.
Kailangang magsuot ang mga mag-aaral ng katanggap-tanggap na pananamit sa mga sesyong
sinkroniko. Nauunawaan natin ang kagustuhan natin na magsuot ng maginhawang damit, tandaan na nasa
isang propesyonal na kaligiran pa rin tayo kahit na isinasagawa ang klase online. Hindi man inaasahan na
magsusot kayo ng magagara ninyong damit, sana'y katanggap-tanggap pa rin ang inyong pananamit sa mga
sesyong sinkroniko.
Hindi dapat gumagamit ang mga mag-aaral ng mga social media site, maglaro ng mga video game,
magpadala't tumanggap ng mga mensahe o tawag, o makibahagi sa mga nakagagambalang kilos o asal habang
nasa gitna ng sesyong sinkroniko. Kasama na dito ang pag-ungkat ng mga bagay na hindi naman kaugnay sa
kurso tulad ng gawain sa iba pang mga klase.
Siguraduhing komportable ang inyong pagkakaupo sa inyong personal na espasyo upang hindi
madaling mapagod o mangawit habang isinasagawa ang mga sesyong sinkroniko.
Maaaring kumain o uminom habang isinasagawa ang mag sesyong sinkroniko. Maaari ding lumabas
muna para magbanyo. Siguraduhin lang na patayin ang mic at video ninyo kapag gagawin ang mga ito.
Para sa mga sesyong asinkroniko, isaalang-alang palagi ang mabubuting netiquitte at iba pang
pangkalahatang polisiya kapag nakikibahagi sa mga klaseng online. Isaalang-alang ang basta-bastang paggamit
ng CAPS LOCK at ang paggamit ng mga makukulay na teksto. Huwag mag-spam ng mga thread ng klase.
Tratuhin ang thread ng klase bilang pribadong pakikipag-usap. Maging malay sa tono sa pakikipag-usap sa
loob ng klaseng online lalo na't mahirap "marinig" ang tono sa anyong pasulat kumpara kung bibigkasin ito.
Bagaman hinihikayat ang pakikipag-usap sa loob ng mga discussion board, iwasan natin ang mga problemang
laganap sa social media tulad ng pagto-troll, pagmumura, at iba pang bastos na pag-uugali.

C. B. Francisco 9 FILI 11/Sem121


8. Ang Klase Bilang Ligtas na Espasyo
Itinataguyod sa silid-aralan ang makatarungan at ligtas na pakikipag-ugnayan ng isa’t isa. Bilang isang ligtas
na espasyo, ipinaiiral dito ang pagkilala sa karapatan at dangal ng bawat kalahok, ang guro man ito –ngunit
lalong-lalo na ang mga mag-aaral. Kinikilala ng klaseng ito ang lahat ng oryentasyong seksuwal,
pangkasariang identidad at pagpapahayag, estadong panlipunan, ekonomikong uri, lahi, etnisidad, at antas ng
kakayahang pisikal at mental. Sa bawat pagkakataon, lubos na mainam na alalahaning isaalang-alang ng lahat
ang pagkilalang ito na katarungan at kaligtasan ang layon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tingnan ang Polisiya sa Kasarian ng Mga Paaralang
Loyola: http://www.ateneo.edu/ls/ls-gender-policy at https://www.ateneo.edu/policies/code-
decorum-investigation-sexual-harassment. Hindi man kasama ang iba pang aspekto ng panlipunang
pagkatao, tinitiyak ng klase, lalong-lalo na ng guro, na hindi pahihintulutan ang anumang uri ng
diskriminasyon o karahasang kaugnay sa mga ito.

*Para sa karagdagang impormasyon, pakibasa ang memo na ipinadala sa komunidad ng Loyola (Academic
Policies Adapted to Online Learning, First Semester SY 2021-2022) noong ika-16 at ika-18 ng Agosto, taong
kasalukuyan. Maa-access din ito sa inyong Canvas, Module 0 -Patakarang Pangklase.

H. Mga detalye ng Kahingian


Partisipasyon sa Klase
Katatampukan ito ng mga gawaing direktang nakaugnay sa mga panayam (recorded lectures/videos), at
dinisenyong birtuwal na gawaing pangkatan. Ang una ay gagawin ng mag-aaral nang mag-isa, sa sarili niyang
oras, ngunit sa loob ng takdang panahon, at ang ikalawa naman, gagawin niya sa pakikipagtulungan sa loob
ng grupo, gamit ang teknolohiyang mayroon siya.
Pagbibigay espasyon sa pakikisangkot ng mag-aaral sa mga talakayang pangklase ang una, na may
kinalaman sa mga ipinapanood na panayam (recorded lectures). Dito, bibigyang puntos ang pagpapaskil ng
ideya o katanungan sa mga discussion board/page. Makatatanggap ng 0.5-1 punto ang paskil ng mag-aaral sa
mga discussion page ayon sa kalidad ng ideang ipinahahayag at paraan ng pagpapahayag nito. Tinutukoy dito
kapuwa ang laman at wikang ginamit sa pagpapahayag. Bilang paglilinaw, wala sa bilang o dami ng paskil
ang pagbibigay ng puntos, kungdi sa nabanggit na kalidad ng pahayag. Sa kabuuan, may 10 puntong nakalaan
para sa bawat mag-aaral na matagumpay na makatutugon sa kahingiang ito.
Samantala, pangkatang ehersisyo ang tampok sa ikalawa na gagawin ng bawat grupo sa
mapagkakasunduan nitong oras at espasyo (birtuwal), nang may pagsasaalang-alang sa itinakdang palugit na
panahon ng pagpapaskil sa discussion page/board. Makatatanggap ng letter grade (A-F) ang bawat pangkat
ayon sa kalidad ng kanilang gawa, batay sa nasa taas na rubric (pamantayan ng pagmamarka). Sa dulo ng
semester, kukunin ang 10% ng kabuuan ng lahat ng naisumiteng pangkatang gawain at idaragdag sa
indibiduwal na puntos (10 maximum points)
Pangkatang Ulat (2-3 miyembro)
Random na itatakda sa bawat pangkat ang sanaysay-pananaliksik na susuriin at iuulat nito gamit ang podcast
o vlog (15-20 minuto). Inaasahan na makakitaan ang naturang presentasyon ng aplikasyon ng kaalaman
hango sa mga nakaraang talakayan at matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
• Tungkol saan ang sanaysay-pananaliksik? Ano ang tinutukang paksa nito?
• Ano ang sakop/lawak at limitasyon ng pananaliksi?
• Ano ang mga pamamaraan at paraang ginamit sa pananaliksik?

C. B. Francisco 10 FILI 11/Sem121


• Ano-ano ang natagpuan nitong kaalaman/resulta ng pag-aaral? Anong bagong kaisipan ang naiambag
nito?
• Papaano kaya ito angkop na mapag-aaralan sa konteksto ng kasalukuyan?
Panukalang Sanaysay Pananaliksik (2-3 miyembro)
Kapapalooban ito ng 3-4 na pahina ng talakayan (800-1000 salita, laktawan) hinggil sa obhetong nais gawan
ng pananaliksik. Gagabayan ang panukalang papel ng mga sumusunod na katanungan:
• Ano ang obhetong nais ninyong tutukan? Ano ang nagbigay daan sa pagpili ninyo nito? Bakit ninyo ito pinili?
• Papaano ninyo naiisip i-mapa ang tinungo (galaw, paglalakbay, pakikisala- muha/sangkot) ng obheto sa pang-
araw-araw na buhay ng tao (ninyo)?
• Ano-anong paksa kaya ang posibleng masakop/saklaw nito?
• Anu-anong kaalaman at/o bagong pananaw kaya hinggil sa obhetong ito ng pang-araw-araw na buhay ang
lalabas sa pagtutok mo rito?
Kailangang lakipan ng sanggunian gamit ang MLA at mungkahing/tentatibong balangkas (di kasama sa bilang ng salita).
Pangwakas na Papel (2-3 miyembro)
Papaano nga ba nililikha ng tao ang kanyang daigdig sa pamamagitan ng mga obhetong pinipili niyang gamitin?
Kapapalooban ang pangwakas na papel na ito ng malikhain at mapanuring pananaliksik sa materyal na kultura
ng tahanan. Maaaring tutukan ang mga kasangkapan sa loob ng bahay, silid, altar, refrigerator, paminggalan,
at (katulad ng sa konteksto ng araling pangkasarian) closet bilang tagatukoy ng panahon, espasyo, at pagkatao
(subhektibidad, identidad, pagkamamamayan). Hinihimok ng gawaing ito na maging mapagmasid,
mapagnilay at mapanuri ang mag-araal sa pagmamapa sa nagiging pamumuhay (paggalaw, paglalakbay,
pakikisalamuha) ng mga obheto ng pang-araw-araw na buhay (kasangkapan, kagamitan, bagay, abubot na
nasa kaniyang tahanan at bakuran). Inaasahang mapalitaw dito ang tagisan at talaban ng personal at
panlipunan, ng pribado at publiko, at ng loob at labas, at maging ang kawalan ng hanggahan ng mga ito.
Ang mga sumusunod ang mga posibleng tunguhin ng talakayan/sanaysay o gabay na katanungan:
1. Anu-anong kahulugan ang isinasakatawan ng mga obheto? Papaano ito umuugnay sa iba pang gamit?
Papaano ito umuugnay sa sintemiyento ng may-ari nito? Paaano ito namamagitan sa mga ugnayan ng
tao? Paano ito umuugnay sa iyo?
2. Ang gamit/bagay bang ito ang nagdadagdag ng halaga sa iyo o ikaw ang nagbibigay halaga dito? Anu-
anong ugnayan ang namamagitan sa pagitan mo at ng obheto/gamit/bagay?
3. Anu-anong pagpapakahulugan ang ipinapasa mo dito bilang gamit? Bilang sariling pag-aari? Bilang
ekstensiyon ng iyong sarili?
4. Papaano naiiba ang pananaw mo sa gamit na ito sa pananaw ng iba dito? Anu-anong kaisipan ang
nabubuo tungkol sa mga obhetong pinili at nagkakaroon ito ng sari-saring
pagpapakahulugan/pagpapahalaga?
Ilimita ang talakayan sa loob ng 2,000-4,500 na salita (7-15 pahina/laktawan, di kasama ang talasanggunian).

I. Konsultasyon
Carlota B. Francisco, MPhil
Martes/Huwebes
10:00-12:00/13:00-14:00
Email add: cfrancisco@ateneo.edu

C. B. Francisco 11 FILI 11/Sem121

You might also like