You are on page 1of 1

KAGITINGAN NG MGA BETERANO, PUNDASYON NG NAGKAKAISANG PILIPINO

Inilunsad ng Department of Education, Region 3 Schools Division Office of Bataan ang Foot Parade na
sinimulan mula sa Doña Francisca Park hanggang sa Capitol Compound sa Lungsod ng Balanga noong
Abril 11, 2023.

Isinagawa ang aktibidad na ito alinsunod sa paglalabas ng Division Memorandum no. 115 s.2023 na
naglalaman ng iba't-ibang aktibidad na naka base sa Provincial Government of Bataan and Bataan
Peninsula Tourism Council Inc.

Sa pagpapatibay at pagbibigay ng parangal sa mga World War 2 Veterans, ang Foot Parade ay
pinangunahan ng Assistant Schools Division Superintendent, mga kawani ng Department of Education
Schools Division Office of Bataan, mga ahensya gaya ng Provincial Tourism Office at iba pang mga
dumalo sa nasabing aktibidad ay nagsama-samang lumakad patungo sa dalawang istasyon na nagpakita
ng ginawa ng ating mga Veterans noong World War 2.

Ayon kay Keyence Angel C. Sorosoro, isang Vice President na nakilahok sa nasabing aktibidad mula sa
paaralan ng Mariveles Senior High School Sitio Mabuhay, ang aktibidad na ito ay, " upang magbigay
pugay sa isa sa mga mahahalagang kaganapang naganap sa lalawigan ng Bataan at upang maalala at
magbigay karangalan sa ating mga Bayani ng World War 2."

You might also like