You are on page 1of 25

Liham Pangnegosyo

Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong sa


ibaba.

Tapos ka na ng Senior High School, nais mo munang


magtrabaho upang makaipon ng pampaaral mo sa kolehiyo.
Nakita mo ang kompanyang ABC telecom na
nangangailangan ng junior computer technician at
alam mong ikaw ay kwalipikado sa naturang trabaho.

Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga hakbang na gagawin mo upang makapag-
aplay?
2. Paano mo bubuuin ang isang liham na kinakailangan sa
iyong pag-aaplay sa trabaho?
Pagbasa:
Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang
mga tanong sa ibaba.

Liham Pangangalakal- ay liham na ginagamit sa mga


tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay
mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan
ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o
iba pang taong nais makipagkalakalan sa kanila.
Bahagi ng Liham Pangangalakal

Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng


sumulat at petsa nang sulatin ang liham.

Halimbawa:

Mataas na Paaralang Pambansa ng Calumpit


San Marcos, Calumpit, Bulacan
Ika-20 ng Abril, 2017
Bahagi ng Liham Pangangalakal

Patunguhan- Ito ang tumatanggap ng liham.

Halimbawa:

Gng. Doracy F. Almasan


Dora Flower Shop
Brgy. San Marcos, Calumpit, Bulacan
Bahagi ng Liham Pangangalakal
Bating Panimula-ito ay magalang na pagbati na maaring
pinangungunahan ng Ginoo, Ginang, Mahal na Ginang
o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa
taong padadalhan ang liham ang bating panimula o ginagamit.

Halimbawa:

Gng. Almasan:
Ginoo:
Mahal na Ginang:
Mahal na Binibini:
Bahagi ng Liham Pangangalakal
Katawan ng liham- ito ay naglalaman ng
pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng
sumusulat sa kanyang sinusulatan.

Halimbawa:
Magandang araw!
  Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga
bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Abril 25, 2017.
    
     4 na dosenang Daisy (pink)
     4 na dosenang Rosas (puti)
     2 dosenang Gladiola (dilaw)
    
   Kalakip po nito ay money order na isang libong piso (P1,000).
Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay pagtanggap namin ng mga bulaklak
Bahagi ng Liham Pangangalakal

Bating Pangwakas- Ito ay bahagi ng pamamaalam


ng sumulat at nagtatapos sa kuwit (,).

Lagda- pirma ng sumulat

Halimbawa:
Sumasainyo,
                    

    Jose dela Cruz


Pangulo ng SSG
     _______________
     Pamuhatan _______________
     _______________
________________
________________ Patunguhan
________________

________________ Bating Panimula

    

Katawan ng Liham
 
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________
    
    
     Bating Pangwakas _________________
     Lagda _________________
Uri ng Liham
Liham Aplikasyon- ang liham na ito ay
isinusulat upang humanap ng trabaho.

Liham Pagapapakilala- Isinusulat ang


liham na ito upang irekomenda ang isang
tao sa trabaho o ang isang bagay/ produkto
na iniendorso.
Uri ng Liham
Liham Subskripsyon- isinusulat upang
maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng
pahayagan, magasin at iba pang babasahin.

Liham Pamimili- ang liham na ito ay


isinusulat upang bumili ng paninda na
ipapadala sa koreo.
Uri ng Liham
Liham na Nagtatanong- ang liham na ito
ay isinusulat upang humingi ng
impormasyon.

Liham na Nagrereklamo- isinusulat


upang maglahad ng reklamo o hinaing.
Uri ng Liham
Iba pang uri:

Liham sa Patnugot
Liham Paanyaya sa isang Panauhin
Liham Pahintulot
Liham Kahilingan
Liham sa Puno ng Barangay
Anyo ng Liham Pangangalakal

Ganap na Blak (Full Block Style)


_______
_______ Pamuhatan
_______

_______
_______ Patunguhan
_______

____________: Bating Panimula


_____________________________________________________________
Katawan ng Liham
_____.____________________________________________________.___
_________________________________________________.

____________, Bating Pangwakas


_____________
Lagda
Anyo ng Liham Pangangalakal

Semi-Blak (Semi-Block Style)


_______
Pamuhatan _______
_______

_______
_______ Patunguhan
_______

____________: Bating Panimula


_____________________________________________________________
Katawan ng Liham
_____.____________________________________________________.___
_________________________________________________.

Bating Pangwakas ____________,


_____________
Lagda
Anyo ng Liham Pangangalakal

Modifayd Blak (Modified Block Style)


_______
Pamuhatan _______
_______

_______
_______ Patunguhan
_______

____________: Bating Panimula

Katawan ng Liham
_____________________________________________________________
_____.____________________________________________________.___
_________________________________________________.
Bating Pangwakas
____________,
Lagda
_____________
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ibigay ang kasing kahulugan ng sumusunod
na mga salita at gamitin sa makabuluhang
pangungusap.
liham pangangalakal pamuhatan subskripsyon tanggapan
Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang liham pangangalakal/ pangnegosyo? Ano-ano
ang iba’t ibang uri nito?

2. Saan madalas na ginagamit ang liham pangangalakal/


pangnegosyo?

3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga hakbang sa


pagsulat ng liham pangangalakal?

4. Paano nakatutulong ang liham pangangalakal sa buhay


ng isang tao?

5. Kung ikaw ay susulat ng liham pangangalakal, ano-ano


ang dapat mong isaalang-alang sa pagsulat nito?
Pangkatang Gawain

Magbigay ng mga Bating Bating


halimbawa ng Panimula Pangwakas
pahayag na maaaring
gamitin sa 1.
sumusunod na mga
bahagi ng liham
pangangalakal. 2.

3.
Pangkatang Gawain

Sa nakapaskil na classified ads, bubuo ng isang


liham na nag-aaplay ng trabaho ang bawat grupo.
Malaya ang bawat grupo na pumili ng estilong
gagamitin sa pagsulat ng liham. Pagtapos ay ipo-
post ang awtput at gagawin ang gallery walk
bilang pangkatang pagsusuri (group assessment)
ng natapos na gawain.
     RUBRIKS SA PAGMAMARKA:
KRAYTIRYA 4-Nakita 3-Bahagyang 2- Hindi 1-Kailangang
Nakita Nakita Baguhin/
Ayusin
Nilalaman

Organisasyon/
Pagkakabuo

Wastong
Gamit ng mga
Salita at
Bantas

Kalinisan

KABUUAN
Paglalahat

Larong Fox-Hunter-Wall
  Panuto: Ang mag-aaral ay hahatiin sa
dalawang pangkat. Lalaruin ng mag-aaral ang
Fox-Hunter-Wall bilang paglalagom ng aralin.
Susundin ang mekaniks o alituntunin ng laro.
Ang grupo na mananalo sa bawat
paghaharap ang magbibigay ng katanungan
patungkol sa natutuhan sa aralin na siyang
sasagutin ng natalong grupo.
     Fox- matatalo ng Hunter
     Hunter- matatalo ng Wall
     Wall- matatalo ng Fox
Pagtataya

Suriin ang liham. Iwasto ito sa


pamamagitan ng pagsulat sa tamang
porma/estilo at pagkakasunod-sunod
ng mga bahagi nito.
     G./Gng:

     Mataas na Paaralang Pambansa ng Aurora


     Brgy. Reserva, Baler, Aurora

     Ika- 5 ng Hunyo, 2017

     Branch Manager


West Publishing House
270 Madison St. San Fernando, Pampanga

     Sumasainyo,
    
     Aliah Rose Sotero
     Pangulo ng SSG
    
     Magandang araw!
    
Mangyari pong padalhan ninyo kami ng 100 sipi ng Komunikasyon sa
Akademikong Filipino, Batayang Aklat sa Filipino 11. Ang nasabing
aklat ay babayaran pagkahatid sa aming paaralan.

You might also like