You are on page 1of 25

LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

Epekto ng Punto ng pananalita ng mga Kapampangan sa mga Mag-aaral na

may ibang wikang kinagisnan mula sa Baitang 11-12 ng HUMSS sa La Verdad

Christian School

Isang panukalang papel-pananaliksik na ipinasa kay Bb. Arleen Carmona

Bilang pagtugon sa pinal na kahingian ng ikalabing-isang baitang ng Humanities and

Social Science sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik.

Ipinasa nina:

Agustin, Royye M.

Alcantara, Princess C.

Cabrera, Jane Anne S.

Dela Cruz, Zyra N.

Figueroa, Darell Carlson A.

Reyes, Anjanet T.

Yang, Marife G.

1
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t

ibang Teksto tungo sa pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay inihanda at iniharap

ng ikalabing-isang Baitang ng HUMSS seksiyon A:

Agustin, Royye M.

Alcantara, Princess C.

Cabrera, Jane Anne S.

Dela Cruz, Zyra N.

Figueroa, Darell Carlson A.

Reyes, Anjanet T.

Yang, Marife G.

BInibining Arleen B. Carmona

Guring Tagapayo

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

2
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng paksang “Epekto ng Punto ng pananalita ng mga

Kapampangan sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan mula sa Baitang

11-12 ng HUMSS mula sa La Verdad Christian School” ay taos-pusong ipinapaabot

ang psasalamat sa mga taong tumulong, nagbigay kontribusyon, at sumuporta sa

reyalisasyon ng papel pananaliksik na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang naming sa mga sumusunod:

 Sa aming mga mahal na magulang, na buong puso kaming inunawa,

tinulungan at sinuportahan sa aming mga naging pangangailangan.

 Sa mga mag-aaral na nagsilbing respondente na nagbahagi ng kanilang

kaalaman at impormasyon ukol sa pananaliksik na ito.

 Kay Binibining Arleen B. Carmona ang aming butihing guro na gumabay at

sumuporta sa amin upang matapos at maisagawa ng tama ang aming

pananaliksik

 Sa mga guro na nagbigay ng oras at konsiderasyon sa pagtapos at pagsarbey

para sa pananaliksik na ito.

3
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

PAGHAHANDOG

Ang pagaaral na ito ay inihahandog sa mga mag-aaral mula sa ibang probinsya o

mga dayuhan lalo na sa mga hindi marunong ng wikang Kapampangan.

ABSTRAK

Pamagat: Epekto ng Punto ng pananalita ng mga Kapampangan sa mga

mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan mula sa Baitang

11-12 ng HUMSS mula sa La Verdad Christian School sa

taong panuruan na 2019-2020

Mga Mananaliksik:

Uri ng Pananaliksik: Papel-Pananaliksik

Taon: 2019

Guro: Binibining Arleen Carmona

Strand: Humanities and Social Science (HUMSS)

Institusyon: La Verdad Christian School (LVCS)

4
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang epekto ng punto ng

pananalita ng mga Kapampangan sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan

mula sa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng Humanities and Social Science

(HUMSS) Strand ng Senior High School sa La Verdad Christian School. Ang

respondente sa pag-aaral ay nagmula sa mataas na paaralan ng La Verdad Christian

School, ang mga mag-aaral na kalahok ay nagmula sa ikalabing-isang baitang ng

Senior High School. Ang bilang ng mga respondente ay limampung (50) mag-aaral

mula sa naturang pangkat.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Quantitative Research na may disenyong

deskriptibo o paglalarawan ng mga datos at impormasyon sa kadahilanang angkop ito

sa isinagawang pananaliksik na nakatugon sa pagtukoy ng mga epekto ng punto ng

pananalita ng mga Kapampangan sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan

mula sa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng Humanities and Social Science

(HUMSS) ng Senior High School sa La Verdad Christian School.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa pamamagitan ng

pamamahagi ng mga kwestyuner na patungkol sa paksang tinatalakay, Kung saan

nakapaloob dito kung ano ang impresyon ng mga hindi Kampangan nang una nilang

marinig ang wikang Kapampangan at kung paano nakakapekto ang punto ng

pananalita nila sa tuwing makikisalamuha sa mga hindi kinagisnan ang wikang

Kapampangan.

KABANATA I

5
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

Matatagpuan sa kabanatang ito ang paghahayag ng suliranin ng isinagawang

pag-aaral ng mga mananaliksik at ang sakop at sandigan nito.

A. Panimula

Ang wika ay isang bahaging pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa

daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung

paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Isa ang pilipinas sa pinaka

maraming wika sa buong mundo dahil na rin ito sa ibat ibang bayan at tribu dito sa

bansa. (Wikipedia)

Ang wika ay nagmula sa mga teoryang natuklasan at pinag aralan ng mga

eksperto. Nagmula sa tunog ng mga hayop, kalikasan at maging mga halaman at

hayop. Mula sa mga ito ay nagkaroon ng komunikasyon o pag unawa ng mga

mensaheng ipinapasa mula sa isa at sa iba pa. (Tagalog Lang)

Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t

walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang

kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang

langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga

tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa

pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang

6
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay

ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8).

Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay

natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t

tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa,

ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay,

kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa na may pitong libo isang daan at

pito (7,107) isla o pulo at isang daan at walumpong diyalekto o salita. Naging likas

at pagkakailanlan na ng bansa ang pagkakaroon ng maraming diyalekto. Ang

pagkakaiba iba ng mga salita ay bunga ng mga naganap na kolonisasyon sa ating

bansa, ng mga mas malalakas na bansa. Dahil dito, may ilan pa ring mga salitang

Espanyol, Ingles at hapon ang naihalo na sa mga lokal na diyalekto sa iba’t ibang

lalawigan. (Wikipedia)

Ayon sa Wikipedia ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na

matatagpuan sa rehiyong Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng San Fernando ang

kabisera nito. Naghahanggan ang lalawigan ng Pampanga sa mga lalawigan ng

Bataan at Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, at sa Bulacan sa

timog silangan. Matatagpuan din ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa

hilagang baybayin ng Look ng Maynila. Sa lalawigan ng Pampanga kilala ang

Kapampangan bilang pangunahing wikang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

7
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas na

tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at

Amanung Sisuan (wikang pinasuso). Ang salitang "Kapampangan" ay nagmula sa

salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay

salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan).

Ngunit pagdating sa paaralan. Hindi lamang iisa ang wikang ginagamit bagkus

napakarami, dahil hindi lamang iisa ang sakop na lugar ng isang paaralan kundi

napakarami na maaring galing probinsya o dayuhan. At dahil Kapampangan ang

pangunahing wikang ginagamit sa Pampanga, dominente ito sa loob ng paaralan

na sakop ng rehiyon na ito. Sa sitwasyong ito ang mga galing ibang probinsya o

dayuhan na iba ang lenggwahe at Tagalog lamang ang naiintindihan, ay

nagkakaroon ng problema sa pagintindi nito lalong lalo na sa punto ng pananalita

ng mga Kapampangan. Ang punto ay ang paraan ng pagsasalita sa isang bayan o

lugar na naiiba sa mga karatig bayan o lalawigan.

Kung paano tayo nagsasalita ay maaaring makaimpluwensya sa ating mga

kamag anak, kaibigan at mga tao sa ating paligid. Nagkakaroon ng pagkatuto ng

ibang lengguwahe sa pakikinig lamang. Ganun din kung paano ka magsalita at

gumamit ng mga salita ay nagkakaroon ng epekto sa iyong mga kasama. Di

maiiwasan ang nagiging impluwensya ng isa sa marami, lalo na kung natatangi ang

pagbigkas o pagsasalita nya sa kanyang mga kasamahan

8
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Naging inspirasyon ng pag aaral na ito ang pagkakaroon ng naiibang punto o

“accent” sa pagsasalita ng isang tao na nakikipagtalastasan sa kanyang mga

kaklase. Ang pagpapasya ng maraming kabataan na mag aral sa ibang lugar na

malayo sa kanyang kinalakihang pook ay humahantong sa pagkalito sa pagkakaiba

ng pagbigkas at tunog ng mga salitang kanyang maririnig.

Sa pag-aaral na ito ay maipapakita kung paano nakakaapekto ang punto ng

pananalita ng mga Kapampangan sa mga magaaral na iba ang wikang kinagisnan

sa loob ng paaralan ng La Verdad Christian School.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paglalayong mabigyan ng kasagutan ang

mga sumusunod na suliranin: Ano ang epekto ng punto ng pananalita ng mga

Kapampangan sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan mula sa

ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng Humanities and Social Science

(HUMSS) Strand ng Senior High School.

Nakapaloob sa suliraning ito ang mga katanungang nais matugunan:

1. Ano ang profayl ng mga kalahok sa pag aaral ayon sa kanilang;

1.1 Wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan

1.2 Lugar na pinanggalingan

9
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
1.3 Tagal (taon) ng paninirahan sa nasabing lugar

2. Ano-ano ang punto ng pananalita ng Kapampangan na nakakaapekto sa

mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan?

3. Paano nakaaapekto ang punto ng pananalita ng mga Kapampangan sa mga

mag-aaral na iba ang lenggwaheng kinagisnan?

C. Haka Ng Pag aaral

Ang layunin ng pag aaral na ito ay matukoy ang mgasumusunod;

1. Profayl ng mga kalahok sa pag aaral, ayon sa wikang kanilang ginagamit sa

pakikipagtalastasan, lugar na pinanggalingan, at tagal (taon) ng paninirahan

sa nasabing lugar.

2. Upang matukoy kung anu-ano ang punto ng kapampangan na

nakakaapekto sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan.

3. Upang malaman ang epekto ng punto ng pananalita ng mga Kapampangan

sa mga magaaral na iba ang lenggwaheng kinagisnan.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga mag-aaral

10
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay magiging maayos ang daloy ng

komunikasyon sa bawat mag aaral at maiiwasan ang pagka “mis-understand” ng mga

estudyante sa pamamaraan ng mga Kapampangan kung paano nila ipahayag ang

kanilang punto.

Sa mga mambabasa

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mambabasa upang

magkaroon sila ng kaalaman patungkol sa wikang Kapampangan at upang malaman

nila na ang bawat wika sa lalawigan o bayan ay may iba’t ibang pamamaraan ng

pagsasalita lalo na sa loob ng paaralan.

Sa mga Guro

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay magiging daan sa epektibong pagtuturo

at makapagbibigay ito ng karagdagang impormasyon o ideya sakanila partikular na

sa wikang kapampangan na dominanteng ginagamit o sinasalita sa loob ng

paaaralan.

Sa mga darating na Mananaliksik

Ang mga datos na nakalap sa naturang pananaliksik ay maaring gamiting

gabay sa pag aaral na kanilang isasagawa upang mas mapalaak at mapadali ang

kanilang gagawin na pananaliksik.

E. Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral

11
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaliksik ukol sa epekto ng punto ng

pananalita ng mga Kapampangan sa pakikisalamuha nila sa ibang mag-aaral na may

ibang wikang kinagisnan ng ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng HUMSS

Strand. Saklaw lamang nito ang mga epekto ng punto ng pananalita sa kanilang

pakikisalamuha sa kanilang kapuwa mag-aaral.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang kabuuang bilang ng mga respondente na

nakilahok sa pag-aaral na ito ay animnapu (60) mula sa kabuuang bilang ng mga mag-

aaral sa ikalabing-isa at ikalawang baitang na isangdaan at dalawampu’t pito (127).

Nilimita ang mga respondente sa animnapu (60) upang mas mapadali ang gagawing

pangangalap ng datos gamit ang pamamahagi ng sarbey kwestyuner. Ang ikalabing-

isa at ikalawang baitang ng HUMSS Strand ng Senior High School ang napiling

pagmumulan ng mga respondante kung saan ay mayroong apat (4) pangkat na

binubuo ng Humanities and Social Sciences strand pangkat A at B sa ikalabing-isa at

ikalabing dalawang baitang. Ang mga respondente ay mga mag-aaral mula sa La

Verdad Christian School at hindi nangangailangang mangalap pa ng datos sa labas

ng paaralan.

Ang ginamit na paraan sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay ang Paraang

Paglalarawan o Descriptive Method bilang pangunahing paraan ng pagtatala ng mga

datos batay sa mga obserbasyon, pakikipanayam sa mga ilang personalidad na may

kinalaman sa pag-aaral na ito at pag-aaral sa nasabing paksa. Upang mas

mapatibay ang pag-aaral ay gumamit ng Paraang Kwantiteytib o ang tinatawag na

“Quantitative Reseach Method” na ginamit sa mga sarbey at kwestyuner na ginamit

12
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
sa pananaliksik at ang mga pagtatala ng mga datos at istatistikal na trato sa mga

impormasyong nakalap upang maipakita ang bahagdan at mapatunayan ang mga

kasangkot na baryabol sa pag-aaral na ito.

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng sarbey-kwestyoner bilang paraan ng

pagkalap ng mga datos at impormasyon upang matugunan ang mga layunin at

masolusyonan ang mga suliranin ng pag-aaral. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa

taong panuruan ng 2019-2020.

F. Depinisyon ng mga Termenolohiya

Arkipelago - kapuluan; isang uri ng anyong lupa na binubuo ng mga isla

Diyalekto- natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang

nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Dominante - makapangyarihan at nangingibabaw

Kolonisasyon - tuwirang pananakop ng isang bansa at sa iba pa upang

mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pa

Punto - ito ay ang diin sa salitang binibigkas

Respondente - mga taong sumasagot sa mga binibigay na tanong ng

mananaliksik.

13
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A. KAUGNAY NA LITERATURA

14
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at

multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na

ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din

sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel

ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Isinasaad sa balangkas sa pag aaral na ito base sa “Sociolinguistic approach” na

kung saan pinag aaralan ang gamit ng pangunahin at pangalawang wikang mayroon

ang isang tao. Karaniwan na sa mga Bilinggwal o mga taong marunong magsalita ng

dalawang lengguwahe. kung saan ang paggamit ng pangalawang wikaay dapat na

naaayon sa maiintindihan ng kanyang paligid o nakabatay sa kung ano ang mas

nauunawaan ng nakararami.

Sa pag-aaral ni Jeni Joyce Garciarollo Virtuoso (2013) ang diyalekto ay isang

natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar. Ang mga diyalekto ay

tinatawag ding wikain o salitang bernakyular. Ang mga ito ay magkakaiba sa punto,

diin at pagbigkas depende sa rehiyon kung saan ito ginagamit. Nabubuo ang diyalekto

mula sa pangunahing wika at nagkakaroon ng kawing ang mga grammar o

bokabolaryo. Maaaring dahil sa lokasyon o relihiyoso at etniko, ay nagkakaroon ng

diyalekto.

15
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Sa librong “Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa

Ministeryo” ang paggamit mo ng simpleng pagdiriin ng mga susing salita ay tumutulong

sa tagapakinig na maunawaan ang sinasabi mo. Subalit kapag ginagamit mong mabuti

ang iba’t ibang lakas ng tinig, bilis, at pagtataas o pagbababa ng tono, ang iyong

pahayag ay maaaring maging higit na kasiya-siyang pakinggan. Higit pa rito, ito ay

maaaring magsabi sa iyong tagapakinig kung ano ang iyong nadarama sa iyong

sinasabi. Ang iyong saloobin hinggil sa materyal ay makaiimpluwensiya sa kung ano

ang kanilang madarama hinggil dito. Ito ay totoo maging nagsasalita ka man mula sa

plataporma o sa isang indibiduwal sa ministeryo sa larangan.

Batay kay Jenita Guinoo (2017) Ang tinig ng tao ay isang kamangha-manghang

instrumento, na malaki ang kakayahan para sa pagkakaiba-iba. Kapag wastong

ginamit, ito ay makapagbibigay-buhay sa isang pahayag, makasasaling sa puso,

makaaantig ng mga damdamin, at makagaganyak sa pagkilos. Gayunman, hindi ito

matatamo sa pamamagitan lamang ng pagmamarka sa iyong mga nota upang ipakita

kung saan babaguhin ang lakas ng tinig, iibahin ang bilis, o patataasin o pabababain

ang tono. Ang pagbabagu-bago ng tono ng boses bilang tugon sa gayong mga hudyat

ay magiging artipisyal. Sa halip na magtawid ng buhay at kulay sa iyong pahayag,

maaaring makaasiwa ito sa tagapakinig. Ang wastong paggamit ng pagbabagu-bago

ng tono ng boses ay nagmumula sa puso.

B. Mga Kaugnay na Pag-aaral

16
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ayon sa pananaliksik ni Kath Joy (2015) Kapansin-pansin sa alpabeto ng mga

Kapampangan ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896, nailimbag ang isang aklat tungkol

sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto Pampango” na isinulat ni Alvaro

de Benavante. Sa kasalukuyan, karamihan ng mga taong nagsasalita ng

Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon

din naman sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan.

Ayon kay Manlapaz (2003) ang wikang Kapampangan ay mahalaga at ang ugat

niti kung ikukumpara sa ibang mga salita. Ito ay may mapagmahal at matamis sa

pahayag ng pag-ibig tulad nito ng wikang katapusang awitin nang mga malamig na

hangun ng amihan. Ang wikang kapampangan ay wikang masarap pakinggan o

magandang pakunggan kung paano ito binibigkas ng napakalambing wala ng tamis

pa sa ating wika.

Sa ginawang pananaliksik ni Ruey Lawrence-Nono (2014) ay mayroong apat na

pangunahing uri ng bigkas o diin sa Filipino. Una ay malumay, nasasabing malumay

ang bigkas o diin ng ating pananalita kapag dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa

ikalawang pantig buhat sa hulihan. Pangalawa ay ang Malumi ito ay halos

nagkakapareho lamang sa unang pangunahing uri ng bigkas o diin sa Filipino ang

pagkakaiba lamang ay ang impit na tunog ng mga salitang ito sa hulihan. Pangatlo ay

ang mabilis, binibigkas ito nang tuloy-tuloy at ang diin ay nasa hulihang pantig at ang

huling uri ay; maragsa ito ay halos kapareho lamang ng mabilis ngunit may impit na

tunog o pasarang tunog sa hulihan.

17
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

Ayon sa pag-aaral ni Joshua Factor (2018) ang Rizal ay isang lalawigan sa

gitnang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinapaligiran ito ng Kalakhang Maynilasa

kanluran, sa hilaga ang Bulacan, sa silangan ang lalawigan ng Quezon, at Laguna sa

timog. Pinangalan ang lalawigan na ito sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat.

Jose Rizal. Sa lalawigan ng rizal ay mas kilala ang tagalog bilang pangunahing wikang

ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Gaya na lamang sa iba pang lalawigan sa iba’t

ibang panig ng bansa ay Tagalog ang naging mas kilala at nauunawaan ng

nakararami. Bagamat iisa ang wikang ginagamit ay nagkakaroon pa rin ng mga

baryasyon o pagkakaiba batay sa paraan ng pagbigkas, ispeling at diin. Kadalasan

itong tinutukoy bilang punto o “accent” sa tagalog. Ang punto ay ang paraan ng

pagsasalita sa isang bayan o lugar na naiiba sa mga karatig bayan o lalawigan. Sa

lalawigan ng Rizal ay mapapansin ang pagkakaroon ng mayaman na baryasyon sa

punto ng pagsasalita sa maraming lalawigan.

C. BATAYANG KONSEPTWAL

18
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL

PROSESO

AWTPUT
INPUT
1. Ano-ano ang 1. Pagpili ng mga Epekto ng Punto
profayl . Ano ang respondente ng pananalita ng
profayl ng mga mga
kalahok sa pag- Kapampangan sa
aaral ayon sa 2. Paggawa ng mga mag-aaral na
kanilang; surbey- may ibang wikang
kwestyoner kinagisnan mula
-Wikang
ginagamit sa 3. Pagsagot sa sa Baitang 11- 12
pakikipagtalastas mga talatanungan ng HUMSS sa La
an Verdad Christian
School
-Lugar na 4. Pagtatally at
pinanggalingan pag-aanalisa sa
Tagal (taon) ng mga nakalap na
paninirahan sa datos hinggil sa
nasabing lugar antas ng pagkatao
gamit ang
2. Ano-ano ang Desriptong
punto ng Istratistika
pananalita ng
Kapampangan?
3. Paano 5. Paggawa ng
nakakaapekto buod, konklusyon,
ang punto ng at rekomendasyon
pananalita ng
mga
Kapampangan
sa mga mag-
aaral na may
ibang wikang
kinagisnan?

Pigura 1: Paradigma ng Pag-aaral

D. Balangkas pang Teoretikal

19
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang pananaliksik na ito ay bumatay sa “Systemic functional linguistics (SFL) “

mula sa pag aaral ni M.A.K Halliday kung saan kumuha sya ng ilang ideya sa kanyang

gurong si J.R Firth , na naunang nag aral tungkol sa wika.

Para kay halliday ang wika ay mayroong tatlong pangunahing gamit o “function”, o

metafunction. Ang una ay sa karanasan (Sa loob man o salabas ng mundo). Ang isa

ay sa pakikipagtalastasan sa ibang tao kaugnayan natin sa iba o “Social relation. At

ang huli ay ang pagsasama ng naunang dalawa upang makabuo ng mga tekstong

isunusulat o nababasa. Nangangahulugang paglalapat nito sa mga salita. Ang mga

gamit ng wikang ito ay sabay sabay na nagkakaroon ng katuparan. Ito ang gampanin

ng wika, maging sa gramatikal, semantiko o kontekstwal man ito.

20
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
KABANATA III

METODOLOHIYA AT DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang

ginamit ng may-akda upang mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng Punto ng pananalita ng mga

Kapampangan sa mga mag-aaral na may ibang wikang kinagisnan. Ang

isinagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descriptive

Survey Research Design ang angkop na napili ng mga mananaliksik.

Ang nasabing uri ay ginagamitan ng mga survey questionnaires o

talanatungan na pupunan ng mga respondente at siyang panggagalingan ng

mga datos. Sa ganitong pamamaraan ay magiging madali ang pagtuklas samga

bagong kaalaman sa pamamagitan ng paganalisa nito sa mga pag aaral na

naisagawa na ng iba pang mananaliksik.

B. MGA RESPONDENTE

21
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang mga respondante o mga tagasagot ng pag-aaral na ito ay binubuo ng

animnapung (60) mag-aaral mula sa mataas na paaralan ng La Verdad

Christian School.

Ang mga tagasagot ay mula sa piling mag-aaral ng baiting 11-12 ng HUMSS na

hindi alam ang wikang Kapamangan kundi may ibang wikang kinagisnan. Sa mga

piling kalahok magmumula ang mga makakalap na datos o impormasyon na

iaanalisa para sa pag-aaral na ito.

Talahanayan 1.
Seksiyon Lalaki Babae Kabuuan

11 HUMSS A 5 5 10

11 HUMSS B 8 7 15

12 HUMSS A 13 10 23

12 HUMSS B 6 6 12

Kabuuan 32 28 60

Distribusyon ng mga Respondante

Ipinakita ng Talahanayan 1. Ang distribusyon ng mga respondante mula sa

baiting 11-12 ng Senior High School ng La Verdad Christian School.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

22
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Survey Research o ang paggamit ng mga

sarbey-kwestyuner sa pagkalap ng mga datos sapagkat ito ay ang

pinakamabisang gamitin upang malaman ang mga nakakaapektong punto ng

pananalita ng mga Kapampangan sa ibang mag-aaral na may ibang wikang

kinagisnan. Ang survey questionnaires ay gagamit ng close-ended at open-

ended questions. Ang paraang ito ay naglalayong maipahayag ang mga datos at

magiging konklusyon ng naisagawang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-

analisa sa iba pang datos na nakalap ng mga mananaliksik.

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang pananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ng mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang

kalidad ng ipipresentang datos.

Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali

sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay

nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at sinisiguro ang

pagiging kompidensyal ng mga makakalap na datos bago ang pamamahagi ng

talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

E. TRITMENT NG MGA DATOS

23
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente

na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally. Ang mga datos na ito ay

magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga resulta

ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan. Ang mga datos na

makakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap upang maayos at organisadong

mailahad ang resulta.

Sa pananaliksik na ito napagkasunduan ng mga mananaliksik ng gumamit ng

"Kadalasan at Bahagdan" bilang uri ng estadistikang gagamitin. Ang estadistika ay

pagbubuod ng mga datos ng populasyon sa pamamagitan ng paglalarawan kung

ano ang napagmasdan sa sampol. Ito rin ang pinakakaraniwang pamaraang

ginagamit ng mga mananaliksik sa pag-aanalisa o pagsusuri ng mga datos.

Ang pormularyong gagamitin sa pagkuha ng porsyento ng tugon sa bawat

tanong ay:

P= R/N X 100

P= Ang Porsyento

R= Kabuuuang bilang ng respondente

N= Bilang ng tugon

Ang mga nakalap na resulta ay batay sa nalikom na datos na ibinigay na

sagot ng mga respondante sa pamamaraang "Kadalasan at Bahagdan".

24
LA VERDAD CHRISTIAN SCHOOL
Sa ganitong paraan ay malalaman ng mga mananaliksik ang bilang ng

mga datos sa isinagawang pag-aaral at mas mabibigyan ng solusyon ang

suliranin na kinaharap sa pananaliksik.

25

You might also like