You are on page 1of 2

Written Works #2 in FILIPINO

PANGANGATWIRAN
Pangatwiranan kung alin ang mas matimbang, Kagandahang-asal o Karunungan

Kagandahang-asal o Karunungan?
Ang kagandahang-asal ay mga kaalaman ukol sa kung ano ang mabuti o para sa ikabubuti ng
kaniyang sarili o ikabubuti ng lahat. Ito ang mga kaalaman o aral na mayroon tayo kung alam natin
kung ano ang mabuti sa masama. Maaari natin itong makuha sa ating mga magulang o sa loob ng
ating pamilya. O di naman kaya ay maaari natin itong maangkin mula sa ating mga pagkakamali o
karanasan. Ang karunungan naman ay kaalaman tungkol sa mga makatotohanang bagay kagaya ng
katalinuhan sa iba’t ibang larangan at tungkol sa iba’t ibang impormasyon. Ito rin ay maaaring ituro
ng ating mga magulang at sa mga paaralan. Ngunit, alin ang mas matimbang sa dalawa? O alin ang
mas importanteng magkaroon tayo?
Importanteng magkaroon tayo ng kagandahang-asal dahil maaari nitong baguhin ang isang
lipunan. Kung lahat ng tao ay may kagandahang-asal, ang paligid ay magiging maayos at malinis
dahil sa disiplina ng mga tao. Mas mapapadali ang paglutas sa iba’t ibang problema, problema man
ng tao o pati narin ang lipunan, dahil bukas ang puso ng mga taong nagtutulong-tulong. Kapag may
kagandahang-asal ang mga tao, matatalo natin ang kasamaan na maaaring magdulot ng ating
pagkakahiwalay. Paano natin ito matututunan? Ang unang guro natin tungkol sa kagandahang-asal
ay ang ating mga magulang, samakatuwid, sa pamilya natin unang natututunan ang kagandahang-
asal. Dito natin matututunan ang disiplina at paggalang. Maaari rin natin itong matutunan sa ating
mga karanasan, lalong lalo na sa ating mga pagkakamali. Tayong lahat ay pantay-pantay, walang
perpekto o mas nakakaangat, tayong lahat ay nagkakamali. At ang mga pagkakamaling ito ay ang
humuhulma sa atin kung paano maging mas mabuting tao, dito na naiipon ang kagandahang-asal.
Dahil ang mga pagkakamaling iyon ay ang nagtuturo sa atin kung alin ang tama, para sa susunod na
pagkakataon, alam na natin kung ano ang dapat gawin.
Sa kabilang dako, ang karunungan naman ay mga kaalaman tungkol sa mga makamundong
bagay. Mga katalinuhan ng mga tao sa iba’t ibang larangan. Ang mga tao ay maaaring maging
matalino sa larangan ng matematika, agham, sikolohiya, lohika at iba pa. Mga lider ang karamihang
nagtataglay ng karunungan. Dahil mahalaga para sa kanila ang matalinong pagdedesisyon kung
paano nila mapoprotekhan ang kanilang nasasakupan lalo na sa oras ng kagipitan. Maaaring ang
karunungan rin ay gamitin upang makaahon sa kahirapan, ito ay sa pamamagitan ng pagtatapos ng
pag-aaral. Ngunit hindi sapat ang katalinuhan upang makatapos ng pag-aaral, ito ay isang malubak
na daan tungo sa tagumpay, kaya, kakailanganin din ng estratehiya at sakripisyo kung paano mo
malalampasan ang paglalakbay na ito nang buhay. Sa pag-angkin ng karunungan, ito ay dumadaan
muna sa pag-aaral bago matutunan ang karunungan. Ngunit ito ay maaari paring makuha sa mga
karanasan, dahil sa ating mga nakikita o naoobserba, tayo ay natututo.
Kung ikukompara ang Kagandahang-asal sa Karunungan, walang mas matimbang sa kanila.
Silang dalawa ay pareho ang timbang at konektado pa sa isa’t isa. Kagaya ng nasabi kanina, tayong
lahat ay hindi perpekto at nagkakamali. Sa gayon, ang mga aral na natututunan natin mula sa ating
pagkakamali ay nagiging gabay sa karunungan. Sa susunod na pagkakataong tayo ay gagawa ng
isang bagay at alam na natin kung ano ang dapat gawin dala ng aral na natutunan natin sa mga
pagkakamali sa nakaraan, ito ay isang senyal na tayo ay nakaangkin ng karunungan. Kung ang iniisip
ng isang lider ay ang nasasakupan nito, ito ay maituturing na kagandahang-asal, at ang matalinong
pagdedesisyon naman ay karunungan. Gayundin sa pagtatapos ng pag-aaral. Bakit nga ba
determinadong matapagtapos ng pag-aaral ang mga estdyante? Dahil alam nila ang lubos na
paghihirap ng mga nagpapa-aral sa kanila. Pinapahalagahan nila ang mga sakripisyo at pawis ng
kanilang mga magulang. At ang pangarap nilang makabawi sa mga paghihirap at maiahon sa
kahirapan ang kanilang pamilya ay isang uri ng kagandahang-asal. Halos konektado lamang ang
dalawang ito, kung kayat nauuna lamang ang kagandahang-asal, subalit hindi parin ito
makakalamang sa karunungan. Ang dalawang ito ay sinisimbolo ang puso at isip, kagandahang-asal
ang puso; at karunungan naman ang isip. Minsan hindi natin alam kung alin sa puso at isip ang
susundin, kaya’t mahalagang pakinggan ang tinitibok ng puso at sinasabi ng ating isipan. Dahil ang
dalawang ito ay konektado sa isa’t isa at ang pangunahing layunin nila ay ang gabayan ka sa kung
ano ang para sa ikabubuti mo at ng iyong nasasakupan.

You might also like