You are on page 1of 1

Reporter 3:

 Libo-libong tao mula Bicol region at Quezon province ang


inilikas sa mga evacuation center dahil sa banta ng matinding
pananalasa ng bagyong Tisoy.Sa Catanduanes, higit 2,000
pamilya ang inilikas at pinutol na rin ang suplay ng kuryente
sa buong lalawigan bilang preventive measure.Umabot sa
2,242 pamilya o 9,875 indibiduwal mula sa 11 munisipalidad
ang lumikas sa evacuation center, ayon sa tala ng Catanduanes
Provincial Disaster Risk Reduction Management Council
(PDRRMC).Sa Barangay Cogon sa Virac, hindi na
nagdalawang-isip ang mga residente, gaya ni Nacerin
Pantecio, na sumama papuntang evacuation center nang
dumating ang sumundong military truck.Ayon kay Pantecio,
na kasama ang kaniyang 2 anak, natatakot sila sa bahang
maaaring idulot ng mga pag-ulang dala ni Tisoy kaya
minabuting lumikas para matiyak ang
kaligtasan.Nangangamba rin ang mga nakatira sa tabing-dagat
sa malalaking along maaaring tumama sa kanilang
lugar.Kasama sa mga lumikas ang mga preso ng Virac District
Jail.Inilipat muna ang 114 preso sa Catanduanes State
University para matiyak ang kaligtasan nila dahil 15 metro
lang ang layo ng kulungan sa dagat, ayon sa jail warden na si
Inspector Marben Cortes.Tiniyak naman ni Catanduanes
acting governor Shirley Abundo na patuloy silang magiging
alerto at handa para sa ano mang epekto ng Bagyong Tisoy.
John Paul Gonggora nagbabalita.

You might also like