You are on page 1of 89

AN BULAWAN SA

KAUMAHAN
ABANG
ETIMOLOHIYA
–Mula sa Proto-Malayo-Polinesiyong abaŋ
–Kung ang kahulugan ng salitang ito ay direktang
isasalin sa Filipino gamit ang mga panlapi at
unlaping nabanggit na maaaring gamitin upang
mabigyan ng ibang kahulugan ang salitang-ugat,
magkakaroon ito ng ibang kahulugan sa salitang-
ugat
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• granary (typ-square, used for storing rice); MA-, -ON to gather and
store rice in such a granary; MA-, I- to use a particular granary for
stroing rice; MAG-, PAG—ON to construct such a granary; MAG-,
IPAG- to construct such a granary from particular materials;
MAG-, PAG—AN to construct such a granary in a particular area
• very, so much, too much (general intensifier)
• MAG- to await; to be on the lookout for s/t; MANG- to keep watch;
to keep vigil
• syn. Banga
• square; MA-, -ON or MAG-, PAG—ON to make s/t square; to
square (the edges, corners)
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Sa mga salitang ito, ang unang kahulugan ng abang na ginagamit bilang terminolohiya
sa pagsasaka ang lubos na magagamit upang magtulay sa kasalukuyang kalagayan ng
agrikultural na sektor ng bansa, partikular ng pagsasaka. Mula sa kaisipang ito, maaari
ring magamit ang iba pang kahulugan ng napiling salita upang mabigyan ng linaw ang
kahulugan at gawing malalim ang usapin ukol sa kontrobersiya ng pagsasaka.
• Ang abang ng Pilipinas ay kailangang maging sapat upang mapunan ang
pangangailangan ng mamamayan sa bansa, sa bahagi ng mga magsasaka at sa mga
mamimili. Subalit ito ay walang kasiguraduhan kung ang mga batas na naisasapatupad
ay maglalagay lamang sa mga magsasaka sa abang kung saan sila ay walang
kalayaang lumabas at patuloy na magiging madilim ang kanilang mundo. Patuloy na
lamang bang mag-abang tayo sa mas mabuting mundo? Masyado nang abang ang
mga sitwasyon sa Pilipinas na patuloy na iniipit ang mga magsasaka. Kaya naman,
wag na tayong mag-abang pa, kailangan na nating kumilos upang pag-abangon ang
mga nakatataas na pinipilit na gawing maliit ang mga magsasaka.
BASOG
ETIMOLOHIYA
– Ayon sa diksionáryong bíkol Volume II na sinulat ni Malcolm
William Mintz, kung saan ang kahulugan ng salitang Bikol ay
nakasalin sa Ingles, ang ba’sog ay nangangahulugang levee for
preventing flooding, a pathway.
– Ang ba’sog ay maaari ring nangangahulugang the state of being
full, unable to take any foods.
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Ang ba’sog, na siyang nagbibigay-daan sa mga magsasaka upang
maisaayos ng mabuti ang mga palay at binhi at nagsilbing
instrumento upang malaman ng mga magsasaka ang kalagayan ng
palay, ay nagpoprotekta rin sa kapalayan. Maliban sa ito’y daanan,
ito ay nagsilbing tila kompartmento upang manatili ang tubig sa
loob at mapawi ang uhaw ng mga tanim na palay.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Ang salitang Bikol na ba’sog ay malaki ang papel sa pagpapakahulugan ng pagsisimpatiya sa
mga lokal na magsasaka sa kasalukuyang panahon.
• Kahit gaano pa man kadilim ng paligid at kalabo ng mga mata ng magsasaka dulot ng luha,
sila ay patuloy na dadaan sa ba’sog upang maghugot ng lakas na labanan ang lahat ng ito.
LABOY
ETIMOLOHIYA
– Ito ay galing sa salitang “lamoy,” na ibig sabihin ay “may amoy,”
“maamoy” o “mabaho” dahil marahil sa nabulok na mga hayop at halaman
na sumisingaw kapag nasa proseso na ng pagkabulok
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
LOKAL NA KAHULUGAN
• Ang laboy ay lupang sakahin na lubhang malambot at maputik. Umaabot hanggang baywang ang lalim
nito.

• Ayon sa matatanda ang lupaing laboy ay mula sa kakahuyan noong unang panahon na unti-unting nalubog
sa pinagsamang mga namatay na hayop at kakahuyan. Hindi pantay-pantay ang ayos nito dahil ang ilang
bahagi ay laging lubog sa tubig samantalang ang iba ay medyo may kataasan.

• Sinasabing fertile o mataba ang laboy ngunit masasabing hindi naman ito produktibo o napapakinabangan
ng husto na tulad ng ibang sakahin sapagkat hindi ganap ang pagkabulok ng mga namatay na mga kahoy
at hayop na nagkapatung-patong lang kasama ng tubig at lupa sa paglipas ng panahon

• Mud, mire; MA- muddy; MAG-, AN to make s/t muddy; MAKA-, MA—AN to get muddy; KA—AN
muddiness [+MDL: MA-, -ON or MAG-, PAG—ON to throw mud s/t; to makes s/t muddy; syn- dugi]
IBANG KAHULUGAN
• Filipino/Tagalog
la•boy’
pandiwa
- Lakwatsa, gala, libot
pangngalan
- Hampaslupa, lagalag, layas, lakwatsero
anatomiya
- ang mga malambot at luyloy na bahagi ng katawan
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• ang lupang sinasabing pinagtatamnan ng palay ang naging saksi sa mga
pagbabagong nagganap magmula sa ating mga kanunu-nunoan magpahanggang sa
kasalukuyan.
• Dito nakabaon ang bawat alaala at bawat kulturang magdadala sa kamalayan ng
ating tunay na pagkaPilipino.
• ang laboy ang siyang nakasaksi’t nakarinig sa mga hinagpis at halakhak ng mga
nagdaang panahon na magiging susi natin sa patuloy na pagtuklas, pagkilala at sa
mas lalong pagpapaunlad ng gampanin natin bilang isang mamamayan ng ating
lipunan.
• Ito rin ay sumisimbolo sa dugo’t pawis na nailagak sa laboy ng ating mga maralitang
magsasaka dala hindi sa pansariling interes o pakikipag-agawan sa lupa kundi sa
kadahilanang ang ikinahahanap ng kanilang pagkabuhay ay siyang natatangi at
marangal na hanapbuhay na magbibigay buhay sa bawat isa sa atin sapagkat tanging
sa agrikultura lamang masisiyahan ang kumikirot nating mga kalamnan.
TALU B O
ETIMOLOHIYA
• Batay sa naisagawang pagsisiyasat wala pang naitalang pag-aaral sa
kung ano ang pinagmulan ng salitang “talubo” ngunit kung ating
susuriin mula sa salitang “talubo” maaari tayong makalikha ng
tunog at maihahambing natin sa kasingkahulugan nito sa wikang
Filipino, ang “pagtubo,” na nagmula sa salitang ugat na “tubo” na
ibig sabihin sa kontekswal nitong depenisyon ay tumutukoy sa
pagsibol ng isang uri ng halaman.
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
LOKAL NA KAHULUGAN
– Ayon kay W. Mintz (2004) sa inilathala niyang “Diksionariong Bikol,” ito
ay nangangahulugang pagtubo o pag-usbong ng itinanim na binhi ng isang
uri ng halaman. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa matsurasyon ng
punla mula sa pagsibol hanggang sa pagkahinog ng palay o anumang klase
ng halaman. Maiiangkop din natin ito sa ibang konteksto partikular sa
personal na debelopment ng isang tao, kapwa sa pisikal o bayolohikal at sa
mental o emosyunal na aspeto ng pag-unlad.
– MA- quick growing; healthy in growth (humans); MAG- to grow, mature;
to thrive, prosper [+MDL: also applicable to plants and animals; MA- or
MAG- to grow quickly; MAKA- to aid or stimulate growth; MA- tall;
maturing or growing quickly]
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
WIRIK
ETIMOLOHIYA
• Walang pang espesipikong pag-aaral ang naisagawa batay kung saan nga ba nanggaling o kung
ano ang pinagmulan ng salitang “wirik”. Ngunit maaari nating gawing saligan ang “teoryang
dingdong” nang mabigyan ng hustisya sa kung paano at saan nga ba nag-ugat ang nasabing
salita. Ayon sa teoryang ito, nagkaroon daw ng wika ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga bagay- bagay sa paligid ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha ng tao. Dagdag pa rito, lahat ng bagay
ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog na iyon ang siyang
ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
LOKAL NA KAHULUGAN
– ginagamit ang partikular na salita sa pagsasabog o pagkakalat katulad ng binhi o abunong
isinasabog o ikinakalat sa inihandang lupang tatamnan partikular sa palayan
– Sa barayti ng dialekto ng bikol kasingkahulugan din ito ng isa ding salitang Bikol na
‘wisik’ na ayon kay V. Almario (2016), nangangahulugan din itong paraan ng pagdidilig
ng halaman, lalo’t mga bago pa lang ang mga punla. Mahina ang pinapatak na tubig, halos
ang layunin ay mabasa lamang ang mga punla o ang lupa sa paligid. Kung magkagayon
lamang ang salitang ito ay tumutukoy sa isa sa mga preparasyon o paghahandang
isinasagawa sa pagsasaka.
– Samakatwid, batay sa naisagawang pagsasaliksik maaari nating bigyang pakahulugan sa
papel na ito ang salitang ‘wirik’ bilang pagtukoy sa kilos o akto ng gradwal na pagsaboy
ng maliliit na butil ng isang partikular na bagay na maaaring sa anyo ng matigas at buong
bagay o maaari na mang sa anyo ng likido.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Nakikita sa pagwiwirik ang tiyaga ng magsasaka na maisaboy ang
mga binhing papatubuin sa inahandang laboy, isa sa mga katangiang
maaaninag natin sa ating mga magsasaka ang sipag at tiyaga sa
pagtatrabaho sa sakahan.
TANOM
ETIMOLOHIYA
– Malaking posibilidad na parte ng Wikang Austronesyo ang salitang tanom. Sa
kasaysayan ng Pilipinas ang pangalawang alon ng pagdayo ay ang mga
Southern Mongoloid, o mga Austronesian
– Ang wikang Chamorro sa bansang Guam ay mayroon din salitang Tanom
magkatulad ang kahulugan at baybay sa salitang tanom ng Bikol. Ang wikang
Chamorro ay wikang Austronesyo katulad din ng dialektong Bikol kaya hindi
malayo na mayroong pagkakatulad ang mga salita
– Sa wikang Indonesian at malay ito ay maisasalin sa salitang “tanam” na ang
ibig sabihin ay itanim o ibaon, samantalang medyo may kalayuan ito sa wika
ng Samoan, ang babay ay Tanu, na may kahulugang gamit na sinusuot ng
mga babae,
– Sa tala ng mga Español ang salitang tanom ay binaybay bilang tinaisom na
may kahulugang Lo sembrado en alguna parte. Vide tanom. na may katumbas
na kahulugan sa Wikang Filipino na itinanim ko ito sa kung saan.
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Madalas gamitin ang Tanom ng Bikol sa agrikultura. Maari itong sa
pagtatanim ng palay, gulay o prutas, mga herbal na medisina at
palamuting bulaklak/masitas. Pwede din itong maging klasipikasyon ng
pananin, o pagtukoy sa kung ano ang tinanom, hal. Anong tinanom mo
dyan? Sa Filipino maisasalin ito sa Anong tinanim mo dyan?. Maari din
dagdagan ang salitang tinanim ng panugpong sa unahan, Hal. kung
kapanahunan na ng pagtatanin dinadagdagan ang salitang tanom ng “ra”
at panugpong sa dulo na “an”: ta/ra/nom/an/. Ang lugar naman ng kung
saan nagtatanim ay tinatawag na tanoman. Mapapansin ang pagdagdag ng
panugpong sa dulo na “an”. Mga iba pang panugpong sa unahan at dulo.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
TAROK
ETIMOLOHIYA
–Walang tiyak na pinagmulan, ngunit
maaaring ihalintulad sa salitang tarak
sa Filipino
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Ang taròk sa salitang bikol ay nangangahulugang paglilipat ng
tanim. Isang terminolohiyang ginagamit sa pagsasaka sa panahon
kung saan ang mga magsasaka ay magpupunta sa sakahan upang
ilipat ang may tubo nang mga punla upang paghanay-hanayin at
alagaan hanggang sa pagdating ng ani.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Kaugnay ng panahon ng pagtatarok, ang awiting “Magtanim ay di
biro”
• Sinasalamin nito ang kahirapan maging ang pagtitiyaga ng mga
magsasaka sa buong proseso ng pagtatanim. Makikita na pagkatapos
ng pagtatarok, habang nakababad ang mga paa sa putik ang simbolo
ng tunay na kultura at pagpapahalagang kaugnay ng pagsasaka
bilang ang rehiyon ng Bikol ay mayaman din sa lupang sakahan.
BUNAG
ETIMOLOHIYA
–Wala ring tiyak na pinagmulan ang salitang bùnag
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Ang salitang bùnag ay nangangahulugang pagpapatuyo ng
palay bilang gawain matapos ang pag-ani bago ito tuwirang
maging bigas na pansaing. Isinasagawa ito karaniwan sa
kalsada, noong hindi pa nauuso ang paggamit ng
makabagong makinarya, gamit ang kalaykay, ang mga
palay ay inilalatag sa daan at doon ay papatuyuin ng 2-3
oras gamit ang init na nagmumula sa araw.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Sa pag-usbong ng makabagong makinarya sa pagbubùnag
o pagpapatuyo ng palay, maaaring kinalaunay hindi na
makilala ang salitang ito. Ipinagbabawal na rin ang
pagpapatuyo sa kalsada dahil na rin sa ito ay nakakasagabal
sa pagdaan ng mga sasakyan at hindi rin daw mainam para
sa mga palay. Kaya naman, bilang pag-alala sa kalakip na
kultura ng gawaing ito, ang salitang bùnag ay dapat ding
maipakilala.
DALUGI
ETIMOLOHIYA
• Ang dialekto ng bikol ay pinagyaman ng kultura at kasaysayan. Isang
katangian ng rehiyong Bicol ay ang pagkakaroon nito ng malawak na
lupain na sakahan, pinagpala ng mga likas na yaman. Sa kadahilanang ito
nabuo ang mga salitang pang agrikultural. Isa na dito ang salitang Dalúgi
ng bikol na may kahulugan na pinatubo na palay para sa susunod na
taniman, katumbas nito ang pantanim na palay sa wikang Filipino. Kung
ating babaybayin ang Dalúgi malayo layo ito sa dialekto ng cebuano na
ang palay katumbas ng humay, kung ihamhambing natin sa Wikang
Filipino may roon salitang Lugi na ang ibig sabihin ay pagkalugi sa
negosyo o maskaunti kita kesa sa puhunan.
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Hindi na ginagamitan ng panugpong sa unahan o hulihan ang salitang
dalugi, sapagkat tiyak na ang gamit ay para lamang sa mga palay na
itatanim palamang. Madalas itong gamitin kapag mag uumpisa na ang
panahon ng pag tatanim, dahil dito muli naghahasik ng binhi ang mga
magsasaka para sa paghahanda sa "tararokan" katumbas nito ang
panahon ng taniman ng palay.
• Mga halimbawa
Bikol Filipino
• Taltagon na nindo si dalugi dyan Ikalat na ninyo ang mga palay na itatanim.
• Magayon ang talubo kang mga dalúgi. Maganda ang tubo ng palay
• Nasapsap na nindo ang dalugi? Natanggal na nindo ang pananim na palay?
• Naganot na ba ang dalugi? Nabunot na ba ang mga pananim na palay?
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
GINIK
ETIMOLOHIYA
• Sa salitang talagalog ay giik, ginagamit rin na katumbas sa wikang
Filipino
• Nagamit din ang salitang giik ng mga sinaunang siblisasyong agricultural
(hal. Sinnaunang Israel na nabanggit sa Bibliya)
• Ang malapit na kaugnay na salita ng ginik sa Bikol ay Linas, ngunit
mayroon itong mas malubhang kahulugan
– Magtuninung ka dyan kung habo mong linasun ta ka!
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Ginagamit ito bilang paglalarawan sa proseso ng paghihiwalay ng
butil ng palay sa tangkay nito.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Mahalagang malaman ang kaugnayan ng salitang ito sa buhay ng
mga bikolano, dahil isinasalalim din nito ang minsang pagkabata ng
mga bikolanong naglalaro sa palayan at kumukuha ng mg natitira
pang palay upang mapagkunan din ng palay
B AYU B O
ETIMOLOHIYA
• Ang salitang bayubo ay lumabas din sa Diksyonaryong Filipino
ngunit ang kahulugan nito ay naiiba
Bayubo
– Pintuan, pagitan gn dalawang silid (sariling salin)
TIYAK NA
GAMIT NG
SALITA
• Pagbalot ng ugat ng halamat gamit ang matabang lupa
– Hal. Maray dapat a pagkabayubo kan kamote nganig darakula an
bunga.
MGA DAHILAN
KUNG BAKIT DAPAT
KILALANING SALITA
NG REHIYON
• Maaring magamit ang salita sa kahulugan nitong maingat na
paghahanda o pagsasagawa ng isang bagay.
– Hal. Tuluyan nang nakatulog ang munting sanggol, maari na syang
bayubuon ng kumot at unan sa kanyang kuna.
MGA SANGGUNIAN:

You might also like