You are on page 1of 4

PANGULONG TUDLING O EDITORYAL

Dapat maging choosy sa bakuna ang mamamayan


Huwag daw maging pihikan at choosy sa brand ng bakuna ang mamamayan, ayon kay
Presidential Spokesman Harry Roque. Bagama’t may karapatan daw ang lahat na
magkaroon ng mabuting kalusugan, hindi naman daw dapat maging pihikan ang mga
babakunahan. Ayon kay Roque, maraming Pilipino ang dapat bakunahan kaya hindi
dapat maging pihikan. Hindi maaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw
magpabakuna. Kailangan din daw lumagda sa waiver ang ayaw magpabakuna lalo na’t
kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na babakunahan.

Idinagdag pa ng Spokesman na hindi makokontrol ng gobyerno kung ano ang mga


darating na bakuna kaya hindi dapat maging pihikan o mamili ang mamamayan. Walang
pilian sapagkat libre naman daw ang bakuna.

Maraming kumontra sa sinabi ni Roque. Ilang doctor ang nagpahayag na hindi dapat
pigilan ang mamamayan sa pagpili sa gustong bakuna. Hayaan daw ang mga
babakunahan ang pumili sa vaccine at hindi kung ano ang gusto ng pamahalaan.

GanitoGanito rin ang opinyon ng League of Cities of the Philippines na hayaan ang local
government units (LGUs) na pumili ng brand ng vaccine na para sa kanila ay naaangkop
sa kanilang constituents. Maraming LGUs ang kayang bumili ng bakuna kaya dapat
hayaan ang mga ito sa gusto nila. Mayroon naman silang pondo.

Una nang sinabi ng pamahalaan na marami namang bakunang pagpipilian kaya hindi
naman siguro masama kung makapili ang mamamayan nang ituturok sa kanila.
Kabilang sa mga hinihintay na bakuna ay ang Pfizer, AstraSeneca, Johnson & Johnson
at mga bakuna na gawa ng Sinovac at Sinopharm.

HindiHindi dapat sabihan ng pamahalaan ang mamamayan na huwag maging choosy.


Hindi maganda ang pananalitang ito. Hindi naman uubra ang mga pahayag na ito sa
mga mayayaman na kayang bumili ng brand ng bakuna na kaya nila. Hindi rin naman
nakakatiyak kung ang mismong mga taong gobyerno o mga Cabinet member ay
susunod sa sinabi ni Roque na huwag maging choosy sa bakuna na ituturok sa kanila.
Baka ang piliin nilang brand ng vaccine ay ‘yung alam nilang epektibo at dumaan sa
trial.

Hayaang magpasya ang mamamayan sa ituturok sa kanila. Dapat mamili sila kung ano
ang nararapat para sa kanila. Lahat ay may karapatang pumili.
BALITANG PAMPALAKASAN

Ateneo kampeon sa UAAP volleyball matapos ang 4 taon

Makalipas ang apat na taon, nagkampeon muli ang Ateneo Lady Eagles sa UAAP
Season 81 women's volleyball matapos matalo ang UST Golden Tigresses sa iskor na
25-17, 25-22, 25-22, nitong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Unang set pa lang ay umarangkada na ang Ateneo. Nagpakalat ng maraming error ang
UST, na sinamantala ng Ateneo kasabay ng kanilang solid na pag-spike, 25-17.
Nanguna naman ang UST sa ikalawang set pero humabol ang Ateneo matapos
magpakawala ng 7-3 run para ma-tabla ang laro sa 16-all. Makalipas nito, tuluyan nang
nakabawi ang Ateneo hangga't sa nakuha nila ang ikalawang set, 25-22.
Matapos tambakan ng ilang puntos sa kalagitnaan ng ikatlong set, sinubukang bumawi
ng UST at nakadikit pa ang koponan sa 22-all kontra Ateneo.
Ngunit nagpakawala ng tatlong sunod-sunod na puntos ang Ateneo hangga't makuha
ang championship point, 25-22, at maibalik ang korona sa Katipunan.
Nakakuha ng 15 puntos si Bea De Leon - na ginawarang Finals MVP, sa kaniyang
huling laro para sa Ateneo. Sinundan naman ito ng 10 puntos ni Maddie Madayag, na
aalis na rin ng Ateneo matapos ang championship.
Nagpakawala naman si Sisi Rondina ng 18 puntos sa kaniyang pinakahuling laro para
sa UST. Nakakuha naman ng 10 puntos si UAAP Rookie of the Year Eya Laure.

You might also like