You are on page 1of 17

URDANETA CITY

UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

YUNIT IV

MGA SIMULAIN SA PAGSASALING-WIKA

A. Mga Katangian dapat taglayin ng isang taga saling-wika.

1. SAPAT NA KAALAMAN SA DALAWANG WIKANG KASANGKOT SA PAGSASALIN

Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at halagang
pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin, at ang ginamit na estilo na siyang bumuo
ng “flavor and feel of the message.”

2. SAPAT NA KAALAMAN SA GRAMATIKA NG DALAWANG WIKANG KASANGKOT SA


PAGSASALIN.

Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas ng
Ingles at Filipino. Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng mga
parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino.

Ang kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sapagsusuri o pagbatid sa tunay na


diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3. SAPAT NA KAKAKAYAHAN SA PAMPANITIKANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG.

Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.” Magkaiba ang
kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika. Kung
ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat
iba ang hagod ng makata. Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.

4. SAPAT NA KAALAMAN SA PAKSANG ISASALIN.

Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ayhindi magiging kasinghusay na
tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang tagapagsalin na higit na may
kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.

5. SAPAT NA KAALAMAN SA KULTURA NG DALAWANG BANSANG KAUGNAY SA


PAGSASALIN.

Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles
ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng
kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

gaya ng alam natin, ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang
pagkakaiba sa kultura.

Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit


na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.

B. Kahulugan ng pagsasaling-wika

PAGSASALING-WIKA
•ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata
at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003).

C. ILANG SIMULAIN SAPAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

BAWAT WIKA AY NAKAUGAT SA KULTURANG MGA TAONG LIKAS NA


GUMAGAMIT NITO

• ANG AMERICA AT PILIPINAS AY DALAWANG BANSANG LUBHANG MAY MALAKING


PAGKAKAIBA SA KULTURA. ANG INGLES AY WIKANG KASANGKAPAN NG MGA
AMERICANO SA PAGPAPAHAYAG NG KANILANG KULTURA; ANG FILIPINO (at iba pang
katutubong wika sa Pilipinas) AY GAYON DIN SAATING MGA PILIPINO.

• ANG LAHAT NG WIKA AY MAY SARILING KAKAYAHAN BILANG KASANGKAPAN SA


PAGPAPAHAYAG NG SARILING KULTURANG KINABUBULUHAN NITO. MABISA ANG
INGLES SA PAGPAPAHAYAG NG KULTURANG AMERICANO; MABISA ANG FILIPINO SA
PAGPAPAHAYAG NG KULTURANG PILIPINO.

• SA MGA ORAS NG PAGKAGALIT, PAGKABIGLA, PAGKATUWA, PAGKATAKOT AT IBA


PANG PAGKAKATAON NA KINASASANGKUTAN NG DI-KARANIWANG EMOSYON,
LUMILITAW SA ISANG TAOANG KANYANG TUNAY NA WIKA.

• ANG ISANG MATERYALES NAMAN NA NASUSULAT SA FILIPINO ANG ISASALIN SA


INGLES, MAHIHIRAPAN DIN ANG MGA TAGAPAGSALING AMERICANO SA PAGHANAP
NG PANUMBAS SA MGA SALITANG KARGADO NG KULTURANG PILIPINO.

HALIMBAWA:’’AS WHITE AS SNOW’’ ‘’KASIMPUTI NG NYEBE’’

BAWAT WIKA AY MAY KANYA-KANYANG NATATANGING KAKANYAHAN

• MALAKI ANG PAGKAKAIBA SA KAKANYAHAN NG MGA WIKANG HINDI MAG


KAKAANGKAN AT MALAKI NAMAN ANG PAGKAKATULAD SA KAKANYAHAN NG MGA
WIKANG MAG KAKAANGKAN . AT DAHIL HINDI MAG KAKAANGKAN ANG FILIPINO AT
INGLES, NATURAL LAMANG NA MAGING MALAKI ANG PAGKAKAIBA SA KAKANYAHAN
NG DALAWANG WIKANG ITO .

• BAWAT WIKA AY MAY SARILING PARAAN NG PAGBUBUO NG MGA SALITA :


PAGSUSUNUD – SUNOD NG MGA SALITA UPANG MABUO ANG PARIRALA O KAYA’Y
PANGUNGUSAP.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

• ANUPA’T SA PAGSASALING WIKA DAPAT MALAMAN NG TAGAPAGSALIN NG MGA


KAKANYAHAN, ANG KALAKASAN AT KAHINAAN NG MGA WIKANG KASANGKOT SA
KANYANG ISASAGAWANG PAGSASALIN.ANG ISANG KATANGIANG NASA ISANG WIKA
AY HINDI DAPAT ILIPAT SA PINAGSALINANG WIKA ANG ISANG SALIN, UPANG
MAITURING NA MABUTING SALIN ,AY KAILANGANGTANGGAPIN NG PINAG UUKULANG
PANGKAT NA GAGAMITIN NITO.

BIGYAN NG PAGPAPAHALAGA ANG URI NG FILIPINO NA KASALUKUYANG


SINASALITA NG BAYAN.

• SA NGAYON AY MARAMING URI NG FILIPINO ANG ATING NARIRINIG. NATURAL


LAMANG ANG GAYON SA ISANG WIKANG NAPAKABILIS ANG PAG UNLAD . SA DAKONG
HULI AY ALAM NATING MAGTATAGPUTAGPO RIN ANG IBAT -IBANG URING ITO
UPANG BUMUO NG MATATAWAG NATING TUNAY NA WIKANG FILIPINO

• ANG MGA DAGLAT AT AKRONIM , GAYUNDIN ANG MGA PORMAL ,NA MASASABI NG
ESTABLISADO O UNIBERSAL NA ANG MGA GAMIT AY HINDI NA KAILANGANG
BAGUHIN PA UPANG UMAYON SA BAYBAY NG KATUMBAS SA FILIPINO.

SA PAGSASALIN AY LAGING ISAISIP ANG PAGTITIPID SA MGA SALITA.

• MALIMIT NA HUMAHABA ANG SALIN DAHIL LAMANG SA NAGING MATIPID SA SALITA


ANG TAGAPAGSALIN. DITO MALIMIT NAGIGING DI MAINGAT ANG IILANG
TAGAPAGSALIN KAHIT “HAWAK NA HAWAK “ NILA SA PALAD ANG WIKANG
PINAGSASALINAN

• NAGKAKAROON LAMANG NG TIYAK NA KAHULUGAN ANG ISANG SALITA KAPAG


ITO’Y NAGING BAHAGI NG PANGUNGUSAP. ANG NORMAL NA BALANGKAS NG
PANGUNGUSAP SA INGLES AY SIMUNO + PANAGURI , SAMANTALANG SA
FILIPINO,ANG ITINUTURING NA KARANIWANG AYOS NG PANGUNGUSAP SA FILIPINO
AY PANAGURI +SIMUNO.

1. MAY MGA PAGKAKATAON NA ANG MGA TAHASANG PAHAYAH SA INGLES AY


KAILANGANG GAMITAN NG EUPEMISMO SA FILIPINO UPANG HINDI MAGING
PANGIT SA PANDINIG .

MAHALAGA ANG DIKSYUNARYO SA PAGSASALING -WIKA NGUNIT HUWAG


KANG PAAALIPIN DITO.

YUNIT V

Ilang Batayang Konsepto at Kaalaman sa Filipino at Pagsasaling Wika

 PANIMULA

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Nilalayon sa kabanatang ito na lalo pang maihantad ang gagamit ng aklat sa


mga bagay-bagay na may kinalaman sa kalikasan ng wikang Filipino na bilang
wikang pagsasalin ay siyang nasa ubod ng mga talakay sa aklat na ito.

Napakahalga, halimbawa, para sa sinumang nagbabalak magsagawa ng


pagsasalin na mamulat sa malaking pagkakaiba ng sistema ng pagkabaybay sa
Filipino at sa Ingles, gayundin ang pagkakaiba sa istruktura ng mga
pangungusap at mga pantig, ang pakakaiba sa paraan ng pagbuo at paglalaping
mga salita, sapagkat malaki ang kinalaman ng mga ito sa panghihiram ng mga
salita na lagi nang nagiging isa sa malulubhang problema sa pagsasaling-wika.

 ANG PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES

Sa mga wikang itinututring na dayuhan ng mga Piliipino ay ang Ingles at Kastila


ang natatangi sa lahat. Tatlundaan at tatlumpu ’t tatlong taong (333) aktwal na
nasakop at naimpluwensyahan ng bansang España ang Pilipinas, kaya ’t
napakalaking bahagi ng ating kasayasayan ang nasusulat sa wikang Kastila.
Hanggang ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang kastila sa mga paaran, kahit
bilang isang kursong elektib lamang, sapagkat naniniwala ang mga may
kinalaman sa edukasyon na ang wikang ito ’ y dapat manatiling buhay sa ating
bansa upang magsilbing kawing sa ating nakalipas.

Subalit habang ang Wikang Ingles ay nananatiling wikang panturo sa ating


paaralan, ito ’ y magpaptuloy na daluyan ng mga paniniwala, kaisipan at
kulturang dayuhan o banyaga.

Marami ng pagtatangka ang isinasagawa upang unti-unting mapalitan ng wikang


Filipino ang wikang Ingles bilang wikang panturo kahit sa mga antas elementarya
at sekundarya man lamang (EDCOM Report, Kongreso ngPilipinas, 1992).
Ngunit lubhang napakalalim na ang pagkakatanim ng wikang Ingles sa ating
sistema ng Edukasyon.

Kumbensyong Konstitusyonal noong 1972- 1973 na ginanap sa Manila Hotel.


Ang kanilang ikinikilos, pangangatwiran, pananalita, ang kanilang mataas na
pagkakilala sa wika ng mga dating mananakop at mababang pagkakilala sa
wikang pambansa ay magandang larawan ng mga nakapag-aral na mga
mamayang Pilipino, lalo na ng mga pulitiko at kinikilalang mga lider.

Ang nabanggit sa itaas ang nakapanlulumong resulta ng ating patuloy na


paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo. Sapagkat ang oryentasyon ng
mga delegado ay sa wikang Ingles, natural lamang na sa Ingles sila higit na
mabisang makapagpapahayag ng kani-kanilang kaisipan. Samantala, kung
Filipino ang magiging wikang panturo sa mga paaralan at ang Ingles ay ituturo
na lamang bilang isang kurso.
(075) 600 - 1507
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 ANG PAGSALIN SA LARANGAN NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Isinisaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na ang mga


asignaturang araling panlipunan/agham panlipunan, wastong paguugali,
edukasyong panggawian, edukasyong pangkalusugan at edukasyong pisikal
(social studies/social science, character education, work education, health
education and physical education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino), samantalang
ang Agham at Matematika ay sa Ingles.

 ANG PANGHIHIRAM SA INGLES: MGA SULIRANIN AT


MUNGKAHINGPARAAN
Alinsunod sa kasalukuyang Konstitusyon, ang Pilipinas ay may dalawang
opisyal na wika:

1. Filipino

2. Ingles

Ang palabaybayin o sistema ng pagbaybay ng wikang pambansa na nagpakita ng


kakayahan sa pag-asimila ng mga salitang-hiram sa Kastila ay kinakitaan naman ng
kahinaan sa pag-asimila ng mga salitang hinihiram sa wikang Ingles.

Halimbawa: Flashcard = Plaskard

 KAHULUGAN NG PANGHIHIRAM

 Ang paghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram ng isang


bagay.
 Samantala, kung “ salita ” ang ating hiniram, hindi natin tungkulin pang ito ’ y
isauli sapagakat ang nasabing salita ay nagagamit din ng ating pinaghiraman.

 MGA URI NG PANGHIHIRAM

 1. PANGHIHIRAM NA DAYALEKTAL

Ang ganitong panghihiram ay nagaganap lamang sa ibat-ibang diyalekto ng


isang wika.

2. PANGHIHIRAM NG KULTURA

Ang ganitong panghihiram ay laganap sa iba ’t ibang wika ng isang bansa o sa


mga wika ng mga bansang nagkakaroon ng ugnayan.

 3. PANGHIHIRAM NA PULITIKAL

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Karaniwang nagaganap ang ganito sa mga bansang nasasakop o nasakop ng


higit na makapangyarihang bansa. Ang agos ng panghihiram na Pulitikal ay isang
direksyon lamang mula sa wika ng sumasakop o sumakop patungo sa wika ng
nasasakop o nasakop.

 ILANG OBSERBASYON SA PANGHIHIRAM

 Ang bansang pinanghihiraman ng mga salita ay karaniwang higit na maunlad at


makapangyarihan sa bansang nanghihiram.
 Natural na natural sa mga Pilipino ang manghiram sa wikang Ingles.
 Labis na nahantad ang taong ito sa wikang Ingles.
 Paggamit paminsan-minsan ng mga salita o pariralang Ingles upang iparamdam
sa nakaririnig na siya ’ y nag-aaral.
 Kapag ang isang bansa ay matagal na panahong nahantad sa kultura at
buhayintelektwal ng ilang bansa, ang wika ng bansa ito ’ y nahahaluan nang
labis-labis ng mga salitang hiram sa bansang nakaiimpluwensya.
 Ang isang karanungan ay higit na mabisang naipapahayag ng isang tao sa
pamamagitan ng wikang ginamit niya sa pagdukal ng nasabing karunungan.
 Maraming panlaping Kastila ang nakapasok sa ating wikang pambansa.

 MGA ANTAS NG PANGHIHIRAM

 Kung hahatiin natin sa dalawa ang mga salitang ginagamit sa Filipino mga
batayang salita (content words) at mga salitang pantulong (function words)
madali nating mapatutunayan na karaniwang hinihiram ang mga batayang salita
at bihira ang mga pantulong.
 Ang mga panlapi ang itinuturing na moog ng isang wika. Sa ibang salita, habang
buo ang mga panlapi ng isang wika, ito ’ y matatag pa rin at hindi pa
nanganganib.

Ibinahagi ng Ikalawang Pangkat

Acosta, Ma Christina

Cabrera, Mark

Casugo, Alyssa

Corpuz, Zyra

Launico, Leslie Mae

Millon, Jerrymie

Morden, Jona Mae

Peralta, Evelyn

Ramirez, Samuel
(075) 600 - 1507
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Vila, Rochelle

INTRODUKSYON SA PAGSASALING-WIKA.

Ang Maugnaying Filipino ng NSDB(National Science Development Board) Ang NSDB, sa pangunguna nina
Dr. Rogelio Relova at engr. Gonsalo del Rosario, ay nagtangkang bumuo ng mga katawagan o
terminolohiyang pang-agham sa Filipino na may “internal consistency” o pagiging maugnayin. Lansakan
ang ginawang paglikha ng lupon ng mga terminolohiyang pang-agaham, isang paraang maituturing na
salungat sa normal na pagpapaunlad ng wika.

KAHINAAN NG “MAUGNAYIN”

1.Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa ibang katutubong wika sa pilipinas ay
walang Sistema.Maraming mga likhang salita sa “maugnayin” na kakatwa o banyagang- banyaga ang
dating sa karaniwang mambabasa sapagkat ang pinagkabit-kabit na mga bahagi ng salita ay hindi mga
morpema o makahulugang yunit ng pinag kunang mga wika.

Halimbawa ng salitang likha ng NSDB ay “BILNURAN” na galling diumano sa mga salitang “bilang” at
“panunuran”, ay hindi mga morpema sa Filipino, kaya’t hindi madali mauunawaan ng isang karaniwang
mambabasa na ang likhang katawagang “bilnuran” ay hinugot pala sa “panunuran ng mga bilang” na ang
ibig sabihin diumano sa Ingles “arithmetic”.

2.Lumikha pa ng mga katawagan gayon may mga salita para sa mga ito na palasak na sa bibig ng bayan.

Halimbawa: “binhispan” para sa “seminar”, “hatidwad” para sa “telegram”, “hatinig” para sa


“telepono”, “agsikap” para sa “inhinyero”, “daktinig” para sa “mikropono at marami pang iba

. 3. Ang paghiram ng salita at panlapi sa ibang katutubong wika at pagkatapos ay pagkakarga sa mga ito
ng ibang kahulugan.

Halimbawa ay ang salitang “danum” na hiniram sa wikang Iloco at pagkatapos ay kinargahan ng


kahulugang “liquid” sapagkat sa kanila ito ay “tubig” at hindi lahat ng “liquid” ay “tubig”. Bukod sa mga
salita nanghiram din ang “Maugnayin” ng mga panlapi sa ibang katutubong wika tulad ng “aghamanon”
– (agham + -anon) sa Hiligaynon. Kung ang “–anon” ay nag bibigay ng diwang pagkadalubhasa, mabuti
pa’y kinuha na lamang ang “dalub-“ ng “dalubhasa” at pagkatapos ay siyang ikinabit sa “agham-“ –
“dalub – agham”.

4.Maraming likhang salita na lubhang mahaba, kakatwa, walang kahulugan kahit sa mga napakahusay sa
Filipino, at nakpipilipit ng dila. P

Halimbawa: “pahayliknayanig mabilos na suga” (biophysically active light) mula sa tagalog na “mabilos
na suga”.

5.Ang pag buhay ng mga patay na salita. Namamatay ang isang salita kung wala ng gumagamit
nito;kung hindi na ito kailangan sapagkat may kapalit nang ibang salita na higit na mabisa, lalo na kung
hiram sa wika ng dating mananakop.

Halimbawa: Ang salitang “ulnong” ay matagal nang patay at napalitan na ito ng “lipunan” o kaya ay ng
“sosyedad”. Ano’t bubuhayin pa ang “ulnong”?Ang “ulnong” daw ay “society in General”. Ang isang
salita ay karaniwan ng nagdadala ng higit pa sa isang kahulugan. Higit na madaling kargahan ang salitang
“lipunan” o “sosyedad” ng iba’t ibang kaugnay na kahulugan kaysa buhayin pa ang patay nang salitang
“ulnong”.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

KALAKASAN NG “MAUGNAYIN”

1: May mga likhang salita ang “Maugnayin na tumatama sa pangangailangan ng inilunsad ng


pamahalaan na pagpaplano ng pamilya.

Halimbawa, marami tayong katawagan tungkol sa seks ang hindi natin magagamit ng pormal nap ag-
uusap sapagkat ang mga ito ay “taboo” o malaswang pakinggan. May salitang Tagalog, halimbawa, na
katumbas ng “sperm” ngunit iyon ay hindi natin magamit nang hindi tayong maturingang bastos o hindi
edukado. Lumikha ng “Maugnayin” ng panumbas dito “punlay” na kinuha sa “punlay ng buhay”.

2: Ang Maugnayin” ay nakapipigil sa labis na panghihiram sa ibang wika, lalo na sa Ingles na


nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.

3.Ang panghihiram ng “Maugnayin” sa iba’t ibang wikang katutubo ay ikinatutuwa ng mga di – tagalog,
lalo na ng mga nagsasabing ang wikang binabansagan nating Filipino, ay wikang tagalog lamang.

Halimbawa ng mga salitang hiram sa mga wika nating katutubo na hiniram ng “Maugnayin”; “paslip”
para sa “steel” (mula sa mga Ilocano), “antangan” para sa “design” (mula sa Maranao), “kusog” para sa
“energy” (mula sa Hiligaynon), atbp. 

Ang Alpabetong Filipino at Pagsasaling-Wika

Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling-wika sa aklat na ito ay ang anyong pasulat, nararapat
lamang na magkaroon ang magsasagawa ng pagsasalingwika ng mga batayang kaalaman sa anyong
pagsulatng Filipino,ayon sa kasalukuyang Alpabetog Filipino. Ang panghihiram ay walang problema kung
ito ay pasalita. Subalit sa sandaling tangkaing isulat ang mga salitang hinihiram, doon na lilitaw ang
problema kung ito ay pasalita. Subalit sa sandaling tangkaing isulat ang mga salitang hiniram, doon na
lilitaw ang problema sa ispeling

. Halawin natin sa Alpabetong Filipino ang mga sumusunod na may malaking kinalaman sa pasulat na
pagsasalin:

1.Bilang ng mga Letra-Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.


(A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z). Sa 28 letrang ito ng Alpabeto 20 letra lamang
ang dating Abakada (A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W, Y) ang gagamiting “kung ano ang bigkas ay
siyang sulat, at kung ano ang sulat ay siyang basa.”

Kahulugan ng Panghihiram Ang panghihiram ng salita ay may malaking pagkakaiba sa panghihiram ng


isang bagay na tulad ng Barong Tagalog,halimbawa. Kapag nanghiram ng isang bagay na tulad ng
Barong, una, ay tungkulin nating ito’y isauli sa ating pinanghiraman; ikalawa, hindi natin ito maaaring
baguhin. Kung ito’y maluwag o mahaba hindi natin ito maaaring kiputin o iklian; ikatlo, kung ito’y nasira
o nawala, dapat nating palitano bayaran; at ikaapat, habang nasa atin ang Barong, hindi muna ito
magagamit ng may – ari sapagkat ginagamit natin.

Samantala, kung “salita” ang ating hiniram, hindi natin tungkulin pang ito’y isauli sapagkat ang nasabing
salita ay nagagamit din ng ating pinag hihiraman. Isa pa, ang tunog at baybay ng salitang ating hiniram ay
maaari nating baguhin o palitan nang wala tayong pananagutan sa ating pinaghihiraman. Kung hiniram
natin, halimbawa, ang salitang “electricity” ay hindi natin tungkuling papanatilihin ang gayong bigkas at

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ispeling. Maaari natin itong gawing “elektrisidad” o“elektrisiti” nang wala tayong dapat alalahanin sa
ating pinanghiramang wika.

Anupat kung susuriin nating mabuti ay hindi naman tunay na panghihiram ang ating ginagawa kung
pangongopya, panggagaya o panggagagad lamang. Kaya nga’t wala naman tayong inutang o hiniram

Panghihiram na Dyalektal Ang ganitong panghihiram ay nagaganap lamang sa iba’t ibang dyalekto ng
isang wika. Ang Tagalog, halimbawa,ay maraming klase may Tagalog-bulacan,Tagalogaguna,Tagalog-
Cavite,Tagalog-Batangas,Tagalog-Nueva Ecija,TagalogBataan,Tagalog-Manila,atb. Bukod dito,mayroong
pang tagalog-Ilocano,TagalogKapampangan,Tagalog Cebuano, Tagalog-muslim,atb.

Bawat uri ng Tagalog ay alam natin na may kakanyahan maaaring ma Sistema ng paglalapi, sa balangkas
ng mga pangungusap,sa kahulugan ng mga salita,atb. Gayunpaman,sa iba’t ibang uri ng Tagalog ay may
isang higit na tinatanggap ng nakararami, kayat siyang maituturing na pinaka-norm o pinakaistandard.
Ang isang tagalalawigan,halimbawa,na makapanirahan sa maynila ng matagal-tagal ay
naiimpluwensyahan ng tagalogmaynila ng hindi niya namamalayan. Pagbalik niya sa lalawigan ay
mapapansing siya’y meron ng puntong-maynila. Gayon ay lihim niyang ikinatutuwa. Sa kabilang dako,
hindi ikatutuwa nang lihim ng isang tagalalawigan kung siya’y maluwas ng Maynila at sabihing siya’y
puntong probinsyano o kaya’y bansang “promdi” (from the province)”

Panghihiram na Kultural Ang ganitong panghihiram ay laganap sa iba’t ibang wika ng isang bansa o sa
mga wika ng mga bansang nagkaroon ng ugnayan.

Halimbawa 1- Panghihiram ng Filipino ng mga salita sa iba’t ibang wika sa kapuluan na kargado ng
kultura,tulad ng “pinakbet,saluyot,dinengdeng” sa Ilocano.

Halimbawa 2- panghihiram ng Filipino sa iba’t ibang wika ng daigdig,tulad ng


“mami,syopaw,karate,dyip,notbuk,kurikulum,awditoryum,”atb.

Panghihiram ng Pulitikal Nagaganap ito kapag ang dalawang wika ay umiiral sa isang pamayanan o sa
isang bansa. Karaniwang nagaganap ang ganito sa mga bansang nasasakop o nasakop ng higit na
makapangyarihang bansa. Ang agos ng panghihiram na pulitikal ay isang direksyon lamang – mula sa
wika ng sumasakop o sumakop patungo sa wika ng nasasakop o nasakop.

Ang panghihiram ng wikang Filipino sa Ingles at sa Kastila ay mapapangkat sa ganitong uri ng


panghihiram. Kung sabagay, maaaring masabi na ang Pilipinas ay hindi na sakop ng America(at lalong
hindi rin ng España). Ang Pilipinas ay isa nang bansang malaya. Ngunit dalawa ang uri ng paglaya:
paglayang pisikal at paglayang mental o sikolohikal. Totoong ang Pilipinas ay isa nang bansang malaya
kung ang pag-uusapan ay ang legal o pisikal na uri ng paglaya. Nguni tang ating kaisipan bilang isang lahi
ay patuloy pang nahihibuan kundi man nasasakop ng mga kaisipang banyaga o kanluranin dahil sa
matagal na pagkakasakop sa atin ng mga bansang España at America.

Isang katotohang hindi maitatatwa na kapag lumaganap at naging opisyal na wika sa isang bansa ang
wika na kanyang dating mananakop,ang bansang iyon ay hindi na kailangang sakupin pang muli. Isa pa
ring katotohanan na kapag minaster ng isang lahi ang wika na kanyang dating mananakop, hindi niya
namamalayan na siya naman ang namamaster nito

GAMIT NG 8 DAGDAD NA LETRA

 Pantanging ngalan ng PANGNGALAN

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang maasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa ating
sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na sa orihinal na anyo sa Ingles, kaya’t nagkakaroon na
tinatawag na VISUAL REPULSION sa mambabasa.

 Mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’t-ibang katutubong wika.

 Malaking gulo ang dinulot ng walong letra sa pagbaybay ng mga karaniwang salita sa Filipino.

 Malaking problema ito sapagkat nawawasak ang pagiging konsistent ng palabaybaying Filipino. Dahil
sa sistemang pagbaybay, bawat ponema o makahulugang tunog ay isang lamang ang itunutumbas o
itninatapat. Kaya’t ang bawat isa sa ma letrang (c,f,j,ñ,q,v,x,z) ay kailangang kumakatawan muna sa
ponema bago maisama sa mga katinig na gagamitin sa karaniwang salita.

 Isa pang cognate o kaugat ang mga ito na nasa ibang higit na maunlad na mga wikang katutubo, tulad
ng bado , ngipen,ngipon, buuk, bituon. Hindi naman maaring tanggapin lahat ang mga kaugat ng isang
salita dahil ang kahinatnat nito ay ang kalituhan.

 Sapat na ang kataliwasan o ekspresyon ngunit hindi lohikal na maging batayan ang gamitin ang mga
ito ng pagtanggap sa mga letrang (c,f,j,ñ,q,v,x,z) .

 Kung sadyang kailangang gamitin ang mga salitang may ganitong letra sa isang partikular na
sitwasyong pasulat, gamitin ito ng nakasalungguhit o italisado.

MGA LETRANG “C” AT “F”

 Sa kasalukuyang alapbetong Filiino ang “c” ay kinskstumbasan ng “k” o “s” batay sa kung ang kasunod
na patinig

“c”- “k” kung ang sumusunod na patinig ay “a,o,u”

 cabinet- kabinet  comics- komiks

“s” kung ang sumusunod na patinig ay “e,i”

 central- sentral  circuit- sirkwit

Ang “f” (at pati na ang “ph”) ay tinutumbasan ng “p” tulad ng:

 Fraction- Praksyon  Fraternity-praterneti  Factor- paktor  Alphabet- alpabeto

 Ang “f”’ at “p” ay magkaiba ponema, hindi pa nakikipagkontrast sa “p” yung “f” kaya’t hindi pa sila
matatawag o maituturing na na isang ponema sa filipino.

. Letrang “J”

 Hindi rin magiging praktikal na gamitin ito sa mga karaniwang salita sapagkat sa Ingles ay hindi laging
“J” ang nagrerepresenta o kumakatawan sa tunog na /j/

 Bukod dito, ang “j” ay /h/ ang tunog kapag sa kastila hinihiram ang salita, tulad ng cirujano, voltaje,
jabonera, viaje, jueteng atb.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Sa kasalukuyan alpabeto, ang “j” aay karaniwang tinutumbasan ng “dy”, tulad ng

Jeep = dyip janitor= dyanitor pajama = padyama journal = dyornal

Letrang “ñ”

 Karaniwang salitang kastila ay tinutumbasan sa Filipino n “ny” gaya ng

cañon = kanyon paño = panyo piña= pinya

 Hindi rin praktikal na gamitin ang “ñ” sa pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat malaking gulo
ang idudulot nito sa ating sistema ng pagbaybay.

 Walang makakapigil kung ang hiram na salita sa Kastila na naasimila na ayon sa baybaying Filipino ay
ibalik ng ibang tagagamit ng wika sa orihinal na ispeling.

Letrang “Q”

 Mananatili ang letrang Q sa mga hinihiraming salita na taglay ang letrang Q na may tunog na /kw/
tulad ng quarts, quiz, quadratic, quantum. Malaking gulo rin ang idudulot nito sa palabaybaying Filipino
sapagkat hindi sakop ng tuntunin ang mga salitang tulad ng “porque, querida, queso, quota atb.

 Ang “q” ay hindi pa rin kumakatawan sa isang ponema sa Filipino. Sapagkat hindi pa ito ikokontrast sa
“k”, hindi na naman maiiwasan ang paglitaw ng mga ispeling baryant na lubhang makapagpapagulo sa
napakaayos na sistema ng palabaybayang Filipino.

 Sa kasalukuyang alpabeto ang mga hiram na karaniwang salita na may letrang “q” ay tinutumbasan ng
“k” at iniaayon ang iba pang bahagi ng salita sa konsistent na sistema ng pagbaybay, tulad ng korum,
kota, keso kerida. Ang quartz, quiz quadratic, quantum ay maaring hiramin nang walang pagbabago.
Kung napapangitan sa kwarts, kwis, kwantum. Salangguhitan kung lilimbagin o piagawang italisado.

Letrang “v”

 Sa kasalukuyang alpabeto, ang letrang ito ay tinutumbasan ng “b” sa pagbaybay ng mga karaniwang
salita,

 Hindi parin nagkokontrast ang “v” at “b”. Kapag pumasok na sa Filipino ang mga pares ng salitang
tulad ng “van- ban” “vase- base” atb.

Letrang “x”

 Ang letrang ito ay kasalukuyang tinutumbasan ng “ks”

tulad ng Sexy- seksi Examine- eksamen Boksing – boksing

 Tulad ng ibang letra pinag-uusapan. Hindi rin magiging praktikal na panatilihing ang “x” sa pagbaybay
ng mga hiram na karaniwang salita upang kumatawan sa tunog na / ks/

.  Anupat kung panatilihin ang “x” salanguhitan o ipagawang italisado kung ipaglimbag.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Letrang “z”

 Sa kasalukuyang alpabeto, ang “z” ay tinutumbasan ng “s” tulad ng “cruzkrus, lapiz- lapis,zero- sero
atbp.

 Kung gustong panatilihin ang “z”, salungguhitan ang mga salita o ipagawang italisado kung ipalilimbag,
tulad ng zoo, zodiac, zombie.

MGA HAKBANG SA PAGHIHIRAM

Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles, maaring sundin ang mga
sumusunod na paraan:

 Ang unang pagkukunan ng mga salitang maaring itumbas ay ang leksikon ng kasalukuyang Filipino,
kung mayroon.

HALIMBAWA: Rule- tuntunin Ability-kakayahan Skill- kasanayan East- silangan

 Sa paghihiram ng salita na may katumbad sa Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang hiram sa
Kastila. Iniaayon sa bigkas ng Kastila ang pagbaybay sa Filipino.

 Kung walang katumbas sa kastila o kung mayroon man ay maaring hindi mauunawaan ng
nakakaraming tagagamit ng wika, hiniram nang tuwiran ang katawagang INGLES at baybayin ito ayon sa
mga sumusunod na paraan; kung konsistent ang ispeling ng salita, hiniram ito nang walang pagbabago.

 Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito sa baybayin nang konsistent sa pamamagitan
ng 20 letrang nasa dating ABAKADA.

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

 Gayunpaman, may mga ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistent sa paggamit

 May mga salita sa Ingles ( o sa iba pang banyang wika) na maaring pansamantalang hiramin nang
walang pagbabago sa ispeling, tulad ng mga salitang lubhang di konsistent ang ispeling o malayo ang
ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi na mabakas ang orihinal na
ispeling nito kaya tinatanggihan ng paningin ng mambabasa.

Halimbawa: coach rendezvous doughnut champagne sandwich pizza pie


brochure habeas corpus

 Pansamantalang hihiramin nang walang pagbabago sa ispeling ang ganitong mga salita sapagkat
baling araw, malamang na ang iba sa mga ito ay baybayin nan g mga tagagamit ng wika ayon sa
palabaybayang Filipino.Maraming hiram na salita na sa paglakad ng panahon ay bayan lamang ang
makapagsasabi kung paano aasimilahin.

Halimbawa: calcium x-ray quartz xerox xylem zinc oxide

 Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong katangiang kultural.
Gayunpaman,walang magiging problema kung iayon man kaagad ang ispeling ng mga ito sa
palabaybayang Filipino sapagkat kitang-kita naman ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod
lamang sa palabaybayang Kastila.

Halimbawa: carjao = kanyaw, hadji = hadyi, masjid =masdyid

MGA SIMBOLONG PANG-AGHAM

Halimbawa: Fe(iron), H20 (water),C(carbon),NaCl(salt)

Simulain ng Pagtitipid

 Likas na nagyayari sa anumang antas ng wika-palatunugan(oponolohiya), palabuuan (o morpolohiya),


palaugnayan (o sintaks)-ang pagtitipid. Kung may mga letra sa isang salita na maaring alisin nang hindi
naman nagbabago ang kahulugan nito, alisin na lang

Halimbawa:  Diyip- dyip  Demokrasiya- democracia- demokrasya

 Nagbabago ang bigkas ng isang hiram na salita sapagkat ang nasabing salita ay hinihiram natin hindi
para sa pakikipagtalastasan sa mga katutubong tagapagsalita ng wikang pinaghihiraman kundi para sa
ating mga kapwa Pilipino.

 At kapag nabihisan na natin ng palatunugang katutubong atin ang isang hiram na salita, ang salitang
iyon ay atin na wala nang pakialam ang pinaghihiraman. Ang tototo, gaya ng natalakay nasa dakong una
(075) 600 - 1507
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

hindi naman talagang pinaghihiraman ang nangyayari kundi pangongopya lamang na hindi naman
nawawala kundi nanatili rin sa wikang pinagkopyahan.

 Sa antas man ng palaugnayan ay natural na nangyayari ang pagtitipid. Sa katotohanan ay wala pang
salita, parirala, o pangungusap na dating maikli ayhumahaba. Lagi na ang kabaligtaran nito. Sapagkat
kung ang lahat ng bagay sa daigdig ay dapat gamitin ng angkop na pagtitipid, di lalo na ang wika na
gamit ng tao sa bawat sandali.

 Pinag uukulan natin ng pansin ang mga bagay na ito sapagkat napakahalaga nito sa pagsasaling-wika.
Karaniwang mas humahaba ang salin kaysa sa orihnal. Ang karaniwang dahilan ay sapagkat ang
tagapagsalin di naging matipid.

YUNIT VI: MGA PARAAN NG PAGSASALING WIKA

KAHULUGAN NG PAGSASALING WIKA:

- Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat mula sa wika sa pang wika (English Tagalog
Dictionary ni Fr. Leo James English)

- Ito ay paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika tungo sa teksto ng isa pang wika.
(“A Linguistic Theory of Translation” ni J. Clifford)

-Ito ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o


mensaheng isinasaad sa wikang sinalin. (Dr. Alfonso Santiago sa kanyang “Sining ng
Pagsasaling Wika)

MGA PARAAN NG PAGSASALING WIKA:

Pagsasaling Salita sa Salita - Word for Word Translation ang tawag dito sa Ingles at
katumbas ito ng sinabi ni Savory (1968) na: A translation must give the words of the original.
Ginagamit ito para ipakita ang kahulugan ng mga salita at estruktura ng mga wikang
tinatalakay.

Halimbawa:
John give me an apple
Juan nagbigay sa akin mansanas

Si Juan ay nagbigay sa akin ng mansanas.

- Sa pagsasaling ito, ang ayos ng mga salita ay nanatili.

- Ang mga salita ay isinasalin ayon sa pinakapalasak na kahulugan.Layunin ng paraang ito na


madama angmechanics ng wikang isinasalin bilang panimulang hakbang

- Maganda itong gawin bago gawan ng pinal na pagsasalin lalo na sa mga mahirap unawain.

Orihinal: each citizen must aim at personal perfection and social justice through education.
(Quezon)

Salin: bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa


pamamagitan edukasyon.

Naturalisasyon (Naturalization)
- May pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal na pagbigkas at
pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Halimbawa:
Coup d’etat – kudeta
Television - telebisyon

Leksikal na Kasingkahulugan
- Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang
wika

Halimbawa:
‘old’house – ‘lumang’ bahay
‘old’ man – ‘matandang’ lalaki

Ang Leksikal na Kasingkahulugan (Lexical Synonym) ay isang pamamaraan ng pagsasalin na nagbibigay ng


malapit na katumbas ng mga salita base sa kung ano ang tinutukoy nito sa pinagmulang wika.

Halimbawa: old clothes - lumang damit old


man - matandang lalaki soft voice - mahinang
pananalita soft matress - malambot na kutson
bright mind - matalinong pag-iisp bright sun -
maliwanag na araw bright colors - matingkad
na kulay

Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent)


- Itinuturing itong malapit o halos wastong salin (Approximate Translation)

Halimbawa:
American – coffee break
English – tea break
Filipino – meriyenda

Kultural na Katumbas (Cultural Equivalent) o ang wastong salin ng salita ayon sa kultura o mga salitang
ginagamit ng wikang pagsasalinan

Katumbas sa Kultura - ang salitang kultural ay hinahanap ng katumbas sa TL.

Halimbawa :
Kung isasalin ang paririlang as white as snow, ang magiging katumbas nito ay kasimputi ng yelo. Itoay
maaaring tama, subalit hindi natural kaya higit na mainam na gaimitin ang simputi ng bulak. Pag narinig
ng batang Pilipino ang kasimputi ng bulak, ang konsepto ay pareho rin sa as white as snow sa mga
batang Amerikano.

Adaptasyon
- ito ang pinakamalayang anyo ngpagsasalin. Ito ay pangunahing ginagamit samga dula, awit at
tula. Ang paksa, ang tauhan ay matatagpuan kadalasang pinananatili ngunit ang kultura ng source
language ay isinasalin sa target language.

Adaptasyon o Panghihiram (Transference) - Ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription, o loan
words (salitang hiram) na ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa
simulaang wika patungo sa tunguhang wika.

Halimbawa:
Italian: pizza – English: hotdog Filipino: pizza – Filipino: hotdog

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

- Ito ang tinituring na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na ito sa
orihinal. Kadalasang ginagamit ito sa salin ng awit, tula, at dula na halos tono na lamang o
pangkalahatang mensahe ang nailipat sa salin.

Halimbawa:
Que sera sera!
Whatever will be, will be

The future’s not ours to see Que sera sera!

Ay sirang-sira!
Ano ang mangyayari
Di makikita ang bukas Ay sirang sira

Malaya (Free Translation)


- Ayon kina Almario, et al (2009) ito ay “malaya at walang kontrol at parang hindi na isang salin”.
Ipinahihintulot nito ang pagdagdag o pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng
kahulugan ng orihinal.

Halimbawa:
Ingles: Tone down your voice.
Filipino: Hinaan mo ang iyong boses.
Malaya : Kadalasan ang saling ito ay malayo nasa
Orihinal: Ito rin ay kadalasang mas mahabakaysa orihinal at maaaring sabihing hindi nasalin.

Malaya
- Kadalasan ang saling ito ay malayo na sa orihinal. Ito rin ay kadalasang mas mahaba kaysa
orihinal at maaring sabihing hindi na salin.

Halimbawa: “For the last twenty years since he is borrowed into one-room apartment near Baclaran
Church, Francisco Buda often strolled to the seaall and down the stone breakwater which stretched
from a sandy bar into the murky and oil tinted bay”. (Mula sa “The Drowning” ni F. Sionil Jose)

Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng
Baclaran. Si Francisco Buda ay mahilig maglibang sa breakater na mabuhangin at malangis.

Idyomatikong Salin
- Ayon kay Almario (2009) kung ang pahayag ay idyomatiko, mararapat na tumbasan din ito ng
pahayag na idyomatiko.

Halimbawa:
Ingles: Head of the family
Filipino: Haligi ng tahanan

- Ang mensahe ng orihinal ay isinalin sa paraang magiging madulas at natural ang daloy ng TL .
Ginagamit dito ang idyoma ng TL at sadyang nagiging iba ang porma ng pahayag ngunit ipinapahayag
ang mensahe sa paraang kawili-wiling basahin.

Halimbawa:
The boy had runnning nose.
Tumutulo ang ilong ng bata
(Hindi tumatakbo)

Idyomatiko

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com
URDANETA CITY
UNIVERSITY
Owned and operated by the City Government of Urdaneta COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

- Ito ang pagsasalin ng orihinal sa paraang madulas at natural ang daloy ng tunguhang lengwahe.

Group 4

Albutra, Marvin Rex

Aspiras, Kimberly

Cabiles, Mark Winston

Mercado, Domingo

Millares, Gracelyn

Pascual, April

Santos, Nelle Francine

Serdenola, Norie Grace

Sibayan, Maria Anastacia

(075) 600 - 1507


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Bright future starts here ucu.edu.ph | ucu.ctehs@gmail.com

You might also like