You are on page 1of 8

Rainier Y.

Datu
Bsit – 1b

Gawain : ____________
Maikling Pagsusulit : ____________
Panggitnang Pagsusulit : ____________
Proyekto : ____________
 Isa sa pangunahing programa ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagbibigay ng
murang pabahay sa ating mga kababayan, bilang bahagi ng pagsugpo sa kahirapan.
 May mga pabahay rin ang NHA para sa mga nagtatrabaho sa pormal na sektor ngunit mababa
ang kinikita.
 May nakalaan din para sa mga sundalo na kabilang sa tatlong pinakamababang ranggo.
Kasama rin sa makatatanggap ang pamilya ng mga sundalong nasugatan o nasawi habang
nakikipagbakbakan.

Sangguinian:
 Trinidad, E. (2018) National Housing Authority.
https://news.abs-cbn.com/news/06/07/18/alamin-sino-sino-ang-binibigyan-ng-pabahay-
ng-nha

 Noong Hulyo 4, 2014, idineklara ng DSWD na ang Pilipinas ay opisyal na lumipat mula
sa humanitarian relief phase tungo sa rehabilitation at recovery phase, na nagbibigay-
daan para sa medium- at long-term interventions.
 Tinatayang aabot sa kabuuang P89,598,068,634.88 ang halaga ng pinsala sa
imprastraktura at iba pang sektor. Upang matugunan ito, iminungkahi ng gobyerno ang
Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP), ang pangako ng
pambansang pamahalaan na ipatupad ang higit sa 25,000 disaster rehabilitation- at
recovery-specific na mga proyekto, programa, at aktibidad.
 Batay sa mga alituntunin ng patakaran ng NEDA's Reconstruction Assistance para sa
Yolanda, ang CRRP ay may kabuuang kinakailangan sa pagpopondo na
P167,864,788,553. Mula sa bilang na ito, iniulat ng DBM na P51,981,511,885 ang
inilabas para pondohan ang mga pagsisikap sa relief, rehabilitation, at recovery ng bagyo.
Sanggunian:
 Official Gazette (2014) Build Back Better. https://www.officialgazette.gov.ph/updates-
typhoon-yolanda/

2013
 Noong ika – pito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013, ang Republika ng Pilipinas ay
nakaranas ng hagupit ng isang malakas na bagyo na may pangalang local na “Yolanda” at
pangalang internasyonal na “Haiyan”. Humagupit ito sa iilang kapuluan ng Kabisayaan
na nag-iwan ng Kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga impraestruktura, at
buhay ng mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang
buong Pilipinas. May lakas ito ng halos ika-anim na uri ng Hurricane ayon sa mga
Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa buong kasaysayan ng
mundo.

2014
 Bilang bahagi ng mga aktibidad sa paggunita sa unang anibersaryo ng Bagyong Yolanda,
ilang cabinet secretary ang nagtungo sa Tacloban City noong Sabado, Nobyembre 8,
upang pangunahan ang turnover ng mga natapos na permanent shelter units sa mga
nakaligtas sa bagyo. May 122 housing units sa Ridge View Park, Barangay Cabalawan at
28 units sa Villa Sofia, Barangay Tagpuro ang ipinamahagi sa mga survivors na random
na iginuhit. Ang mga permanenteng bahay na ito, na mayroon ding kumpletong pasilidad
ng kuryente at tubig, ay bahagi ng tie-up project ng National Housing Authority (NHA)
at ng pamahalaang lungsod.

2015
 Tiniyak ng National Housing Authority (NHA) na matatapos na ang pagkukumpuni ng
12,000 bahay na pinondohan ng gobyerno para sa 14,000 pamilya na biktima ng bagyong
‘Yolanda’ sa Visayas.

2016
 Habang nahihirapan ang mga survivor ng Super Typhoon 'Yolanda' na makahanap ng
permanenteng masisilungan, nabigo ang gobyernong Aquino na maglabas ng P20 bilyon
na inilaan para sa 2016 para sa tulong sa pabahay sa mga biktima ng bagyo, ayon sa datos
na inilabas ng isang senador habang ang bansa ay nagmarka ng ikatlong taon nang
winasak ang bagyo. Eastern at Central Visayas.

2017
 Dalawang buwan pa ang hinihinging panahon ng National Housing Authority (NHA)
upang makumpleto ang pabahay na ipinatatayo para sa mga pamilyang sinalanta ng super
typhoon ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte.

Sanggunian:
 Baynas, C.J. (2013) Ang Hagupit Ng Bagyong Yolanda.
https://correctphilippines.org/bagyong_yolanda/
 Official Gazette (2014) Permanent shelters handed over to survivors to mark Yolanda
anniversary. https://www.officialgazette.gov.ph/2014/11/12/permanent-shelters-handed-
over-to-survivors-to-mark-yolanda-anniversary/
 Balita Online (2015). 12,000 bahay para sa Yolanda victims, makukumpletp sa
Nobyembre. https://balita.net.ph/2014/10/11/12000-bahay-para-sa-yolanda-victims-
makukumpleto-sa-nobyembre/
 Ager, M. (2016). P20B Yolanda housing fund for 2016 not released by Aquino admin.
https://newsinfo.inquirer.net/842063/p20b-yolanda-housing-fund-for-2016-not-released-
by-aquino-admin
 Balita Online (2017). Pabahay para sa ‘Yolanda’ victims tatapusin.
https://balita.net.ph/2017/04/06/pabahay-para-sa-yolanda-victims-tatapusin/

2018
 Limang taon matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Leyte, umaabot pa lang sa
mahigit 40 percent ang mga housing units na natatapos ng Gobyerno para sa mga biktima
ng kalamidad. Katunayan, sa pagdinig ng Senate Cmmittee on Urban Planning Housing
and Resettlement na pinamumunuan ni Senador JV Ejercito, lumilitaw na sa 205,000
housing units na target ng Gobyerno para sa mga biktima ng yolanda, 90 thousand pa
lang sa mga ito ang natatapos o katumbas ng 44 percent.

2019
 Target ng NHA na sa taong 2020 ay siyento porsyento (100%) nang tapos ang lahat ng
housing units sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda. Sisiguruhin din ng
pamahalaan na kumpleto ang mga pasilidad sa bawat pabahay gaya ng pailaw, malinis na
tubig at livelihood projects gayundin ng mga pasilidad kagaya ng health center at multi-
purpose hall para magamit ng mga titira dito.

2020
 Pormal nang tinurn-over ng Task Force Yolanda ang natapos na pabahay para sa mga
biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Biliran, Biliran.
Sa isang virtual handover ceremony, binigay ni Task Force Yolanda chairperson Karlo
Nograles ang 1,265 housing unit ng Yolanda Permanent Housing Project sa mga
benepisyaryo.

2021
 Mahigit P1,000 pamilya na nakaligtas sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda ay
nakatanggap ng mga titulo para sa property na kanilang inookupahan sa dalawang
relocation site sa lungsod na ito.
2022
 Hindi pa rin tapos ang mga housing project para sa mga biktima ng super typhoon
Yolanda na nanalasa sa bansa noon pang Nobyembre 2013. Sa isinagawang deliberasyon
ng Kamara, sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, ang sponsor ng budget ng Department
of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na mula sa 209,247 pabahay
mahigit 200,000 na ang natapos.

Sanggunian:
 Corvera, M. (2018). Pabahay ng Gobyerno para sa mga biktima ng Yolanda limang taon
na ang nakalilipas, halos nasa 40 percent pa lang. https://www.radyoagila.com/pabahay-
ng-gobyerno-para-sa-mga-biktima-ng-yolanda-limang-taon-na-ang-nakalilipas-halos-
nasa-40-percent-pa-lang/
 People's Television (2019). Pabahay ng Yolanda victims agad ipamigay – Nograles.
Quezon City, Philippines. https://ptvnews.ph/pabahay-ng-yolanda-victims-agad-
ipamigay-nograles/
 Abante News (2020). Pabahay para sa mga Yolanda victim binigay na.
https://www.abante.com.ph/2020/08/15/pabahay-para-sa-mga-yolanda-victim-binigay-
na/
 Desacada, M. (2021). Yolanda survivors receive property titles. Philippines.
https://www.philstar.com/nation/2021/07/12/2111793/yolanda-survivors-receive-
property-titles
 Abante Tonite (2022). Pabahay sa mga `Yolanda’ victim kapos pa ng 9,000.
https://tonite.abante.com.ph/2022/09/23/pabahay-sa-mga-yolanda-victim-kapos-pa-ng-
9000/

You might also like