You are on page 1of 3

PANONOOD

Kahulugan ng Panonood

Sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, hindi mapasusubalian na ang


panonood ay isa sa kinahiligang libangan ng mga tao.

Ang panonood ang nadagdag na ikalimang makro ng kasanayan. Ito ay proseso


ng pagbasa, pagkuha, at pag-unawa ng mensahe mula sa palabas. Maituturing na
isang uri ng pagbasa ang panonood dahil hindi ang tekstong nakalimbag ang
binibigyang-kahulugan at inuunawa ng manonood kundi ang tekstong audio-visual.
Maituturing itong lundayan ng modernong paraan ng pag-alam ng mga impormasyon.
Nakatutulong ito sa pag-unlad ng kaalaman sa higit na malalim na pagpapakahulugan
sa mga nababasa, sa mga nakikita at napapakinggan.

Laging magkarugtong ang audio at visual na tumutukoy sa palabas. Hindi kasi


binabasa ang audio bagkus ay pinapakinggan at ang visual naman ay
pinagmamasadan o pinapanood. Maaari rin namang basahin ang visual kung ito'y
susuriin o bibigyan ng interpretasyon gamit ang kritika at teorya tulad ng ginagawa sa
panuniring pansining sa guhit, larawan, iskultura, disenyo, at arkitektura. Subalit ang
mga visual na nabanggit au hindi gumagalaw (Nuncio et.al.)

Kahalagahan ng Panonood

Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayang panonood ay nakapagdudulot


sa isang indibidwal na:

1. Mapaunlad ang kakayahang magsuri at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at


pag-unawa;

2. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay;

3. Mataya ang iba't ibang elemento ng isang produksyon (pangyayari, suliranin,


kagamitan at iba pa);

4. Maging mulat sa katotohanan ng buhay;

5. Makatulong upang maging handa sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid; at

6. Magising at mahubog ang kamalayan bilanh isang indibidwal.

Positibo at Negatibong Epekto ng Panonood

Positibong Epekto

1. Naeexpose sa maraming bagay kung saan maraming matututuhan at malalaman.


2. Nakakapaghatid ng mga bagong kaalaman at impormasyon.
3. Nagiging updated sa mga pangyayari sa loob at labas man ng ating bansa.
4. Nalilibang sa iba't ibang klase ng panoorin.
5. Nagiging paraan ng komunikasyon.
6. Nakakatanggal ng stress o pagod pagkagaling sa klase o trabaho.
7. Nagsisilbing bonding time ng buong pamilya.
Negatibong Epekto

1. Nagiging tamad sa mga gawaing pantahanan at pampaaralan.


2. Naiimpluwensyahan ng masama gawa ng mga hindi kanais-nais na palabas.
3. Nanggagaya sa mga panoorin na hindi angkop sa kanilang edad lalo na ng mga
kabataan.
4. Nasasawalang-bahala na ang mga aklat.
5. Nagiging sanhi ng mga sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo.
6. Maaaring lumabo ang paningin dahil sa sobrang oras na inilalaan sa panonod.

Mga Uri ng Panoorin

Iba't ibang uri ng panoorin ayon kay Nuncio et.al. (2014)

1. Tanghalan
Isa sa mga maaaring panoorin ay ang pagtatanghal sa mga teatro. Ang
pagtatanghal ay isang uri ng palabas na mayroong pag-arte ng mga tauhan, diyalogo /
monologo, iskoring o musika, tunggalian, tagpuan, at wakas. Halimbawa nito ang mga
dula, pag-awit, pagsayaw, pagtula at iba pa na napapanood ng aktuwal na pagganap
ng mga nagtatanghal.
2. Pelikula
Ito ay tinatawag ring "motion picture" o mga larawang gumagalaa dahil hindi
aktuwal ang pagganap o wala sa harap ng manonood ang aktuwal na palabas. Kaiba
ito sa teatro dahil nauuna ang pagtatanghal o pag-arte ng mga tauhan na inirerekord
lamang ng kamera. Ayon sa mga iskolar, magkarugtong ang kasaysayan ng teatro at
pelikula. Ibig sabihin, iisa ang kuwento bagama't nagkakaiba ang midyum ng palabas:
teatro ang sa pagtatanghal samantalang sinehan ang pelikula. Kung papansinin natin
ang movie theatre ang salin ng sinehan sa Ingles. Napapanood ang pelikula sa
pinilakang-tabing sa loob ng mga sinehan.

Genre ng Pelikula:
a. Romantic Comedy
b. Suspense
c. Horror
d. Action
e. Drama
f. Romance
g. Science-fiction
h. Fantasy

3. Programa sa Telebisyon

Ang telebisyon ay ang midyum samantalang ang mga programa sa telebisyon


ang palabas.

Ang mga uri ng palabas sa telebisyon ay ang mga sumusunod:


a. Palabas ayon sa kwento tulad ng teleserye, telenobela, komediserye, fantaserye,
pelikula sa TV, at iba pa.
b. Mga balita at serbisyo-publiko tulad ng primetime news, flash report, showbiz news,
at TV documentaries.
c. Variety Show tulad ng noon time show, at Sunday variety show.
4. YouTube
Bunsod ng makabagong teknolohiya ng internet, maaari na ring manood ng mga
palabas sa pamamagitan ng YouTube. I-click lang ang www.youtube.com at siguradong
makakapanuod ka na ng nais mong panoorin. Maaari ring gumawa ng sariling video
files at i-upload sa internet sa pamamagitan ng YouTube o sa ibang video sites o kaya'y
sa Facebook at iba pang social networking sites. Kapag nasa internet na ay maaari na
itong mapanood ng madla. Kung ayaw mo namang ma-view ng iba at nais mo lang ay
ikaw ang makakita at/o mga kaibigan mo ay maaari rin.

Uri ng Manonood
1. Kaswal na Manonood- ito ay ginagawa lamang bilang pampalipas oras.
Hal. Panonood ng music video, cartoons anime, soap opera o drama.
2. Impormal na Manonood- nanonood lamang dahil kailangan.
Hal. Panonood ng biswal na presentasyon
3. Kritikal na Manonood- sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood.
Hal. Panonood ng balita, dokumentaryo, edukasyonal na panoorin.

Ipinasa ng ika-siyam na grupo:


Justin De Guzman
Christian Estabillo
Riven Dhea Lustria
Regine Nevado
Noimi N. Quinto
BSBA I-I

You might also like