You are on page 1of 2

Lecture No.

3
TUNGKULIN NG WIKA
1. Personal
Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at maging personalidad ngisang
indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit,hinanakit at
tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, angganitong gamit ay nasa
ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan.
Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yaoooooooo!Nhelo: Balato naman
diyan!
2. Imajinativ
Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga
akdangpampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa
mgagawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula,
awit,kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga.
Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?
Christian: Siyempre, ang makalipad tulad n g isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang
gusto ko at makita ang buong mundo.
3. Interaksyonal
Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito,pinananatili ang mga
relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyanang pagbibiruan at panunukso. Sa mga
magkakamag-anak, nariyan ang mgapaanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan,
nariyan ang mga salitang
pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon.
Hal: Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll. Abrey: Siyempre, salamat
po Doc yata ang drama ko!
4.Informative/Representasyonal
Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangangmaipaalam ang
napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng mundo.
Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pa’t gamit ito sa pagtuturo,
mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.
Hal; Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God bewith ye?
Jaja: A, talaga?
5. Instrumental
Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang nais gawin.Pasalita man o
pasulat, magagamit ang wika upang mag-utos, makiusap, humingi,magmungkahi at magpahayag
ng sariling kagustuhan.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jennifer: Ganun ba?
Sige walang problema.
6. Regulatori
Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay
nakapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika
angsitwasyon kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit nang
ganapang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin
aymanghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum,
patakaran,resolusyon at iba pa.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500George: Naku saan kaya ako
maaring umihi? Bawal pala dito.
7. Heuristik
Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/oprofesyonal.
Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanongat sumagot,
magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.
Hal: Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito
ayisang halimbwa ng patay na wika o frozen language.Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika
kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika samundo ay kinakailangang makaaangkop
sa pagbabago ng panahon , upang matuloy at umunlad. Ang wikang Latin ay nisa rin sa
halimabwa ng patay na wika.

You might also like