minuto bago ang nakatakdang oras ay magbibigay na ang guro ng link/ID Code/Password nang sa gayon ay magkaroon ng sapat na oras ang mga mag-aaral upang makapasok sa gagamiting platform. • Habang nagaganap ang online discussion, kinakailangan na naka-on ang camera ng mga estudyante ng sa gayon ay ma- monitor ng guro ang kanilang pakikinig, partisipasyon at pagkatuto. •Panatilihing naka-mute ang mikropono lalo na kung hindi naman magsasalita o tinawag para magsalita. • Tamang pananamit. Dahil tayo ay nasa klase, isipin natin na dapat ay maayos ang ating pananamit. Tiyakin na bago ka humarap sa iyong camera o webcam ay angkop ang iyong kasuotan. PAGPAPASA NG MGA GAWAIN • Sa pagpasa ng mga kursong pangangailangan, marapat na ipasa ito dalawang (2) araw o sa araw na itinakda. Lampas sa itinakdang araw ay magkakaroon ng pagbabawas sa kabuuang iskor o maaaring hindi papayagang makapapagpasa pa (depende sa gawain.) PAGSUSULIT AT AKTWAL NA PRESENTASYON • Sinuman ang hindi makakakuha ng alinman sa mga pasulat na pagsusulit at makasali sa anumang pagtatanghal o presentasyon ay bibigyan lamang ng pagkakataong makakuha nito kung balido ang rason. Kinakailangang magpakita ang mag-aaral ng liham na may lagda ng magulang o medical certificate bilang pagpapatunay sa hindi pagkuha ng mga pagsusulit at pagpasa ng mga itinakdang gawain.