You are on page 1of 2

GUIDELINES PARA SA PAGKUHA NG MODYUL SA BETIS NATIONAL HIGH SCHOOL

PARA SA MGA GURO


1. Pumasok sa school isang oras bago ang nakatakdang oras ng pagkuha ng magulang ng
MODULES.
2. Sa pag pasok, sumunod tayo sa SAFETY PROTOCOLS.
a. Mag-suot ng face mask at face shield.
b. Mag LOG IN sa log book na nasa GATE 2.
c. Isulat ang scanned TEMPERATURE sa naturang LOG BOOK.
d. Kung ikaw ay naka-private na sasakyan/kotse, tricycle o motorsiklo, tumigil sa gate 2 at
mag LOG IN at hayaang kuhanan ka ng TEMPERATURE.
e. Paalala: Hindi na papapasukin ang mga sasakyan sa oras na itinakda para sa pagkuha ng
modyul. Kung umaga, 8am onwards ay bawal na at 1pm onwards naman sa hapon.
Magagamit ang daanan sa mga naglalakad na magulang. Ito ay para mas ma-obserbahan
ang SOCIAL DISTANCING.
3. Ang mga ADVISERS ang mamimigay ng mga MODULES.
4. Ihanda ang mga modules at log sheet.
5. Pumunta sa designated places for distribution. (See attached School Map)
6. Siguraduhing papuntahin ang mga magulang o guardians ng inyo mga students dahil susundin
lamang natin ang araw na nakatalaga sa bawat grade level. Kayo ang magiging responsible sa
mga modules na hindi makukuha.
7. Sa pamimigay ng MODULES, i-observe ang SOCIAL DISTANCING. Huwag hahayaang
magkumpulan ang mga magulang o guardians sa labas ng kwarto.
8. Huwag mag-provide ng ballpen. Sariling panulat ang gagamitin ng mga magulang o guardians sa
pag-LOG IN sa inyong listahan.
9. Magsanitize o mag-alcohol lagi.
10. Ibigay sa magulang ang mga MODULES na dapat ilulan nila sa PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE na
kanilang dala.

PARA SA MGA MAGULANG

1. Pumunta sa takdang araw at oras ng pagkuha ng mga MODULES. Ito lamang ang susundan na
SCHEDULE at wala ng iba pa.
GRADE LEVEL ARAW ORAS
Grade 7 Lunes 8:00am – 11:00am
Grade 8 Lunes 1:00pm – 4:00pm
Grade 9 Martes 8:00am – 11:00am
Grade 10 Martes 1:00pm – 4:00pm
Senior High School Miyerkules 8:00am – 11:00am

2. Sa pagpasok, palagian at ugaliing sumunod tayo sa SAFTEY PROTOCOLS.


a. Magsuot ng face mask at face shield. Kung wala nito ay hindi kayo papayagang
makapasok sa loob ng paaralan.
b. Panatilihin ang SOCIAL DISTANCING.
c. Mag LOG IN sa log book na nasa GATE 2. May gurong mag-a-assist.
d. Magdala ng sariling BALLPEN o PANULAT na gagamitin sa paglog-in.
e. Isulat ang PANGALAN, ORAS NG PAGDATING at TEMPERATURE sa naturang LOG BOOK.
f. Kung ikaw ay naka private na sasakyan/kotse, tricycle o motorsiklo, bawal itong ipasok
sa loob ng paaralan. Maliit lamang ang daanan papasok sa paaralan. Magagamit ang
naturang daan sa mga naglalakad na magulang. Ito ay para mas maobserbahan ang
SOCIAL DISTANCING.
3. Pumunta at pumila ng maayos na may SOCIAL DISTANCING sa mga naka assigned na lugar para
sa SEKSYON ng inyong anak. (See attached map)
4. Magdala ng sariling BALLPEN o PANULAT na gagamitin sa paglog-in sa mga modules na ibibigay.
5. Ibigay sa guro ang PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE upang ilulan ng guro ang mga modules.
6. Huwag kalimutang mag-disinfect o mag-alcohol.
7. Iwasan ang makipagkwentuhan. Umalis ng diretso pagkatapos makuha ang mga modules.
8. Bawal ang tumambay sa loob ng paaralan.

GUIDELINES PARA SA PAGBALIK NG MODYUL SA BETIS NATIONAL HIGH SCHOOL


PARA SA MGA GURO
1. Sundin lamang ang mga GUIDELINES SA PAGKUHA NG MODULES.
2. Kunin ang PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE sa magulang. Kunin ang mga MODULES sa loob at
palitan ito ng mga bagong modules. Kunin din ang mga BROWN ENVELOPES kung saan
nakapaloob dito ang mga activity sheets/answer sheets ng mga mag-aaral.
3. I-surrender ang mga MODULES na naibalik sa mga DESIGNATED RELIEVING TEACHERS.
4. Pagsama-samahinn ang mga BROWN ENVELOPES na naaayon sa SUBJECT.
5. Ibigay sa mga SUBJECT TEACHERS ang mga naturang BROWN ENVELOPES.
6. Huwag kalimutan ang SOCIAL DISTANCING at pagsasanitize o pag-alcohol.
7. Ibabalik ng subject teachers ang mga BROWN ENVELOPES.
8. Ibabalik mo naman ang mga BROWN ENVELOPES sa susunod na pagkuha ng mga magulang ng
modules.

PARA SA MGA MAGULANG

1. Sundin lamang ang mga GUIDELINES SA PAGKUHA NG MODULES.


2. Ibigay sa guro ang PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE.
a. Naglalaman dapat ang PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE ng mga naunang MODULES at
mga BROWN ENVELOPES na may ACTIVITY/ANSWER SHEETS.
3. Hintayin ang guro. Ibabalik ng guro ang PLASTIC ENVELOPE/BRIEFCASE na naglalaman ng
panibagong MODULES.
4. Magdala ng sariling BALLPEN o PANULAT na gagamitin sa paglog-in sa mga modules na ibibigay.
5. Huwag kalimutang mag-disinfect o mag-alcohol.
6. Iwasan ang makipagkwentuhan. Umalis ng diretso pagkatapos makuha ang mga modules.
7. Bawal ang tumambay sa loob ng paaralan.

You might also like