You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

Enclosure No. 1 to Division Memorandum No. ___ s. 2020

Alituntunin para sa Maayos na Pagtanggap, Pamamahagi, Paggamit, Pagbawi, at Pag-iingat (Storage) ng


mga Printed LMs at SLRs

* Inihanda ang alituntuning ito upang mabigyan ng gabay ang kinauukulan para sa maayos na pagtugon sa
iba’t ibang aspeto ng tungkuling gagampanan:

A. Delivery by Service Providers of Printed LMs and SLRs to all District Offices and Secondary Schools

1. Ang District Inspectorale Team ang magsasagawa ng inspection ng mga delivered modules
batay sa approved specifications at required quantity at i-accomplish ang inspection portion ng
Inspection and Acceptance Report (IAR);
2. Ang District Property Custodian ang lalagda sa acceptance portion ng IAR at Delivery Report
(DR). Ang listahan ng miyembro ng designated Inspectorale Team at District/Alternate
Property Custodian at ang kanilang specimen signature ay dapat maibigay sa service provider
kapag nakapag-deliver na.
3. Ang mga modules para sa high school ay idedeliver din sa District Office. Matapos matanggap
ang modules mula sa service provider, dapat ipabatid sa principal ng high school upang
mahakot ito.
4. Katuwang ng PSDS, ang district property custodian and LR coordinator ang mangunguna sa
imbentaryo ng tinanggap na supplies at magbibigay ng update sa Division LRMDC.

B. District Level Distribution Process to All Elementary Schools

1. Sa open space/area na paglalagyan ng modules ay dapat may label ng bawat school grade
level at subjects para mapadali ang paghahati;
2. Ang principal kasama ng school property custodian at miyembro ng school committee ay
tatanggapin mula sa PSDS at district property custodian ang kanilang modules batay sa
allotment at enrolment data.
3. Dapat pirmahan ang kaukulang dokumento bilang patunay na pagtanggap ng modules para sa
imbentaryo.
4. Iminumungkahi na magkaroon ng koordinasyon sa barangay LGU para sa service vehicle na
magagamit sa paghakot ng modules mula district office patungo sa iba’t ibang paaralan.

C. School Distribution Process of printed Lms and SLRs by Principal for Teachers in all Grade Levels

1. Sa open space/area, iayos ang mga modules batay sa grade level at subject area. Lagyan ng
label para bawat seksyon at grade level ang open area. Bilangin ang modules kung tugma sa
listahan;
2. Ang principal katuwang ang school property custodian ay mangunguna sa pamamahagi ng
mga modules batay sa allotment at enrolment data;
3. Dapat pumirma ang guro sa acknowledgement receipt hinggil sa modules na kanyang
tinanggap. Dapat properly acknowledged upang mapadali ang imbentaryo.
4. Kuhanan ng litrato ang gawain para sa documentation.

D. Classroom Distribution Process of Printed LMs and SLRs by Teacher for his/her Learners

1. Matapos tanggapin mula sa school property custodian ang mga modules na laan para sa
kanyang mag-aaral, ang guro ay iminumungkahi na lagyan ng control number ang cover ng
bawat module batay sa alphabetical arrangement ng mag-aaral sa class record or SF at

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

pirmahan ito. Ang paraang ito ay makatutulong sa inventory of modules kung sakaling may
nawala o nasira.
2. Ilagay ang modules/SLRs kasama ang kaukulang activity sheets/answer sheets sa loob ng
learning kit.
3. Magkaroon ng schedule sa pagkuha ng learning kit ng parent/guardian;
4. Dapat may listahan ang guro kung saan ang parent/guardian ay pipirma na katunayan ay
natanggap ang modules. Dapat may authorization letter ang sino mang kukuha ng modules
kung hindi pwede ang parent/guardian.
5. Dapat nakatugon sa DOH at IATF health and safety protocol ang pagkuha ng modules;
6. Ang hindi makakuha ng module ay iminumungkahing dalhin sa tahanan ng mag-aaral nang
may kaukulang koordinasyon.

E. Utilization of Received Printed LMs and SLRs as Assisted by Parent/Guardian and Classroom Teacher

1. Ipaalala sa mag-aaral na sa activity sheet/answer sheet isusulat ang sagot sa lesson ng bawat
subject. Bawal sulatan ang modules at SLRs dahil ito ay gagamitin pa sa ibang pagkakataon.
2. Nasa pagpapasya ng guro kung nais niyang alisin ang answer key sa huling pahina ng
module.
3. Ipabatid sa mag-aaral na ang pag-aaral ng mga aralin sa module ay may schedule at sila ang
magsasagot sa activity sheet/answer sheet upang masukat ang kanilang natutuhan at hindi
ang parent/guardian;
4. Maging masinop dapat ang mag-aaral sa mga modules na natanggap- hindi dapat mabasa,
mapunit, masunog o madumihin ang mga kopya nito- dahil isasauli ito sa paaralan sa schedule
na napag-usapan para magamit pa ng ibang mag-aaral.

F. Retrieval and Proper Storage of Printed LMs and SLRs

1. Ang pagsasauli ng modules na mga mag-aaral ay isasagawa ng parent/guardian sa


homeroom ng assigned teacher sa schedule na napagkasunduan;
2. Dapat suriin ang mga isinauling modules, upang matiyak kung kumpleto, may sira ba o
sinulatan ng mga mag-aaral. Isusulat ng guro sa kanyang listahan ang ulat ukol dito. Dapat ay
nakasuot ng rubber gloves ang guro sa pagsasagawa nito.
3. Sa homeroom, isaayos ang mga modules para sa disinfection gamit ang UV light lamp.
Ipinapaalala na mag-ingat sa paggamit ng nasabing equipment dahil sa radiation nito.
4. Kung ang modules ay hindi na gagamitin ng mag-aaral, iminumungkahi na i-bundle ito, lagyan
ng label na “utilized” at ilagay sa lugar/shelf na hindi mababasa/masisira sa loob ng homeroom
ng teacher.
5. Dapat ay may listahan/record ng mga modules na nagamit ang school property custodian para
sa imbentaryo.

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph

You might also like