You are on page 1of 11

Mayors May Kapangyarihan Magdeklara ng

Suspensyon ng Klase sa Kanilang Nasasakupan


Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang Mayor ng mga bayan ng Mercedes, Daet, Talisay, Basud
at Jose Panganiban bunsod ng malakas na ulang naranasan ngayong ika-23 ng Enero, 2023.

Samantala, si Gov. Ricarte “Dong” Padilla ay nagpalabas ng PDRRMC Advisory kung saan ang
pagsuspinde ng klase at trabaho ay nakaatang sa mga Mayor dahil walang kaukulang typhoon
signal warning at ang naranasang malakas na pag-ulan ay local weather disturbance kung saan
hindi lahat ng bayan sa buong probinsya ay nakaranas ng sama ng panahon.

Susog sa Executive Order No. 66 ng dating Pangulong Benigno Aquino III, ang mga mayor ay may
kapangyarihang magdeklara ng suspensyon sa local weather disturbance. Habang sa DepEd
Order No. 037, s. 2022 ay maaring magdeklara ang mga paaralan base sa Rainfall Warning sa
lugar.

Sa Bayan ng Labo, iniatang ni Mayor Severino “Jojo” Francisco ang pagdeklara sa mga
apektadong paaralan.

Nagkaroon din ng monitoring ang Provincial Information Office sa ilang mga lugar na hindi
nagsuspinde ng klase tulad ng mga bayan ng San Vicente at San Lorenzo.

Pinuntahan ng grupo ang Brgy. Cabanbanan - Purok 2; Brgy. Calabagas - Purok 1 at Brgy. Asdum
- V. Ricafrente Elementary School kung saan ang spillway ay hindi madaanan dahil sa pagtaas ng
tubig sa kalakasan ng ulan. Habang sa Brgy. Iraya Sur/ Mananap River; Brgy. San Jose - L. Opeda
Elementary School; at Brgy. Man-Ogob na pawang sa Bayan ng San Vicente ay wala namang
baha.

Binisita din ng grupo ang bayan sa San Lorenzo Ruiz ang munisipyo, San Lorenzo Ruiz National
High School at Salvacion Big Elementary School.
2022 DEPED Guidelines on the Cancellation or
Suspension of Classes and Work
Noong Setyembre 01, 2022, inilabas ng DepEd ang Department Order 37 o ang Guidelines
on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural
Disasters, Power Outages/Power Interruptions, at iba pang kalamidad.
Ang mga alituntunin ay nagsasaad na ang mga in-person at online na klase mula
kindergarten hanggang Grade 12 at trabaho ay awtomatikong sinuspinde sa mga
paaralang nasa mga lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Nos. 1
hanggang 5; o kapag naglabas ang weather bureau ng orange (matinding) at pula
(torrential) na babala sa pag-ulan, o babala sa baha.
Sa panahon ng lindol, ang mga in-person, online na klase, at trabaho mula kindergarten
hanggang Grade 12 at Alternative Learning Systems ay awtomatikong nakansela sa mga
paaralang nasa LGU na may Intensity Scale 5 (malakas) o mas mataas na idineklara ng
Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang mga lokal na punong ehekutibo ay maaaring magdesisyon sa pagkansela ng mga
klase kapag may malakas na hangin ngunit walang inilabas na TCWS, kapag may malakas
na pag-ulan sa mga partikular na lugar o kapag may pagbaha kahit walang babala.
BBM, INAPROBAHAN ANG “LONG WEEKENDS”
SA MGA ARAW NG “HOLIDAYS” NGAYONG 2023

Ang Proclamation No. 90, na nilagdaan ng pangulo noong Nob. 11,


2022 ngunit inilabas ng Palasyo noong Nob. 16, 2022, ay
idinagdag ang Enero 2, 2023, isang Lunes, bilang isang espesyal
na araw ng walang trabaho.
Dalawang fixed holiday, Araw ng Kagitingan at Bonifacio Day, na
pumapatak sa Abril 9, Linggo, at Nob. 30, Huwebes, ayon sa
pagkakasunod-sunod, ay inilipat sa Abril 10 at Nob. 27, parehong
Lunes din.
"Kailangang ayusin ang mga holiday na ito alinsunod sa prinsipyo
ng holiday economics kung saan ang mas mahabang katapusan
ng linggo ay makakatulong sa paghikayat sa domestic travel at
pagtaas ng mga gastusin sa turismo sa bansa," sabi ni Marcos sa
proklamasyon.
Paurunahan sa Freedom Park Event ng Camarines
Norte Museum, Archives and Shine Curation Division
Masayang naisagawa
December 28, 2022 | Halos bumalik sa ala-ala ng karamihan sa mga lumahok ang mga
Larong Lahi ng mga Pinoy. Tuwa at galak ang makikita sa mga kalahok habang nilalaro
ang sampung Laro ng Lahi tulad ng mga sumusunod: Tumbang preso, Shato, "Chinese
Garter", "Pick-up Stick", Luksong Lubid, Holen, Kadang-kadang, Sipa, gulong at patpat
at luksong lubid. Bawat isang grupo ay may limang miyembro na maglalaro sa sampung
hamon ng larong lahi.

Nakilahok ang iba't-ibang grupo ng mga kabataan at studyante sampung taong gulang
pataas at ibang kawani ng gobyerno sa nasabing patimpalak. Ayon kay Sir Abel Icatlo-
head of Camarines Norte Museum, Archives and Shine Curation Division sa kanyang
talumpati, Ang aktibidad umanong ito ay kabilang sa pag selebra ng Rizal Day na kung
saan ito ay isang pambansang holiday ng Pilipinas na ipinagdiriwang bawat ika-30 ng
Desyembre kada taon upang gunitain ang buhay at mga gawa ni José Rizal, isang
pambansang bayani ng Pilipinas. Ang petsa, Disyembre 30, ay ang anibersaryo ng
pagbitay kay Rizal noong 1896 sa Bagumbayan, Maynila. Ang mga Laro ng lahi ay
nagpapagunita pa rin sa kabataan ng pambansang bayani na sumisimbolo ng
kaligayahan at pag-asa, dagdag pa niya.
LABI NI POPE BENEDICT XVI NAKAHIMLAY NA SA
SAINT PETER'S BASILICA
Nakahimlay na sa Saint Peter's Basilica sa Vatican si Pope
Emeritus Benedict XVI at maaari na siyang masilayan ng
publiko. Si Benedict ay pumanaw sa edad na 95 sa Mater
Ecclesiae Monastery, kung saan siya nanatili nang bumaba
sa puwesto noong 2013.
Hindi man nakapunta sa Pilipinas, kinilala niya noon ang
ambag ng mga Katolikong Pinoy sa pagdadala ng
"dynamism" sa Simbahang Katolika.
ALAY SA DIYOS ALAY SA BAYANG AGUINALDONG KAPITOLYO
NATIONAL BIBLE MONTH 2023.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng CAMARINES Norte ay


nakikiisa kasama ang Philippine Bible Society sa
pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Bibliya sa Pilipinas
na ginaganap sa huling Lunes ng Enero bawat taon. Ito
ang araw ng pagninilay at malalim na espirituwal na
koneksyon.
Sa taong ito, ito ay ipagdiriwang sa Enero 30. Ito ay isang
araw na nakatuon sa pag-aaral ng “Bibliya.” Nagbabahagi
ng mga kamangha-manghang katotohanan tungkol sa
Pambansang Araw ng Bibliya sa Pilipinas — isang taunang
kaganapan na ginaganap upang parangalan ang salita ng
Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng “Bibliya,”
pagkakaroon ng mga pagsusulit sa “Bibliya,” at
pamamahagi ng “Bibliya.” Ipinagdiriwang ito upang itanim
sa kabataan at matatandang Pilipino ang kasanayan sa
pagbabasa ng “Bibliya,” na ang mga salita ay nagbibigay-
kapangyarihan sa lahat lalong Lalo na sa panahon Ng
kahirapan

You might also like