You are on page 1of 1

Aaron James S. Bacud Prof.

Sheila Mae Intoy


BSED MT 1-1

1. Ipaliwanag: Ang pag-aaral ng wika ay may kaikabat na pag-aaral ng kultura.


- Ang kultura ang nagiging isang instrumento para makalikha ng isang salita o wika.
Ang wika at kultura ay masasabi nating magkaisa sa pagkilala ng isang bansa at lugar
kung saan ito lumalaganap.
2. Magbigay ng mga limang (5) salita mula sa katutubong kaalaman (napanuod man sa
video o saliksik) at ipaliwanag ang kahulugan nito.
- Igolot – tawag sa mga taong naninirahan sa golot.
- Tagalog – tawag sa mga taong naninirahan sa ilog (taga-ilog)
- Tausug – tao sa sulog o agos.
- Subanon – tawag sa taga suba
- Sugbuhanon – taga-sugbo, o isang lugar na kung saan mayroong dadaanang
mababaw na tubig.
3. Bakit mahalaga ang indigenization process o mai-indeginize ang mga kaalaman kung
ito ay galing sa kanluraning pananaw?
Makikita sa prosesong ito kung paano umiikot o gumagalaw ang wika at kultura sa lugar
na kanilang kinagisnan o kinalakihan, mahalaga ito dahil dito natin malalaman kung
maaari bang isama o iambag sa pagtukoy wika ng ating wika. Maari rin sa dahilan ng
pagkakaiba ng kultura ng iba’t – ibang mga pangkat etniko ng bansa.
4. Magsaliksik ng mga limang (5) leksikon na makikita sa bokubolaryong Filipino na
'wala' (walang direktang pagsasalin) sa kanluraning bansa.
1. Kilig – isang uri na pakiramdam na nagsisilbing pagpapahayag ng pakatuwa o
pagkasiya.
2. Alimpungatan – ito ay ang nararanasan sa biglaang paggising sa mahimbing na
pagtulog.
3. Diskarte – tawag sa isang pamamamaraang ginagawa ng mga Pilipino.
4. Pasma – salitang tumutukoy sa pamamasa ng kamay at mga paa.
5. Kulit – tumutukoy sa paggalaw o kagiliwan ng isang tao lalo na sa mga bata.

You might also like