You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of City Schools
San Jose del Monte District 7
BENITO NIETO ELEMENTARY SCHOOL
Brgy. Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan

BUWAN NG KASAYSAYAN
At
PAGGUNITA SA ARAW NG MGA BAYANI 2019

TEMA NG BUWAN NG KASAYSAYAN 2019: “Kasaysayan: Bahagi ng ating Nakaraan,


Gaby sa Kinabukasan”

Ang buwan ng Agusto ay ang panahon kung saan ginugunita natin ang tauang pagdiriwang ng Buwan ng
kasaysayan at ang paggunita sa Araw ng mga Bayani. Sa taong ito, ang ating selebrasyon ng buwan ng kasaysayan
ay may temang “Kasaysayan: Bahagi ng ating Nakaraan, Gabay sa Kinabukasan.”. Kung kaya naman, ang
paaralan ng Benito Nieto Elementary School ay nagsagawa ng iba’t-ibang patimpalak.

Nag Kinder hanggang sa ikalawang baitang sila ay nagkaroon ng Short-film viewing patungkol sa mga
bayani sa ating bansa. Ang mga nasa ikatlong baitang naman ay lumikha ng poster ang mga mag-aaral patungkol
sa Buwan ng Kasaysayan. Habang ang mga nasa ika-apat na baitang naman ay nagsagawa ng story-telling na
patungkol sa buwan ng kasaysayan. Di rin pahuhuli ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang, sila naman ay
nakilahok sa patimpalak na essay writing na patungkol sa ating mga pambansang bayani. Ikahuli naman ay mga
mag- aaral sa ikaanim na baitang. Sila ay naatasang magkaroon ng classroom- debate na ang paksa ay tumatalakay
patungkol sa pagdiriwang ng buwan ng kasaysayan.

Ang mga nasabing aktibidad ay nakatulong sa bawat mag-aaral na lumalim pa ang kanilang kaalaman
patungkol sa kasaysayan ng ating bansa, na kung saan ang ating nakaraan ang siyang naging daan upang tayo’y
makarating sa kung nasaan man tayo at kung ano ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa ngayon.
Napakahalagang bigyang pansin, hindi lang ang kasalukuyan kung hindi maging ang ating nakaraan, pagkat
napakaraming bagay ang ating matututunan dito upang di na muli maulit pa ang mga madidilim na pangyayari sa
ating kasaysayan. Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay isang napakamakabuluhang aktibidad na dapat
nating bigyang pansin. Ang mga mag-aaral sa una, ikalawa at ikalimang baitang ay mas naging mapanuri sa
kasaysayan ng bawat bayani sa ating bansa. Umusbong ang napakarai nilang katanungan patungkol sa ating mga
bayani kung kaya’t ang ilan sa mga guro ay nahamong ibahagi ang kanilang kaalaman hindi lamnag patungkol sa
ating mga bayani kung hindi pati na rin sa kasaysayan ng ating bansa.

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

THALIA S. MONTEVIRGEN GENOVEVA R. MENDOZA


A.P Coordinator/ SPG Adviser Principal II

You might also like