1. Isang magulang o guardian lamang ang makakasama ng mga batang
magsisipag tapos sa loob ng paaralan. (Isang magulang o guardian, isang bata) 2. Walang libreng paradahan sa loob ng paaralan. 3. Ang mag-aaral at ang magulang na kasama ay kinakailangang makapagsagot ng HEALTH SURVEY FORM mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga (ang link ay manggagaling sa adviser.) Dalhin ang vaccination card. Magdala rin ng health paraphernalias (alcohol at extra face mask) 4. Ang GRADUATION CONSENT FORM ay kinakailangang maipakita sa guard, bago tuluyang makapasok sa loob ng paaralan. Maaari itong printed o di kaya ay screenshot na lamang. 5. ANG LAHAT AY INAASAHANG MAKAPASOK SA LOOB SA IKA-3 NG HAPON (3PM). Ang adviser ang magbibigay ng gabay sa mga magulang at mga bata papunta sa waiting room. 6. Sa saktong oras (4 ng hapon), ay magsisimula ang seremonya. Kung magkataon na mahuli sa pila ng bawat pangkat (graduation march), ang magiging pwesto ay sa pinakadulo na ng pila. 7. Huwag nang bumili ng CORSAGE. Ang adviser ang magbibigay nito sa mismong araw ng pagtatapos. 8. Magdala ng light snacks (tubig, biscuits atbp). 9. Pagkatapos ng seremonya, nararapat na bumalik ang lahat sa waiting room. Ang mag-aaral ay dapat makapagdala ng isang plastic na paglalagyan ng togang ibabalik sa adviser. Ang plastic ay nararapat na magkaroon ng pangalan at seksyon. 10. Hindi maaring umalis sa kinauupuan kung hindi kinakailangan.
MAGKAROON NG TAMANG DISIPLINA SA SARILI. SUMUNOD SA ITINAKDANG ORAS.